Ang Diyos ay kaalaman  

Magandang Balita

Pag-aaral ng Bibliya sa Genesis 21-30 bawat talata

Button Genesis 21Genesis 21  Button Genesis 22Genesis 22  Button Genesis 23Genesis 23  Button Genesis 24Genesis 24  Button Genesis 25Genesis 25  Button Genesis 26Genesis 26  Button Genesis 27Genesis 27  Button Genesis 28Genesis 28  Button Genesis 29Genesis 29  Button Genesis 30Genesis 30

Genesis 21 - Ang kapanganakan ni Isaac

Mga Talata 1-3 Ang katuparan ng pangako ng Diyos sa Genesis 18:10 at 14.

Talata 4 Bilang pagsunod at alinsunod sa tipan at utos ng Diyos sa Genesis 17:10, tinuli ni Abraham ang kanyang anak na si Isaac sa ikawalong araw pagkatapos ng kanyang kapanganakan.

Mga Talata 5-6 Ang kapanganakan ni Isaac ay isang regalo mula sa Diyos. Si Abraham ay isang daang taong gulang nang ipanganak ang kanyang anak na si Isaac. Si Sarah ay baog noon at hindi na nagreregla, gayunpaman ay nabuntis siya ng kanyang asawang si Abraham sa edad na siyamnapu.
Pinagkalooban ako ng Diyos na tumawa; lahat ng makakarinig ay tatawanan ako. Matatawa sa tuwa na nakatanggap pa rin si Sarah ng anak mula sa kamay ng Diyos. Ang pagtanggap at pagkakaroon ng isang anak na lalaki ay isang napakahalagang bagay sa buhay ng mga Hudyo, gaya ng nasaksihan ng insestiya ng mga anak na babae ni Lot at ang kanilang pagbubuntis.

Talata 7 Hindi lamang niregaluhan si Sarah na manganak ng isang anak na lalaki, ipinagkaloob din ng Diyos na kumpleto niyang maranasan ang pagiging ina; ang magpasuso't magpalaki sa kanyang sariling anak. Anong saya nang siya'y nabuntis, nagluwal ng malusog na sanggol at palakihin siya bilang ina. Sina Abraham at Sarah ay labis na natukso at nalihis sa plano ng Diyos noon, pero ngayon pagkatapos ng ilang dekadang paghihintay, isang malusog na tagapagmana ng pangako na siyang magiging isang dakilang lipi.

Talata 8 Ang kahulugan ng talatang ito ay hindi malinaw. Medyo natagalan ba bago nakapag-pasuso si Sarah? At nagkaroon ba ng labis na kagalakan nang dumating ang araw na nakapagpasuso na si Sarah? Sa araw na iyon, napakasaya nina Abraham at Sarah na inimbitahan nila ang kanilang mga kaibigan (at mga tagapaglingkod) na ipagdiwang ito?

Mga Talata 9-10 Hindi natutunan ng aliping babaeng si Hagar ang kanyang leksiyon mula 13 taon na ang nakararaan. Kinailangan niyang lumayas sa poder ni Abraham at muntik nang mamatay ang kanyang anak. Muli niyang pinagtatawanan si Sara. Paano ito posible? Resulta ng makalamang kaparaanan ang kanyang anak dahil na rin sa mungkahi't utos ni Sarah na makipagtalik siya kay Abraham. Ngayon na nasaksihan ni Hagar ang himala ng Diyos nang magbuntis at magsilang ang kanyang maybahay bagamat siya'y baog (noon) at may katandaan. Sa madaling salita, pinagtatawanan niya ang Diyos. Mahirap mang gawin sinabihan ni Sarah ang kanyang asawa na paalisin ang mapanuksong alipin. Bagaman ang babae ay dapat maging masunurin sa kanyang asawa, ito ay walang alinlangan na kinasihan ng Espiritu ng Diyos upang hilingin sa kanyang asawa na paalisin ang alipin. Ang anak (Ismael) na ipinanganak sa laman ay hindi pinahintulutang manatili sa piling ng ipinangakong anak (Isaac) ng Diyos.

Mga Talata 11-13 Malinaw na sinabi ng Diyos kay Abraham na ang ipinangakong anak ay si Isaac, at HINDI ang kanyang anak na si Ismael, na ipinanganak sa laman. Na siyang ipinaglihi mula sa kanilang sariling kaparaanan (at pangangalunya). Labis itong ikinalungkot ni Abraham sapagkat anak din naman niya si Ismael. Ngunit kailangan isakatuparan ng Diyos ang Kanyang plano kayat tinawag Niya si Abraham upang gabayan; ANONG MANG SABIHIN NI SARAH SA IYO, gawin mo. Mahalaga ang pagiging sunud-sunuran ng babae sa lalaki pero ang mag-asawa ay dapat laging hanapin at sumangguni sa KALOOBAN ng DIYOS. Inulit ng Diyos ang Kanyang pangako na si Ismael ay magiging isang dakilang lahi, ngunit HINDI siya makikibahagi sa pangakong ibinigay kay Isaac.

Mga Talata 14-16 Naghintay si Abraham hanggang sa umaga. Posibleng isang gabi ng emosyonal na tensyon at pagmumuni-muni. Ipinaghanda niya ng baong tinapay at inumin. Hindi man lang isang asno na kargado ng panlaang pagkai't inumin, o kahit pasamahan ng isa sa marami niyang lingkod para alalayan ang mag-ina. Layunin ba niyang manatili sa malapit ang alipin at ang kanyang anak para mabisita niya sila? Walang sagot sa Bibliya kung bakit nagbigay si Abraham ng tinapay lamang at isang balat ng tubig. Mabilis lang maubos ito lalo na sa disyerto. Ang aliping babae ay umupo sa malayo upang hindi marinig ang iyak ng kanyang anak. Hindi niya natutunan ang aral noong labintatlong taon na ang nakalilipas at ang pangako na ibinigay sa kanya ng Diyos noong panahong iyon.
Iniutos ng Diyos sa kanya, noong mga nakalipas na mga taon, na maging masunurin sa kanyang may-ari na si Sarah ngunit muli ang aliping babae ay sumuway, itinaas ang kanyang sarili kaysa sa kanyang maybahay. Kinailangan siyang parusahan ng Diyos dahil sa kanyang pagmamataas at ipagsapalaran pa ang buhay ng kanyang anak. Gaano siya kahangal na gumawa ng panunuya sa Diyos. Hindi ba niya nakita ang katuparan ng pangako ng Panginoon kay Sarah, isang matandang baog na babae, na bagamat nasa edad na nobenta ay nanganak pa ng isang lalaki? Marahil ay nakalimutan niya na ang Diyos ay nangako sa kanya labintatlong taon na ang nakalilipas na ang kanyang anak ay magiging isang dakilang bansa. Ngunit kailangan niyang magdusa para sa sarili niyang kasalanan.

Mga Talata 17-18 Hindi pinakinggan ng Diyos ang boses ng alipin. Ang mga pangyayari ay bunga ng kanyang sariling pagsuway, kanyang pagmamataas at walang pagtitiwala sa Diyos. Narinig ng Diyos ang tinig ng kanyang anak na labintatlong taong gulang. Kung bakit hindi sinundan ng bata ang kanyang ina, ay isang misteryo. Napagod na ba siya sa gutom at uhaw? Ngunit siya rin ay walang pananampalataya sa Diyos. Ang isang bata na labintatlong taong gulang ay may pananagutan na sa kanyang mga aksyon at pananampalataya sa Diyos.
Ang anghel ng Diyos ay tumatawag kay Hagar: Narinig ng Diyos ang tinig ng iyong anak. Isang malinaw na pagsaway, hindi ang iyong boses ang narinig ng Diyos, KUNDI ang tinig ng iyong anak. Muli ay inulit ang pangako: Gagawin siya ng Diyos na isang dakilang bansa.

Talata 19 Ang aliping babae ay masuwayin, kaya siya ay bulag at itinakwil. Kaya hindi niya nakita ang malapit na balon. Kapag ang mananampalataya ay lumalakad sa pagsuway, hindi na niya nakikita ang mga bagay nang maigi. Oo, ipinipikit ng Diyos ang mga mata at hayaan ang mananampalataya na lumakad sa pagkabulag. Pagkatapos lamang ng pagsisisi at pag-amin ng mga kasalanan, na siya ay makakapag-isip at makakilos muli nang malinaw.

Mga Talata 20-21 Naaalala ng Diyos na ito ay anak ni Abraham at ang Kanyang pangako kay Abraham. Lumaki ang batang lalaki at ang kanyang ina na taga-Ehipto ay pumili ng isang babaeng mapapangasawa niya mula sa kanyang katutubong Ehipto.

Mga Talata 22-24 Pinayagan ni Haring Abimelec si Abraham na manirahan sa kanyang bansa. Ngayon ay nakita ng hari na binigyan siya ng Diyos ng kanyang sariling anak. Hindi nakakagulat na nag-aalala ang hari. Sapagkat ngayon ang pagtira nila ay hindi matatapos sa pagkamatay ni Abraham. Ang kanyang anak ay patuloy na maninirahan sa bansa. Isang anak na wala noong gumawa ng tipan ang hari at si Abraham. Samakatuwid, ang dahilan ng panunumpa na si Abraham ay hindi kikilos nang mapanlinlang sa kanya O SA KANYANG MGA LAHI. Alam ng hari na siya ay mamamatay din. Nais niya ang kapayapaan sa pagitan ng kanyang mga anak at mga inapo ni Abraham. Ang hari at si Abraham ay gumawa ng isang bagong tipan sa ilalim ng panunumpa.

Mga Talata 25-26 Ngayong naibigay na ang mga pangako, ipinaalam ni Abraham sa hari na may mga lingkod ang hari na inangkin ang balon na hinukay niya. Ang tubig ay isang ganap na pangangailangan para sa kanyang sambahayan at mga alagang hayop.
Sinagot ni Abimelech na hindi niya alam ang tungkol sa balon at tinanong kay Abraham kung bakit hindi niya ito iniulat sa kanya noon pa? Dapat sana'y sinabi sa kanya kaagad. Aral para sa mananampalataya, kung may maling pangyayari, dapat iulat ito sa mga matatanda (elders) o pastor ng simbahan. Hindi maaaring hayaan na lang ito nang hindi nabibigyang solusyon. Ang lahat ay may pananagutan kay Hesukristo at ang mga matatanda at pastor ay ang mga taong kumakatawan kay Hesus sa lupa.

Mga Talata 27-30 Maaaring pagtalunan kung may karapatan ba si Abraham na maghukay ng balon sa isang lupang hindi sa kanya. Gayunpaman, ipinangako ng hari kay Abraham na maaari siyang manirahan saanman sa kanyang bansa. Ngayon sa harapan ng hari, ang bagay ay naayos na, at sa harap ng lahat ng mga nandoon ay nakuha ang pahintulot ng hari, sa katunayan ay binili ni Abraham ang mga karapatan ng kanyang balon kapalit ng mga tupa at baka. Ang pagbibigay ng pitong tupa ay katibayan ng presyo ng pagbili.

puno ng TamariskoMga Talata 31-34 Ang ibig sabihin ng Beerseba ay "balon ng panunumpa" o "balon ng pito". Ang salitang Hebreo ay maaaring isalin kapwa sa panunumpa at pito. Kadalasan ang isang panunumpa ay sinusumpa sa harapan ng pitong saksi.
Ngayon na isang malinaw na tipan ay ginawa, ang kumander na si Phicol ay umalis sa lugar ni Abraham.
Ang Beersheba ay nasa pinakatimog na hangganan ng Palestine, sa gilid ng disyerto, mga 50 milya sa timog-kanluran ng Jerusalem.
Si Abraham ay mas komportable at mas ligtas at nagsimula na siyang magtanim ng mga puno (tamarisko).

Balik sa MenuBalik sa itaas


Genesis 22 - Isaac bilang susunuging handog

Talata 1 Sa wakas, nakamit na nina Abraham at Sarah ang kanilang matagal nang inaasam at ipinangakong anak. Tinupad ng Diyos ang Kanyang pangako. Ngayon ay masusubok ang pananampalataya ni Abraham. Pagkatapos ng lahat ng ipinamalas ng Diyos kay Abraham, talaga bang magtiwala siya sa Diyos? Ipinangako ng Diyos sa kanya na si Isaac ay magiging isang dakilang bansa. Panghahawakan ba ito ni Abraham at magtitiwala sa Diyos? Magkakaroon kaya siya ng lakas para patayin ang sarili niyang anak, magtiwala sa Diyos na isakripisyo siya, o magduda kaya siya? May mga pakikibaka ba sa kanyang saloobin kung paano niya maisasakripisyo ang kanyang anak at asahan pa rin ang katuparan ng pangako ng Panginoon na si Isaac ay magiging isang dakilang bansa?
Kung ang iyong anak ay namatay sa isang aksidente, sakit o sa labanan, iyon ay tutoong mahirap na trahedya. Ngunit ang pagpatay sa sarili mong anak at pagsunog sa kanya bilang sakripisyo sa Diyos ay tiyak na mas mahirap. Ito ay tunay na mabigat na pagsubok sa pananampalataya ni Abraham. Si Isaac ay hindi na bata dito dahil tiyak na malakas na siya para maglakad ng tatlong araw (talata 4) at buhatin ang mga kahoy (talata 6).
Sinasabi ng Santiago 1:13 na walang sinuman ang tinutukso ng Diyos, ngunit sa konteksto ng Santiago ay dapat nating isipin na pinahihintulutan ng Diyos ang mga pagsubok sa buhay upang tayo'y subukan. Pinahintulutan ng Panginoon si satanas ng may limitasyon na subukin ang pananampalataya ni Job, dito naman nasusubok ang pananampalataya ni Abraham. Binigyan ng Diyos si Abraham ng tagumpay sa pagpapalaya sa kanyang pamangkin na si Lot. Dalawang beses iniligtas ng Panginoon ang kanyang asawang si Sarah, pagkatapos kuhanin siya ni Paraon at Abimelech. Ang kanyang asawa ay baog ngunit pinagkalooban ng isang anak na lalaki sa kanyang katandaan. Ngayon ay susubukin ng Diyos ulit ang kanyang pananampalataya. Isang pagsubok na walang kasalanan, walang impluwensya ni satanas dahil alam ng Diyos na hahadlangan ng kaaway si Abraham na ialay ang kanyang anak na si Isaac. Ang Diyos ay magbibigay ng kaligtasan sa talatang 13.
Ito ay isang personal na pag-uusap at direktang utos mula sa Diyos. Ang Diyos ay nangusap kay Abraham na sumagot ng "Narito ako." Si Abraham ay nakatitiyak na ang DIYOS ang nagsalita sa kanya. Kung alam niyang si satanas iyon, dapat niya itong baliwalain. Ito ang aral para sa mananampalataya mula sa Santiago 1:13. Hindi ka dapat mahulog sa bitag ni satanas sa pagsasabing: Ang Diyos ang tumukso sa akin. Si satanas ay mapanlinlang at susubukang linlangin ang mga mananampalataya sa lahat ng uri ng mga paraan at linlangin. Nais niyang iligaw ang mga mananampalataya sa mapanganib na lugar upang mapahamak o mapatay. Ilang halimbawa: isang pastor na nagtatrabaho sa distrito ng mga bahay-aliwan at mabilis na sumuko sa mga sekswal na kaisipan at nahulog sa kasalanan. Marahil hindi ito pagsubok at utos mula sa Diyos. Kapag ang isang matanda (elder) na nagtatrabaho sa isang distrito ng droga ay dapat makatiyak na ang Diyos ang nagsabi sa kanya na magtrabaho doon dahil kung hindi, maaring mabiktima o patayin siya ng mga mangangalakal ng droga.
Pansinin ang ibinigay na takdang-gawain at pagsubok ay mukhang kontradiksyon dahil sinabihan si Abraham na patayin ang sarili niyang anak. Ipinagbabawal ng Diyos ang pagpatay sa sinuman. Ipinangako ng Diyos na si Isaac ay magiging isang dakilang bayan. Kaya para kay Abraham ito ay mukhang pakana ni satanas at samakatuwid ay hindi niya dapat sundin! Kaya nga kinailangan ng Diyos Mismo na direktang makipag-usap kay Abraham.
Ang Hebreo 11:19 ay nagbibigay ng isa pang paliwanag, "Naniwala siya na kaya ng Diyos na bumuhay ng patay, kaya't sa patalinghagang pangungusap, naibalik nga sa kanya si Isaac mula sa mga patay."

Talata 2 Matinding pagsubok ito para kay Abraham. Binigyang-diin ng Diyos kung sino ang iaalay sa mga salitang: "Ang iyong nag-iisang anak" at "Ang anak na mahal mo". Sa paglakbay nila ng tatlong araw magkakaroon siya ng oras para makapag-isip upang maging mas malinaw ang ipinagagawa sa kanya ng Diyos. Hindi ito agarang pagsasagawâ ng pagaalay, kundi isang desisyong napag-isipang mabuti na nagpapalalim ng sugat at nagpapabigat sa pagsubok.

http://www.christipedia.nl/Artikelen/M/MoriaSinasabi ng mga Hudyo na ang bundok ng paghahain ni Abraham, ay ang Bundok Moriah. Sa 2 Cronica 3:1, ito ang bundok ng templo sa Jerusalem, sa silangang bahagi ng Jerusalem, kung saan itinayo ni Solomon ang unang templo. Hindi natin tiyak na alam ito, gayunpaman, sinasabi ng mga Samaritano at ng iba pa na sa Bundok Gerizim ang siyang kung saan nagtayo si Abraham ng altar para ihain ang kanyang anak.

Talata 3 Dito puwedeng makakuha ng konklusyon na ang Diyos ay nakipag-usap kay Abraham sa gabi. Ang gabi ay perpekto para sa pagdarasal at pakikipag-usap sa Diyos dahil sa katahimikan nito. Walang istorbo ng ingay mula sa labas at ang posibleng pagkagambala ng mga bata.
Iyong gabi ay maaaring isang mapait na pagpupumiglas para sa kaisipan ni Abraham na may halong panunuya ng kaaway. Ngunit makikita ang pananampalataya ni Abrahamat ay matatag nang bumangon siya ng umaga. Kinargahan niya ang kanyang asno ng pagkain at panggatong para sa handog na susunugin. Siya ay naghanda nang mabuti sa kanyang paglalakbay at nagsama pa ng dalawa sa kanyang mga alipin.

Mga Talata 4-5 Nakita ni Abraham ang lugar na ipinakita ng Diyos nang Siya ay kausapin sa talata 1. Iniwan ni Abraham ang kanyang mga alipin, marahil upang hindi nila siya pigilan na ihandog ang kanyang anak na si Isaac. May pananampalatayang sinabi niya sa kanila na sasamba sila sa Diyos paroon at muling babalik silang mag-ama.

Talata 6 Ipinatong ni Abraham ang kahoy sa kanyang anak. Mahigit isang daang taong gulang na si Abraham at malamang hindi niya na kayang dalhin ang kahoy mismo paakyat ng bundok. At tiyak na sapat na ang gulang ni Isaac para bitbitin ang kahoy at maunawaan kung paano ginagawa ang pag-sakripisyo. Sila'y may dalang apoy din. Nagniningas na apoy ba iyon o pamingkî para gumawa ng apoy? Sa anumang kaso, ito ay upang sindihan ang kahoy.

Talata 7 Tinanong ni Isaac ang masakit at mabigat na tanong sa kanyang ama: “Mayroon na tayong apoy at panggatong, ngunit nasaan ang tupang ihahandog?” Lohikal na tanong ng kanyang anak na may-edad na para umintindi ng mga bagay-bagay. Pumaroon sila para sumamba na may dalang kahoy at apoy ngunit nasaan ang handog?

Talata 8 Hindi sinabi ni Abraham ang kumpletong sagot kay Isaac. Ayaw niyang mabigatan ang kanyang anak sa katotohanang siya mismo ang sakripisyo. Hindi na nagtanong pa ang anak niya. Hindi kataka-takang isipin na maaring nakalimutan ng kanyang matanda nang ama na magdala ng tupa. Tinanggap ni Isaac ang kanyang sagot na ang Diyos mismo ang magbibigay. O, natuto na kaya si Isaac na magtiwala sa Diyos?

