Ang Diyos ay kaalaman  

Magandang Balita

Pag-aaral ng Bibliya bawat talata ng Genesis 10-20

Button Genesis 10 and 11Gen. 10 and 11  Button Genesis 12Gen. 12  Button Genesis 13Gen. 13  Button Genesis 14Gen. 14  Button Genesis 15Gen. 15  Button Genesis 16Gen. 16  Button Genesis 17Gen. 17  Button Genesis 18Gen. 18  Button Genesis 19Gen. 19  Button Genesis 20Gen. 20

Genesis 10 Talaangkanan

Mga talata 1-32 Ang sumusunod ay talaangkanan ng 3 anak ni Noe. Isang kahanga-hangang listahan ng mga inapo.
Ayon sa mga pag-aaral, ang mundo ay maaaring hatiin sa tatlong bahagi: Europa, Asia at Africa. Isinilang ang mga taga-Europa mula kay Japheth. Mula kay Shem naman ang mga Asyano at mula kay Ham ang mga Aprikano. Dahil si Ham ay isinumpa, sa tingin ko ito ay maaaring maging isang paliwanag kung bakit ang Africa ay nananatili sa gayong kahirapan at hindi umuunlad, ito ay isang napakabigat na parusa para sa kasalanan na ginawa ng kanilang ninunong si Ham. Sa gayon, maging aral ito sa atin. Ang lahat ng pangalawang antas na kasalanan (kasalanang direktang nauugnay sa katawan ng tao, tulad ng pangangalunya, homoseksuwalidad, pedophilia, pagpatay, pagpapalaglag, atbp.) ay mahigpit na pinarurusahan ng Diyos. HINDI dapat kutyain ng tao at ipag-walang bahala ang tungkol dito. Ang kasalanan ni Ham ay may malubhang kahihinatnan para sa kanyang lahi. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Heograpiya ni Dr. Well ng Lumang Tipan, Kabanata 3.
Pinagtatalunan ng ilan ang impormasyong ibinigay dito ni Moises at sinasabing hindi maaaring magkaroon ng kaalamang ito si Moises. Gayunpaman, ang mga kamakailang pagtuklas sa Ehipto ay nagpapatunay na si Moises ay maaaring magkaroon ng impormasyong ito dahil sa mga talaangkanan na nakasulat sa mga natuklasang kolum ng Ehipto.

Talata 8 Si Nimrod ang unang makapangyarihang tao sa lupa. Kung nangangahulugan ito na siya ang unang umangat sa kapangyarihan o siya ang unang sumakop sa iba sa ilalim ng kanyang pamamahala, ay hindi malinaw. Ang katotohanan ay hindi niya iginalang ang Diyos at nilupig ang iba sa ilalim ng kanyang kapangyarihan. Buhay pa si Noe noong kinuha ni Nimrod ang kapangyarihan. Si Nimrod ay mala-halimaw. Ayon kay Calvin, ang mga salitang "Sa harap ng Panginoon" ay nangangahulugan na inilagay niya ang kanyang sarili sa itaas ng mga tao (at kapantay ng Diyos).

Talata 11 Si Nimrod ang nagtayo ng Nineve kung saan kalaunan ay ipinadala si Jonas upang mangaral para sa kaligtasan ng mga taga-roon. Sa Isaias mababasa natin kung paano itinayo ng mga Keldian ang Babilonia mula sa mga guho ng Nineve.

Talata 25 Sa mga panahong ito ay nahati ang lupa. Kung nangangahulugang ito na ang Amerika ay nahiwalay sa Europa at napunta kung nasaan ang North at South Amerika ngayon, ay hindi malinaw.
Isinilang ang patriyarkang si Abram mula sa mga inapo ni Sem (tingnan ang Genesis 11:10, 17 at 26).

Balik sa menuBalik sa itaas

Genesis 11 - Ang Tore ng Babel

Talata 1 Napakaigi noon sa mundo, lahat ng tao ay nagsasalita ng isang wika at nagkakaintindihan. Ngayon ay mayroon tayong malalaking hamon, kailangan nating pag-aralan ang wika ng iba upang makipag-usap at isalin ang Bibliya sa maraming wika at dialekto upang maihatid ang Salita ng Diyos sa mga tao. Kung ipagpalagay natin na ang mga taong nagsasalita ng isang diyalekto ay alam din ang wika ng kanyang bansa, aabot tayo ngayon sa pagitan ng 6000-7000 na mga wika sa buong mundo. Napakalungkot, dahil ang Bibliya ay naisasalin pa lang sa 450 na wika at mga bahagi ng Bibliya sa mahigit 2,000 wika pa lamang.
Halos walang website na may mga pag-aaral ng Bibliya ang nag-aalok ng higit sa isang wika. Ito ay bahagyang dahil sa napakalaking dibisyon ng mga simbahan, maging sa loob ng kanilang sariling relihiyosong komunidad. Habang ang isang malaking website ng isang sekta ng relihiyon (hindi Kristiyanismo) ay nakapagsalin na sa higit 1000 wika at wikang-senyas (sign language). Nasaan ang ating mga kapatid kay Jesu-Kristo na handang magsalin ng Bibliya?

Mga talata 2-4 Gaano kasama ang puso ng tao. Sa napakalaking pagsisikap sa paggawa ng mga ladrilyo at paggamit ng bitumen, nais ng tao na magtayo ng mataas na tore. Maraming tao ang sumama sa pagtatayo at pinakitang tinatanggihan nila ang Diyos sa paggawa nito.
Muling naghimagsik laban sa Diyos. Walang aral na natutunan mula sa parusa ng delubyo ng Diyos sa mga makasalanang tao. Ninais nilang magtayo ng isang tore na umaabot sa langit (mga ulap) upang hindi na sila malipol muli ng baha, tanda ng yabang at katigasan ng ulo. Buti na lang at ang Diyos ay nangako at nakipagtipan gamit ang tanda ng bahaghari; na hindi na Niya muling sisirain ang lupa sa pamamagitan ng baha.
Kailan nagsimula ang pagtatayo ng tore? Hindi makapagbibigay ng tamang petsa. Ang pangalang Peleg (Talata 18) ay nangangahulugang "dibisyon, paghihiwalay", posibleng ibinigay ng kanyang mga magulang ang pangalang ito pagkatapos ng paghahati ng mga wika. Ipinanganak si Peleg mga 101 taon pagkatapos ng baha. Ibig sabihin, buhay pa si Noe. Ang tanong ay bakit hindi tumutol si Noe, maging kahit noong panahon ni Nimrod na isang malupit na pinuno?
Aral: Bilang mga mananampalataya, hinahayaan ba nating marinig ang ating tinig at tumututol ba tayo sa mga paglabag ng mga awtoridad sa mga utos ng Diyos? Hayaang gamitin ng tao ang kanyang utak at huwag maghimagsik laban sa Diyos. Inilaan ng Diyos ang mabubuting bagay para sa tao. Ang Kanyang utos ay paramihin at maging mabunga, at panahanan ang buong lupa. Sa panahon ng pagtatayo ng tore ng Babel, ang tao ay naghimagsik at tinanggihan ang Diyos. Ilang tao ngayon ang tumatanggi sa Diyos at sa mga utos Niya? Pinarusahan ng Diyos sa pamamagitan ng paghahati ng mga wika, sa darating na panahon gagamitin Niya ang Dakilang Kapighatian kasama ang mga salot at pagkawasak. Sa huli ang Diyos and Siyang hahatol sa bawat nilalang. Handa ka na ba sa paghatol ng Diyos sa iyong buhay?

Mga talata 5-6 Tinitingnan ng Diyos ang daigdig. Ang Diyos ay hindi nakikita ng tao. Hindi pinapayagan ng Panginoon na makita ng tao Siya at ang mga anghel (kaunti lang ang nakakakita kay satanas at mga demonyo). Sa kabila ng lahat ng modernong teleskopyo upang makatuklas ng ibang buhay, medyo katawa-tawa dahil wala man lang sa mga ito ang nakakasagap ng anyo o pag-uusap ng mga anghel.
Mula sa talatang ito, malinaw na ang Diyos ay bumibisita sa mundo paminsan-minsan at tinitingnan kung ano ang ginagawa ng mga tao sa lupa. Ngunit ang mga panalangin din ng mga mananampalataya ay malinaw na naghahatid sa Diyos kung ano ang ginagawa ng mga tao, kung gaano tinatanggihan ng sangkatauhan at mga pamahalaan nito ang utos ng Diyos. Kahit ngayon ay ang mga panalangin ng mga mananampalataya ang pumipigil sa kasamaan sa mundo at sa poot ng Diyos. Ngunit pagkatapos ng Pagsundo (Rapture) ng Simbahan, sino ang mananalangin para pigilan ang poot ng Diyos. Ang Halimaw at ang Anti-Kristo ay magdadala sa mga tao ng higit pang paghihimagsik laban sa Diyos. Kaawa-awa ang tao!
Alam ng Diyos ang iniisip ng tao: Iniisip nila na walang imposible para sa kanila. Obserbahan ang kasalukuyang henerasyon, nananaliksik upang maghanap ng iba pang buhay sa mga planeta. Mga eksperimento sa paglalagay ng utak ng tao sa robot upang mabuhay ng "walang hanggan". Ngunit ito ay walang kinahihinatnan sa laranagan ng agham, hanggang ngayon ang mga eksperimento ay bigo at patunay lang ng paghihimagsik laban sa Diyos.

Mga talata 7-8 Nakakalungkot para sa mga suwail na tao, mas makapangyarihan ang Diyos. Madaling ipinadala ng Diyos ang paghahati ng mga wika upang hindi na magkaintindihan ang mga tao at kailangang ihinto ang pagtatayo nila ng tore. Pinagtatawanan ng Diyos ang kahangalan ng tao at ang kanilang pagtitiwala at karunungang makasarili. Ang tao ay mayabang. Ngunit sa isang simpleng pagkalito ng pananalita, tinapos ng Diyos ang kanilang pagmamataas.
Tayo'y bumaba sa lupa. Sa pagsabi ng "tayo" ang ibig sabihin nito ay ang tatlong Persona ng Santisima Trinidad; ang Diyos Ama, ang Diyos Anak at ang Diyos Espiritu Santo ang Siyang bumaba sa lupa.
Gustong itayo ng tao ang tore at manatiling magkakasama. Pero iniutos ng Diyos na humayo sila at magparami sa buong mundo.

Talata 9 Babel ay nagmula sa salitang Hebreo na balal na ang ibig sabihin ay "lituhin".

Mga talata 10-28 Dito ang mga batang ipinanganak mula kay Sem ay binanggit. Isang lahi na nagparangal sa Diyos. Nabuhay sina Noe at Sem upang makita ang mga supling na ito at upang turuan at alalahanin ang dahilan ng delubyo. Posibleng isinilang si Abram noong nabubuhay pa si Noe o di-katagalan pagkatapos ng kanyang kamatayan.
Ayon sa Josue 24:2, si Tera, ang ama ni Abram, at ni Nahor ay hindi tapat sa Diyos at sumasamba sa ibang mga diyos.

Talata 27 Ipinanganak ni Tera sina Abram, Nahor at Haran. Si Lot ay ipinanganak mula kay Haran. Hindi naman kailangang maging panganay si Abram. Hindi isinulat ni Moises ang tamang pagkakasunud-sunod ng kapanganakan.

UrMga talata 29-32 Kinuha ni Abram si Sarai bilang asawa at kinuha ni Nahor si Milca bilang asawa. Umalis sila sa Ur ng mga Chaldee at nanirahan sa Haran.

Pinagmulan: bibleatlas.orgAng pinakakaraniwang tinatanggap na teorya sa kasalukuyang panahon ay ang Ur ay makikilala sa makabagong tawag na Mugheir (o Mughayyar, "the pitchy") sa Timog Babylonia, na tinatawag na Urumma, o Urima, at kalaunan ay Uru sa mga inskripsiyon. Ito ay hangganan sa distrito na noong ika-1 milenyo B.C. ay tinawag na Chaldea (Kaldu).
Ito, ayon sa ilan, ay ayon sa pananaw ni Eupolemus, dahil ang Camarina ay maaaring mula sa Arabe na pangalan ng moon qamar, na marahil ay tumutukoy sa katotohanan na ang sinaunang lungsod ay nakatuon sa pagsamba sa diyos ng buwan. Ang isa pang argumento na isinulong para sa pagkakakilanlang ito ay ang Haran, ang lunsod kung saan lumipat si Tera, ay isa ring sentro ng pagsamba sa diyos ng buwan. Ito, gayunpaman, ay walang katiyakan, dahil ang Urumma o Urima noong panahon ni Abraham ay isang sentro ng Sumerian, at ang gitna ng pagsamba kay Nannar, samantalang ang Haran ay Semitiko, at nakatuon kay Sin. Bagaman ang dalawang diyus-diyosang ito sa mga huling siglo ay nakilala sa iisa, ang argumento ay tila may kahinaan. Tulad ng iba pang mga diyus-diyosan na kilala rin sa mga lunsod na iyon, lalo na ang Haran, na ang katotohanan ay nagpapaalala rin sa atin na ang Talmud ay nagsabi na si Tera ay sumasamba ng hindi bababa sa 12 mga diyus-diyosan.
Dapat banggitin na may mga iskolar na naniniwala, kasama ang Septuagint, na ang Ur ay nangangahulugang, hindi isang lungsod, ngunit marahil isang lupain kung saan pinapastol ng patriyarka ang kanyang mga kawan, halimbawa, ang lupain ng Uri o Ura (Akkad). Ang pagtatalagang "ng mga Caldeo" sa kasong ito ay nilayon upang makilala ito mula sa lupain kung saan hindi sila natagpuan. Katapusan ng pinagmulan.

Balik sa menuBalik sa itaas


Genesis 12 - Abram sa Canaan

Mga talata 1-2 Kung paano natanggap ni Abram ang mensahe na umalis sa kanyang bansa, hindi binabanggit ng Bibliya. Posibleng sa pamamagitan ng direktang boses o sa pamamagitan ng panaginip. Malinaw na ALAM ni Abram na ang Diyos ay nakipag-usap sa kanya. Ito ay isang malinaw na takdang-gawain:

  1. Umalis ka sa iyong bansa. Ang bansa kung saan ang mga tao ay sumasamba at naglilingkod sa mga diyus-diyosan.
  2. Umalis ka sa iyong mga kamag-anak at sa bahay ng iyong ama. Iwanan mo ang iyong pamilya, huwag mo silang isama.
  3. Sa isang bansang ipapakita ko sa iyo. Ang Diyos ay nangangailangan ng pananampalataya ni Abram at hindi pa sinasabi sa kanya kung aling bansa.
  4. Gagawin kitang isang dakilang bansa. Ito ay isang pangako mula sa Diyos kay Abram, at nangangailangan ng pananampalataya mula kay Abram dahil ang kanyang asawa ay baog. Paano magiging dakilang bayan si Abram samantalang baog ang kanyang asawa? Nangangailangan yan ng pananampalataya. Kaya kailangan rin makita ng Diyos ang pananampalataya ng Kristiyano kapag nagbigay Siya ng utos. Ang mananampalataya ay hindi laging alam kung ano ang magiging katapusan ng takdang-gawain (isang bansa na ipapakita ko sa iyo) at kung minsan ang pagtatalaga ay tila imposible (ang pagiging tigang ni Sarai). Ang Diyos ay nangangailangan ng pananampalataya.
  5. Pagpapalain kita. Ang misyon at pangako ay may kasamang pagpapala. Ibig sabihin, hindi mo kailangang matakot sa kasamaan. Sasamahan kita at pagpapalain kita. Nalalapat din ito sa mananampalataya. Sa misyon ng Diyos, kasama nito ang pagpapala. Ang Diyos ang nakikipaglaban kay satanas at sa mga demonyo, at sa ating mga kaaway.
  6. Gagawin kong dakila ang iyong pangalan. Si Abram ay kilala ng karamihan ng mga tao, ang mga Israelita, ang mga Kristiyano, mga taga-Islam. Ang pangalan ni Abram, na kalaunan ay naging Abraham, ay naging dakila. Ngunit hindi lamang ang kanyang pangalan, sa pamamagitan ng pananampalataya ay Jesu-Kristo, nagkaroon ng isang dakilang bansa ng mga Kristiyano.
  7. At ikaw ay magiging isang pagpapala. Ang mga Israelita ay ipinanganak mula kay Abram. Ngunit pati na rin ang Kristiyano. Ang sinumang naniniwala sa Panginoong Hesukristo bilang kanyang Tagapagligtas at Panginoon ay tatanggap ng buhay na walang hanggan sa Langit. Isang malaking pagpapala.

Talata 3 Napakalaking pangako at kapangyarihan ang ibinigay kay Abram. Pagpapalain ko ang mga nagpapala sa iyo, at ang sumusumpa sa iyo, ay aking susumpain. Sa kabila ng pangakong ito, sumuray-suray ang pananampalataya ni Abram at natatakot siya sa mga Ehipsiyo at Paraon (mga talata 12-14).
Ang parehong kapangyarihan ng pagbigkis ay unang ibinigay sa mga disipulo ni Hesus at kahit sa mga magiging mananampalataya sa Mateo 18:18.
Sa pamamagitan mo ay pagpapalain ang lahat ng pamilya sa mundo. Ang tao ay isinumpa ng kasalanan, ngunit sa pamamagitan ng pananampalataya ay may kaligtasan at pagpapala. Ang tao ay maaaring maligtas mula sa kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya. Kilala si Abram sa kanyang pananampalataya. Ang Hebreo 11 ay nagbibigay ng isang malinaw na ulat na ang pananampalataya ang batayan. Sa pamamagitan ng pananampalataya natatanggap ng isang tao ang pagpapala ng Diyos.

Ur at CanaanTalata 4 Si Abram ay lubos na nagtitiwala sa Diyos. Isa siyang mayaman na maraming ari-arian. Ngunit itinuring niya itong walang halaga at umalis sa kanyang bansa. Pero si Lot ay sumama sa kanya, na magiging pabigat sa kanya sa bandang huli. Bakit sumama si Lot sa kanya? Hindi ito ipinaalam sa atin ng Bibliya. Inutusan ng Diyos si Abram na umalis sa bahay ng kanyang ama. Hiniling ba ni Abram si Lot na sumama sa kanya? O pinili ba mismo ni Lot na sumama kay Abram?
Aral para sa mananampalataya. Mag-ingat kapag nakatanggap ka ng atas mula sa Diyos. Umasa sa Diyos at huwag makipag-ugnayan sa iba (hindi mananampalataya, pamilya) maliban kung iniutos sa iyo ng Diyos.

Talata 5 Hindi iniwanan ni Abram ang lahat, isinama niya ang kanyang asawa, si Lot at ang kanyang pamilya, at ang kanyang ari-arian. Iyon ay tiyak na isang kahanga-hangang prusisyon na naglalakbay sa maraming bansa at nagpabagal sa kanyang paglalakbay. Hakbang-hakbang, mula sa lugar pinagmulan hanggang sa marating niya ang hindi kilalang lupain na itinakda ng Diyos, ang lupain ng Canaan. Layo na higit sa 540 milya. Si Abram ay walang mga kamelyo, mga asno lamang (Genesis 22:3). Karaniwan ang isang lagalag na may mga asno ay maaaring maglakbay ng 20 milya bawat araw. Si Abraham kasama ang kanyang kasamahan ay mas mabagal, kung ipagpalagay natin ang isang 9 na milya na paglalakbay bawat araw, kung gayon ang kanyang paglalakbay 540/9 ay tumagal ng mahigit 60 na araw. Yun ay kung naglakbay siya nang hindi humihinto.