Mga Talata 9-10 Hindi binabanggit ng Bibliya kung gaano katagal at kalayo ang kanilang paglalakbay ngunit sapat na upang mawala sa paningin ng mga lingkod. Posibleng tahimik silang naglakbay paakyat sa bundok.
Sa bundok ay may sapat na mga bato na ginamit ni Abraham sa pagtatayo ng altar, nagtagal din siguro ang paggawa nito kung saan posibleng nag-usisa ang anak. Inilagay ni Abraham ang kahoy sa altar at iginapos ang kanyang anak. Ang may-akdang si Moses ay hindi naglahád ng anumang detalye kung ano pa ang nangyari. Si Isaac ba ay sapat na malakas upang labanan ang kanyang mas mahinang matandang ama? Binigyan ba ng Diyos ng kakaibang kapangyarihan si Abraham para maging mas malakas para gapusin ang kanyang anak? Namulat si Isaac na siya ang sakripisyo na malapit nang magwakas ang kanyang buhay. Mayroon bang sapat na karanasan at pananampalataya si Isaac na nagtiwala siya sa Diyos at kusang-loob na pinahintulutan ang kanyang sarili na igapos? Kung ganoon, bakit kailangan pang itali siya? Para ba pigilan siya sa pagtalon mula sa altar bago siya ialay (patayin)?

Inihain ni Abraham ang kanyang anak na si Isaac sa altar

Inihain ni Abraham ang kanyang anak na si Isaac sa altar

Gayunpaman, tiyak na malakas si Abraham dahil binuhat niya ang kaniyang nakagapos na anak at inilagay sa altar. Sa Exodo 27:1, ang taas ng altar ay tatlong siko, mga 5 talampakan ang taas.
Ano kaya ang nasa saloobin ng mag-amang Abraham at Isaac nang kunin ni Abraham ang kutsilyo para patayin ang kanyang anak. Tiyak na ayaw ni Abraham na masumpungan ni Isaac ang kamatayan sa pamamagitan ng apoy, gaya sa kaso ng kamatayan sa tulos. Papatayin muna niya ang kanyang anak gamit ang kutsilyo, isang mabilis na kamatayan at hindi mabagal sa pamamagitan ng direktang pagsunog.

Talata 11 Ang Anghel ng Panginoon ay tumawag kay Abraham mula sa langit. Siguradong nakilala ni Abraham ang tinig ng Anghel mula sa mga nakaraang pakikipag-usap sa Kanya. Sapagkat ito rin ay maaaring boses ni satanas upang pigilan siya sa pagsunod sa utos ng Diyos.

Talata 12 Ang Diyos ay nag-uutos sa mga mananampalataya na mahalin Siya nang higit sa lahat. Hinahangad Niya na unahin natin Siya kaysa sa ating mga anak, magulang, kaibigan sa paglilingkod sa Kanya, kahit na minsan ito'y humantong sa paghihiwalay natin ang ating mga mahal sa buhay. Ang ilan nga ay nawalan ng asawa dahil sa kanilang trabaho sa larangan ng misyon. Ngunit dito namagitan ang Diyos at pinigilan ang pagkamatay ni Isaac. Nalampasan ni Abraham ang pagsubok. Inuna niya ang Diyos at hindi ipinagkait ang kanyang anak. Noong nakaraan, hiniling niya sa kanyang asawa na magsinungaling kay Paraon at kay Haring Abimelec, na nagpapakitang wala siyang sapat na pagtitiwala sa Diyos. Ngayon ang kanyang pananampalataya ay lumago ng ganap nang magtiwala siya sa Diyos na Siya ang magliligtas at maglalaan (provide).

Mga Talata 13-14 Kung paano nahuli ang lalaking tupa sa mga sanga ay ayon sa plano ng Diyos. Ito ay isang himala mula sa Kanya. Kinuha ni Abraham si Isaac mula sa altar, at pinatay at inihandog ang tupa sa altar bilang kapalit. Dahil naniwala si Abraham, ang Diyos mismo ang naglaan. Noong panahon ni Moises, ang pangalan ng bundok na iyon ay pinalitan ng "Ang Panginoon ay magbibigay". Ang pananampalataya ay pinatutunayan ng mga gawa. Ang pananampalatayang walang gawa ay patay na pananampalataya.

Mga Talata 15-17 Ang Anghel ng Panginoon ay muling tumawag mula sa langit. Karaniwang ipinapalagay na ang Anghel ng Panginoon sa Lumang Tipan ay ang Panginoong Hesukristo. Kinuha ni Hesus ang lugar ng mananampalataya upang mamatay para sa kanyang kasalanan. Pinagpala si Isaac at ang kanyang mga inapo ay magiging kasing dami ng mga bituin sa langit. Si Hesus, bilang Anak ng Diyos, ay naging pundasyon ng isang dakilang lipi. Ang taong may pananampalataya sa sakripisyo ni Hesus sa krus ng Kalbaryo ay nagreresulta ng kaligtasan mula sa walang hanggang kaparusahan at kamatayan dahil sa kasalanan. Isang bago at walang hanggang buhay ang nakakamit sa pamamagitan ng dugo ng Panginoong Hesukristo. Si Isaac ay binigyan ng panibagong buhay nang ang tupa ay ipinalit sa kanya. Halintulad, ang Kordero na si Hesukristo ang pumalit sa mga mananampalataya at sila'y tumatanggap ng bagong buhay (born-again). Ang Simbahan ng Panginoong Hesukristo ay marami rin katulad ng mga bituin sa langit.

Talata 18 Ang lahat ng mga bansa sa lupa ay pagpapalain. Narito ang hula na ang mga pagpapala ng Diyos ay hindi limitado sa mga Hudyo at mga Israelita (ang piniling bayan ng Diyos) lamang. Sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesukristo ito ay ipinapaabot sa mga Hentil (lahat ng mga bansa sa mundo). Misyon ng mga tao ng Diyos na ipakilala Siya sa buong sangkatauhan ngunit dahil sa kanilang kawalan ng pananampalataya at pagkahulog sa pagsamba ng mga diyus-diyosan, nawala ang kanilang pribilehiyo na maging pagpapala sa mundo. Ngayon ay tungkulin ng Simbahan na ipahayag at ipakilala sa buong daigdig ang Diyos ng Bibliya. Gayunpaman ngayon, nakakalungkot na ang ibang bahagi ng Simbahan ay nakikibahagi sa mga makasariling gawain at mahinang naipapahayag ang ebanghelyo ng kaligtasan. Bagaman, ang misyong ito ay ibabalik sa 144,000 mga Hudyo at mga Israelita upang ipahayag sa BUONG mundo ang Kaharian ng Diyos (Pahayag 7:4).

Talata 19 Umuwi si Abraham sa kanyang tahanan kasama ang kanyang anak. Alalahanin na walang sinabi si Abraham tungkol dito sa kanyang asawang si Sarah. Gusto niyang maiwasan ni Sarah na maranasan ang tensyon at kalungkutan nito.

Mga Talata 20-24 Nanirahan si Nahor sa Mesopotamia (Genesis 24:10), na matatagpuan sa kasalukuyang Iraq. Ang pinagmulang Griyego na Mesopotamia ay nangangahulugang "lupain sa pagitan ng dalawang ilog", ang Tigris at ang Euphrates. Ang Tigris at Euphrates ay parehong nagmumula sa bulubunduking rehiyon ng Turkey at dumadaloy sa Gulpo ng Persia. Ang kapatid ni Abraham ay si Nahor, na nagkaanak ng isang lalaki na si Bethuel. Mula kay Bethuel, ipinanganak ang babae na si Rebeka, na magiging asawa ni Isaac.

Genesis 23 - Binili ni Abraham ang lupain para sa libingan ng kanyang asawang si Sarah

Talata 1 Ang edad ng isang tao ay nilimitahan ng Diyos sa 120 taon (Genesis 6:3). Si Sarah ay mapalad na umabot sa 127 taon at nasiyahan sa kanyang anak na si Isaac sa loob ng 36 na taon. Ang baog na babae na ipinagkalooban ng Panginoon na manganak kahit sa katandaan na 90 taon.

Talata 2 Ang Kiriath-Arba, o Hebron (Josue 15:54), ay nasa isang lugar na may sampung lunsod. May iba't ibang kahulugan ang pangalan ng lugar; Tripoli bilang isang lugar, Decapolis pook ng sampung lungsod, Arba bilang isang dakilang hari o tagapagtatag ng lungsod, at lugar ng apat, na tumutukoy sa apat na patriarkang sina Adan, Abraham, Isaac at Jacob. Kung bakit namatay si Sarah sa Kiriath-Arba ay hindi binanggit dahil si Abraham (22:19) ay nanirahan sa Beer-sheba. Sa anumang kaso, pumunta si Abraham sa Kiriath-Arba upang magluksa sa pagkamatay ng kanyang asawang si Sarah. Ang distansya sa pagitan ng Beer-sheba at Kiriath-Arba ay 42.4 km (26.4 milya).

Mga Talata 3-4 Kumilos si Abraham sa gitna ng kanyang pagdadalamhati at nagsimulang maghanap ng isang libingan. Siya ay isang estranghero sa bansa na walang karapatan na mag-ari ng lupain. Ngayong patay na ang kanyang asawa, kailangan niyang makipag-ayos sa mga may-ari ng lupa para makabili ng isang ari-arian para sa libingan ni Sarah. Alam ni Abraham na may buhay pagkatapos ng kamatayan at gayundin ang mga pagano, halimbawa ang pag-embalsamo sa mga Ehípsiyó at kanilang mga piramide ay pruweba nito. Nais niyang bumili ng máwsoleo para sa kanyang asawa. Ngunit ang libingang iyon ay hindi lamang para kay Sarah, para rin sa kanya, sa kanyang mga anak at sa kanilang mga asawa, at para sa kanyang mga inapo. Nakaugalian na ang pagkakaroon ng libingan ng pamilya kaya kinailangan na bumili ng malaking lupain mula sa mga Heteo.

Mga Talata 5-6 Ang mga may-ari ng lupain, ang mga Heteo, ay gumagalang kay Abraham. Ang sagot nila ay: “Kinikilala ka naming isang dakilang pinuno; pumili ka na ng lugar na gusto mo para paglibingan sa iyong asawa. Ikalulugod namin na ibigay sa inyo ang bahagi ng inyong mapipili.” Nakita ng mga Heteo kung paano siya pinagpala ng Diyos ni Abraham. Posibleng dahil sa sindak sa Diyos ni Abraham ay gusto nilang mapagbigyán siya. Napakagandang patotoo, nakita ng mga Heteo ang patotoo ni Abraham. Paano kaya ang isang mananampalataya ngayon? Nakikita ba ng mga hindi Kristiyano na ikaw ay nagpaparangal at naglilingkod sa Diyos? O ikaw ba'y nabubuhay sa kahihiyan sa pagsali mo sa mundo't nagpapayaman sa sarili? Wala bang pagkakaiba ang iyong mga pinapahalagahan at pamantayan at nakikilahok ka sa mundo? O nabubuhay ka bang pinahahalagahan ang pamantayan ng Bibliya (tulad ng pagtulong sa kapwa) at nakikita si Kristo sa iyo?

Mga Talata 7-9 Tinanggihan ni Abraham ang alok na tanggapin ng libre ang lupain. Ayon sa paganong kaugalian, yumuko siya at harapan nila. Hindi natin alam kung paano bigyang kahulugan ang pagyuko niya dito. Kahit ngayon, ito ay isang karaniwang gawain sa ilang mga bansa. Alalahanin lang ang aral at sinabi ni Hesus sa Mateo 4:10 “Lumayas ka Satanas! Sapagkat nasusulat,‘Ang Panginoon mong Diyos ang dapat mong sambahin. At siya lamang ang dapat mong paglingkuran.’”
Inihanda nang mabuti ni Abraham ang kanyang sarili at nakapili na siya ng lugar kung saan gusto niya ang libingan. Nagpakita siya ng paggalang sa mga Hittite at ninais niyang bayaran ang buong halaga para sa lupain. Ito'y hamon sa mananampalataya? Humihiling ba siya ng mga bagay sa Diyos nang biglaan nang hindi nagsaliksik, nang hindi naghahanda kung ano talaga ang kinakailangan? Kapag ang Kristiyano ay gustong gawin ang gawain ng Diyos, kailangan munang kalkulahin ang mga gastos o halaga. Maingat na magsiyasat kung ano ang nilalayong gawin at kung aling mga bagay ang tunay na kailangan. Maging katulad ng matalinong tagapagtayo sa ibabaw ng bato at hindi yung hangal na tagapagtayo sa buhangin (Mateo 7:24-27).
Hiniling ni Abraham sa mga Heteo na makiusap para sa kanya sa may-ari na si Efron na ipagbili ang lupaing may kuweba ng Macpela sa buong halaga. Pangkaraniwan na ugali ng mga nagbebenta ay labis na taasan ang presyo ng ari-arian doblehin ito. Ayon sa kaugalian sa silangan, karaniwan ang makipag-ayos para mabawasan ang presyo. Pero nais ni Abraham na bilhin sa buong presyo nang hindi na tumatawad. Siya ay mayaman at gusto niyang magbigay ng patotoo sa Diyos at bayaran ang buong halaga.

Mga Talata 10-11 Si Efron ay naroroon din sa pagpulong. Inulit niya ang parehong alok ng kanyang mga kalahi tulad ng sinabi sa talata 6 na maaaring piliin ni Abraham ang kanyang lupain bilang isang libingan at walang sinuman sa kanila ang tatanggi. Posibleng isang bitag mula sa mga Heteo upang subukan kung si Abraham ay tunay na saksi ng Diyos, at sa yaman na ibinigay ng Panginoon ay talagang bibilhin ang lupa. Gaano kadalas naliligaw ang mga Kristiyano ng mga bitag ni satanas na tumanggap ng mga regalo mula sa mga tiwaling tao na pagkatapos ay humantong sa lahat ng uri ng makamundong pabor. Ang mga Kristiyano ba ay hindi pinapayagan na gumamit ng mga subsidyo? Puwede, hangga't naaangkop ito sa lahat. Dapat bang tanggapin ng mga Kristiyano ang isang piraso ng lupa nang libre para sa pagtatayo ng isang simbahan? Mag-ingat bago tumanggap ng ari-arian para sa pagtatayo ng eskuwelahán ng mga bata. Kahit na ang isang páaralán ay nagsisilbi sa kapakanan ng komunidad, ang mga nagbibigay ng donasyon ay maaaring ipilit ang kanilang gusto sa pamamahala ng establisyimento. Halimbawa; walang kabawalan sa pagkuha ng mga guro kahit hindi Kristiyano, paghihigpit sa mga pamantayan at pagpapahalagang Kristiyano, at ang pagpilit na isama ang Islam o ibang relihiyon sa kurikulum. Mag-ingat at mas gustuhing bayaran ang buong presyo kaysa makompromiso ang alituntuning Kristiyano.

Mga Talata 12-13 Pinanindigan ni Abraham ang kanyang alok at nanatiling saksi ng Diyos. Mula sa kamay ni Paraon at ng Heteong haring si Abimelec, si Abraham ay tumanggap ng masaganang regalo (Genesis 20:14–16 tupa, baka, alipin, isang libong pirasong pilak). Imposibleng kumuha lamang siya ng kapirasong lupa sa isang Heteo nang hindi binabayaran. Ayon sa kaugalian sa Silangan, si Abraham ay muling yumuko sa pagpupulong ng mga Heteo at magalang na tinanggihan ang libreng alok. Malinaw niyang sinabi na gusto niyang bilhin ang lupa.

Mga siklong pilakMga Talata 14-15 Humingi si Ephron ng 400 siklong pilak. Ipinagbili ng mga anak ni Jacob ang kapatid nilang si Jose sa halagang 20 pirasong pilak. Ibinenta ni Judas si Hesus sa halagang 30 pirasong pilak. Ang halaga ng pagbili ng isang aliping Hebreo ay 50 pirasong pilak. Ang siklo ay may halagang apat na arawang sahod. Ang 400 na siklo ay kumakatawan sa halagang 1,600 araw na sahod.
Sabi ni Ephron: Ano iyon sa pagitan nating dalawa? Kung tutuusin si Abraham ay may napakalaking kayamanan. Siya ay dating nakatanggap ng 1000 pirasong pilak mula sa Heteong haring si Abimelec, samakatuwid ang halagang ito ay maliit lamang. Pansining mabuti na sinabi ni Efron: Ano iyon sa pagitan natin? Ito ay malinaw na nagpapatunay na ang pagpupulong at si Efron ay umasa na tatanggihan ni Abraham ang libreng alok at bibilhin ang lupain. Isang malinaw na aral para sa Kristiyano, huwag mahulog sa bitag ni satanas.

Talata 16 Tinitimbang ni Abraham ang hiniling na halaga sa harap ng pagpupulong ng mga Heteo. Ang pagbili ay nakumpirma ng mga SAKSI. Dahil dito, ang pagsalin ng pag-aari ng lupa ay hindi na maaaring tanggihan, ito ay isang pagbebenta sa presensya ng mga testigo. Ang Kristiyano ay hindi dapat mabitag sa ganitong sinaunang klase ng kasunduang walang kasulatan. Ang lahat ngayon ay dapat nang nakatala ayon sa mga pambatás na pamantayan. Dapat bayaran ang notaryo, abogado, buwis, atbp. para sa pagbili at iba pang transaksiyón. Dapat walang ilegal na simbahan, o paaralang Kristiyano, o suportang panlipunan na hindi ayon sa batas na itinatag ng may kinakailangang mga kasulatan.

Talata 17 Hindi lang yung kweba para sa máwsoleo ang inilipat ni Ephron kay Abraham. Ang buong paligid nito ay inilipat sa pag-aari ni Abraham. Ang mga kasalukuyang Islamista at mga Palestino ay WALANG KARAPATAN sa ari-ariang ito, ang lugar ay legal na binili sa presensya ng mga saksi. Labag sa batas na kinuha nila ang lupang HINDI nila binili! Kung paanong ang mga Nazi ay walang karapatang sakupin ang Europa, ang mga Palestino ay WALANG KARAPATAN din sa Israel.

Talata 18 Pansinin ang dakilang patotoo ng paglipat ng pag-aari: Sa harapan ng mga Heteo AT lahat ng pumasok sa tarangkahan ng kanilang lungsod. Hindi maikakaila ang paglipat. Ang Hebron ay nasa West Bank na sakop ng Israel ngunit nasa ilalim ng pamamahala ng Palestinong Awtoridád (PA). Sinabi ng UN at mga Palestino na sinakop ng Israel ang West Bank. WALANG KATOTOHANAN. Malinaw na pinatutunayan ng Genesis 23 na ang lugar ay binili at binayaran sa harap ng maraming saksi. Ang mga Palestino ay ang mga ilegal na MANAKOP, hindi ang mga Israelita!

Mga Talata 19-20 Inilibing ni Abraham ang kanyang asawang si Sarah sa yungib sa lupain ng Canaan. Iyan ay katibayan na NILIPAT ang ari-arian mula sa mga Heteo kay Abraham. PATUNAY na ANG MGA PALESTINO ANG MGA ILIGAL NA MANANAKOP sa Hebron. Panahon na para kilalanin ng mundo ang mga karapatan ng Israel at wakasan ang pananakop ng mga Palestino. Kinilala ng mga Heteo ang Diyos ni Abraham. Itinatanggi ng mundo ang pagkakaroon ng Diyos. Itinatanggi ng UN ang Diyos ng Israel at ang mga karapatan sa pag-aari ng Israel. Mag-ingat ka bilang isang Kristiyano. Pinoprotektahan ng Diyos ang Israel, tulad ng napatunayan na sa mga digmaan laban sa mga bansang nakapaligid sa kanila. Ang pagtanggi sa pagkakaroon ng Israel, ay pagtanggi sa Diyos ng Israel! Huwag umasa ng pagpapala mula sa Diyos kung tatanggihan mo ang mga Hudyo.

Balik sa MenuBalik sa itaas


Genesis 24 - Pagpili ng asawa para kay Isaac at ang kanyang kasal

Talata 1 Si Abraham ay napakatanda na. Sinasabi ng Genesis 25:20 na si Isaac ay apatnapung taong gulang nang pakasalan niya si Rebeka. Kaya si Abraham ay 100 taon noong kapanganakan ni Isaac at idagdag ang 40 taon ng anak, siya ay 140 taon nang magpakasal si Isaac.

Mga Talata 2-4 Bilang isang Hebreo na ama, si Abraham ay may tungkulin na maghanap ng mapapangasawa para sa kanyang anak na si Isaac. Ang mga tribo ay hindi pinapayagang maghalo, kaya ang isang babae mula sa kanyang bansang pinagmulan ay kinakailangan. Ang tanging pagpipilian ay isang babae mula sa pamilya ng kanyang kapatid na si Nahor. Ang isang babae mula sa mga Canaanita ay ipinagbabawal, bukod pa dito ang mga taong ito ay sumasamba sa mga diyus-diyosan. Maaaring dalhin ng babaing Canaanita si Isaac mula sa pananampalataya sa tunay na Diyos ni Abraham at iligaw at paglingkuran ang kanyang mga idolo.
Tinawag ni Abraham ang kanyang alipin, ang pinakamatanda sa kanyang bahay. Posibleng siya ang lingkod na pinakamatagal na nabuhay kasama ni Abraham at kung kanino lubos na may tiwala si Abraham. Si Abraham ay may pinanghahawakang pangako mula sa Diyos na si Isaac ay magiging isang napakaraming lipi, kaya't ang isang kasal ay kinakailangan sa isang babae mula sa kanyang pamilya. Kilala ng alipin ang Diyos ni Abraham at namalas niya ang maraming himala sa kanyang buhay. Sa pamamagitan ng isang taimtim na panunumpa sa Panginoon, pinagtibay ang kaniyang atas. Ayon sa kaugalian ng mga Israelita, pinasumpa ni Abraham ang alipin ng sa Diyos sa pamamagitan ng paglalagay ng kanyang kamay sa ilalim ng hita ni Abraham. Makikita natin ang ganitong uri ng panata na ginawa rin ni Jacob sa kanyang anak na si Joseph.

Mga Talata 5-7 Iniisip ng alipin na maaaring hindi payagan ng pamilya ang anak na babae na dalhin siya sa ibang bansa. O baka ayaw ng anak na babae na iwan ang kanyang pamilya para magpakasal sa hindi kilalang lalaki. Ano ang dapat niyang gawin, tanong niya sa kanyang among si Abraham? Alam ni Abraham na siya ay tinawag ng Diyos upang manirahan sa lupain ng Canaan, na ito ang Lupang Pangako sa kanya at sa kanyang anak, at sa kanyang hindi mabilang na mga inapo. Kaya't hindi dapat bumalik si Isaac sa lupaing sinilangan niya, ang lupaing tinitirhan ni Nahor. Nagtiwala si Abraham sa Panginoon na ibibigay Niya ang tamang babae para sa kanyang anak. Ang anghel ng Panginoon ay sasama sa alipin at aakayin siya sa paghahanap ng mapapangasawa ni Isaac.

Mga Talata 8-9 Inalis ni Abraham sa lingkod ang pananagutan kung ang babae ay ayaw pumunta sa lupain ni Abraham. Si Abraham ay patuloy na nagtitiwala sa kanyang Diyos na Siya ang kikilos kahit na sa sitwasyong mahirap kung saan posibleng umayaw sumama ang babae. Nananalig siya sa Panginoon na nangako't nagkaloob sa kanya ng Lupang Pangako; na ang Diyos mismo ang magbibigay kahit hindi niya alam kung paano.
Nanumpa ang alipin matapos na marinig nang lubusan kung paano niya tutuparin ang kanyang misyon.

Talata 10 Ang alipin ay naghahanda nang husto sa kanyang paglalakbay. Kumuha siya ng sampung kamelyo at kinargahan ng lahat ng uri ng mahahalagang panregalo. Gamit nito ay mapapatunayan niya sa kapatid ni Abraham na ang kanyang amo ay may malaking kayamanan at ang kinabukasan ng babae ay magiging masagana at matiwasay.
Posibleng isang paglalakbay na 20 hanggang 40 araw, depende kung dumaan siya sa disyerto o hindi.

Talata 11 Dumating ang alipin at pinili ang pinaka-malamang na lugar kung saan makikita niya ang magiging asawa ni Isaac, sa may balon ng tubig. Ang balon ay ang lugar kung saan dumarating ang mga babae upang umigib ng tubig pagsapit ng gabi.

Mga Talata 12-14 Ang alipin ay nanalangin sa Diyos ni Abraham. Inilatag niya sa Panginoon ang kanyang misyon mula sa kanyang amo. Narito ako sa balon, mangyaring tulungan mo ako, bigyan mo ako ng tagumpay ngayon. Bigyan mo ako ng malinaw na tanda upang malaman ko na ito ang babaeng itinalaga Mo para kay Isaac. Marami ang hindi sumasang-ayon sa ginawa ng lingkod dito; na siya ay nagsabi kung paano sasagutin ng Diyos ang kanyang panalangin. Kung anong mga salita ang eksaktong dapat sagutin ng babae at kung paano siya kikilos. Para sa akin, wala akong problema dito. Hindi ba dapat tayo humingi sa Diyos ng malinaw na patunay o tugon sa ating mga panalangin? Mag-ingat sa pagdarasal nang malakas, para marinig ito ni satanas na puwedeng magbigay ng maling sagot. Ang mga panalanging ganito ay dapat ipinapanalangin sa iyong isipan, na hindi maririnig, upang ang Diyos lamang ang nakakarinig nito. At kapag ang iyong petisyon ay nasagot EKSAKTO kung paano mo ito hiniling, mas tiwala ka na ito ay mula sa Diyos. Mag-ingat, dapat EKSAKTO ang sagot, hindi bahagi ng iyong hiniling lamang ngunit kumpleto sangayon sa hiniling mo. Kung hindi, hindi ito katuparan ng iyong panalangin! Ngunit maging matalino, huwag humiling ng matinding bagay, dapat ito'y ganap na naaayon sa misyon at kalooban ng Diyos.
Ang hiniling ng alipin ay tulong sa kanyang misyon na kanyang isinumpa sa kanyang among si Abraham. Ang alipin ay hindi nanalangin dahil sa pagnanasa, hindi nang walang pag-iisip, ngunit isinasaalang-alang kung ano ang nasa loob ng mga limitasyon ng mga posibilidad. Ang Kristiyano ay tumanggap ng Banal na Espiritu upang tulungan sa kanyang pananalangin. Ang ating mga panalangin ay dapat ayon sa Salita ng Diyos.

Talata 15 Hindi pa natatapos sa pananalangin ang alipin at dumating si Rebeka na may dalang banga ng tubig sa kanyang balikat. Narito ang dalawang katotohanan; 1) Ang panalangin ng alipin ay inspirado ng Banal na Espiritu. 2) Umalis na si Rebeka sa tahanan ng kanyang magulang at pumunta sa balon bago natapos ang panalangin. Ito ay nagpapatunay sa banal na inspirasyon at katuparan. Pansinin na mabuti, narito ang isang malinaw na patunay para sa lingkod na dinirinig at sinasagot ng PANGINOON ang panalangin. Bilang isang Kristiyano ay bihira nating nararanasan ito, at karamihan sa ating mga panalangin ay nangangailangan ng panahon ng matiyagang paghihintay, ngunit ang iba ay nakakaranas ng agarang pagsagot ng Diyos tulad ng ginawa Niya para sa lingkod.

Mga Talata 16-21 May kakaibang nangyayari dito. Ang talatang ito ay mula sa manunulat na si Moses. Imposibleng malaman ng alipin na ang dalaga ay isang birhen. Mapagmamasdan lamang ng alipin na ang batang babae ay napakagandang tingnan at papunta sa balon, pinunan ang kanyang banga at umahon. Kinausap siya ng alipin at humingi ng kaunting tubig para sa kanyang sarili at HINDI para sa kanyang mga kamelyo. Natupad ang sagot sa kanyang panalangin, binigyan siya ng dalaga ng maiinom at sa sarili niyang pagkukusa, pinainom din ng tubig ang mga kamelyo. Kapag umiinom ang isang kamelyo, maaari itong kumonsumo ng higit sa 100 litro nang isang inuman, kaya nitong lumagok ng hanggang 60 litro kada minuto. Para sa sampung kamelyo, ang babae ay gumugol ng maraming oras at pagsisikap upang mag-igib ng tubig.
Tahimik na nanonood ang lingkod ni Abraham. Napakaganda ng hitsura ng dalaga ngunit ang kanyang pagpapagal sa pag-iigib para sa sampung kamelyo ay nagpapatunay na hindi siya tamad, sa halip ay sanay na magbanat ng buto. Habang siya at ang kanyang mga kasama ay WALANG ginagawa para tulungan ang babae sa pag-igib ng kusa kahit hindi ito hiniling ng lingkod. Ang aral; huwag magpalinlang sa panlabas na kagandahan, tingnan ang panloob na katangian.
Ang alipin ay kumbinsido na ang kanyang panalangin ay sinagot ng Diyos. Ang panalangin ay nasagot nang eksakto tulad ng hiniling niya. Siya ay nagmasid at ito ay nakumpirma. Sa susunod na mga talata, ang lingkod ni Abraham ay kikilos para maging ganap ang kanyang misyon.

Mga Talata 22-25 Matapos bigyan ng tubig ang mga kamelyo at nakita ito ng lingkod bilang sagot sa kanyang panalangin, nagpatuloy siya sa pakikipag-usap sa dalaga upang higit na malaman kung siya ay nasa tamang landas sa pagtupad ng kanyang misyon. Sino siya at kaninong pamilya? May puwang ba sila para magpalipas ng gabi? Matapos makumpirma na siya ay anak ng kapatid ni Abraham, nagpatuloy ang alipin sa pagbibigay ng mga regalo. Dito ang palitan ng impormasyon ay malamang naganap, kung hindi, ang isang napakagandang babae ay hindi tatanggap ng mga regalo mula sa isang estranghero. Ang halaga ng singsing sa ilong at dalawang pulseras ay hindi matukoy. Maaaring sila ay mga palamuti ngunit mas malamang ito'y mga masining na ginawang mga burloloy na may malaking halaga.

Mga Talata 26-27 Lumuhod ang alipin at nagpapasalamat sa Diyos sa pagsagot sa kanyang panalangin. Ginabayan siya ng Diyos sa babaeng ito at malinaw na pinatunayan na nasa tamang landas siya sa pamamagitan ng eksaktong pagtupad sa kanyang petisyon. Wala nang duda sa puso ng alipin, na siya ay ginagabayan ng Diyos ng kanyang among si Abraham.

Mga Talata 28-29 Naghintay ang alipin sa balon, habang mabilis na sinabi ng dalaga ang balita sa kanyang pamilya. Ipinaalam niya ang mga nangyari sa kanyang ina at sa kanyang kapatid na si Laban. Posibleng ang ama ay nagtatrabaho sa isang lugar.

Mga Talata 30-31 Ang kapatid na si Laban ay labis na humanga sa mahalagang regalo sa kaniyang kapatid na si Rebeka. Hinayaan niya ang kanyang kapatid na magkuwento tungkol sa estranghero na humling na makainom ng tubig, na siya daw ay ipinadala ng kanyang may-aring si Abraham na kapatid ni Nahor, at ang agarang sagot sa kanyang panalangin. Bago pumunta si Laban para sunduin ang alipin ni Abraham, inihanda niya ang bahay at mga pagkain para sa kanilang panunuluyan at ang lugar at pagkain din ng mga kamelyo.

Talata 32 Ang alipin ay matiyagang naghintay hanggang sa siya ay sinundo ni Laban. Hindi niya sinundan ang batang babae sa kanyang mga kamelyo. Hinihintay niya ang pamilya ng dalaga na imbitahan sila sa kanilang tahanan. Ayon sa kaugalian ng Silangan, hinuhugasan ang mga paa bilang tanda ng paggalang at mabuting pakikitungo.

Talata 33 Ang kaugalian ng Silangan ay magpakita ng mabuting pakikitungo sa pamamagitan ng paghain ng pagkain, pagkatapos ng kumain ay magsisimula ang pag-uusap at pagpapalitan ng impormasyon. Ngunit ninais muna ng alipin na kumpirmahin pa mula sa Diyos kung ang kanyang misyon ay tiyak na umuusad patungo sa katuparan nito bago sila magsalo sa pagkain. Binibigyan siya ng pagkakataon na ilahad ang kanyang layunin bago kumain.

Mga Talata 34-47 Batid ng alipin na hindi basta basta hahayaan ng pamilya ng dalaga na siya'y isama sa ibang bansa para magpakasal sa lalaking hindi niya kilala. Ang alipin ay unang nagsimulang magpakilala: Ako ay lingkod ni Abraham at sinabi kung gaano kayaman ang kanyang amo at kung paano si Abraham ay saganang pinagpala ng Diyos. Pangalawa, kung gaano kahanga-hanga na sa kanyang katandaan ang baog na asawang si Sarah ay biniyayaan ng Diyos ng isang anak. Pangatlo, na ang anak na ito ay ang tanging tagapagmana ng kayamanan ng kanyang ama. Pang-apat, na siya ay nakatali sa ilalim ng panunumpa na maghanap ng mapapangasawa para sa anak na ito. Ikalima, kung paano siya dumulog sa Diyos sa panalangin para sa katuparan ng kanyang misyon at kung paano patuloy sinasagot ng Diyos ang kanyang panalangin.

Talata 48 Ang lingkod ay hindi nagkulang sa pagbibigay ng kaluwalhatian sa Diyos. Nilinaw niya na ginabayan siya ng Diyos na makilala si Rebeka para sa anak na si Isaac. Ang lingkod ay masunurin at tapat, hindi palalo. Ibinigay niya sa Diyos ang lahat ng karangalan.

Talata 49 Pagkatapos ng kanyang ulat, hiniling niya ang kamay ng dalaga. Nasa mga magulang (ama at kapatid?) kung ibibigay ang kanilang pahintulot para sa kasal. At sakaling tumanggi, sinabi ng alipin na kailangan niyang lumiko sa kanan o sa kaliwa. Ang kanyang tuwid na daan ay patungo sa babaeng ito, at kung tumanggi sila, nangangailangan niyang maghanap sa ibang lugar.

Mga Talata 50-51 Ang kapatid na si Laban ang unang sumagot, kasunod ang amang si Bethuel. Dahil si Bethuel ay kapatid ni Abraham malamang siya ay matanda na rin. Ang manunulat na si Moses ay walang binanggit tungkol sa kanilang mga edad. Kumbinsido sila na ang pangyayaring ito ay mula sa Diyos at sumagot: “Dahil ang bagay na ito'y mula kay Yahweh, wala na kaming masasabing anuman. Isama mo si Rebeka pag-uwi mo upang mapangasawa ng anak ng iyong panginoon, ayon sa sinabi ni Yahweh.”

Talata 52 Sa ikatlong pagkakataon, ang alipin ay yumuko at nagbigay ng buong karangalan sa Diyos at nagpakita ng kanyang pasasalamat sa harapan ng lahat.

Talata 53 Natanggap ng alipin ang pangwakas na kumpirmasyon mula sa Diyos, ang babaeng ito, si Rebeka, ay nilayon ng Diyos bilang asawa para sa anak ni Abraham na si Isaac. Kinuha niya ang lahat ng mga regalo at ipinamahagi ang mga ito sa dalaga, sa kanyang kapatid na lalaki at sa kanyang ina. Ito ang dote. Isang patunay ng yaman ng kanyang panginoon, kaya hindi nila kailangang alalahanin ang kinabukasan nni Rebeka.

Talata 54 Pagkatapos ng ulat na ito at pagpapahintulot mula sa pamilya, at sa gayon ang kumpirmasyon sa lingkod na siya'y naging matagumpay sa misyong niya, ang kainan ay maaari nang magsimula nang may kapanatagan ng isip. Ang alipin at ang kanyang mga tauhan ay namamalagi sa kanila. Hindi hinahayaan ng alipin na magtagal pa . Magalang siyang humihingi ng pahintulot na umalis na. Nais niyang magbalik at sabihin ang mabuting balita sa kaniyang panginoong si Abraham sa lalong madaling panahon.

Mga Talata 55-56 Hiniling ng kapatid na lalaki at ng ina sa alipin na manatili sa kanila ng ilang sandali, kahit sampung araw lang. Hindi binigyan ng dahilan, marahil ay gusto nilang pag-isipan pa ng mabuti ang kanilang desisyon. Siguro ang kaagarang pag-alis sa kanila ng dalaga ay mabigat. Ang isang ina na labis na nalulula sa isang kahilingan sa kasal at agarang pag-alis ng kanyang anak na babae, walang duda na ito'y napakabigat sa damdamin.
Tapat ang alipin, pinagpala ako ng Panginoon, hayaan ninyo akong bumalik sa aking panginoon. Malayong daan pabalik ang naghihintay sa kanila. Ang pangakong lupain ng Canaan ay hindi katabing bayan lamang.

Mga Talata 57-58 Ipinagkasundo na ng kapatid, ama at ina si Rebeka, ito ay maaaring nangyari ayon sa awtoridad ng magulang. Ngayon ay malayang pumili ang dalaga kung gusto niyang umalis at magpaalam kaagad sa kanyang pamilya. Ang sagot niya ay: Sasama ako. Posibleng sumang-ayon siya dahil sa maunlad na paraan na ipinamalas ng Diyos gamit ang lingkod. Walang paliwanag ang Bibliya kung ano ang nangyari't nagudyok sa kalooban ng dalaga.
Paano ang tugon ng mananampalataya kapag siya ay sinabihan ng Diyos na iwanan ang lahat? Magiging pareho ba ang sagot mo sa paanyaya ni Hesus: Hayaan ko munang ilibing ang aking patay? O ikaw ba'y agad na nakahanda na iwanan ang lahat at sumunod kay Hesus, tulad ng mga alagad na isinuko ang lahat para sundin Siya? Kayo ba bilang mga magulang ay handa na agad na hayaan ang mga anak na pumunta sa misyon at magpaalam sa kanila? Malamang sa kaso ni Rebeka na napakalayo ang titirhan kaya maaaring hindi na nila siya makita muli?

Mga Talata 59-61 Pinagpala si Rebeka ng kanyang pamilya. “Ikaw nawa, O Rebeka ay maging ina ng marami." Isang biyayang lubos na natupad. Siya ay naging ina ng mga milyon, marahil kahit bilyon. Ang pagpapala nila'y nagpatuloy; "at sa lunsod ng kaaway, ang iyong lahi ang magwagi.” Ngayon ang mga Hudyo ay muling nagmamay-ari ng Lupang Pangako ng Israel, na kinasusuklaman ng mga Palestino at iba pang mga bansa. Isinakatuparan ng Diyos ang Kanyang Salita.
Hindi nag-iisa si Rebeka na umalis, kasama ang kanyang yaya at iba pang mga kasambahay. Hindi ganap na pinagkaitan siya ng kanyang mga mahal sa buhay. Pinasama kay Rebeka ang ilan sa kanyang mga kakilala. Ang kanyang yaya na nakakakilala sa kanya mula sa kapanganakan.

Talata 62 Si Isaac ay nanirahan sa Beer-Lahai-Roi, habang ang kanyang ama ay nakatira sa Bersheba. Apatnapung taong gulang na si Isaac, kaya hindi nakakagulat na siya ay namumuhay nang mag-isa. Hindi alam kung saan matatagpuan ang lugar na ito.