BethelTerebintTalata 6 Ang ensina (oak) ay isang punong may makapal na kulandóng na kilala sa kahanga-hanga at malamig na lilim nito. Moreh ay nangangahulugang "guro" at samakatuwid ay may patungkol sa kaalaman. Tinuruan ng Diyos si Abram sa ilalim ng punong ito kung sino Siya.
Ang Lupang Pangako ay hindi walang tao, doon nanirahan ang mga Canaanita. Isang magaspang at masasamang angkan. Gayon din ang mananampalataya. Ang mananampalataya ay nabubuhay sa mundo, puno ng kasalanan at pagtanggi sa Diyos at sa mga utos Niya.

Talata 7 Dito ay maliwanag ang Bibliya: Nagpakita ang Diyos kay Abram. Ngunit sa anong anyo? Dahil hindi nakita ni Moises ang Diyos, walang taong makakakita sa Diyos nang hindi mamamatay. Sa tingin niyo ba ay sa anyo ng isang anghel?
Muli isang pangako mula sa Diyos ang Kanyang ginawad: Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong mga inapo. Ang lupaing ito ay higit na tinukoy sa 15:18-21. Sa kabila ng pangakong ito, natatakot si Abram para sa kanyang buhay sa talata 12.
Nagpasalamat si Abram sa Diyos at nagtayo ng altar. Walang alinlangan na ito ay sinamahan niya ng mga sakripisyo, ihambing ang 8:20. Paano ang saloobin ng mananampalataya? Araw-araw ba tayong nag-aalay ng pasasalamat para sa Kanyang probisyon, proteksyon ng Diyos sa atin at sa ating pamilya, sa pagtubos sa atin sa pamamagitan ni Jesu-Kristo at sa kapangyarihan at patnubay ng Banal na Espiritu?

Mga talata 8-9 Si Abram ay dumaan sa bansa. Nagtayo siya ng mga altar at ipinakita sa mga Canaanita ang kanyang pananampalataya sa Diyos ng Langit. Gayundin, ang Kristiyano ay tinawag upang ipakita nang malinaw sa mga tao ang kanyang pananampalataya sa Diyos at kay Jesu-Kristo sa isang mundong puno ng kasalanan at kawalan ng pananampalataya.

Mga talata 10-15 Makikita dito ang kahinaan ng tiwala ni Abram. Umalis si Abram sa Lupang Pangako at tumungo sa Ehipto. Nasundan ulit ito ng pagsasabi ng kalahating katotohanan tungkol sa kanyang asawang si Sarai; na inutos niyang magsinungaling at sabihing siya'y kanyang kapatid na babae. Malamang si Sarai ay isang magandang babae. Si Abram ay 75 nang umalis ng Haran at nagpalipat-lipat sa Canaan. Kaya kung ipagpalagay natin na si Abram ay 80 taong gulang nang siya ay pumunta sa Ehipto at ang kanyang asawa ay 10 taong mas bata, siya ay mga 70 taong gulang. Isang babaeng 70 taong gulang na napakaganda!
Si Sarai ay anak ni Tera at kapatid sa ama ni Abram. Genesis 20:12 Ang anak ng aking ama, ngunit hindi ang anak ng aking ina, at siya ay naging aking asawa. Ang ibig sabihin ng Sarai ay "ang aking reyna o mahalagang asawa". Ngunit nang maglaon, nang muling nagpakita ang Diyos kay Abram at pinalitan ang kanyang pangalan ng Abraham ("ama ng maraming tao"), binago din ng Diyos ang pangalan ng kanyang asawa ng Sara sa Genesis 17:15 na ang ibig sabihin ay "reyna o nangingibabaw".
Ang mga Ehipsiyo ay isang malupit na tao na walang problema na pumatay ng isang lalaki para sa kanyang magandang asawa. Napakaganda ni Sarai sa kabila ng kanyang katandaan na namumukod-tangi ito sa mga Ehipsiyo na ipinaalam pa ito kay Paraon. Wala ni isa man sa mga prinsipe ni Faraon ang kumuha sa kanya, gusto nilang ibigay siya mismo kay Paraon.
Kinuha si Sarai kay Abram at inilagay sa bahay ni Paraon. Tingnan ang Ester 2:7-14, tumagal ng ilang panahon bago talaga makipagtalik ang isang hari sa piniling babae.

Mga talata 16-17 Si Abram ay tumanggap ng maraming kayamanan kapalit ng pagpasok ni Sarai sa bahay ni Faraon upang maging isa sa kanyang maraming asawa.
Si Faraon, bagaman inosente at ignorante, ay pinahirapan ng Diyos ng mga salot. Ang pagnanasa ng tao ay isang malaking kasalanan. Sa pamamagitan nito, ipinaalam ng Diyos kay Paraon na may matinding kasalanan sa kanyang bahay. Minsan ang Diyos ay gumagamit ng malubhang pinsala o nakamamatay na karamdaman upang dalhin ang hindi mananampalataya na manalig sa Panginoon. Binigyan ng Diyos si Paraon (at sinumang hindi naniniwala) ng pagkakataong itama ang gawi ng pigilan siyang makapangalunya.

Talata 18 Magtaka si Paraon kung bakit dumating ang kalamidad sa kanyang bahay? Kailan nagsimula ang mga salot na ito? Nagsuri siya. At pagkatapos ay nalaman niya ang katotohanan: Si Sarai ay asawa ni Abram. Ang kanyang reaksyon ay hindi ang pag-utos na patayin si Abram (tulad ng sa pangangalunya ni Haring David kung saan ipinapatay niya ang asawa ng babae). Hindi, alam niya na isang mas mataas na KAPANGYARIHAN, isang Diyos, ang nasa likod ng mga salot. Natakot siya at ipinatawag si Abram.
Paano ang hindi mananampalataya o kahit ang mananampalataya mag-isip patungkol dito? Siya ba ay nagtatanong kung ano sanhi ng malubha o nakamamatay na sakit? Ang karamdaman ay sanhi ng kasalanan, minsan para sa ikaluluwalhati ng Diyos (Juan 11 ang kamatayan at muling pagkabuhay ni Lazaro), minsan dahil gusto ng Diyos na iuwi na ang kanyang anak sa langit. Ngunit sa LAHAT NG PANAHON kailangang siyasatin ang dahilan!

Talata 19 Tinawag ng Faraon si Abram para tanungin: Bakit? Matapos siyang marinig, ginawa ni Paraon ng tamang desisyon; Kunin mo ang iyong asawa at umalis ka. Inalis ni Faraon ang kasalanan sa kanyang buhay na nagawa niya dahil sa kamangmangan.
Sa parehong dahilan alisin ng (hindi) mananampalataya ang kasalanan sa kanyang buhay na dulot ng kamangmangan. Binibigyan ng Diyos ng pagkakataon ang tao sa pamamagitan ng babala. May pagpipilian ang mga tao. Hinayaan ng Paraon na ito ang kanyang sarili na maitama. Ang Paraon noong panahon ni Moises ay matigas ang ulo at pinarusahan ng kamatayan. Ang tao ay maaaring manampalataya at pagsisisi at makamit ang buhay, o magpatuloy sa kasalanan at magtamo ng walang hanggang kamatayan.

Talata 20 Iniutos ni Paraon na ihatid si Abram sa daan, kasama ang kanyang asawa at lahat ng kanyang ari-arian. Pinalayas niya ang kasalanan at sanhi nito. Hindi niya gustong magakaroon pa ng kinalaman doon.
Aral: Ito ay isang ehemplo ng pagpapaalam sa kasalanan. Makatapos mananpalataya, tiyak na dapat magpaalam na sa makamundong buhay. Wala nang pagnanasa na mangalunya, sa alak at droga, ang makamundong buhay ng kayamanan at panlilinlang, o kahit ano pa mang kasalanan. Ngunit isang banal na buhay sa ilalim ng patnubay ng Banal na Espiritu.

Balik sa menuBalik sa itaas


Genesis 13 - Pag-alis ni Abram mula sa Ehipto

Mga talata 1-2 Sa utos ng Paraon, umalis si Abram sa Ehipto at bumalik sa Lupang Pangako, sa Timog ng Canaan. Kinukuha niya ang lahat ng kanyang pamilya at ari-arian kasama ng kayamanan na ibinigay ni Paraon. Binanggit ng ilang may-akda na si Abram ay may 300 lalaking alipin at si Lot ay posibleng pareho ang bilang. Kapag ipinapalagay natin na ang mga tagapaglingkod na ito ay may mga asawa at mga anak, ito ay isang kahanga-hangang prusisyon. Malamang na marami rin ang mga alagang hayop para kailanganin nila ng 300 tagapaglingkod.
Saganang pinagpala ng Diyos si Abram ng mga baka, pilak at ginto. At dahil dito nakikita natin na ang Diyos mismo ay hindi tutol sa kayamanan. Si Haring Solomon ay mayroon ding napakalaking kayamanan, ngunit hindi niya ito kinayang pangasiwaan. Ngunit paano dapat natin tratuhin ito? Magpapasalamat ba tayo sa Diyos para dito? Itatalaga ba natin ito sa kapakanan ng ibang (mahihirap) at sa pagpapalaganap ng ebanghelyo? Hindi ba ang kayamanan ay puwedeng humadlang sa ating kaugnayan sa Diyos?
Sa anumang kaso, ito ay nagpapakita na ang ganap na kahirapan ay hindi kinakailangan. Ang talikuran ng lahat ng bagay at ang mamuhay sa matinding kahirapan ay hindi ang daan patungo sa Langit. Binigyan ng Diyos ang tao ng karunungan. Maaaring gamitin ng mayayaman ang kanyang kayamanan para sa karangalan at pasasalamat sa Diyos, at para sa gawain ng Niya, ang pagpapahayag ng ebanghelyo, misyon at suporta sa mga mahihirap. Ang taong mayaman ay kailangang makinig nang mabuti sa Banal na Espiritu, kung paano nais ng Diyos gamitin niya ang kayamanan.

Mga talata 3-4 Binagtas ni Abram ang Lupang Pangako mula sa Timog hanggang sa makabalik siya sa Bethel, ang lugar kung saan siya nagtayo ng altar sa unang pagkakataon nang dumating siya mula sa Ur. Muling tumawag si Abram sa Diyos walang dudang may kasamang alay.

Mga talata 5-7 Ang maraming ari-arian sa pagitan nina Abram at Lot ay humantong sa mga problema. Si Lot, na pamangkin ni Abram, ay maaaring may magandang relasyon sa kaniyang tiyuhin. Ngunit ang kanilang mga lingkod ay nag-aaway. Sa isang simbahan, ang pastor ay maaaring magkaroon ng magandang relasyon sa mga lakay at diyakono. Ngunit ang mga miyembro ng simbahan ay maaaring makipagtalo sa isa't isa. Kung gayon ang pastor ay dapat mamagitan bilang pinuno. Ang alitan sa pagitan ng mga Kristiyano ay kadalasang nagdudulot ng paghihiwalay. Ang pastor bilang pinuno ay dapat hindi matakot disiplinahin ang mga pasaway. Kung ang isang miyembro ng kongregasyon o mga miyembro ay ayaw magpasakop sa pastor at/o desisyon ng konseho ng simbahan, hindi dapat matakot na tanggalin ang (mga) tao sa simbahan at payuhang maghanap ng ibang simbahan kung saan sila'y magiging panatag.
Kailangang magkaroon ng pagkakaisa sa loob ng isang simbahan. Bawat mananampalataya ay may kanya-kanyang pananaw ngunit inilatag sa simbahan ang mga nararapat na alituntunin at paniniwala nito. Ang pagmamahal sa kapwa ay dapat na nakikita sa simbahan. Ang hindi pagkakasundo, pag-aaway at pagsuway sa mga utos ng Diyos ay humantong sa masamang pangalan ng isang simbahan at ang patotoo nito sa mundo. Ang pagiging gastador ng pastor o lakay ay nagbibigay ng masamang patotoo kapag sila ay maluho at hindi ginagamit ng simbahan ang pananalapi nito para sa ebanghelismo, misyon at suporta sa mga mahihirap.

Mga talata 8-9 Si Abram bilang tiyuhin ni Lot, samakatuwid mas matanda kay Lot, ay nagpaubaya kay Lot na pumili ng parte ng lupa. Ngunit sa Talata 11 makikita natin na pinili ni Lot ang mas magandang bahagi para sa kanya at hindi iginalang ang kanyang nakatatandang tiyuhin. Pero nagtiwala si Abram sa Diyos na pangangalagaan siya ng Diyos at hindi nababahala sa pagpili ni Lot.

Mga talata 10-11 Pinili ni Lot ang mas maganda para sa kanyang sarili. Tinignan niya ang panlabas, isang rehiyon na mayaman sa tubig. Tubig na kailangan ng kanyang maraming pagaaring pastol. Inihambing niya ang rehiyon sa lupain ng Ehipto, na puno ng kayamanan. Ngunit hindi niya tinignan ang lubhang makasalanang buhay ng mga naninirahan sa rehiyong iyon. Iniingatan ng Diyos si Abram mula sa mga naninirahan doon, pinrotektahan siya bagaman si Lot ang unang namili. Ang Diyos ang gumagabay at namamahala. Ang Diyos ang nagpoprotekta sa mananampalataya at lumalaban kay satanas at mga demonyo, sa kondisyon na ang mananampalataya ay nananatili sa matuwid na daan ng Diyos. Si Lot ay tumitingin sa panlabas, parang isang mananampalataya na tumitingin sa kung ano ang iniaalok ng mundo na kayamanan (prostitusyon, droga, kasayahan, mamahaling sasakyan at bahay, atbp.) at kalimutan ang tunay na yaman na naghihintay sa kanya sa Langit na walang hanggan.
Magbabayad si Lot ng malaki sa pagkawasak ng Sodoma at Gomorra, mawawala lahat ang kanyang mga ari-arian at pati asawa. Ang mananampalataya na nabubuhay sa mundo ay maaaring pansamantalang magtamasa ng pansamantalang kasiyahan. Ngunit pagkatapos ng kamatayan ay mawawala ang lahat ng tinamasa at tatanggap ng kawalan sa kabilang buhay.

Mga talata 12-13 Patuloy na nanirahan si Abram sa Canaan. Pumunta si Lot sa lugar ng Sodoma at itinayo ang kanyang mga tolda sa mga lambak ng Sodoma ngunit lilipat kalaunan sa loob ng Sodoma. Una sa harap at pagkatapos ay sa loob na. Ang mananampalataya ay maaaring unang magkamali sa pagtingin sa mga tinatamasa ng sanlibutan, unti-unting tinatanggal ang mga nakagawiang utos ng Diyos. Pagkalipas ay lamunin siya ng mundo at ganap na isasantabi ang Diyos: hindi na nananalangin, hindi na nagbabasa at nag-aaral ng Bibliya, hindi na nagbibigay ng ikapu at pag-aalay, pawang pamumuhay ng may kalayawan.
Ang Diyos ay mapagparaya. Ang mga tao sa Sodoma ay masasama at makasalanan ngunit hindi sila kaagad pinapatay ng Diyos. Binigyan niya sila ng pagkakataong magsisi. Ngunit ang kanilang kasamaan ay tumaas sa hangganan kaya nagpasya ang Diyos na lipulin sila. Katulad ngayon, ang kasamaan ng mga tao ay lumalala. Parami nang parami ang mga tao at pamahalaan na isinasantabi ang mga utos ng Diyos (halimbawa; aborsyon, pagpatay sa may malalang karamdaman, malayang pakikipagtalik, pedophilia, pakikipagtalik sa mga hayop, pangangalunya). Ngunit sa kaunting sandali ang kopa ay mapupuno at ang Dakilang Kapighatian ay mangyayari, pagkatapos ang poot ng Diyos ay ibubuhos sa lupa kasama ang lahat ng uri ng mga salot at sa wakas ay darating ang katapusan ng mundong ito at papalitan ng Bagong Lupa.

Mga talata 14-15 Hindi kailangang magsisi ni Abram na ang kanyang pamangkin na si Lot ay lumayo sa kanya. Ang pangakong ibinigay sa Ur kay Abram ay inulit ng Diyos. Ipinakita ng Diyos kay Abram ang buong lupain, at ipinangako na ibibigay ito sa kanyang mga supling. Pinapakita dito ang pananampalataya ni Abram, dahil baog ang kanyang asawa, kaya kailangan niyang magtiwala sa Diyos na manganganak ang kanyang asawa. Ang mananampalataya ay dapat lumakad sa pangako ng Diyos, hindi tumitingin sa kanyang nakikita, sa halip mabuhay ng may pananampalataya.
Ito ay isang pangako sa kanya at sa kanyang mga inapo magpakailanman. Ang mga inapo ay ang mga Hudyo (dalawang tribo) at ang mga Israelita (sampung tribo) na mabubuhay magpakailanman (15:18) sa lupain mula sa ilog ng Ehipto hanggang sa Eufrates. Iyan ay isang mas malaking lugar kaysa sa kasalukuyang Israel na sumasakop sa disyerto ng Sinai at Iran.

Talata 16 Ang mga inapo ni Abram ay magiging kasing dami ng alabok ng lupa na hindi mabilang ng sinuman. Ang mga Hudyo ay nakatira sa Israel, hindi ang mga Israelita. Kaya ang Lupang Pangako ay aabot mula sa ilog ng Ehipto hanggang sa Eufrates upang gawing posible na isama ang mga Israelita na manirahan sa Lupang Pangako.
Ang kapalaran ng sampung tribo ay pinagmumulan ng mga haka-haka. Marahil maraming mga Israelita noong 722 B.C. ang ipinatapon sa Asiria at naging asimilado doon. Sa sampung tribo, malaking bahagi ay pinagsama sa populasyon ng Imperyo ng Asiria, at may bahagi nito na nahalo sa mga naninirahan sa Juda. Ang sumusunod ay ang isinulat ng mananalaysay na si Flavius ​​Josephus tungkol sa sampung tribo; "...habang ang sampung tribo ay nananatiling lampas sa Eufrates hanggang ngayon, at sila ay napakaraming tao, na ang bilang nito ay hindi matantya." Noong 2005 ang mga pagtatantya ay naiiba mula 13 hanggang 15 milyong Hudyo. Dahil walang nakakaalam kung sino ang tunay na mga Israelita, imposibleng tiyakin ang kanilang bilang.

Mga talata 17-18 Binigyan ng Diyos si Abram ng atas na tumawid sa lupain at makita kung gaano kasagana ang pangako ng Diyos. Pagkatapos ay nanirahan si Abram sa Hebron at muling nagtayo ng altar bilang pasasalamat sa Diyos sa lupang pangako.

Balik sa menuBalik sa itaas


Genesis 14 - Ang mga tagumpay ni Abram

Ang mga tagumpay ni AbramMga talata 1-12 Ito ay isang aral na ipinaabot sa mga tapat sa tatlong dahilan:

  1. Si Lot na may malumanay na pagsaway ay pinayuhan ang mga tao ng Sodoma na magsisi, subalit ayaw nila ng pagtutuwid dahil lubog na sila sa kasamaan. Ngunit si Lot ay natalo ng pangaakit at nalinlang sa kanilang kayamanan. Nakisama siya sa mga makasalanan at masasamang tao.
  2. Dahil sa habag ng Diyos kay Lot ay ginamit si Abram bilang kanyang tagapaghiganti at tagapagpalaya upang iligtas siya - nang siya ay madakip - sa mga kamay ng kaaway. Ipinakikita ng Diyos ang Kanyang hindi masukat na kabutihan at kabaitan sa Kanyang mga pinili dahil alang-alang sa isang pamilya, Kanyang iningatan pansamantala ang marami na lubos na masama.
  3. Dahil si Abram ay pinagkalooban ng Diyos ng tagumpay at binasbasan mismo ni Melquisedec, ang kaharian at pagkasaserdote ni Kristo ay naaninag dito.