Talata 63 Nang mag-gagabi na, pumunta si Isaac parang upang magnilay-nilay, iyon ay, upang hanapin ang Diyos at makipag-usap sa Kanya sa panalangin. Pagkatapos nito, idinilat ni Isaac ang kanyang mga mata at nakitang dumadating ang mga kamelyo. Walang dudang alam ni Isaac ang misyon ng lingkod. Walang alinlangan na nag-isip si Isaac kung nagtagumpay ba ang alipin sa kanyang misyon.

Mga Talata 64-65 Walang alinlangan na sinabi ng alipin kay Rebeka na malapit nang matapos ang kanilang paglalakbay at malapit na sila sa kaniyang magiging asawa. May nakita siyang lalaking paparating kaya naghinala siya na baka siya iyon. Si Isaac ay naglalakad kaya bumaba siya sa kanyang kamelyo bilang paggalang at tinakpan ng belo ang mukha niya. Ang paglagay ng belo ay pangkaraniwan kahit ngayon. Marami ngayon ang nag-aasawa ng may belo na pangkasal. Ang belo ng pangkasal ay isang simbolo ng kahinhinan at kadalisayan ng nobya at ang kanyang paggalang sa Diyos. Ipinapaalala nito sa atin ang tabing ng templo na napunit (nahati) sa gitna nang mamatay si Kristo sa krus. Ang pagpunit ng tabing ay nag-alis ng paghihiwalay sa pagitan ng Diyos at ng tao. Ito ay nagbibigay sa mga mananampalataya ng daan sa mismong presensya ng Diyos Ama sa pamamagitan ni Hesus. Dahil ang Kristiyanong kasal ay larawan ng pagsasama ni Kristo at ng Simbahan, makikita natin ang isa pang repleksyon ng pagsasama ng mag-asawa. Sa pamamagitan ng pag-aasawa, ang lalaki at babae ay mayroong ganap na akseso sa isa't isa (1 Corinto 7:4); ang pakikipagtalik. Ang pagalis ng belo ay ang katapusan ng pagkabirhen ng babae, ang simula ng pagkakaisang seksuwal ng mag-asawa.

Talata 66 Ang tagapaglingkod ay nagbigay ng malawakang ulat tungkol sa kanyang paglalakbay. Kung paano siya dinala ng Diyos kay Rebeka. Pinagtibay ng alipin ang pagpili kay Rebeka bilang asawa ni Isaac. Si Isaac ay hindi kailangang mag-alinlangan tungkol sa pagpili sa babaeng ito. Siya ay pinili ng Diyos para sa kanya.

Ang Pakikipagtalik sa Kasal
Ang Pakikipagtalik sa Kasal

ANG IBIG SABIHIN NG PAKIKIPAGTALIK AY NANUMPA KAYONG MAGING MAG-ASAWA SA ILALIM NG SAKRAMENTO NG KASAL!!!

Talata 67 Kaya gumaan ang kalooban ni Isaac pagkamatay ng kanyang ina tatlong taon na ang nakararaan. Isang napakahabang pagluluksa para pagkawala ng kanyang ina. Ngunit pagkatapos ng tatlong taong kalungkutan, ipinagkalooban siya ng Diyos ng asawa. Dinala ni Isaac si Rebeka sa tolda.
Nandito ang isa sa pinakamahalagang talata mula sa Bibliya. AT DINALA NIYA SI REBEKA, AT NAGING ASAWA NIYA. Bakit napakahalaga ng mga salitang ito? Suriin mabuti kung ano ang nangyari dito. Dinala ni Isaac si Rebeka sa tolda, sa kanyang sariling tirahan. Sa madaling salita, sinunod nila ang Genesis 2:24 na iwanan mo ang iyong ama at ina at magkaroon ng sarili mong tahanan. Ngunit ngayon ang mas mahalagang bahagi: KINUHA NIYA SI REBEKA, AT NAGING ASAWA NIYA. Walang seremonya, walang pampúblikóng pagpapahayág ng; KINUKUHA KO ANG BABAENG ITO BILANG ASAWA KO, wala ding pagdiriwang. WALA ang mga nakasanayang nating nakikita sa isang pangkaraniwang kasalan. Ang ginawa nilang pakikipagtalik ay siyang simbolo ng kanilang kasal at mula noo'y si Isaac at Rebeka ay naging mag-asawa na. Noong panahong iyon ang PAGKA-ALIS NG PAGKABIRHEN ng dalaga at ang PAKIKIPAGTALIK ay nangangahulugan ng KASAL. Ang pakikipagtalik bago ang kasal ay hindi umiiral noon dahil ang pakikipagtalik ang siyang KATIBAYAN NG KASAL (tingnan ang 1 Corinto 6:16). Kaya kung maghiwalay kayo pagkatapos ng pagtatalik, DIBORSYO na yun!

Balik sa MenuBalik sa itaas


Genesis 25 - Kapanganakan nina Esau at Jacob

Talata 1 Ayon kay Calvin, kumuha si Abraham ng isa pang babae noong nabubuhay pa ang asawa niyang si Sarah, na magpapaliwanag kung bakit nakagawa pa si Abraham ng mga anak. Sa tingin ko ito ay isang kakaibang palaisipan. Hinimok ni Sarah ang kanyang asawa na paalisin ang aliping si Hagar kasama ang kanyang anak, ang anak mismo ni Abraham, na isinilang sa laman. At ito'y sinangayunan ng Diyos na sundin niya ang kanyang asawa. Kaya't isang palaisipan na si Abraham ay kumuha ng iba pang babae at magpalaki ng mga anak habang nabubuhay pa si Sarah. Ang iba ay nagpahayag na si Abraham ay tumanggap ng bagong buhay (sigla) upang maipanganak si Isaac at sa gayon ay naging palaanak muli.

Mga Talata 2-6 Malinaw na sinabi ng Diyos kay Abraham na ang pangako sa kanya ay para sa kanyang anak na si Isaac at HINDI para kay Ismael. Pero siya ay kumuha pa ng isa pang babae mula sa sekswal na pagnanasa at nagkaroon ng mga anak sa kanya. Ngayong nakita niyang nalalapit na ang kanyang kamatayan (marahil ay ipinahayag ng Diyos), kailangan niyang isaayos ang kanyang pag-iiwanan. Ang mga anak niya kay Ketura ay ipinaglihi rin sa laman (parang kay Hagar), at pinapunta sa ibang dako tulad ng sa kaso nang pinaalis niya si Ismael. Hindi magmamana ang mga anak na ito, si Isaac (ang anak ni Sarah) ang itinalaga lamang ng Diyos bilang tanging tagapagmana. Pansinin ang talata 6, may MGA kerida si Abraham at mga anak sa ibang mga babae. Kaya hindi lang ito limitado sa isang babaeng si Ketura. Si Abraham ay naging lubhang masuwayin sa Diyos dahil siya ay nahulog sa poligamya.

Mga Talata 7-8 Si Abraham ay tumanda na, nakatanggap ng bagong buhay (sigla) at higit pa sa tinukoy ng Diyos na sagad na edad na 120 taon. Si Abraham ay 140 nang mag-asawa si Isaac. Namatay siya sa edad na 175, samakatuwid ay pinahintulutang tamasahin ang kasal ng kanyang anak ng 35 taon. Nag-asawa si Isaac noong siya ay 40, si Rebeka ay baog sa loob ng 20 taon, ang kanilang kambal ay ipinanganak noong si Isaac ay 60 taong gulang (talata 26). Kaya pinahintulutan si Abraham na makita ang kanyang mga apo (140 + 20 = 160 taon) nang sila ay isinilang at makapiling pa ng 15 taon.
Si Abraham ay huminga ng kanyang huling hininga, posibleng nangangahulugan ito ng isang mapayapang kamatayan nang walang paghihirap ng sakit o paghina ng katandaan.

Mga Talata 9-11 Inilibing siya ng kanyang mga anak na sina Isaac at Ismael. Nangangahulugan iyon na muling nakipag-ugnayan si Abraham kay Ismael pagkatapos ng kamatayan ni Sarah. Ang iba pang mga anak na lalaki ay naipadala na sa lupain sa dakong silangan. Si Abraham ay inilibing sa parehong kuweba ng kanyang asawang si Sarah. Si Isaac ay patuloy na nanirahan sa Beer-Lahai-Roi kung saan kinuha niya si Rebeka bilang kanyang asawa.

Mga Talata 12-18 Si Ismael ay nagkaroon ng 12 anak, o 12 tribo. Sila ay nanirahan sa isang bansa na nasa silangan ng Ehipto. Namatay si Ismael sa edad na 137.

Mga Talata 19-21 Narito ang isa nanamang palaisipan. Si Rebeka ang babaeng pinili ng Diyos bilang asawa para kay Isaac, siya ay baog tulad ni Sarah. Si Abraham ay ipinangakuan ng Diyos na si Isaac ay magiging isang dakilang bansa. Walang alinlangan, alam ni Isaac ang pangakong ito, ngunit hindi naganap ang kaagarang pagbubuntis dahil baog si Rebeka. Isa muling imposibleng situwasyon. Nanalangin si Isaac para sa kanyang asawang si Rebeka at pinagbigyan ng Panginoon ang kanyang panalangin. Bakit? Maaaring nanalangin si Rebeka ngunit ang panalangin ni Isaac, bilang ulo ng pamilya, ang dininig ng Diyos. Ngunit bakit pa kailangang manalangin kung ipinagako naman ito ng Diyos? Sa kasamaang palad, utang ko sa inyo ang sagot dito.
Nanalangin si Daniel batay sa pangako ng Diyos na pagkatapos ng 70 taon ay pahihintulutan ng Diyos ang Israel na makabalik mula sa pagkatapon sa ibang bansa. Ito ay isang panawagan sa pangako ng Diyos. Ngunit iyon ba ay ipinagkaloob na panalangin o itinakda na talagang mangyayari dahil ito'y pinangako ng Diyos?
Maging aral ito para sa mananampalataya. Ang panalangin ay dapat may pagtitiyaga (si Rebeka ay nanatiling baog ng 20 taon) na may apela sa pangako na ibinigay ng Diyos (sa Bibliya). Ito ay dapat na naaayon sa Kalooban ng Diyos, at alam natin ang Kalooban ng Diyos mula sa Bibliya. Kaya naman mahalaga ang pag-aaral ng Bibliya upang malaman ang teksto ng Bibliya sa loob ng konteksto nito at hindi lumihis sa ibig sabihin nito, tulad ng ginawa ni satanas sa kanyang panunukso kay Hesus.

Mga Talata 22-23 Hindi karaniwan ang pagtutulakan ng kambal sa loob ng tiyan ni Rebeka. Bigyang-pansin ang kanyang reaksyon. Nang napansin niya na may kakaibang nangyayari sa kanyang tiyan ay sumangguni siya sa Panginoong Diyos. Hindi binanggit sa Bibliya na kung merong mga propeta sa paligid. Kaya ba ang buntis ang direktang sumangguni sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin? At bakit hindi kasama ang kanyang asawa sa pagdulog?
Sumagot ang Diyos kay Rebeka. Paano? Hindi eksaktong nakasaad sa Bibliya kundi; "At sinabi ng Panginoon sa kanya". Nangangahulugan ba iyon ng malinaw na boses, o pagsagot ng Diyos gamit ang isang panaginip? Sa anumang paraan, ito ay isang malinaw na sagot nang direkta mula sa Diyos Mismo nang walang halong pagdududa.
Napakalinaw, dalawang bansa ang ipinropesiya na nasa kanyang sinapupunan kung saan ang matanda ay maglilingkod sa nakababata. Malinaw na sinagot ng Diyos si Rebeka at sinabi kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Maging sa kanyang tiyan ay nakikipagtunggali na ang kambal kahit hindi pa isinisilang. Ito ay mahirap intindihin sapagká't ang isang bilig (fetus) ay wala pang kalooban, ang hindi pa isinisilang ay sadyang ignorante. Ngunit ang piglasan sa sinapupunan ay nagpapatunay na ang isang bilig ay may buhay, isang tao na, at ang buhay nito ay hindi dapat kitilin sa pamamagitan ng pagpapalaglag (pamamasláng/pagpatay).
Dito ipinakita ang walang hanggang karununganay ng Diyos, na alam Niya na ibebenta ni Esau ang kanyang pagkapanganay kay Jacob; tignan ang mga talata 31-33.

Mga Talata 24-26 Ang ilan ay nagtataka kung bakit hindi ginawa ng Diyos na si Jacob ang unang ipanganak? Ang Diyos ay Siyang Pinakamakapangyarihan sa lahat. Bilang mga taong hindi natin maarok ang mga dahilan ng Diyos. Sinubukan ng Diyos si Paraon sa Exodo, binigyan siya ng pagkakataong makinig sa mga babala ng Diyos. Sa mga talatang 31-33, si Esau na unang ipinanganak ay susubukan kung paano niya papahalagahan ang karapatan niya bilang panganay ngunit ito'y ipagwawalang bahala niya't ipapamigay kapalit ng kaunting pagkain.
Si Isaac ay hindi na bata pa noong siyang naging ama. Sa kasamaang palad, walang binanggit tungkol sa edad ni Rebeka. Ang kanilang pananampalataya sa pangako ng Diyos ay nasubok din nang husto.

Talata 27 Si Esau ay isang mahusay na mangangaso. Isang masipag na obrero na nangangahulugan ng paghahanap sa mga mailáp na hayop at pagkitil sa kanila gamit ang kanyang pana at palaso, o paghuhuli gamit ang patalím.
Si Jacob ay naging isang tahimik na tao at laging nasa bahay. Siguro tulad ng kanyang lolo, ay gumamit ng mga tagapaglingkod upang pastulan ang kawan. Hindi ito binabanggit ng Bibliya ngunit tila makatuwiran itong isipin.

Talata 28 Ang sinumang magulang ay hindi dapat magpakita ng pagkakaiba sa kanilang pagmamahal sa kanilang mga anak. Ngunit sa tunay na buhay maaaring mayroong itinatanging anak ang ama o ina. Hindi natin masasabi na ito ay sanhi ng talatang 23 kung saan ang nakababata ay hinulaang hihigitan ang mas matanda. Posible na ang pagtatangi ni Isaac ay dahil sa mga uwing huli ni Esau; ang pagmamahal niya ayon sa hilig ng kanyang panlasa at tiyan. Kaya posibleng pang panabla, mas pinili ni Rebeka si Jacob.
Aral: Mag-ingat at siguraduhing hindi napapansin o nararamdaman ng mga bata na may pagkakaiba ng pagmamahal mula sa magulang. Huwag maglaro ng "Sino ang mas mahal mo, ang tatay o ang nanay?" na laro kasama ang inyong mga anak. Kung minsan ay may pagkakaiba sa pagtrato sa iyong mga anak, palaging ipaliwanag kung bakit. Halimbawa; ang aming panganay ay 7 taong mas matanda kaysa sa bunso. Ang panganay ay kailangang tumanggap ng higit na responsibilidad, habang ang bunso ay kailangang tanggapin na ang kanyang kuya ay nakakatanggap ng mas mahal na mga laruan. Ayos lang ito kasi kaming mga magulang ay nagpapaliwanag sa kanila kung bakit. Madalas sabay namin silang binibigyan ng regalo.

Putaheng LentilMga Talata 29-30 Ang mga lentil ay puno ng iron, hibla at protina. Ang mga pulang lentil ay madalas na walang manipis na balat at pangunahing ginagamit para sa mga sopas at niligis na patatas. Hindi kataka-taka na si Esau, na pagod at bumalik mula sa isang hindi matagumpay na pangangaso, ay gustong magkaroon ng masustansyang pagkain.
Mga Talata 31-33 Gaano kalupit si Jacob. Ang kanyang kapatid na gutom at pagod na bumalik mula sa pangangaso nang walang nahuli ay tinanggihan niyang bigyan ng pagkain. Maaari din siyang humingi ng anumang kapalit para sa pagkain ngunit sa halip ay hiningi ang karapatang-panganay ng kanyang kuya. Malamang kinamumuhian niya talaga si Esau para hingin ang karapatang tanging kanya lamang. Posibleng talagang pagod at gutom si Esau, kaya pakiramdam niya'y walang silbi ang pagkapanganay kung mamatay siya kapag di kaagad makakain. Kung kaya't sumangayon at sumumpa siya sa palitan; ibinigay niya ang kanyang karapatang-panganay para sa putaheng lentil at tinapay.
Talata 34 Ngunit ang Bibliya ay nagbigay ng isa pang paliwanag: Si Esau ay kumain at uminom, bumangon at umalis. Hindi siya nagbigay ng anumang halaga sa kanyang pagkapanganay. Pagnaglaon magsisisi siya. Dahil ba nakalipas na ang kanyang pagod at natauhan na siya? Ngunit isinulat sa Bibliya na hindi niya pinahalagahan ang kanyang pagkapanganay kaya niya hindi iningatan ito.
Hayaan itong maging isang aral, huwag gumawa ng mga desisyon kapag ikaw ay sobrang pagod, lalo na sa ilalim ng mahirap na mga pangyayari kapag sa tingin mo ang lahát-lahát ay hindi mahalaga. Maghintay at maghinay-hinay bago ka pumirma ng mga dokumento o gumawa ng mahalagang desisyon. Dito ay tiyak na naghihintay si satanas na pabagsakin ka kung saan ang mga kahihinatnan ay mabigat. Maghintay hanggang sa luminaw at manariwa ang iyong pananaw para hindi ka malinlang!

Balik sa MenuBalik sa itaas


Genesis 26 - Walang pagtitiwala sa Diyos ni Isaac

Talata 1 Tila nauulit ang kasaysayan dahil muling lumitaw ang taggutom. Sa pagkakataong ito, umalis si Isaac papunta sa lupain ni Abimelec sa Gerar at hindi sa Ehipto. Ipinakita ni Abimelec ang kaniyang kabutíhang-loób noong mga araw ni Abraham. Posibleng iyon ang dahilan kung bakit pupunta si Isaac sa kanyang bansa.

Mga Talata 2-6 Nagpakita ang Diyos kay Isaac na may utos na huwag maglakbay sa Ehipto, ngunit manatili sa lupain ni Abimelec, ang lupain ng Gerar. Direktang inulit ng Diyos kay Isaac ang Kanyang pangako kay Abraham; Maging masunurin sa Akin, pagkatapos ay pagpapalain Ko kayo at tutuparin ang Aking pangako. Ang mga kondisyon ay: pagsunod, tuparin ang aking mga kautusán at mga batas.

Mga Talata 7-8 Dito rin para bang naulit ang kasaysayan. Tila walang tiwala sa Diyos ang pinamalas ni Isaac. Sa kabila ng mga aral mula sa kanyang ama na si Abraham, na nagsinungaling na ang kanyang asawa ay kanyang kapatid na babae (na isang kalahating katotohanan). Ngayon nagsinungaling si Isaac dahil wala naman siyang kapatid (o kalahating-kapatid) na babae. Tiyak na narinig ni Isaac ang dalawang kuwento ng kanyang ama. Tiyak na sinabi ito ng kanyang ama, kung hindi pagkaraan ng mga henerasyon, hindi ito maisusulat ni Moises. Ito ay napakalungkot na kaso kay Isaac. Iniligtas ng Diyos ang kanyang buhay bilang handog na sinusunog noong siya ay bata-bata pa. Inulit ng Diyos ang Kanyang pangako sa mga talata 2-6 na siya ay magiging isang dakilang bansa. Ang Diyos ay personal ding nagpakita sa kanya, ngunit tulad ng kanyang amang si Abraham, makikita na WALANG pagtitiwala sa Diyos. Isang kasinungalingan ang inutos niya sa kanyang asawang si Rebeka na sabihin sa mga taga-Gerar na siya ay kanyang kapatid na babae. Sa kabila ng lahat ng mga aral mula sa nakaraan at ang ibinigay na dakilang pangako ng Diyos Mismo, walang pananalig sa Panginoon ang sinukli ni Isaac sa kanyang pagsisinungaling.
Sa kasamaang-palad, ang Diyos ay hindi na nagpapakita nang personál sa mananampalataya ngayon. Nakikipag-ugnayan ang Diyos sa mga Kristiyano sa pamamagitan ng Kanyang Salita, ang Bibliya; sa pamamagitan ng mga aral na mababasa natin doon. Tulad ni Abraham at Isaac, ang mananampalataya ay sinusubukan sa pamamagitan ng pagtitiis at iba pang klase ng kahirapan. Mahalagang magtiwala sa mga Salita ng Bibliya sa tamang konteksto, at hindi magpalinlang kay satanas.