Ang libis ng SiddimMga deposito ng bitumenAng lambak ng Siddim ay pinaniniwalaang matatagpuan sa katimugang dulo ng Dead Sea kung saan natagpuan ang mga bagong deposito ng bitumen sa mga hukay ng alkitrán (aspalto, mga hukay ng lusak). Ipinahihiwatig nito na ang lambak ay puno ng mga hukay ng alkitrán kung saan nahulog ang mga hukbo ng Sodoma at Gomorra sa panahon ng kanilang pag-atras mula sa mga puwersa ng Mesopotamia. Iminumungkahi na ang pagkawasak ng mga lunsod ng Kapatagan ng Jordan sa pamamagitan ng banal na apoy at asupre ay maaaring naging sanhi ng Siddim na maging isang dagat-alat, na ngayon ay Patay na Dagat (Dead Sea).
Ang DEAD SEA ay isang maalat na lawa na nasa hangganan ng Jordan. Ang ibabaw at baybayin nito ay 430 metro (1400 piye) ay mas mababa sa antas ng dagat. Ito ang pinakamababang elebasyón sa daigdig. Ang Patay na Dagat (Dead Sea) ay 300 metro (990 piye) ang lalim, ang pinakamalalim na lawa ng asin sa mundo.

Talata 13 May isang nakatakas mula sa labanan at pumunta kay Abram upang ipaalam na ang kanyang pamangking si Lot ay nahuli at hindi nakaligtas sa labanan. Maging aral ito para sa mananampalataya. Kung nais ng isa na magpatuloy na mabuhay ng masama sa mundo, ito ay may mga kahihinatnan. Kung ang isa ay nabihag ng hindi mananampalataya, inilalagay niya sa alangan ang kanyang buhay sa Langit. Ang Diyos ay maaaring magkaloob ng awa at sa pamamagitan ng panalangin ng mga kapwa mananampalataya, magbigay kaligtasan at biyaya. Ngunit kung walang mga kapwa mananampalataya na mananalangin para sa makamundong mananampalataya, maaaring siya'y maiwan sa oras ng Pagsundo ni Kristo at kailangang magdusa at mamili muli sa panahon ng Dakilang Kapighatian.

Talata 14 Walang alinlangan na isinangguni ni Abram sa Diyos kung ano ang dapat niyang gawin, dahil sa isang maliit na hukbo na 318 na kalalakihan, lumusob si Abram.
Bagaman si Abram at ang kanyang mga lingkod ay nasa ilalim ng proteksyon ng Diyos, ang mga lalaking ito ay sinanay sa labanan. Mga labanan kontra sa mga mababangis na hayop (leon, lobo) at mga mandarambong na gustong nakawin ang napakaraming alagang hayop ni Abram.
Ang mananampalataya ay nabubuhay sa mundo, ngunit hindi nakikibahagi sa pagnanasa at kasalanan, at dapat na armado ng espirituwal na baluti ng Efeso 6. Kung wala ang mga sandatang ito, hindi posible ang tagumpay!

Talata 15 Ginawa ni Abram ang hindi inaasahang diskarte at umatake ng gabi. Hinati niya ang kanyang tropa upang atakihin ang lahat ng panig at hinahabol ang kalaban hanggang sa sila ay matalo. Aral para sa mananampalataya; labanan si satanas at mga demonyo gamit ang espirituwal na baluti ng Diyos. Huwag manatiling walang kibo, ibigay ang iyong ikapu, suportahan ang mga espirituwal na pinuno at misyonero sa pananalapi at lalo na sa panalangin. Bumuo ng isang haligi sa pamamagitan ng grupo ng taga-panalangin. Huwag gawin ito nang mag-isa! Si Abram ay kasama ng isang maliit na hukbo ngunit nakamit ang tagumpay. Maaaring maliit ang grupo ng taga-panalangin ngunit ipinangako ng Diyos ang tagumpay.

Talata 16 Pinalaya ni Abram ang kanyang pamangkin at pamilya, gayundin ang mga naninirahan sa Sodoma, kasama ang lahat ng kanilang mga ari-arian. Dapat tulungang palayain ng mananampalataya ang nahulog na kapatiran, gayundin ang hindi mananampalataya (katumbas ng mga naninirahan sa Sodoma) mula sa kapangyarihan ni satanas at mga demonyo.

Talata 17 Bagama't alam ng hari ng Sodoma na ililigtas ni Abram ang kanyang pamangkin na si Lot, nakita niya na pinalaya din ni Abram ang mga naninirahan sa Sodoma at ang lahat ng kanilang ari-arian. Kaya naman ang hari ng Sodoma ay lumapit kay Abram bilang pasasalamat. Tinalo ni Abram ang mga puwersa ng Mesopotamia at ang hari ng Sodoma ay wala nang dapat ikatakot sa kanila sa hinaharap. Sa kabila ng aral na ito, ang mga taga-Sodoma ay nagpatuloy sa kasamaan. HINDI nila sinasamantala ang pagkakataong magsisi at tumalikod sa kanilang kasalanan. Ang sangkatauhan ay may pagkakataon na magsisi ngunit dahil sa katigasan ng ulo, ang huling paghatol ay sumusunod, ang pagkawasak (ng Sodoma na may apoy at asupre, ang Lawa ng Apoy).

MelquisedecMga talata 18-19 Ang ibig sabihin ng Melquisedec ay "Hari ng katuwiran" at siya ang hari ng Salem at pari ni El Elyon (kadalasang isinalin na "Diyos na Kataas-taasan").
Si Melquisedec ay nagdala kay Abram ng tinapay at alak. Si Hesus ang nagbigay ng tinapay at alak sa unang pagkakataon sa kanyang labindalawang disipulo, ang institusyon ng Komunyon ng Panginoon.
Isa siyang pari ng Diyos, ang Kataas-taasan. Si Jesu-Kristo ay ang Dakilang Saserdote ng Diyos, ang Ama (Hebreo 7-8). Ang Salem ay pinaniniwalaang sinaunang pangalan ng Jerusalem.
Pagbabasbas ni Melquisedec ng pagpapala ng Diyos, ang Kataas-taasan. Ang Lumikha ng langit at lupa. Ito ay hindi lamang isang pagpapala, ito ay mula sa Diyos na lumikha ng langit at lupa. Ang Diyos na naninirahan sa Langit (Kataas-taasan).

Talata 20 Hindi naman talaga si Abram ang nagtagumpay, ito ay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos na nalupig niya ang mga kaaway. Gayundin para sa mananampalataya, hindi natin madadaig si satanas at mga demonyo gamit ang ating sariling lakas, ang mananampalataya ay hindi maaaring madaig ang kasalanan gamit ang kanyang sariling lakas at makahikayat ng mga hindi naniniwala para kay Jesu-Kristo. Ang kapangyarihan ng Diyos ang nagbibigay-daan sa mananampalataya.
At ibinigay ni Abram ang ikasampung bahagi ng lahat kay Melquisedec. Sinasabi ng ilan na si Melquisedec ang siyang nagbigay ng ikasampu kay Abram. Ito ay hindi tama, tingnan ang Hebreo 7:9. Si Abram ang nagbigay ng ikasampung bahagi ng tagumpay kay Melquisedec. Pansinin na ito ay isang kaugalian na bago pa ito itinatag sa batas ni Moises. Ang pagbibigay ng ikapu ay isang boluntaryong regalo. Ang mga Kristiyanong nagsasabing ang ikapu ay wala sa Bagong Tipan ay mali. Nakikita natin dito na isa itong kusang loob na bigay, hindi isang obligasyon.

2 Corinto 9:7 Ang bawat isa'y dapat magbigay ayon sa kanyang pasya, maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang NAGBIBIGAY NANG MAY KAGALAKAN.

Kung susuriin natin ang batas ng Lumang Tipan, higit sa ikasampu ang kanilang inaalay. Ikasampu mula sa pag-aani, alay sa pagsilang ng anak at marami pang iba. Ang ilang mga kalkulasyon ay umabot sa 33%. Nais ng Diyos na ang mananampalataya ay magbigay mula sa pusong mapagpasalamat. Isipin mo na si Hesukristo ay nagdusa at namatay sa krus at binigyan ka ng buhay na walang hanggan sa Langit. Iyan ay napakagandang kaloob na bilang isang mananampalataya ay imposibleng suklian sa pagbibigay ng ikapu (ang ilang mayamang tao ay nagbibigay ng hanggang 90%) at mga regalo.
Ang ikasampu ay ibinigay kay Melquisedec, ang kinatawan ng Diyos. Hindi ito regalo mismo kay Melquisedec kundi sa Diyos. Marahil may magtanong kung: ang ikasampu ay mula sa mga nakamkam ni Abram o mula sa kanyang pag-aari. Hindi malinaw iyon. Ang ilan ay nagsasabi kung ito ay mula sa mga nasamsam niya, ito ay walang halaga kay (o hindi pinagtrabahuhan ni) Abram. May halaga lamang ang kaloob kung nagmula ito sa angking pag-aari ni Abram mismo. Gayunpaman, intindihan mo't tandaan na ang iyong kinikita ay mula sa kamay ng Diyos. Ito ay nagmumula sa Kanya kaya ibinabalik mo lang ang bahagi ng pag-aari Niya!

Mga talata 21-22 Nais lamang ng hari ng Sodoma na ibalik ang kanyang mga mamamayan, ang kanilang mga ari-arian ay maaaring manatili na kay Abram. Ngunit makatuwirang taglay ni Abram ang karangalan bilang isang lingkod at kinatawan ng Kataas-taasang Diyos. Ang hari ng Sodoma ay isang makasalanang sumasamba sa mga diyus-diyosan. Nagpatotoo si Abram na siya ay alagad ng Tanging at Tunay na Diyos. Para bang gustong sabihin ng haring ito: "Malaking bagay na pinalaya mo ang aking mga mamamayan, iniiwan ko sa iyo ang lahat ngunit ibigay sa akin ang sambayanan at ang lahat (ng bagay) ay sa iyo na bilang gantimpala". Ito, gayunpaman, ay hindi katanggap-tanggap sa Diyos. Mamaya ay makikita natin kung gaano kawalang utang na loob ang mga naninirahan sa Sodoma at hiningi pa nila kay Lot na makipagtalik sa kanyang dalawang bisitang lalaki (mga anghel ng Diyos).
Si Abram ay nanunumpa sa ngalan ng Diyos. Aba, alam niya na ang pagnunumpa sa Diyos ay pinapayagan lamang sa mga pambihirang kaso. May dalawang dahilan. Una, ang salita ni Abram ay likhang tao lamang, maaaring isipin ng hari na posibleng bumaliktad si Abram sa kanyang salita. Isang bagay na karaniwang nangyayari. Sa pamamagitan ng panunumpa sa ngalan ng Diyos, ang Kataas-taasan, ito ay hindi na isang panagako ng tao kundi isang patotoo ng Kanyang Diyos at isang banal na panunumpa. Pangalawa, maaaring sabihin na hindi lamang iniligtas ni Abram ang kanyang pamangkin at pamilya, kundi pati na rin ang mga taga-Sodoma at ang kanilang mga ari-arian upang magpakabuti sila para sa hinaharap. Sa pamamagitan ng panunumpa, ibinigay ni Abram ang lahat ng karangalan sa kanyang Diyos.

Mga talata 23-24 Si Abram ay mapag-ingat: "Baka sabihin mo; 'Pinayaman ko si Abram'". Malinaw na tinanggihan ni Abram ang panukala ng hari at binigyang-diin na ang Kanyang Diyos ang nagpapayaman sa kanya. Gayunpaman, iminungkahi ni Abram na ibigay ng hari sa mga lingkod at kaalyado ni Abram ang kanilang mga nagamit sa pakikipagdigma at kung ano man ang nararapat na makamit nila. Kung tutuusin, sila ang lumaban at tinaya ang kanilang mga buhay.
Aral para sa mananampalataya. Sa paglilingkod sa Panginoon, maging maingat sa pagtanggap ng mga regalo mula sa mga hindi mananampalataya. Marami ang nahuhulog sa bitag ng pagtanggap ng pondo mula sa gobyerno at hindi iniisip ang mga posibleng kompromiso sa hinaharap dahil sa kanilang utang na loob. Gamitin lamang ang mga subsidyo na naaangkop sa lahat ayon sa batas.

Balik sa menuBalik sa itaas


Genesis 15 - Pinagpala ng Diyos si Abram

Talata 1 Nagpakita ang Diyos kay Abram sa isang pangitain at sinabing "Huwag kang matakot". Ang paliwanag ko ay kapag ang Diyos (o isang anghel) ay nagpakita sa tao, siya ay natatakot. Mababasa natin ito sa mga kuwento nila propetang Daniel, ng birheng Maria, ni Jose, ng saserdoteng si Zacarias at ni apostol Juan sa Pahayag.
May isa pang paliwanag ang teologong si John Calvin. Tinalo ni Abram ang apat na hari sa nakaraang kabanata. Kung kaya't maaaring matakot si Abram na ang mga bansang ito ay muling magsasama-sama at sa pagkakataong ito ay direktang makipaglaban sa kanya. Ang isa pang panganib ay ang pamumuhay ni Abram sa mga palakaibigang tao. Pagkatapos ng kanyang tagumpay at pagpapala ni Melquisedec, ang mapagkaibigang mga tao na ito ay maaaring matakot sa kapangyarihan ni Abram at makipagdigma laban sa kanyang mga kaalyado.
Lumitaw ang Diyos sa isang pangitain, na maaaring mangahulugan na si Abram ay nanaginip. Nagpakita rin ang Diyos sa apostol sa isang pangitain, isinulat ni apostol Pablo na siya ay itinaas sa ikatlong langit at hindi niya alam kung iyon ay pangitain o tutoong nangyari (di panaginip). Minsan kinakausap ng Diyos ang mananampalataya sa pamamagitan ng panaginip. May ibang nakakita kay Hesus sa pamamagitan ng isang pangitain.
Pinagpala ng Diyos si Abram: Ang Diyos ay nagbigay ng dalawang pangako. Una, ako ang iyong kalasag. Ibig sabihin, Abram hindi mo kailangang matakot, poprotektahan kita laban sa iyong mga kaaway. Binibigyan ng Diyos ang mga mananampalataya ng Kanyang proteksyon, basta't lumakad siya sa daan at misyon ng Diyos. Gayunpaman, ang mananampalataya ay inatasang magsuot ng baluti ng Diyos sa Efeso 6. Sa proteksyon ng Diyos ay walang sinumang makakapatay sa kaluluwa ng tapat na lingkod. Tulad ng alinmang digmaan, ang mga tao ay nasusugatan at napatay ngunit sa pahintulot lamang ng Diyos. Walang lingkod na namamatay nang mas maaga kaysa sa panahon itinakda ng Diyos. Ngunit ang mananampalataya ay pinahihintulutan lamang na pumunta kung saan siya ipinadadala ng Diyos, sa Kanyang atas. Sa labas nito, ang mananampalataya ay maaaring masugatan o mamatay.
Pangalawa, napakalaki ng iyong gantimpala. Hindi lamang malaki, ngunit hindi masukat! Ang gantimpala ni Abram ay mga inapo gaya ng mga bituin sa langit (Talata 5). Ang Kristiyano ay tatanggap din ng napakalaking gantimpala para sa pananampalataya sa Panginoong Hesukristo, ito ay ang buhay na WALANG HANGGAN sa Langit, kung saan walang kamatayan, pagdurusa at kalungkutan, tanging dalisay na kalusugan at kagalakan kasama ang Diyos.

Talata 2 Sa kabila ng pinangako ng Diyos kay Abram, siya'y nagduda. Katulad din ng pari si Zacarias na nagduda sa sinabi ng anghel na si Gabriel. Ang tanong nila, paano ito posible? Ngunit may kagalangan ang pagtatanong ni Abram sa kanyang pakikipag-usap sa Panginoong Jehova (sa pangunahing tekstong Adonai Jehovah).
Wala akong anak, paano magiging marami ang aking lahi? Ang lahat ng aking ari-arian ay mapapapunta kay Eliezer ng Damasko. Walang magmamana ng aking mga ari-arian (malaking kayamanan) dahil wala akong anak. Ang aking asawa ay baog, hindi niya ako mabibigyan ng supling. Hindi lamang baog ang kaniyang asawa, kundi dahil sa kanilang edad, hindi na dinadatnan ng regla si Sarai at maaaring nagdududa si Abram kung malusog pa rin ang kaniyang binhi. Isang lohikal na mga tanong, hindi ba?

Talata 3 Ngunit nagpatuloy si Abram sa pangangatuwiran sa Diyos. Hindi mo ako binigyan ng supling, kaya't ang aking alipin ang magmamana ng aking kayamanan. Ako ay namangha na ang kayamanan na ito ay mapapapunta sa isang alipin at hindi sa kanyang pamangkin na si Lot. Wala akong paliwanag dito. Paano kaya ang ugali ng isang mananampalataya sa ganitong sitwasyon?

Talata 4 Dito ay makikita natin na pinahihintulutan ng Diyos ang tao na minsan ay mangatuwiran sa Diyos at magtanong tungkol sa katuparan ng mga pangako Niya. Gayunpaman sa kaso ng pari na si Zacarias, ito ay itinuturing na isang kawalan ng tiwala na sinusundan ng kaparusahan.
Tingnan kung gaano kapasensyoso at maunawain ang Diyos. Hindi nagalit ang Diyos sa mga pagdududa ni Abram ngunit maliwanag na binigyan siya ng malinaw na sagot. HINDI magiging tagapagmana ang iyong alipin. Bibigyan kita ng sarili mong anak na magiging tagapagmana mo. Walang iniwan ang Diyos na may kalabuan tungkol dito, malinaw na sinasabi ng Diyos kung ano ang mangyayari sa hinaharap.
Ang Diyos ay hindi nag-iiwan ng maaaring hindi mauunawaan patungkol sa kapalaran ng tao. Binigyan tayo ng kalayaang mamili kung magtitiwala sa Diyos. Ibig sabihin, maniwala sa Panginoong Jesu-Kristo bilang Tagapagligtas at maglingkod sa Kanya. O tanggihan ito at pasanin ang kaparusahan ng kasalanan at manatiling hiwalay sa Diyos pagkamatay na patungo sa Lawa ng Apoy. Ang Salita ng Diyos ay napakalinaw, walang kalabuan kung ano ang mangyayari sa tao pagkatapos ng kanyang pagpanaw, ang pagpili ay nasa tao. Malinaw din ang Diyos tungkol sa kinabukasan ng lupa at kung ano ang mangyayari sa Dakilang Kapighatian.