Talata 9 Abimelec ay malamang na isang titulo. Maaaring anak ito ni Abimelec noong panahon ni Abraham. Posible na alam din nitong si Abimelec ang kasaysayan ng panlilinlang sa pagsasabi na "ang babae ay kapatid ko." Gaano kahangal ba si Isaac na ginamit ulit ito? Ang kasabihang "Kahit na ang kasinungalingan ay napakabilis, ang katotohanan ay makakahabol" ay natupad dito. Personal na nakita ni haring Abimelec na nililigawan o nilalandi ni Isaac si Rebeka. Tinawag siya ng hari upang managot. Napakalaking kahihiyan at dungis sa kanyang testimonya na nagpapatunay na wala siyang tiwala sa kanyang Diyos dahil natakot siya para sa kanyang buhay kaya nagawa ni Isaac na magsinungaling.

Talata 10 Ang hari at ang kanyang mga nasasakupan ay may takot sa kanilang mga diyus-diyosan, pero may takot din silang pinamalas para sa Diyos ni Abraham at ni Isaac. Parang lumalabas na ang mga taga-Gerar ay higit na may takot na magkasala laban sa Diyos ni Isaac kaysa kay Isaac mismo. Anong laking kahihiyan at napakasamang patotoo ng anak ni Abraham. Ang haring ito ay nagpahayag sa publiko; sinisi niya si Isaac na isinubo sila sa kapahamakan kung nagalaw ng isa sa mga kalalakihan ng Gerar si Rebeka. Inulit niya ang kasalanan ng kanyang amang si Abraham; parehong nahulog ang mag-ama sa kasinungalingan, at parehong nagpakita ng kahinaan ng pananalig sa kanilang sariling Diyos. Maging aral ito sa mananampalataya; huwag mong hiyain ang Pangalan ng Diyos na Siyang Panginoon at Tagapagligtas mo.

Talata 11 Ang hari ay radikal at nagbigay ng patotoo sa kanyang pananampalataya sa Diyos ni Isaac. At sinabi ni Abimelec sa kanyang nasasakupan, “Papatayin ang sinumang umapi sa mag-asawang ito.” Ito'y patunay na may takot siya sa Panginoon. Alam niya na si Isaac at ang kanyang asawa ay nasa ilalim ng proteksiyon ng kanilang Diyos, at kung may masamang gawin sa kanila, Kanyang parurusahan ang hari at ang kanyang mga tauhan.

Mga Talata 12-14 Pinagpala noon ng Diyos si Abraham ng kayamanan sa kanyang pananatili sa lupain ng Gerar. Ngayon sinimulang pagpalain ang anak niya at lubusang yumaman din doon. Ang mga alipin at mga kawan ng tupa at baka niya ay dumami. Ang mga naninirahan sa Gerar (ang mga Filisteo) ay naiinggit sa pagpapala ng Diyos kay Isaac. Siyempre ang pagpapalawak na ito ay nangangailangan din ng mas maraming teritoryo.

Mga Talata 15-17 Ang tubig ay isang pangangailangan, lalo na sa Silangan, upang mabuhay. Lumalago nang husto si Isaac at sa pamamagitan ng pagtatabon sa mga balon, sinikap ng mga Filisteo na gawing mahirap ang buhay ni Isaac at ng kanyang mga alipin at mga kawan. Kaya inutos ng haring Abimelec; “Umalis ka na, Isaac; mas makapangyarihan ka pa ngayon kaysa amin.” Nilisan ni Isaac ang lugar at doon nanirahan muna sa libis ng Gerar.

Mga Talata 18-20 Tinabunan ng mga Filisteo ang mga balon ni Abraham pagkamatay niya. Hindi na binanggit ng Bibliya kung tinakpan ng buhangin o bato. Pero muling hinukay ni Isaac ang mga balon dahil marami siyang kawan at mga alipin, kaya kailangan niya ng maraming tubig. Ang isang balon na naglalaman ng tubig galing sa ulan ay maaaring matuyo. Ngunit ang balon na may tubig bukal ay nangangahulugang ang tubig ay sariwa at maiinom, bukod dito, hindi ito natutuyo. Kaya hindi kataka-taka na ang mga pastol ng Gerar ay nakipag-away at inangkin ang bukal ng tubig na nahukay ng tauhan ni Isaac.

Mga Talata 21-23 Pagkatapos ng ilang alitan sa mga pastol na taga-Gerar at ang palipat-lipat, bumalik si Isaac sa lupain ng kanyang namatay na amang si Abraham sa Beerseba (Genesis 22:19).

Mga Talata 24-25 Muling nagpakita ang Diyos kay Isaac. Napakalaking pribilehiyo na personal na nagpakita sa kanya ang Diyos. Nagusap ba sila ng Diyos o sinabihan lang siya ng Panginoon? Kahit anuman, pinaalala Niya at nilinaw ang napakagandang pangako; "huwag kang matakot, sapagkat sasamahan kita; pagpapalain kita, at pararamihin Ko ang iyong lahi". Isang pangako na hindi niya kailangang matakot sa kanyang mga kaaway. Ito'y hindi naiiba sa pangako ng Diyos sa mga Kristiyano. Si Hesukristo ay nangako din sa Kanyang mga alagad na hindi kailangang matakot (Lucas 12:7, Juan 14:27), bagamat maaaring may paghihirap, pagkamartir at kamatayan. Gayunpaman ang kamatayan ng mananampalataya ay sa katawan lamang at kung sino ang magpapatuloy kumapit sa Panginoon hanggang sa wakas ay may naghihintay na buhay na walang hanggan sa Langit.
Nagtayo si Isaac ng altar kung saan dinadala ang mga handog na sinusunog para sa kapatawaran ng kasalanan. Ang mga lingkod niya ay naghukay ng balon upang magkaroon ng tubig sa lugar na yaon na kanilang tinayuan ng tirahan.

Mga Talata 26-29 Si Haring Abimelec at ang kumander ng kanyang hukbo na si Picol ay pumunta sa tirahan ni Isaac. Hindi nila gustong magkaroon ng alitan kay Isaac kaya pinuntahan nila para makipagkasundo't maging magka-alyado sa ilalim ng isang tipan. Hinarap ni Isaac ang hari ng mga Filisteo at tinanong; “Bakit mo ako dinalaw? Hindi ba't galit ka sa akin at ako'y pinaalis mo sa iyong bayan?” Sumagot sila na naniniwala silang sinasamahan at pinagpapala ng Diyos si Isaac, kaya nais nilang gumawa ng kásunduan sa pagitan nila upang ipangako ni Isaac na hindi sila pipinsalain dahil kita nila na mas makapangyarihan siya ngayon kaysa kanila. Tutoong ang mga hari ng Gerar ay nagpakita ng kagandahang-loob at pakikitungo sa kanilang mag-ama at hinayaang manirahan sa KANILANG bansa noong panahon ng taggutom. Pareho ding nagsinungaling ang mag-amang Abraham at Isaac sa mga haring ito patungkol sa kani-kanilang mga asawa; na sila'y mga kapatid nilang babae. At nang nabunyag ang katotohanan, nagpamalas sila ng malaking takot sa Panginoong Diyos - na Siyang kamuntikan na nilang labagin - dahil sa kinuha nila ang mga maybahay ng walang kamalay-malay na sila pala'y may mga asawa na. Sa halip na parusahan ang mag-ama, pinakitaan pa nila ng magaang kalooban dahil na rin sa ang kamay ng Diyos ang nagiingat sa lipi ni Abraham.

Mga Talata 30-31 Nais ni Abimelec ang kapayapaan sa pagitan ng mga Filisteo at lahi ni Isaac at ito'y binigkis sa pamamagitan ng panunumpa ng dalawang panig. Alam nila na ang hindi tumupad sa kanyang salita ay parurusahan ng Diyos sa paglabag ng pangako. Pagkatapos manumpa, ang hari at ang kanyang piling kasamahan ay umalis nang payapa't panatag dahil ang Diyos ni Isaac ay saksi sa tipan nila.

Mga Talata 32-33 Ang Beerseba ay isang teritoryong madisyerto (Genesis 21:14) kung saan tinagpo ng anghel ng Panginoon ang aliping si Hagar. Muling naghukay ng balon ang mga lingkod ni Isaac. Kung ang lungsod ay pinangalanang Beerseba dahil sa maraming mga balon ng tubig doon ay hindi malinaw.

Mga Talata 34-35 Si Esau ay nahulog sa poligamya at nagpakasal sa dalawang Heteong babae na sina Judith at Basemath. Laban ito sa utos ng Diyos na magpakasal sa isang babae lamang AT sa loob ng sariling tribo. Di tulad ng kanyang ama na inihanap ng mapapangasawa mula sa mga lahi ng kapatid ni Abraham. Kinuha ni Esau ang dalawang asawa na sumasamba sa mga diyus-diyosan ng tribong Hiteo. Ang pagsuway niya ay humantong sa malaking sama ng loob ng kanyang mga magulang; sina Isaac at Rebeka. Oo, si Esau ay 40 taong gulang na at may karapatan siyang pumili para sa kanyang sarili at hindi na maaaring pagbawalan ng mga magulang. Ngunit maaari din nating pagmuni-munihin kung paano pinalaki't ginabayan si Esau ng kanyang mga magulang gamit ang alituntunin ng Diyos.
Nag-aararong baka at kabayoKumusta ang mga mananampalatayang magulang? Itinuturo niyo ba ang mga alituntunin ng Diyos sa inyong mga anak? Tulad ng walang pakikipagtalik bago ang ikasal? Ang pagpili ng kapwa Kristiyano bilang kapareha? Ang pagiwas o pagbawal sa mga manliligaw na hindi mananampalatayang Kristiyano? Tingnan mo Ang pagpili ng iyong magiging kapareha. Bilang mga magulang wala tayong palusót, tungkulin natin ipagbawal ang mali. Kung ang bata ay masuwayin, kailangan nitong maranasan ang mga kahihinatnan. Dapat din ituro sa mga anak ang mamuhay ng may pananalig kay Hesus upang malaman nila ang patutunguhan makatapos ang buhay sa lupa. Tutal, ang mga anak kapag tumanda'y may sarili nang kamalayang magpasiya; may layang pumiling magpasakop sa Diyos o suwayin Siya. Kaya matuto sa aral na makukuha kay Esau, mamili ng kaparehang kapwa mananampalataya (tingnan ang 1 Corinto 7, 2 Corinto 6:14). Mamuhay ng kalugod-lugod sa Banal na Espiritu na Siyang pinagkaloob ng Diyos bilang tanda ng ating kaligtasan (Efeso 4:30).

*) Tandaan: Ito ay isang seryosong bagay. Ang pananampalataya sa Panginoong Hesukristo bilang una at ang kasal ay mga napakahalagang maintindihan sa buhay. Ito ay hindi isang katanungan ng oras na ito, sa siglong ito. Ang Diyos ay walang hanggan, ang Kanyang kaalaman ay hindi masusukat. Alam Niya kung ano at sino ang pinakamabuti para sa Kanyang mga nilalang. Hindi natin puwedeng sabihin na hindi na ito nababagay sa ating modernong panahon. Kaya bilang mga magulang, ipinaliliwanag mo ba mula sa Bibliya kung anu-ano ang mga ipinagbabawal ng Diyos. Ipamulat sa mga anak ang maraming diborsyo dahil sa pagbubuklod ng isang Kristiyano sa hindi, at ang panlalamig ng pananampalataya ng iba dahil sa nakipag-isang dibdib sila sa hindi mananampalataya.
Kung ang pakikipag-usap sa iyong sariling anak ay hindi nakakatulong, hilingin sa pastor ng iyong simbahan na kausapin at payuhan ang iyong masuwaying anak.
Paano dapat ito itrato ng simbahan? Bukod sa pakikipag-usap sa sumusuway na anak, ang ilang mga hakbang sa pagdisiplina ng simbahan ay ang pagaalis sa kanya sa mga tungkuling simbahan (tulad ng koro, musika, pamamahagi ng Banal na Hapunan, atbp.). At kung patuloy pa rin sa pagsuwail, tanggalín siya sa pagiging miyembro ng simbahan kung kinakailangan. Ngunit kahit dumaranas ng pagdidisiplina, mahalagang huwag kailanman tanggalin ang pagkakataong manumbalik o makalapit muli sa Panginoon sa pamamagitan ng simbahan.
Bilang isang magulang na may mga menor de edad na anak, manalangin palagi para sa karunungan at patnubay ng Banal na Espiritu. Huwag tanggapin ang hindi Kristiyanong manliligaw o kapareha sa iyong bahay. Ipaliwanag ito kung bakit. Sa mga anak na nasa hustong gulang na, huwag makibahagi sa kasalanang nila at hilingin sa masuwaying anak na umalis sa tahanan at mabuhay ng mag-isa tutal ayaw niya namang sumunod. Ngunit hayaang bukas ang inyong pinto upang makabisita o sakaling matauhan at magsisi na siya. Dapat maging malinaw na ang pinag-uusapan dito't nakataya ay ang buhay Kristiyano, ang posibleng maiwan sa Pagsundo ni Kristo at ang pangakong buhay na walang hanggan. Sinong magulang ba ang nagnanais na ang kanyang mga anak ay dumaan sa Dakilang Kapighatian o hindi maligtas?

Balik sa MenuBalik sa itaas


Genesis 27 - Ang pagpapala ni Isaac sa kanyang anak

Mga Talata 1-2 Si Isaac ay halos mabulag na at nadaramang palapit na ang kanyang kamatayan. Kaya naman tinawag niya ang kanyang paboritong anak na si Esau para basbasan bago siya mamatay. Sa mga sumusunod na talata mababasa natin ang panlilinlang ng kanyang asawang si Rebeka at ng kanilang bunsong anak na si Jacob. Hindi nagtitiwala si Rebeka sa Diyos na tutuparin Niya ang Kanyang ipinangako sa Genesis 25:23, at hindi rin ito tila sinabi o alam ni Isaac. Pareho silang kumilos sa sariling kaparaanan at binale-wala ang Kalooban ng Diyos.

Mga Talata 3-4 Lumilitaw na kaugalian ni Esau na ihanda ang kaniyang masarap na pagkain ng ilap na hayop para sa kaniyang ama. Sinabihan siya ni Isaac na ihain ang paborito niya para tamasahin ito bago niya basbasan si Esau bago siya pumanaw. Maaaring si Isaac ang may kasalanan dito dahil malinaw na sinabi ng Diyos sa kanyang asawa na ang pagpapala ay para kay Jacob at hindi para kay Esau. Bukod dito, si Esau ay masuwayin sa Diyos sa kanyang pag-aasawa ng maraming babae mula sa mga Heteo. Ngunit paborito ni Isaac si Esau kaysa kay Jacob kahit na ang pagbibigay ng pagpapala sa panganay ay labag sa kalooban ng Diyos. Ngunit hindi siya pinahintulutang maibigay ng pagpapala sa mga talatang 28-29.

Mga Talata 5-6 Naroon si Rebeka sa may tolda nang kinausap ni Isaac ang kanilang anak na si Esau. Naintindihan niya sa usapan ang pinlano ng asawa. Sa halip na magtiwala sa Diyos (Genesis 25:23) at kumapit sa Kanyang pangako, lumikha siya ng makamundong paraan upang linlangin ang asawa't panganay sa pamamagitan ng matinding kasinungalingan at detalyadong sabwatan. Naghintay siya hanggang sa umalis si Esau papuntang bukid upang mangasò at pagkatapos ay tinawag ang kanilang anak na si Jacob.

Mga Talata 7-8 Ikinuwento ni Rebeka sa kanyang paboritong anak na si Jacob ang narinig niyang pag-uusap ng kanyang asawang si Isaac at ng kanilang panganay na si Esau. Gusto niyang mapunta kay Jacob ang pagpapala at hindi sa paboritong anak ni Isaac na si Esau. Ito ay nagpapakita ng kanyang kawalan ng paggalang at pagpapasakop sa kanyang asawa. Pinlano niya ang pakikipagsabwatan kay Jacob upang hindi maisakatuparan at maganap ang gusto ni Isaac na iwanan ang kanyang pagpapala kay Esau sa sandaling makabalik siya mula sa pangangaso. Sa pamamagitan ng paggamit ng panlilinlang, ipinakita ni Rebeka ang kawalan ng pagtitiwala sa Diyos sa pagsasagawa ang kaniyang kalooban at nagpamalas ng masamang halimbawa bilang asawa at ina. Iginiit niya na sundin ni Jacob ang kanyang plano na linlangin kapwa sina Isaac at Esau. Nanlamig na ba ang pagmamahal ni Rebeka sa asawa kaya niya nagawa ito?

Mga Talata 9-10 Si Jacob, na isang pastol, ay inutusan ng ina na pumunta sa kawan at kumuha ng dalawang matabang batang kambing na lulutuin ni Rebeka gaya ng paboritong putahe ng kanyang asawa, na siyang iaahin ng bunso sa ama para siya ang pagpalain sa halip ng kanyang kapatid. Itong panlilinlang ay pinag-isipang mabuti at patunay na sinadya ni Rebeka (kasabuwat si Jacob) na lokohin si Isaac at Esau. Paano kaya nagawang lutuin ang alagang kambing na maglasang kapareho ng mailap na hayop? Si Rebeka ba ay napakahusay magluto kaya hindi natikman ni Isaac ang anumang pagkakaiba sa karne?

Mga Talata 11-12 Ngunit alam ni Jacob na ang kanyang kapatid ay mabalahibo ang balat samantalang siya'y hindi, kaya madaling matuklasan ng kanyang ama ang panlilinlang nila. Samakatuwid, natakot siya na sa halip na pagpapala, maaaring matanggap niya'y sumpa. Hindi nakakitaan ng pagtanggi si Jacob sa utos ng ina kaya kapwa siya may-sala sa balak na panloloko dahil hinangad din niya na makuha ang pagbabasbas na para sa kanyang kapatid. Matatandaan na sa Genesis 25:30–34 ay pinagpalit ni Esau ang kanyang karapatan bilang unang isinilang (birthright) para sa pagkain ni Jacob. Ngayon sa pamamagitan ng panlilinlang ay nais niya ring makuha ang pagbabasbas ng ama sa pagpapanggap na siya ay si Esau.

Mga Talata 12-17 Inako ng ina ang lahat ng responsibilidad at posibleng sumpa na maaaring dumating kung sila'y mabuking. Walang bakas ng takot sa sumpa o sa Panginoong Diyos na pinagpatuloy nila ang kanilang masamang balak. Mala-tuso na naisip ng ina ang lahat; kinuha niya ang mga damit ng anak na si Esau na may amoy niya, tinatakpan niya ang makinis na balat ni Jacob ng balahibong galing sa kinatay na mga kambing. Tunay na pinaghandaang maigi ang pagsisinungaling at malaking kasalanang ito na nagpapatotoóng may-malay nilang nilabag ang kalooban ng Diyos.
Inihanda ni Rebeka ang pagkain at ibinigay kay Jacob upang dalhin ito sa kanyang bulag na asawa.

Mga Talata 18-19 Pumunta si Jacob at tinawag ang kanyang ama dala ang masarap na pagkain. Bagamat halos hindi na makakita si Isaac ay nakilala niya ang tinig ay tila hindi kay Esau, kaya't siya ay nagtanong: Sino ka, aking anak? Kakaiba ang tanong dahil kinilala niyang anak ang dumating ngunit halatang hindi niya matukoy kung sino sa kambal.
Walang takot sa Diyos na sinagot ni Jacob ang kanyang ama na siya raw ay (1) si Esau, (2) ang iyong panganay (3) at nagawa ko na ang inutos mo sa akin. Tatlong kasinungalingan ang kanyang sinambit. Maaaring naisipin ni Isaac na hindi naman alam ni Jacob kung ano ang napagkasunduan nila ni Esau pero may duda pa rin siya. Nagpatuloy ang bunsong sabihin sa ama na bumangon na't kumain upang siya'y mabasbasan pagkatapos.