Talata 5 Dinala ng Diyos si Abram sa labas. Dito ba nagtapos ang pangitain (vision), o dili kaya ipinadala ng Diyos ang pangitain na may utos na lumabas? Hindi iniiwan ng Diyos si Abram sa dilim. Sinabihan siya ng Diyos na tumingala sa langit, sa kalawakan, at sabihin sa Kanya kung mabibilang niya ang mga bituin. Dahil dito ay masasabi natin na ang pangitain (o pagdalaw) ay naganap sa gabi. Walang makapagbilang ng mga bituin. Ang mga inapo ni Abram ay magiging napakarami't di mabilang. Iyan ang pangako ng Diyos.
Ang mga bituin ay nakikita lamang sa gabi at hindi nakikita sa araw. Ang pangitain na ito ay nagsimula sa gabi. Ang mga inapo ni Abram ay nagsimula sa mga angkan ng Israel, ang mga Hudyo at mga Israelita. Sa kalaunan ang mga Kristiyano - ang katawan ni Kristo - ay sisibol din sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus.
Noong si Hesus ay nasa lupa, Siya ay malinaw sa Kanyang mga salita, ipinaliwanag Niya ang Kanyang mga salita sa paggamit ng mga talinghaga upang mas madaling maunawaan ng tao mula sa mga halimbawa ng pangaraw-araw na buhay. Ang kanyang mga salita ay pinalakas ng maraming pagpapagaling at kababalaghan. Malinaw ang kanyang misyon.

Naniniwala si Abram sa Diyos. Naniniwala si Abram sa pagpapala ng Diyos. Ang mga pagpapalang ito ay umaabot sa mga Hudyo at mga Israelita. Ngunit ito din ay umaabot sa mga ibang lahing nananampalataya kay Jesu-Kristo. Ang tao ay hindi naliligtas sa pamamagitan ng mga gawa, ngunit sa pamamagitan ng pananampalataya.

Talata 6 Ang kanyang pananampalataya ay itinuring ng Diyos bilang katuwiran. Ang pananampalataya ang nagbubunga ng pagiging matuwid sa mata ng Diyos. Ito ay tugon ng tao, isang reaksyon sa Salita at Pangako ng Diyos. Ang kawalan ng pananampalataya ay nagdudulot ng kasamaan. Hindi makakakilos ang Diyos nang walang pananampalataya. Ngunit pananampalataya ay hindi isang gawain kung saan puwedeng ipagmalaki ng tao at sabihin dahil dito makakapasok ako sa Langit. Ngunit sinasabi din sa Santiago 2:14-26 na ang pananampalatayang walang gawa ay patay na pananampalataya.

Talata 7 Pinagtibay ng Diyos kay Abram na ang Kanyang mga Salita ay totoo at tapat, sapagkat tinawag Niya si Abram mula sa Ur ng mga Caldeo na may pangakong bibigyan siya ng isang malawak at matabang lupain. Siya lamang ang Diyos.

Talata 8 Ngunit si Abram ay nag-aalinlangan pa rin. Siya at ang kanyang asawa ay matanda na. Nakikita nila na ang kanilang edad ay papalapit na kanilang wakas.

Mga talata 9-10 Nananatiling matiyaga ang Diyos sa mga pagdududa ni Abram. Walang paliwanag para sa pag-aalay ng tatlong taong gulang na baka, kambing, tupa, turtledove at batang kalapati. Gayunpaman, ito ay isang utas mula sa Diyos Mismo na dapat sundin ni Abram. Kahit na ang mananampalataya ay hindi nauunawaan ang utos ng Diyos, siya ay dapat gawin kung ano ang ipinag-uutos ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng pagsunod ang mananampalataya ay makakapagpasaya sa Diyos.
Hinhati ni Abram ang mga piraso sa dalawa at inilatag ang mga ito sa tapat ng isa't isa, maliban sa mga ibon. Ang utos ng Diyos, hindi ang tao ang nagdedetermina kung paano nangyayari ang mga bagay-bagay. Hindi matukoy ng tao ang kanyang paraan ng kaligtasan, HINDI siya MATAAS sa Diyos, ang tao ay dapat lamang sumunod at umaasa sa mga kautusan at regulasyon ng Diyos.

Talata 11 Sinasalakay ng mga ibong mandaragit ang sagradong handog sa Diyos. Ang mananampalataya ay maaaring mag-alay ng kanyang buhay sa Diyos, ngunit si satanas, mga demonyo, poot ng tao, makamundong kayamanan at pagnanasa, lahat ay umaatake araw-araw laban sa mananampalataya na nagpapasailalim sa Banal na Espiritu.

Talata 12 Nakikita natin na si Moises ay nagbigay lamang ng maikling salaysay ng pakikipag-usap sa Diyos kay Abram sa mga nakaraang talata. Nagsimula ito ng may liwanag pa at nagpatuloy hanggang sa lumubog ang araw. Nangangahulugan ito na lumipas ang isang buong araw dahil sa may liwanag pangkaraniwang lumilipad ang mga ibong mandaragit.
Nilukuban si Abram ng isang nakakapangilabot na kadiliman. Isang imahe ng mananampalataya na nabubuhay sa nakakatakot na mundo ni satanas at mga demonyo. Ang dilim ng kamatayan ng tao.

Mga talata 13-14 Hindi itinatago ng Diyos ang hinaharap kay Abram. Ang kanyang mga inapo ay aalis sa bansang ito at magiging alipin sa loob ng apat na raang taon. Doon sila aapihin, ngunit ililigtas Ko sila at ibabalik Ko sila sa lupaing ipinangako sa iyo. Ito ay hindi isang maliit na populasyon ng mga tao ngunit isang napakaraming angkan (isang milyon?) ng kanyang lahi.

Talata 15 Patuloy na sinasabi ng Diyos ang hinaharap. Ngayon hindi na tungkol sa kanyang mga inapo, kundi tungkol sa kung ano ang mangyayari sa kanya. Siya ay mamamatay sa kapayapaan (walang takot sa pag-atake ng apat na hari at mapagkaibigang mga tao) sa kanyang katandaan. Maaari siyang magpatuloy na mabuhay nang walang pag-aalala. Ang kanyang kinabukasan ay tiniyak ng DIYOS.

Talata 16 Ang dahilan ng apat na raang taon na pananatili (apat na henerasyon ng isang daang taon) sa labas ng Lupang Pangako ay ipinahayag ng Diyos: ang kasamaan ng mga Amoreo ay hindi pa ganap, na tatagal pa ng apat na raang taon. Pagkatapos ay ipapataw ng Diyos ang Kanyang kaparusahan sa kanila. Ang mga Amoreo ay ang mga karapat-dapat na may-ari ng Lupang Pangako. Gayunpaman maging sa kanilang kasamaan, hinayaan ng Diyos na manatili sila sa Lupang Pangako hanggang sa maging sukdulan ang kanilang kasamaan sa loob ng apat na raang taon. Pagkatapos ay ipapatupad ng Diyos ang Kanyang kaparusahan. Ang Diyos ay mabagal sa pagpaparusa at galit. Ang mga Amoreo at ang buong sangkatauhan ay binibigyan Niya ng sapat na panahon para magsisi.
Mula kay Hesus hanggang ngayon, dalawang libong taon na ang lumipas. Ang tao ay binibigyan ng sapat na panahon para magsisi. Ngayon nakikita natin ang napakalaking pagtaas ng kasalanan at mga paglabag sa kautusan ng Diyos. Ang kapunuan ng kasalanan ay aabot sa sukdulan sa Dakilang Kapighatian na napakalapit na. Ang sangkatauhan ay lalong pinipili si satanas at mga demonyo. Kapag naabot na ang tugatog ng kasalanan, aalisin ng Diyos ang kapangyarihan ng tao sa mundo. Pagkatapos ay babalik si Hesukristo sa lupa upang mamuno sa daigdig.

Talata 17 Sa makapal at malalim na kadiliman, pinasikat ng Diyos ang Kanyang liwanag sa pamamagitan ng nagniningas na tanglaw, na kasing laki ng umuusok na kalderong may apoy. Walang alinlangan na sinunog nito ang sakripisyo. Ang Salita ng Diyos, ang Bibliya ang LIWANAG sa mundo. Ang mananampalataya ay dapat ipalaganap ang kanyang liwanag sa makapal na kadiliman ng makasalanang mundo. Tungkulin nating ipahayag ang Mabuting Balita, ang Ebanghelyo, sa mga naliligaw ng landas habang may panahon pa para magsisi.

Mga talata 18-19 Lupang pangako kay Abram
Ang hindi mabibilang na mga inapo na ito, na nabuhay at namatay sa paglipas ng panahon ay nangangailangan ng isang malaking bansa. Ang Lupang Pangako kay Abram ay higit na mas malawak sa mga hangganan ng pangkasalukuyang Israel. Ang Lupang Pangako kay Abram ay umaabot mula sa ilog ng Ehipto (ang Nile - kaya ang disyerto ng Sinai ay teritoryo ng Israel) hanggang sa ilog Euphrates na nasa kasalukuyang Iran. Ito ay hindi isang walang lamang pangako, ito ay itinakda ng DIYOS. Ang mga panatikong Muslim ay maaaring lumaban ngunit ang kanilang pakikipaglaban ay mauuwi sa wala dahil ang Diyos ni Abram ang Siyang nagpasiya.
Hindi lamang ang mga Amorrheo ang magdaranas ng kaparusahan ng Diyos, kabilang ang mga Kenita, Kenizita, Kadmonita, Hitteo, Perezeo, Refaim, Canaanita, Girgasita at Jebuseo.