Mga Talata 20-23 Medyo nagulat si Isaac na mabilis na nakapangaso at nakapaghanda ng pagkain ang anak, may mga pagaalinlangan siya. Sa tugon ni Jacob ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pagpapanggap kung saan isinangkot pa niya ang Diyos at sinabing: "Dahil pinagkalooban ako ng Panginoon mong Diyos ng tagumpay." Walang anumang takot sa Diyos dinamay niya ang Pangalan ng Diyos sa kanyang kasinungalingan. Pansinin na tinukoy niya ang Panginoon bilang Diyos ng kanyang ama at hindi niya sinambit na Siya'y Diyos rin niya. Sa puntong ito, hindi pa mananampalataya si Jacob.
Gayunpaman, hindi pa rin lubusang nagtiwala si Isaac at hiniling na haplusin (ang balat) ng anak. Makatapos ay sinasabi ng ama na; “Kay Jacob ang tinig ngunit ang bisig ay parang kay Esau!” Dito nagkamali si Isaac, sa kanyang pagsisiyasat HINDI siya sumangguni sa kanyang Diyos sa napakahalagang layunin ng pagbibigay basbas. Maaaring sumagot ang Diyos, gaya ng pakikipag-usap Niya noon kay Isaac, na ang pagpapala ay para kay Jacob tulad ng inihayag sa Genesis 25:23.
Aral para sa mananampalataya. Pag-isipang mabuti kung paano ka kumilos sa mahahalagang bagay para sa Kaharian ng Diyos, pagpapahayag ng ebanghelyo, misyon, o gawain para sa mga bata. Kung mayroon kang pagaalinlangan, dumulog sa Diyos sa pananalangin at humingi ng kumpirmasyon mula sa Salita Niya. Kapag ito ay labag sa Bibliya, HINDI ito mula sa Diyos. Hayaan ang iyong sarili na gabayan ka ng Banal na Espiritu kaysa kumunsulta sa mga tao. Kung minsan ang isang proyekto ay talagang maganda at ang mga kapwa mananampalataya ay buo ang suporta ngunit may mga pagkakataon na hindi sila nagpapatuloy kapag nakadama ng pagdududa.

Talata 24 Paano nasikmura ng isang anak ang lokohin ang sariling ama? Nagpapahiwatig ito ng walang anumang pakundangan sa Diyos at paggalang sa ama, na nakakalungkot na hinimok pa ng ina. Ang ama ay nagtanong: "Ikaw ba talaga ang aking anak na si Esau?" Sa pagtugon ni Jacob ng; "Ako nga", lalo niyang idiniin ang kanyang panlilinlang. Ngayon ay mararanasan ni Isaac kung anong pakiramdam ng isang taong pinagsinungalingan. Matatandaan na sa Genesis 26:6-11 sinabi niya sa mga taga-Gerar na ang kanyang asawa ay kapatid niya. Matitikman niya din kung anong nadarama kapag nalinlang ng iba.

Mga Talata 25-27 Hiniling ni Isaac na hagkan siya at naamoy niya ang damit ni Esau pero ang may suot ay si Jacob, at sinimulan niyang pagbabasbas at sinabi; “Ang masamyong halimuyak ng anak ko, ang katulad ay samyo ng kabukirang si Yahweh ang nagbasbas." Ito'y paniniyák ng ama ayon sa kanyang sariling panunuri na ang anak na bibigkasan niya ng basbas ay si Esau.

Mga Talata 28-29 Ipinapasa ni Isaac ang pagpapala; "Bigyan ka nawa ng Diyos, ng hamog buhat sa itaas, upang tumaba ang lupa mo't ikaw nama'y makaranas ng saganang pag-aani at katas ng ubas. Hayaan ang mga bansa'y gumalang at paalipin; bilang pinuno, ikaw ay kilalanin. Igagalang ka ng mga kapatid mo, mga anak ng iyong ina ay yuyuko sa iyo." Pansinin ang paggamit ng katagang "mga". Hindi kailanman magpapasakop si Esau kay Jacob, pero ang mga anak ni Jacob ay yuyuko sa kanilang kapatid na si Jose.
Isang dakilang pangako ang ibinigay sa kanya: "Sila nawang sumusumpa sa iyo ay sumpain din, ngunit ang nagpapala sa iyo ay pagpalain.”

Mga Talata 30-32 Natanggap ni Jacob ang basbas at nagmamadali sa pagkaalam na maaaring bumalik ang kanyang kapatid anumang oras. Halos hindi pa nakaka-alis si Jacob nang bumalik si Esau mula sa matagumpay na pangangaso dala ang pagkain na inihanda at inihain ito sa kanyang ama. Niyaya niya itong kumain ng kanyang masarap na niluto. Nalilitong tinanong ng ama: "Sino ka?" Sumagot si Esau ng: "Ako ang iyong anak, ang iyong panganay, si Esau". Ang kasinungalingan ay mabilis na nabunyag, ang panlilinlang ay hindi nagtagal. Ngunit ang pinsala ay nagawa na.

Talata 33 Nanginig ang buong katawan ni Isaac ngunit nananatiling buhay at hindi naapektuhan ang puso sa pinagdaanang panlilinlang sa kanya. Nakilala niya ang tinig ng kanyang panganay at napagtanto ang panloloko ni Jacob at posibleng sangkot ang asawa niyang si Rebeka.
Ipinaalam niya kay Esau ang nangyari. Pinagpala ko ang iyong kapatid. Ngunit pansinin ang sumunod na sinabi: "Binasbasan ko na siya at tataglayin niya iyon magpakailanman.” Ito'y kumpirmasyon ng pagpapala dahil sa binitawang salita. Napagtanto ni Isaac na hindi na niya mababawi ang binibigkas na pagpapala kay Jacob. Alam ba niya ang sinabi ng Diyos noon sa buntis na si Rebeka, na ang nakababata ang mamumuno sa nakatatanda? Ito ay natupad dito sa pamamagitan ng pagbabasbas kay Jacob kaysa kay Esau.

Talata 34 Si Esau ay sumisigaw ng napakalakas at mapait na hiyaw. Nakalimutan na ba niya na ipinagbili niya ang kanyang pagkapanganay sa kanyang kapatid? Tanggap niya na ipinagbili niya ito at sarili lang niya ang dapat sisihin dahil hindi niya ito binigyang halaga. May pagkakaiba ba sa pagitan ng karapatan ng pagkapanganay at pagbabasbas na nangyari?
Ibinigay ni Isaac ang lahat sa inakala niyang paborito niyang anak. Hindi siya nag-iwan ng basbas para sa kambal na kapatid. Wala na siyang maibibigay kay Esau, hindi na niya siya tunay na mapagpapala. Ang pagpapakita ng paboritismo ng ama (at ng ina) ay may konsekuwénsiyá. Hiniling ni Esau na pagpalain din siya ngunit ang LAHAT ay binigay na ng ama. Karaniwan ang mga anak ay nagmamana pareho't pinagpapala. Dahil sa pársiyalidád ng ama at ina, hindi patas ang tingin at trato nila sa mga anak. Nilabag nila ang alituntunin ng Diyos. Maaaring ikatwiran na ito ay itinakda ng Diyos, pero ito'y nangyari sa pamamagitan ng kakayahan at panlilinlang ng tao. Wala sa kanila ang nagtiwala't naghintay sa Diyos na Siyang kumilos at mag-ayos ayon sa Kanyang kaparaanan.
Maging aral ito para sa mananampalataya. Kapag may pinanghahawakan kang pangako mula sa Diyos, HUWAG mo itong pilit tuparin sa iyong sariling lakas. Maghintay ka sa tamang oras ng Diyos.

Mga Talata 35-37 Sinabi ni Isaac: “Nilinlang ako ng iyong kapatid kaya nakuha niya ang basbas ko para sa iyo.”
Ang ibig sabihin ng Jacob ay "humahawak sa sakong" mula sa pandiwang Acon na nangangahulugang kumapit sa sakong, na siyang nangyari noong ipinanganak ang kambal. Ito ay nangangahulugan din ng: pag-aagaw o pandaraya.
Ang unang paratang ni Esau na dalawang beses na siyang dinaya ng kapatid ay mali. Si Esau ay desperado't gutom noon ngunit kusang-loob na ipinagpalit niya ang kanyang pagkapanganay kapalit ng pagkaing handa ni Jacob, pero nangyari ito nang walang panlilinlang.
Ang pangalawang akusasyon ay tumpak sa panlilinlang na nakawan siya ng basbas. At dahil paboritong anak ni Isaac si Esau, wala siyang iniwang pagpapala para sa kakambal. Namulat si Esau at nagtanong: Wala ka bang inilaan (natira) na pagpapala para sa akin? Sa kanyang kahihiyan, sumagot ang ama na pinagpala niya si Jacob bilang panginoon ni Esau at wala siyang iniwang biyaya para sa kanya. Pinarusahan si Isaac dahil sa kanyang pagkiling sa panganay, kaya naipagkait ang LAHAT sa kanyang paboritong anak, ginawang pang sunud-sunuran sa kapatid at inalisan ng mga biyaya ng masaganang lupa.

Mga Talata 38-40 Napagtanto ni Esau na ang lahat ay nakuha sa kanya. Ang kanyang kinabukasan ay tinanggalan ng oportunidad at pagpapala. Itinaas niya ang kanyang boses at umiyak na nagmakaawa sa kanyang ama; “Talaga bang iisa lang ang inyong basbas, ama? Basbasan na rin ninyo ako.” Sumagot si Isaac; “Ang magiging tahanan mo'y malayo sa kasaganaan, pati hamog mula sa langit, ika'y pagkakaitan. Tabak mo ang iyong ikabubuhay, kapatid mo'y iyong paglilingkuran; upang kalayaa'y iyong makamit, kailangang ikaw ay maghimagsik.” Sa 2 Hari 8:20, ang mga Edomita - ang mga inapo ni Esau - ay maghihimagsik mula sa pamamahala ng Juda.

Konklusyon:
Maging seryosong babala ito para sa mga mananampalataya at kuhanin ang mahahalagang aral mula sa kabanatang ito. Ipinagbili ni Esau ang kanyang pagkapanganay sa isang panahon ng kahinaan. Iyon ay hindi na mababawi. Pangalawa, nangyari ang lahat ng ito ng may malay na pagpili. Nakuha ni Jacob ang pagpapala sa pamamagitan ng panlilinlang. Ang mananampalataya ay tumanggap ng mana pagkatapos ng pagtanggap kay Hesukristo bilang Tagapagligtas. Itong mana ay ganap na matatanggap ng Kristiyano pagkatapos ng kamatayan. Kung ang isang mananampalataya ay manumbalik sa kayamanan ng mundo (halintulad ng pagbenta ni Esau sa kanyang pagkapanganay kapalit ang pagkain), parang ipinagpalit na rin niya ang kanyang mana. Ang pagtalikod kay Kristo ay ang pagkawala ng pasukan sa Langit (maiiwan sa lupa at HINDI makakasama sa Pagsundo ni Hesus sa Kanyang Simbahan). Ang mananampalataya ay dapat mamuhay sa ilalim ng patnubay ng Banal na Espiritu hanggang sa kamatayan o sa Pagsundo. Kung hindi, dadaan siya sa malagim na Dakilang Kapighatian. Ngunit sa aking pananaw, nakakahinayang hindi makamit ang niluwalhating katawan at ang buhay sa Langit.

Talata 41 Naiintindihan natin kung bakit galit na galit si Esau. Niloko siya ng kanyang kambal na kapatid at ng kanyang ina. Nais niyang maghiganti. Ngunit nagpasya siyang maghintay hanggang matapos ang napipintong pagpanaw ng kanyang ama. Pagkatapos ay gusto niyang patayin ang kanyang kapatid. Sa paggawa nito, hindi niya alintana ang katotohanan na ang pagpapala kay Jacob ay ipinasiya ng Diyos. Ang pagpatay sa kanyang kapatid ay magdadala lamang ng kaparusahan ng Diyos sa kanya.

Mga Talata 42-45 Nalaman ni Rebeka ang pinaplano ni Esau na patayin ang kanyang kapatid pagkatapos ng kamatayan ng kanyang asawa. Kaya naman tinawag niya si Jacob na may bilin na tumakas sa kapatid niyang si Laban. Tumakas ka bago mamatay ang iyong ama at patayin ka ng iyong kapatid. Sa paglipas ng panahon, hihinahon din ang kapatid mo at makakalimutan ang ginawa mo sa kanya. Pagkatapos ay magpapadala ako ng mensahe para ika'y bumalik. Hindi ko nais na mawala ka at ang iyong ama sa akin ng isang araw.

Talata 46 Walang nabanggit ang Bibliya tungkol sa eskándalo ng pamilya ni Isaac kaya nakakamanghâ ang paglapit ni Rebeka sa kanyang asawa upang kausapin. Nagreklamo siya tungkol sa mga babaeng Heteong asawa ni Esau. Hiniling niya na payagang umalis si Jacob upang maghanap ng mapapangasawa sa angkan ng kanyang kapatid na si Laban. Ibinigay ni Isaac ang kanyang pahintulot. Magiging malaki ang kapalit ng pagtataksil ni Rebeka. Ang kanyang paboritong anak na si Jacob lilisan at maglilingkod 14 na taon para sa kanyang mga magiging asawa. At posibleng namatay si Rebeka sa panahong ito at hindi na niya nakita ang kanyang bunso.

Balik sa MenuBalik sa itaas


Genesis 28 - Nilisan ni Jacob ang kanyang ama at nakatagpo ang Diyos

Mga Talata 1-2 Inutusan ni Isaac ang kanyang anak na si Jacob na humanap ng mapapangasawa mula sa pamilya ng kanyang ina, sa mga anak na babae ni Laban, ang kanyang tiyuhin. Maaaring sinabi ng kanyang asawang si Rebeka na balak ni Esau na patayin si Jacob makatapos ang panlilinlang at pagnanakaw ng pagpapala niya. Samakatuwid mas mabuti na umalis si Jacob kaagad at humanap ng asawa roon para maiwasang kumuha ng asawa mula sa mga Cananeo na sumasamba sa mga diyus-diyosan. Pumunta ka sa angkan ng iyong ina at pumili ka roon ng mapapangasawa, sa lahi kung saan pinagkalooban din ng asawa ang kanyang ama. Dito pinag-uusapan natin ang mga pátriyarka na nabuhay 2000 taon pagkatapos ng Paglikha at ang mga binhi ay malulusog pa rin kaya ang kasal sa loob ng pamilya ay pinahintulutan at preperable. Ngayon, 6000 taon pagkatapos ng Paglikha, ipinagbabawal na magpakasal sa malalapit na miyembro ng pamilya. Pinaliliit din nito ang posibilidad na maipanganak ang mga batang may kapansanan dahil sa mga diperensyang laganap sa mga mag-asawang magkaka-dugo.

Mga Talata 3-4 Inulit ni Isaac ang biyayang ibinigay niya sa Genesis 27. Pumunta ka sa bansa ng iyong ina, pumili ng babaeng mapapangasawa mula sa kanyang pamilya AT bumalik sa lupaing ito na ipinangako ng Diyos sa iyong lolo. Ang mensahe na natanggap ni Jacob ay huwag manatili sa bansa ng tiyuhing si Laban ngunit bumalik sa Lupang Pangako ng Diyos.

Mga Talata 5-7 Nakita at narinig ng kapatid na si Esau kung paano pinamaalam si Jacob at inulit muli ang pagpapala. Narinig niya na malinaw na sinabi ni Isaac na huwag kumuha ng asawa mula sa mga naninirahan sa lupaing kanilang tinitirhan. Tama ang kanyang konklusyon, ang kanyang dalawang asawang Canaanita ay hindi nagdudulot ng kasiyahan sa kanyang mga magulang.

Mga Talata 8-9 Dahil sa kanyang nasaksihan, naghinuha si Esau at sinubukang itama ang kanyang mali sa pamamagitan ng pagpapakasal sa ikatlong asawa, si Mahalat. Pumunta siya sa kapatid ng amang ni Isaac; na si Ismael, ang anak ni Abraham (sa laman) at ni Hagar. Kahit na ang babae ay itinuturing na ka-angkan, si Esau ay nakagawa pa rin ng malubhang pagkakamali sa pagdaragdag ng pangatlong asawa sa kanyang polígamóng relasyon. Kaduda-duda kung si Ismael ay naglingkod sa Diyos nina Abraham at Isaac.
Aral para sa mananampalataya; kapag ang isa ay nahulog sa pagkakamali, hindi dapat niyang sikaping ayusin ito sa paggawa ng isa pang kamalian. Karaniwan ang mananampalataya ay kailangang akuin at pagdaanan ang kinahihinatnan ng kasalanan niya. Tutoo, ang Diyos ay nagpapatawad ngunit hindi maaaring bawiin ang kahihinatnan ng kasalanan. Halimbawa, isang lalaki na nangalunya at naglihi ng isang bata mula sa pangangalunya. Dapat bang ipalaglag ang sanggol dahil sa pagkakasala niya. Ang mga ito ay napakasensitibong mga bagay, kung saan walang maibibigay na direktang sagot ang Bibliya. Kung may mga anak na ang lalaki, dapat ba siyang manatili sa kanyang tunay na asawa, yun ay kung siya'y pahihintulutan? Dapat tapusin ang mapangalunyang relasyon, subalit nararapat na panagutan niya at maglaan suportang pananalapi para sa inosenteng bata. Sa mga ganitong kaso, ang taong ito ay hindi magandang ehemplo kaya hindi puwedeng umako ng puwesto sa simbahan. Oo, may pagpapatawad, ngunit may mga permanenteng pinsala at disiplinang marapat ipatupad ayon sa Salita ng Diyos. Marami pang mga kasalanan na ang kinahihinatnan ay nagpapawalang-karapatan sa isang Kristiyano na mabigyan ng tungkulin sa simbahan. Dapat sundin ng simbahan ang mga alituntunin ng Bibliya, tingnan ang nakasulat na mga kondisyon sa 1 Timoteo 2, 3 at 5. Iyan ay maaaring mukhang malupit, ngunit maging ang mga hindi mananampalataya ay tinutukoy ang mga pagkakamali ng nakaraan at sinusumbat na nakikinig tayo sa Salita ng Bibliya at alam natin ito, pero isinasabuhay ba natin ang ating pinangangaral.

Talata 10 Umalis si Jacob patungong Haran at kailangang dumaan sa disyerto o sa isang pasikut-sikot na mas matagal. Narito ang isang malaking pagkakaiba. Nagpadala si Abraham ng isang lingkod dala ang marangyang mga regalo upang makakuha ang tamang mapapangasawang babae para kay Isaac. Sa kabilang dako, si Jacob ay mag-isa na pumunta sa Haran nang walang anumang regalo. Inaasahan ba ni Isaac na kahit walang tulong at mga regalong bitbit ay mapapadali ang pagbalik ng kanyang anak? Kung gayunman, nabigo itong plano dahil si Jacob ay kinailangang maglingkod ng 14 na taon para sa kanyang mga asawa. Isa kaya itong parusa ng Diyos para sa kanyang mga sala? Aabutin ng dalawang dekada ang pagliban ni Jacob sa Lupang Pangako.

Mga Talata 11-12 Naglakbay si Jacob hanggang sa lumubog ang araw at nahiga at natulog. Nanaginip si Jacob at alam niyang hindi ito isang ordinaryong panaginip kung saan nagpakita sa kanya ang Diyos. Bakit panaginip? Bakit ang Diyos ay direktang nakipag-usap kay Abraham gaya ng naganap sa Genesis 18, ang pakikipagtagpo ng tatlong lalaki kung saan ang Isa ay ang Diyos. Malinis ba si Abraham kaya ganoon? Sa kabila, ninakaw ni Jacob ang pagpapala sa pamamagitan ng panlilinlang at naging marumi. Ito kaya dahilan kung bakit panaginip ang ginawa ng Diyos at hindi direktang pag-uusap?
Maging aral ito para sa mananampalataya. Huwag basta-basta maliitin ukol sa kasalanan. Ang patuloy na kasalanan ay puwedeng humadlang sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang Kristiyano ay dapat mamuhay nang malinis at nakikipaglaban sa kasalanan. Kung hindi, maaaring mahirapan kang marinig ang Diyos dahil may kasalanang humahadlang. Kaya minsan ang pakikipag-usap sa Diyos ay nagiging isang pakikibaka dahil ang tugon sa panalangin ay tila hindi dumarating.
Gayunpaman, ang Diyos ay nakipag-usap kay Jacob sa pamamagitan ng isang panaginip. Nakita niya ang isang hagdan mula sa lupa na umaabot sa langit. Bumababa at umaakyat ang mga anghel sa hagdan. Tama, ang mga anghel ay ipinapadala ng Diyos mula Langit sa lupa na may mga utos, at umaakyat sa Langit upang mag-ulat.

Talata 13 Ang Panginoong Diyos ay nakatayo sa tuktok ng hagdan. At sinasabi, Ako ang Panginoon, ang Diyos ni Abraham na iyong ama at ni Isaac. Kung bakit tinukoy si Abraham na "iyong ama" kahit na lolo siya ni Jacob ay dahil malamang sa ibig sabihin nga kanyang pangalan ay "ama ng maraming bansa". Ngunit malinaw na ang diin ng talata ay "Ako ang Diyos" ni Abraham at ni Isaac na pinagkalooban Ko ng Aking mga pangako. Gagawin kong totoo ang mga pangakong ito. Ang lupang kinaroroonan mo ngayon, ay magiging iyo at sa iyong mga inapo sa hinaharap. Paalis ka na ngayon ng iyong bansa at may tinatakasan pero pangako Kong makakabalik ka. Tingnan dito ang hula na mananatili siya sa labas ng Lupang Pangako nang mahabang panahon ngunit si Jacob ay kailangang magtiwala sa Diyos na siya ay ibabalik.
Ang mananampalataya ngayon ay naninirahan sa lupa, ngunit ang siyang nabubuhay sa ilalim ng pamamahala ng Banal na Espiritu ay - pagkatapos ng Pagsundo ng Simbahan - pupunta sa kanyang lupang pangako, iyon ay, sa Langit sa piling ni Kristo. Ang mananampalataya ay kailangang magtiwala sa Diyos.

Talata 14 Ang mga supling na ito ay magiging marami gaya ng alabok ng lupa. Kakalat sa silangan, kanluran, hilaga at timog. Ito ay alinsunod sa mga hangganan na ibinigay sa Genesis 15:18-21; pagpapalain Ko ang iyong mga supling. Ito ay isang pangako mula sa Diyos na ang pagpapalang ibinigay kay Isaac ay magpapatuloy sa mga inapo ni Jacob.

Talata 15 Napakagandang pangako ng Diyos. Sa kabila ng tusong panlilinlang ni Jacob, ililigtas ng Diyos si Jacob sa lahat ng dako, hindi siya iiwan at ibabalik siya sa Lupang Pangako.
Lisensya ba ito para magkasala ang mananampalataya? Sa tingin ko hindi. Iniingatan at pinagpapala ng Diyos ang mananampalataya na sumusunod kung saan nais ng Diyos. Sinasamahan Niya ang mananampalataya sa kanyang pagpapakabanal. Ngunit ang babala sa Efeso 4:30 ay huwag pighatiin ang Banal na Espiritu at sa 1 Tesalonica 5:19 ay huwag hadlangan ang Banal na Espiritu, ay seryosong mga paalala. Gayundin ang Mateo 24-25 ay may malinaw na mga babala sa mananampalataya: Ang isa ay itinaas, ang isa ay iiwan. Kalahati lang sa 10 birhen ang pinapasok sa kasalan (Heaven), huli na ang kalahati at pinagsarhan na ng pinto. Ang kalahating ito ay HINDI nakasama sa Pagsundo sa Simbahan at nananatili sa lupa't pagdaraanan ang Dakilang sKapighatian.

Mga Talata 16-17 Nagising si Jacob at malinaw ang pinaalam ng Diyos sa kanya gamit ang panaginip. Nakita ko ang Diyos ni Abraham at ni Isaac. Ito ang pasukan, ang pintuan ng Langit at wala siyang kamalay-malay. Para sa mga tao maraming bagay ang nakatago, ang mga tao ay nabubuhay sa kamangmangan hanggang sa ihayag ng Diyos ang Kanyang sarili. Lumilitaw na may mga butas sa mundo kung saan ang mga demonyo mula sa kanilang mga tirahan ay may lagusan sa lupa. Ang Diyos lamang ang may kapangyarihang isara o buksan ang mga ito. Ito ay ganap na nakatago sa tao. Ayon sa ilan, parami nang parami ang mga demonyong dumarating sa lupa na magpapaliwanag sa dumaraming paglabag sa mga utos ng Diyos at sa mga impluwensya ng demonyo sa daigdig.

Mga Talata 18-19 Sigurado si Jacob sa napanaginipan niya, at natulog siya hanggang umaga. Pagkatapos ay kinuha niya ang batong ginawa niyang unan at itinayo bilang isang alaala ng pakikipagtagpo ng Diyos sa kanya. Posibleng layon niyang dumalaw pagkabalik niya mula sa Haran.
Binuhusan niya ito ng langis at itinalaga sa Diyos. Posibleng langis itong gamit para maghurno ng tinapay, ngunit maaari rin itong mira.
Ang lugar na tinatawag niyang Bethel, na dati'y tinatawag na Luz.

Mga Talata 20-21 Nangako si Jacob. Pansinin ang mga salitang KUNG (sa kondisyon na) sasamahan ako ng Diyos. Dito ipinahayag ni Jacob ang kawalan ng tiwala sa pangako ng Diyos. KUNG sasamahan at babantayan ako ng Diyos, KUNG bibigyan Niya ako ng tinapay, KUNG bibihisan ako ng Diyos, at KUNG ibabalik Niya ako muli sa bahay ng aking ama. Limang kondisyon. Kung tutuparin ng Diyos ang limang kondisyong ito, ang Panginoon ang magiging Diyos ko. Ang lakas ng loob ni Jacob, nagpakita na sa kanya ang Diyos sa isang panaginip. Ipinahayag ang Kanyang sarili bilang Diyos ni Abraham at ni Isaac. Binigyan siya ng masaganang pangako, at pagkatapos ay limang kondisyon ang kanyang tugon. Malinaw na pagpapahayag ng kanyang pagdududa tungkol sa mga salita ng DIYOS. Ito ay maliwanag na nagpapakita ng puso ni Jacob; isang pusong puno ng hindi lubusang nagtitiwala.

Talata 22 Kasama sa pangako ni Jacob sa Diyos ang pagbibigay niya ng ikasampu ng lahat ng ibibigay Niya sa kanya. Sakop nito ang lahat; pagkain, damit, ari-arian at mga kalakal.
Maging aral ito sa mananampalataya na nagsasabi na nagbibigay ng kanyang ikapu (bilang obligasyon at hindi kusang-loob). Ang ikapu ay higit pa sa ikasampu ng iyong suweldo. Ayon sa isang kalkulasyon, ang ikapu ay 33% ng iyong kita.
Bilang isang mananampalataya, maging maingat sa pagbibigay ng mga pangako sa Diyos. Isipin ang panata ni Jefta na ikinamatay ng kanyang nag-iisang anak na babae. Kalkulahin muna ang mga gastos bago ka gumawa ng pangako sa Diyos, at siguraduhin mong matutupad mo ito.

Balik sa MenuBalik sa itaas


Genesis 29 - Jacob at Laban. Ang mga asawa ni Jacob

Mga Talata 1-8 Ipinagpatuloy ni Jacob ang kanyang paglalakbay at nakarating sa bansa ng kapatid ni Rebeka. Nakakita siya ng isang balon na may tatlong kawan ng mga tupa. Ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga pastol ng mga kawan at tinatanong niya ang kanilang pinagmulan. Ang mga kawan ay hindi maaaring painumin muna dahil isang malaking bato ang nagsasara ng bibig ng balon. Sila'y naghihintay para makarating ang lahat ng mga pastol ng kawan sa balon upang mai-alis ang batong takip ng balon. Habang nagsasalita siya, dumating si Raquel kasama ang kanyang kawan.

Mga Talata 9-10 Inalagaan ni Raquel ang mga tupa ng kanyang amang si Laban. Sa paghahanap ng mapapangasawa para kay Isaac, ang alipin ni Abraham ang nagmasid sa babae (Rebeka) na kumukuha ng tubig para sa sampung kamelyo. Ngayon ay si Jacob mismo ang gumawa ng mabibigat na gawaing ito, nag-alis ng mabigat na bato at nagbigay ng tubig sa kawan ni Raquel.

Mga Talata 11-12 Hinalikan ni Jacob si Raquel. Walang alinlangan na siya ang unang nagpakilala sa babae. Bakit siya umiyak? Marahil dahil matagumpay niyang nakilala ang anak ng kapatid ni Rebeka. Sinabi niya na sila ay magpinsan, siya ay anak ng kapatid na babae (Rebeka) ng kanyang amang si Laban. Noong panahong iyon, ang pag-aasawa sa pagitan ng magkakamag-anak ay pangkaraniwan, kaya ang pag-aari ng angkan ay nanatili sa loob ng pamilya.
Ang kasal sa pagitan ng magkamag-anak, na kilala sa tawag na 'kasal na cosanguene', ay minsan nang ipinagbabawal. Lalo na dahil ang mga bata mula sa mga kasal na ito ay ipinanganganak na may malubhang karamdaman, at minsa'y maaari pa silang mamatay nang maaga. Kung mas malapit na kadugo ang mga ninuno, mas malaki ang mga panganib. Kapag mas madalas ang pag-uulit ng mga kasal na ito sa mga henerasyon, mas malaki ang mga panganib sa kalusugan. Ang isang pamilyar na nayon na may mga pag-aasawa sa loob ng mga pamilya ay nagbubunga ng maraming pisikal na problema tulad ng pagkabingi dahil sa pagpasa-pasa ng kanilang lahi. Nangyayari rin ito sa mga Mormon. Marami rin silang anak na may pagkabingi, depekto sa puso at iba pang kapansanan.
Naghintay din si Jacob sa balon gaya ng paghihintay ng alipin ni Abraham. Mabilis na umuwi si Raquel at binalita sa kanyang amang si Laban ang nangyari.

Mga Talata 13-14 Gaya sa kaso ng alipin, si Laban ay nagmadaling pumunta sa balon at niyakap si Jacob. Isinalaysay muli ni Jacob kay Laban ang lahat. Marami siyang gustong sabihin. Noon, dumating ang alipin na may dalang sampung kamelyo at marangyang regalo. Narito si Jacob na nag-iisa pagkatapos ng isang mapanganib na paglalakbay, na walang dalang regalo. Samantalang dati ay iniulat ng alipin na ang kanyang panginoong Abraham ay maraming kayamanan at ang kanyang kapatid na si Rebeka ay maaasahang magkakaroon ng magandang buhay. Sa katibayang dala at pinamigay ng lingkod ay hinayaan ng pamilya ni Rebeka na siya'y sumama para magpakasal. Ngayon, nakita si Jacob ay wala man lang pruweba ng kayamanan at mukhang may pinag-takasan, maraming siyang dapat ipaliwanag. Ngunit alam niya kung paano kumbinsihin si Laban, kaya sumagot ito ng; “Tunay na ikaw ay laman ng aking laman at dugo ng aking dugo!”

Talata 15 Nanatili si Jacob ng isang buwan at lumilitaw na naglingkod siya kay Laban ng isang buwan para sa kanyang kabuhayan. Pagkatapos ng isang buwan, sinabi ni Laban na; “Hindi dahil magkamag-anak tayo ay pagtatrabahuhin kita nang walang bayad; magkano bang dapat kong isweldo sa iyo?” Hanggang saan ito hindi pagkukunwari, maaaring lumitaw mula sa sumunod na mga pangyayari. Nakatanggap si Jacob ng pagkain at inumin sa loob ng isang buwan. Naging isa siyang kasambahay, posibleng pastol. Malamang na nagtrabaho siya noong buwang iyon bilang pastol kasama ng kawan at mas nakilala niya ang pamilya. Ngunit sinabi rin ba niya na siya ay dumating upang pakasalan ang isang anak na babae ni Laban?

Mga Talata 16-17 Si Lea ang panganay na anak na babae at mahina ang kanyang mga mata. Posibleng ang mga babae ay nagsusuot ng belo, at ang mga mata nila ang tanging indikasyon kung maganda o hindi. Ang mga mata ng mga babaeng Israelita ay napaka-itim (dark) at ang ganitong uri ng maitim na kumikinang na mga mata ay itinuturing na isang pambihirang hiyas ng babae. Ang "mahinang mga mata ni Lea" ay maaaring magpahiwatig na hindi gaano ka-itim ang mga mata, samakatuwid hindi kasingganda ni Raquel.
May sinasabi lang tungkol sa mga mata ni Lea at wala sa kanyang hugis, ngunit mas maganda at kaakit-akit ang pagsasa-larawan kay Raquel.

Talata 18 Nabighani si Jacob kay Raquel. Mula sa naunang taludtod, maaaring makuha ang konklusyon na mahal ni Jacob si Raquel dahil sa kanyang hitsura. Ang pag-ibig dahil sa hitsura at kagandahan ay isang mapanganib na bagay. Ang kagandahan ay kumukupas at pagkatapos ay nananatili ba ang pag-ibig? Ang kasal ay dapat na nakabatay sa pagkakaisa ng mga kaisipan at magkatugma ng saloobin. Sinabi sa Genesis 2:24 na; "Sila ay magiging isang laman". Iyon ay nangangahulugan ng pagiging isa kung paanong kaisa ang simbahan at ang Panginoong Hesukristo sa layuning ibigay ang lahat ng kaluwalhatian sa Diyos. Kung ang mga kundisyong ito ay hindi natutugunan, ang kasal ay tiyak na mabibigo. Ang kagandahang-loob ang mahalaga, hindi ang hitsura. Mamaya sa Genesis 31:30-34 nalaman natin na si Raquel ay kumukiling sa mga diyus-diyosan, walang takot sa Diyos ni Jacob. Matapos maglingkod si Jacob ng 14 na taon para sa kaniyang mga asawa, lumilitaw na walang espirituwal na pundasyon si Raquel dahil ninakaw niya ang idolo ng kanyang ama.
Ang magtiyagâng pag-ibig ay napakadakila, si Jacob ay handang maglingkod kay Laban sa loob ng pitong taon upang pakasalan ang kanyang anak na si Raquel. Walang pakikipagtalik sa loob ng pitong taon. Ano ang pagkakaiba sa kanyang ina, na agad na iniwan ang kanyang pamilya at si Isaac ay agad na nakipagtalik sa kanilang unang pagkikita. Noon ba ay naroon ang kamay ng Diyos at hindi dito?

Mga Talata 19-21 Sumang-ayon si Laban sa dote ng pitong taon ng pagtatrabaho ni Jacob para sa kamay ni Raquel. Sa palagay niya ay mas mabuting magpakasal si Raquel sa loob ng pamilya kaysa sa ibang lalaki mula sa Haran. Hindi binanggit si Laban na kailangan munang ikasal ang mas nakakatandang babae na si Lea (bago si Raquel).
Matapos ang pitong taong paglilingkod, hiniling ni Jacob na pakasalan na si Raquel. Sa loob ng pitong taon na ito ay walang pa ring asawa si Lea. Walang kayang lalaking nagkagusto sa kanya dahil sa mahina niyang mga mata, o meron ba? Walang sinasabi ang Bibliya tungkol dito. Nilinlang ni Laban si Jacob at hindi sinabi na hindi maaaring pakasalan ni Jacob si Raquel dahil nakaugalian na ang panganay na babae ang unang ikinakasal. Ngayo'y mararanasan ni Jacob ang kanyang kabayaran sa panlilinlang. Ninakaw niya ang basbas ng kanyang panganay na kapatid, ngayon siya naman ang makadadama ng panloloko.

Talata 22 Ang kasal ng kanyang ama na si Isaac ay naganap sa pamamagitan ng pakikipagtalik, dito ito ay dinaraos sa pamamagitan ng isang piging (kasalan) na may maraming saksi. Tuso si Laban, alam niyang lolokohin niya si Jacob sa pagpapakasal ng panganay niyang anak na babae at hindi sa bunso na pinaglingkuran ni Jacob ng pitong taon. Ang mga saksi ay naroroon nang pumasok si Jacob kasama ang babae pagkatapos ng kasal. Si Lea ay lubos na kasabwat sa panloloko ng kanyang ama. Nasaan si Raquel? Bakit hindi siya nakialam? Nandoon din siguro siya sa kasal at malamang ay kasabwat din sa panlilinlang. Sa loob ng pitong taon maaari niyang balaan ang kanyang magiging asawa; Mag-ingat ka't sa aming kultura ang panganay na babae ay unang ikinakasal. Hindi ba niya gusto si Jacob bilang asawa? Kung mahal niya, hindi ba siya nangamba na puwedeng mauwi silang dalawang magkapitid na parehong maging asawa ni Jacob?

Mga Talata 23-25 Si Lea ay nakipagtalik kay Jacob, at sa gayon ang kasal ay tuluyang naganap. Anong nangyari? Bakit hindi nakilala ni Jacob kung sino ang pinakasalan niya? Bakit hindi niya napansin na hindi pala si Raquel ang kasiping niya? Ito ba ay kasama sa plano ng Diyos? O kaya'y isang parusa Niya kay Jacob para sa kanyang panlilinlang at hindi paghihintay sa Diyos na kumilos para matanggap ang pagpapala? Isang parusa din ba ito ng Diyos kay Raquel?
Maging aral ito. Inaasahan ng Diyos mula sa kanyang mga anak, ang mga mananampalataya, na sila ay magsasabi ng katotohanan (maliban kung ito ay hahantong sa kapahamakán ng iba) at tapat sa kanilang mga kilos.
Kinabukasan lang nalaman ni Jacob na si Leah pala ang napakasalan niya at hindi si Raquel. Bakit sa ganitong oras lang? Nananatili ba ang lambong sa mukha ni Lea at inalis lang sa umaga. Hinarap ni Jacob si Laban. Ang lahat ng mga ginawa ng tao ay nakatala sa Makalangit na Aklat. Sa harap ng luklukan ng paghatol ni Kristo, bawat mananampalataya ay mananagot sa lahat ng kanyang mga aksyon (1 Corinto 3:10-15, 2 Corinto 5:10).

Mga Talata 26-27 Tingnan dito ang sadyang panlilinlang ni Laban. Ikinatuwiran niya na ang kultura nila ay hindi pinapayagan ang nakababata ay ibigay sa kasal bago ang panganay. Labis na panloloko na dapat ay sinabi niya kay Jacob sa loob ng pitong taon bago ang kasal. Bakit hindi ito alam ni Jacob, tumira siya doon ng 7 taon? Sa harapan ng hukuman ni Kristo, ang mananampalataya ay walang dahilan para palusutan ang katotohanan. Si Jacob ay hindi inalam ang lokal na kultura kaya yan ang nangyari sa kanya. Ang mananampalataya ay walang dahilan para sisihin ang iba. Binigay ng Diyos ang Bibliya na abot kamay sa ating henerasyon, sinalin sa ating wika at libre pang makakukuha sa internet. Kung nais mong makilala ang Diyos, dapat basahin at pagaralan mo ang mensahe ng Diyos sa iyo sa Bibliya. Nandyan din ang Banal na Espiritu bilang guro para turuan tayong intindihin ang Salita Niya. Maging babala ito!
Tingnan kung gaano sinasadyang abusuhin ni Laban ang kanyang posisyon bilang ama ng mga babae; pagsilbihan mo ako ng pitong taon pa at ibibigay ko si Raquel bilang iyong (pangalawang) asawa. Patapusin mo muna ang sanlinggong pagdiriwang kasama si Leah at pagkatapos ay ibibigay ko sa iyo si Raquel kung maglilingkod ka sa akin ng pitong taon pa. Ang paggamit niya ng kanilang kultura bilang dahilan ay may panlilinlang. Ang layunin ni Laban sa likod nito ay karagdagang pitong taon ng pagtatrabaho ni Jacob na walang tunay na pinagkakakitaan.

Talata 28 Sumangayon dito si Jacob. Ngunit nakagawa siya ng dalawang pangalawang antas na kasalanan. (1) Poligamiya (2) Ang pag-aasawa sa magkapatid na babae habang ang pareho ay nabubuhay, ito'y kasuklam-suklam sa mata ng Diyos (Levitico 18:18). Dito makikita natin ang pagnanasa ni Jacob at ang pagwawalang-bahala sa kalooban ng Diyos. Nang maglaon, ang mga batas ay isinulat ni Moises. Si Jacob ay nabighani sa kagandahan ni Raquel na iniisip lamang niya ito at hindi nakikinig sa mga utos ng Diyos. Matuturing na parusa o sumpa ang pagka-baog ni Raquel.

Mga Talata 29-30 Kinumpleto ni Jacob ang isang linggo bilang paggalang sa unang niyang kasal, at pagkatapos ay kinuha si Raquel bilang kanyang asawa. Ang ikatlong kasalanan na ginawa ni Jacob ay ang hindi tapat niyang pag-ibig para kay Lea. Oo, hindi siya ang kanyang unang intensyon, ang kanyang layunin ay makuha si Raquel. Maaari akong magkasala sa aking pahayag na ito: Ito ba ay parusa ng Diyos? Dahil kaya hinayaan ni Jacob maging basehan ang magandang hitsura? Hindi ba siya sumangguni sa Diyos? Alam niya ang mga tuntunin ng Diyos. Dapat ay tinanggap na lamang niya ang kinahinatnan ng kanyang mga aksyon at hindi na hinangad na ikasal kay Raquel upang manatili sa loob ng nag-iisang kasal kay Lea.
Bilang isang mananampalataya, maging maingat na huwag ipilit ang isang kahangalan o panlilinlang na maliwanag na kasalanan upang "itama" ang mali. Huwag kang maging isa sa mga tanging naligtas sa pagdaan sa apoy (1 Corinto 3).

Mga Talata 31-35 Sa kabila ng katotohanan na si Lea ay naging asawa ni Jacob sa pamamagitan ng panlilinlang, pinagpala siya ng Diyos na maging ina nang ipanganak niya sunod-sunod ang apat na lalaki kahit na hindi siya pinapahalagahan ni Jacob tulad ng kay Raquel. Ito ba ay isang parusa ng Diyos dahil hindi inalam ni Jacob ang tungkol sa kultura ng lupain? At nakipagtalik kay Lea nang hindi namamalayan na hindi pala siya Raquel? Anuman ang kaso, si Jacob ay kasal kay Lea. Bagaman hindi sing-mahal ni Jacob si Lea, namunga ang kanilang pakikipagtalik ng apat na lalaki. Pagkatapos ng ika-apat ay nahinto ang kanyang pagbubuntis.
Anong aral ang matututuhan ng mananampalataya dito? Una, na ang isang mananampalataya ay dapat maging matalino. Kung nais mong maglingkod sa Panginoon, dapat ihanda mong mabuti ang iyong sarili. Lalo na kung pupunta sa ibang bansa, alamin ang kanilang wika at kultura. Kung ang mananampalataya ay ikakasal, ang magkasintahan ay kailangang kilalanin nang mabuti ang isa't isa. Pareho ba ang iniisip ng mag-aasawa sa mga bagay-bagay? Ang isa ba ay may parehong espirituwal na antas? Tugma ba ang ambisyon at mga plano sa hinaharap? Pareho bang espirituwal? Kung may mga pagdududa, mas mabuting ipagpaliban ang kasal o wakasan ang panliligaw. Hindi kailanman maaaring magsimula ang panliligaw sa isang hindi naniniwala. Si Raquel ay sumasamba sa mga diyus-diyosan at ang mga kahihinatnan ay malaki. Bukod dito, nakagawa si Jacob ng poligamya nang pinakasalan ang magkapatid na babae. Ito'y kasuklam-suklam sa mata ng Diyos. Ang kinahinatnan ay isang bahay na puno ng poot, alitan at selos.
Pangalawa, dapat idulog sa Diyos ang anumang plano at humingi sa Kanya ng payo't gabay, at palaging suriin at sundin kung ano ang Kanyang Kalooban.
Ikatlo, kung ang mananampalataya ay nagkamali, daliang magsisi. Hindi dapat subukan na itama ang pagkakamali sa pamamagitan ng isa pang kasalanan. Nakagawa si Jacob ng maraming mabibigat na kasalanan: pinakasalan niya ang magkapatid na babae at pagkatapos ay maging ang mga alilang babae ng magkapatid ay inasawa din niya. Ang resulta: isang bahay na puno ng inggit, poot at alitan.

Balik sa MenuBalik sa itaas


Genesis 30 - Ang mga pag-aasawa at mga anak ni Jacob

Talata 1 Sinisi ni Raquel ang kanyang asawa dahil hindi ito nabubuntis. Anong kahangalan ito. Ang Diyos ang nagsara ng kanyang sinapupunan. Malala ang pahayag ni Raquel nang sinabi niya kay Jacob, “Mamamatay ako kapag hindi pa tayo nagkaanak.”, na para bang may sala si Jacob sa pagiging baog niya. Mararanasan ni Raquel ang kinahinatnan ng kanyang sinabi at mamamatay sa panganganak ng kanyang pangalawang anak. Hindi niya mapapalaki ang kanyang dalawang anak, kundi ang kanyang kapatid na babae. At maaari kong tanungin ito, pagkatapos ng kanyang kamatayan, saan kaya siya napunta. Sa paraiso o impyerno? Ang kanyang buhay ay isang patotoo ng hindi paniniwala at walang paggalang sa Diyos ni Jacob.

Mga Talata 2-4 Tama lang na magalit si Jacob at nagsabi; “Bakit, Diyos ba ako na pumipigil sa iyong panganganak?” Alam ni Jacob na ang DIYOS ang nagsara sa sinapupunan ni Raquel. Katunayan ay ang kanyang binhi ay nagpabuntis kay Lea ng apat na beses, at ang Diyos ang nagpala kay Lea na maging mayabong. Kaya ang sala ay wala kay Jacob kundi na kay Raquel.
Sa loob ng ilang taon o maaaring higit pa, hindi naisulat na hinanap ni Raquel ang Diyos. Hindi nakiusap sa Diyos na hayaan siyang magbuntis. Sa kaparaanan ng tao, binigay niya kay Jacob ang kanyang alilang si Bilhah para maganak para sa kanya. Sa kultura noon, ang lahat ng mailabas o lalangin ng isang lingkod ay nagiging pag-aari ng kanyang maybahay o amo. Ang mga batang ipapanganak ng alila ay awtomatikong pagmamay-ari ng kanyang maybahay.
Pansinin kung paano si Jacob, bilang ulo ng pamilya niya na may pananagutan sa Diyos, ay nagpatuloy sa kanyang pagkakasala. Nagpakasal siya sa ikatlong babae. Maaari nating itanong, kung bakit pinapayagan ng Diyos na mabuntis si Bilhah? Ito ba'y indikasyon na ang poot ng Diyos ay nakatuon kay Raquel? Ito ba ay sumpa dahil sa posibleng panghuhumaling niya sa mga diyus-diyosan (Genesis 31:19)? Parusa kaya ito dahil hinayaan niyang lokohin ng kanyang ama si Jacob dahil puwede naman niyang pigilan ang pagpapakasal sa kanyang kapatid na si Lea?

Mga Talata 5-8 Ang pakikipagtalik ni Jacob sa alilang si Bilha ay nagbunga ng hindi lang isa kundi dalawang anak na lalaki. Sa wakas, nagbigay karangalan sa Diyos si Raquel sa pagsabi ng; “Panig sa akin ang hatol ng Diyos, dininig Niya ang aking dalangin at pinagkalooban ako ng anak na lalaki.” Ngunit pansinin ang kanyang sinabi ng ipanganak ang pangalawa; “Naging mahigpit ang labanan naming magkapatid, ngunit ako ang nagtagumpay.” Matindi ang tunggalian ng magkapatid at sa pagkakataong ito, hindi niya pinapurihan ang Diyos. Ang dalawang lalaking anak na ito ay ipinanganak dahil sa pagnanasa ni Raquel madaig ang kanyang ate. Kayat sa makamundong interbensiyon, ang kanyang katulong ay dalawang beses na nagbuntis, hindi siya mismo.

Mga Talata 9-13 Napakalungkot na sa sambahayan ni Jacob, ang malaking kasalanan ay nadadagdagan pa ng mas mabigat pagkakasala. Walang ganap na paggalang sa loob ng kanyang sambahayan para sa mga utos ng Diyos. Nakita ni Lea na huminto na siya sa panganganak, pero hindi siya lumapit sa Diyos upang magtanong o hilingin na magbunga siya muli. Tulad ni Raquel gumamit siya ng kaparaanang tao para madaig ang kapatid. Ibinigay niya ang kanyang lingkod na si Zilpa kay Jacob. Bilang ulo ng pamilya, siya ay mananagot sa Diyos. Bakit kay hindi nakuntento si Lea sa mga batang natanggap niya? Mayroon na siyang apat na anak na lalaki (sa panahong iyon, ang mga anak na babae ay mas mababa ang pagpapahalaga) na ibinigay kay Jacob. Dalawa lang ang naipanganak ni Bilha. Mapagmalaki si Lea kahit na kakila-kilabot ang kanyang pinaggawa sa asawa dahil sa tindi ng páligsahan ng magkapatid. Lalo tuloy nagkasala si Jacob sa pagkuha sa katulong ni Lea bilang ikaapat niyang asawa.
Si Zilpa ay nagsilang din ng dalawang anak na lalaki na nagpasaya kay Lea. Paano niya kaya masayang pinagdiwang ang kanyang nakamit sa makamundong paraan?
Ang mananampalataya ay dapat na maging maingat sa mga ari-arian na nakuha niya sa hindi tuwid na kaparaanan at pagkatapos ay pupurihin ang Diyos. Oo, pinahihintulutan ng Diyos na makuha ang bagay sa pamamagitan ng kasalanan. Ngunit tandaan na sa huli ang mananampalataya ay dapat mabigyang-katwiran ang kanyang sarili sa harap ng hukuman ni Kristo. Sa kasamaang palad, nakikita natin ang mga mananampalataya na pinagmamalaki ang kanilang kayamanan, ang kanilang mga espirituwal na kaloob ng pagsasalita ng mga wika at propesiya, habang sila ay nabubuhay sa kasalanan, kadalasa'y patago. At inaangkin nila: Ang Diyos ay nagpapatawad sa mga kasalanan kapag ipinagtapat nila ito, at masayang ipinagpatuloy ang kanilang makasalanang buhay (nalilinlang ni satanas). Dahil pagkatapos ng lahat - sabi nila - pinagpapala ako ng Diyos ng mga espirituwal na kaloob. Gayunpaman, nakalimutan ba nila ang Mateo 7:21-23; "hindi po ba't sa Iyong Pangalan ay nangaral kami, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng mga himala?" Si Hesus ay hayagang magsasabi: "Hindi ko kayo kilala. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan.”

MandrakesMga Talata 14-16

http://www.christipedia.nlAng Mandrakes ay mula sa salitang Hebreo na doedaïem. Malamang na ang halaman ay Alruin (Mandragora officinarum). Ang salitang Hebreo ay katulad ng salita para sa "minahal", dod. Kaya't ang pagsasalin ay 'mandrakes'. Ang hinog na prutas ng Alruin ay binubuo ng mga bilog, makinis na mansanas ng maputlang dilaw na kulay, na puno ng mga butil ng buto na may medyo nakakalasing, ngunit kasiya-siyang bango. Ang mga prutas na ito ay ginamit sa Silangan mula pa noong unang panahon upang gumawa ng mga inuming minn. Ayon sa popular na paniniwala, ang halaman ay nagtataguyod ng pagkamayabong at samakatuwid ay kapaki-pakinabang para sa pagpaparami.

Isang araw, nakahanap ng mga mandragora ang panganay na anak ni Lea. Nang makita ito ni Raquel, gusto niya itong mga mandragora. Binili ni Lea kay Raquel si Jacob upang ito ay magpalipas ng gabi sa kanya. Ito ay maaaring magpahiwatig na si Jacob ay sanay na matulog kay Raquel at sila ay magkasama sa iisang tolda. Maaalala na ipinagbili ni Esau kay Jacob ang kanyang pagkapanganay kapalit ang pagkain. Dito ibinenta ni Raquel ang kanyang asawa para sa isang gabi ng pag-ibig kasama ang kanyang kapatid na babae at sa oras na alam ni Lea na siya'y maaaring magbuntis.

Mga Talata 17-20 Lumabas si Lea upang salubungin si Jacob at sinabi sa kanya inupahan siya para magpalipas ng gabi kasama niya. Sadyang kakaibang pangungusap: inupahan. Kung tutuusin, siya ang unang asawa ni Jacob. Siya ang mas may karapatan na magpalipas ng gabi kasama ang kanyang asawa. Pero walang duda, mas gusto ni Jacob ang kapatid niyang si Raquel. Pinakinggan ng Diyos si Leah, ibig sabihin ay lumapit muli ni Lea sa Diyos sa panalangin, pagkatapos ng kanyang kahangalang ibigay ang kanyang katulong sa asawa. Pinagkalooban siya ng Diyos ng dalawa pang anak na lalaki. Ipinapalagay niya na, pagkatapos bigyan ang kanyang asawa ng anim na anak na lalaki, ay mananatili na si Jacob na manirahan sa kanya. Ngunit marahil ay isang maling akala, dahil sa talatang 22 si Raquel mismo ay sa wakas nagbuntis.

Talata 21 Ipinanganak ni Lea ang isang anak na babae na si Dina. Hindi alam kung ito ang nag-iisang anak na babae ni Jacob. Ang mga babae ay bihirang banggitin sa Bibliya, pera na lang kapag may espesyal na kahulugan o pangyayari na may kaugnayan sa kanya. Malungkot na gagahasain si Dina sa mga susunod na kabanata at ipaghihiganti siya ng kanyang mga kapatid, papatayin ang nanggahasa at ang kanyang mga tauhan.

Mga Talata 22-24 Sa wakas, nahabag din ang Diyos kay Raquel at dininig ang kanyang dalangin. Nais bang patunayan ng Diyos sa kanyang pagbubuntis na Siya lamang ang nagbibigay buhay? Ang mga salita niyang; “Sana'y bigyan ako ni Yahweh ng isa pa.”, ay dalangin at posibleng isang propesiya. Manganganak siya ng isa pang lalaki; si Benjamin, ngunit mamamatay siya sa kanyang panganganak. Hindi pinahintulutan ng Diyos na magkaroon siya ng kagalakan ng pagbibigay ng maraming anak sa kanyang asawa at makasama sa kanilang paglaki. Dahil kaya hindi siya nagsisi at patuloy na nahuhumaling sa mga idolo?

Mga Talata 25-26 Kung bakit naghintay si Jacob hanggang sa ipanganak ni Raquel si Joseph bago magpaalam kay Laban ay hindi sinabi. Kung ipagpalagay ang bilang ng mga taon at bigyan ang bawat bata ng isang taon, ang anim na anak ni Lea at isang anak na babae ay pitong taon. Apat na anak, dalawa sa bawat alipin ay apat na taon, Joseph sa isang taon. Isang kabuuang labindalawang taon na higit pa sa pitong taong pagsisilbi kay Raquel para maging asawa. Ngunit ngayon hiniling ni Jacob na bumalik sa kanyang sariling bansa, kasama ang kanyang mga asawa at mga anak.

Mga Talata 27-30 Anong ipokrito ni Laban. Tila, si Jacob ay walang natanggap na suweldo mula kay Laban kundi pangsustento para sa kanyang malaking pamilya at wala nang iba pa sa panahong makatapos niyang maglingkod para sa kanyang asawang si Raquel. Kaunti lang ang mayroon si Laban nang dumating si Jacob sa kanya. Ang alipin ni Abraham ay nagbigay ng marangyang regalo kay Laban para sa kanyang kapatid bilang dote. Tila sinayang at ginastos niya ang lahat ng iyon. Kinilala ni Laban na sa pamamagitan ng paggawa ni Jacob, ang kanyang kayamanan ay lumago dahil sa pagpapala ng Diyos ni Jacob. Mahahalintulad itong pagkilala sa Diyos ng Paraon at Haring Abimelec noong panahon ni Abraham.

Mga Talata 31-36 Nag-alok si Laban na maaaring piliin ni Jacob ang kanyang kabayaran. Ito ba ay dahil sa takot sa Diyos na parurusahan siya kung paalisin niya si Jacob na walang dala pabalik? Ngunit kilala ni Jacob na si Laban ay tuso. Pumayag siyang magtrabaho muli upang makakuha ng kanyang sariling pag-aari; kawan ng mga kambing at mga tupa.
Piniling sahod ni Jacob ay ang mga batik na kambing at itim na tupa. Ito ang mas mababang halaga sa kawan. HINDI niya pinili ang mas hangad na klaseng hayop mula kay Laban. Pinaghiwalay ni Jacob ang kawan at hinayaan si Laban na siyasatin ito upang hindi masabi sa bandang huli na inangkin ni Jacob para sa kanya ang higit pa sa pinagkasunduan. Hinayaan ni Jacob ang piniling kawan sa ilalim ng pamamahala ng mga anak ni Laban para hindi magkaroon ng away at hindi pagkakasundo. Tinukoy ni Laban ang layo ng tatlong araw na paglalakbay sa pagitan ng dalawang kawan. Inihiwalay ni Jacob ang kanyang sarili sa mga anak ni Laban at patuloy na inaalagaan ang mga kawan ni Laban.

Mga Talata 37-42 Kung paano nagkaroon ng ganitong kaalaman si Jacob sa pagpapalahi ng mga may batik na kawan ay hindi binanggit ng Bibliya. Isa ba itong pamamaraan ng pagpapalahi na itinuro sa kanya ni Abraham at Isaac? O ito ba ay sa pamamagitan ng Banal na paghahayag kayat pinagpala ng Diyos si Jacob ng malalakas na kawan?

Talata 43 Malinaw na ang kamay ng Diyos ay na kay Jacob at wala kay Laban. Si Laban ay naging mayaman sa pamamagitan ng paglilingkod ni Jacob para sa kanyang mga asawa at pagkatapos ng napagkasunduang panahon ay nagpastol pa rin ng kanyang kawan. Ngayon ang pag-aari ni Jacob ay dumadami; malaking kawan, mga kamelyo, mga asno at sarili niyang mga lingkod. Pinagpala ng Diyos si Jacob dahil sa kanyang tapat na paglilingkod. Efeso 6:5-8; "Mga alipin, sundin ninyo ang inyong mga amo dito sa lupa nang may buong katapatan, takot at paggalang, na parang si Kristo ang siya ninyong pinaglilingkuran. Gawin ninyo iyan, may nakakakita man o wala, hindi upang mapuri ng mga tao kundi dahil kayo'y mga lingkod ni Kristo at buong pusong sumusunod sa kalooban ng Diyos. Maglingkod kayo nang masaya ang kalooban na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao. Sapagkat alam ninyong gagantimpalaan ng Panginoon ang bawat mabuting gawa ninuman, maging siya man ay alipin o malaya." Ang mga talatang ito nawa'y magsilbing alituntunin sa atin habang naglilingkod tayo sa Panginoong Hesus.

Balik sa MenuBalik sa itaas