Pinagmulan na mapa https://en.wikipedia.org/wiki/Promised_Land

Balik sa menuBalik sa itaas


Genesis 16 - Si Hagar ay tumakas kay Sarai

Talata 1 Si Sarai ay baog at dahil sa kanyang edad hindi kataka-taka na hindi na siya nireregla at malamang hindi na makapagsilang bata. Ngayon si Sarai ay kikilos ng pansarili. Ang Diyos ay nagbigay na ng pangako na si Abram ay magkakaroon ng isang anak na lalaki ngunit mahabang panahon na ang lumipas. Humina na ang pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos ni Sarai. Kaya sa sarili niyang inisyatiba hinangad niyang matupad ang pangako kay Abram na nagbigay daan sa mabigat na kasalanan, ang pagkasira ng kasal. Malinaw na itinatag ng Diyos ang isa-sa-isang relasyon, isang lalaki na may isang (kanyang sariling) asawa. Wala nang iba pang babae, wala poligamya. Kapag ang isang lalaki ay kumuha ng ibang babae, ito ay pangangalunya at sinisira (tinapos) nito ang kanyang kasal. Sa kabila nito, ang pangangalunya ay nangyayari sa pahintulot at udyok mismo ni Sarai. Isang mabigat na kasalanan na pinalala dahil binigay na ng Diyos ang pangako na magkakaroon sila ng anak. Narito ang dalawang kasalanan: walang pagtitiwala sa Diyos na Siyang nangako at ang pangangalunya. Nilabag nila ang utos ng Diyos sa Genesis 2:24. Ang mga kagyat na kahihinatnan ay makikita natin mamaya sa kabanatang ito. Ngunit ngayon, makalipas ang 4,000 taon, ang mga pangkasalukuyang kinahihinatnan ay napakaseryoso dahil sa mga panatikong Muslim (ang mga supling mula sa pangangalunya ni Abram) na sa pamamagitan ng pananakot, pagpuwersa at pagpatay ay pinipilit ang mga tao na sumanib sa huwad na pananampalatayang Islam.
Ang aral para sa ating mananampalataya ay ang Diyos ay nagbigay ng maraming pangako sa Bibliya. Marahil ay binibigyan ka ng sarili mong tungkulin. Hintayin ang Diyos hanggang sa matupad ang Kanyang pangako. Huwag subukang tuparin ang pangako ng Diyos sa iyong sariling kakayahan na nagdudulot lamang ng paghihirap at gulo.

Talata 2 Si Sarai ay may mungkahi para sa kanyang asawang si Abram: makipag-siping sa kanilang alipin at buntisin siya. Maihahambing natin ito kay Eba na nagbigay ng ipinagbabawal na prutas sa kanyang asawang si Adan. Hindi nilabanan ni Adan ang tukso at kumain siya. Si Abram ay nahulog sa halintulad na bitag, hindi niya nilalabanan ang tukso at tinanggap ang alok ng kanyang asawa. Si Abram ang ulo ng kanyang pamilya at responsibilidad niyang mamuno. Napakabigat ng pagkakamali ni Abram: HINDI RIN SIYA UMASA SA PANGAKO NG DIYOS.
Siya rin ay nakagawa ng parehong dalawang kasalanan ng kanyang asawang si Sarai, hindi naghintay sa pangako't oras ng Diyos at siya ay nangalunya.
Ang alipin ay walang karapatan, lahat ng pag-aari ng alipin ay nagiging pag-aari ng may-ari sa kanya. Kaya't kung ang isang alipin ay nanganak (kahit na siya ay may sariling asawa), ang bata ay awtomatikong magiging pag-aari ng kanyang panginoon.
Tumugon si Abram sa mungkahi ng kanyang asawa. Siya ay nakinig at sumusunod kay Sarai kaysa sa Diyos. Malinaw na sinabi ng Panginoong Diyos sa Genesis 2:24 na ang lalaki ay may isang sariling asawa. Hindi kalooban ng Diyos na magkaroon ng ibang (o maraming) babae bukod sa sarili niyang asawa. Siya ay gumawa ng akto ng pangangalunya sa kabila ng pagiging pili ng Diyos.

Talata 3 Si Sarai (ang kanyang maybahay), ang kumuha sa kanyang alila at ibinigay sa asawang si Abram. Bigyang-pansin ang mga salita: siya ay naging bilang isang asawa ni Abram. Kaya ang kasal ay nasira at ang pangangalunya ay naganap.

Mga talata 4-5 Sina Sarai at Abram ay parehong tumanggap ng kaparusahan sa kanilang mabigat na kasalanan: Hinahamak ni Hagar si Sarai ang tunay na asawa ni Abram. Binabastos na ng alipin ang kanyang may-ari. Walang pasasalamat mula kay Hagar na nabigyan siya ng karangalan na makapagsilang ng isang lalaki para sa kanyang panginoong si Abram. Hindi, tinutuya niya ang kanyang amo araw-araw. Kinamumuhian niya ang kanyang may-ari. At nakita ni Abram kung paano hinahamak araw-araw ang kanyang na asawa.
Aral para sa mananampalataya: huwag umasa ng pagpapala sa iyong gawain kapag ginawa mo ito sa iyong sariling lakas at hindi maghintay sa kaparaanan at oras ng Diyos.
Isinisi ni Sarai sa kanyang asawa ang kanyang sariling pagkakasala. Hindi niya tinatanggap ang pananagutan sa kanyang aksyon kahit na siya ang nagpumilit at nag-alok kay Abram na buntisin ang kanyang alilang babae. Dapat may sapat na lakas ni Abram upang TANGGIHAN ang makasalanang alok sa kanya.
Si Sarai ay gumawa nanaman ng malubhang pagkakamali sa pag-abuso sa pangalan ng Diyos, sabi niya kay Abram: Si Yahweh na ang humatol kung sino sa atin ang tama! Siya nga ang nangunang hindi naghintay at nagtiwala sa Diyos. Siya ang nagkamali ng pag-alok at nag-udyok ng pangangalunya at pagbubuntis ng kanyang kasambahay. Hindi naging kabahagi ang Diyos sa bagay na ito, sa kabaligtaran, ito ay LUBOS na labag sa kalooban ng Diyos. LESSON: Mag-ingat sa iyong mga pahayag at kilos.
Si Abram ay madalas na nababanggit na huwarang alagad ng Diyos at mabuting halimbawa sa Simbahan ng mga mananampalataya. Ngunit dito makikita kung paano nabigo si Abram at nagdulot ng gulo sa kanyang pamilya. Nakikita rin natin ang alitan at hindi pagkakasundo sa loob ng kasalukuyang mga simbahan at sa mga miyembro nito. Hindi mo ba naiisip na ito'y nakakapag-dalamhati sa ating Panginoong Diyos?

Talata 6 Litaw ang kahinaan ni Abram. Ang sagot niya sa paratang ni Sarai ay: “Alipin mo naman siya, kaya gawin mo sa kanya ang gusto mo.” Pinagmalupitan nga ni Sarai si Hagar, kaya ito'y tumakas. Ang magiging amang si Abram ay walang ginawa, hinayaan ang buntis na alipin na lumisan. Ang anak na pinlano't inaasahan nilang mag-asawa na magiging katuparan ng pangako ng Diyos ay wala na. Ang pag-asa ni Abram na maging ama ay hindi na mangyayari. Napakabigat na kahihinatnan dahil sa hindi pagsunod sa Diyos.
Pinagmalupitan ni Sarai ang kanyang alipin. Nagmalaki kasi si Hagar at hinamak ang kanyang maybahay. Natanggap niya ang kanyang parusa. Sa halip na magsisi at umasal ayon sa kanyang kinalalagyan (Efeso 6:5 Mga alipin, sundin ninyo ang inyong mga amo dito sa lupa nang may buong katapatan, takot at paggalang), pinili niyang tumakas.

Mga talata 7-9 Ang aliping si Hagar ay maaaring patungo sa kaniyang sariling bansang Ehipto, ngunit bago iyon kailangan niyang dumaan sa disyerto ng Sur. Ang paglalakbay ay mahirap at ang Anghel ng Panginoon ay nagpakita sa kanya. At tinawag siya: “Hagar, alipin ni Sarai, saan ka nanggaling at saan ka pupunta?” Itinuro sa kanya ng anghel na siya ay pag-aari ni Sarai. Wala siyang karapatang umalis sa kanyang poder. Ang Efeso 6 ay maliwanag kahit na ang mga mananampalataya na pinagmamalupitan at hindi patas ang trato ng amo, ay dapat gawin ang kanyang trabaho para sa Panginoong Hesukristo.
Tumugon siya ng: “Tumakas po ako sa aking panginoon.” Ang Anghel ng Panginoon ay nag-utos na bumalik sa kanyang maybahay at maging masunurin sa kanya nang may pagpapakumbaba. Wala siyang puwedeng sisihin kundi ang sarili niya sa kanyang paglalayas. Nagmataas siya laban sa kanyang maybahay. Alam niya na sina Abram at Sarai ay pinili ng Diyos, ngunit itinuring niya ang kanyang sarili na mas nakakataas pa kaysa kay Sarai (dahil pinagbubuntis niya ang anak ni Abram). Hindi nakakagulat na inutusan siya ng Anghel ng Panginoon na bumalik at muling magpasakop sa kanya

Talata 10 Nangako ang Anghel ng Panginoon: Ang iyong mga inapo ay pararamihin, at sa karamiha'y di kayang bilangin. Ngayon alam natin na ang lahi ng anak ni Hagar ay hindi mabilang sa dami. Hindi mabilang ang kanilang lahi.

Talata 11 Ang Anghel ng Panginoon ay inutos na tawagin ang kanyang anak sa pangalang Ismael (Tinatawag ng mga Muslim ang kanilang sarili na mga Ismaelita). Ang ibig sabihin ng Ismael ay "Pakikinggan ng Diyos", dahil dininig ng Diyos ang pagsusumamo ni Hagar. Malamang na tumawag si Hagar sa Diyos ni Abram sa gitna ng karahasan ng disyerto. Maraming pinahihintulutan ang Diyos na mahabagin. Ang hindi mananampalataya ay maaaring magdusa mula sa sakit, gutom at uhaw, o kahirapan, ngunit kapag sila ay umiyak sa Diyos, tumutugon ang Diyos na Siya'y matagpuan.

Talata 12 Sa kasamaang palad, hindi ito nagtatapos dito. Ang propesiya ay walang palya. Ang mga inapo ni Ismael ay magiging mailap, hayop na asno ang makakatulad; maraming kalaban, kaaway ng lahat, di makikisama sa mga kaanak. Nakikita natin ito sa mga panatikong Muslim, ang mga digmaan sa Afghanistan at Syria at ang mga pag-atake ng mga teroristang Muslim at ang kanilang pagpatay at kalupitan (isang ligaw na asno). Nabubuhay sila laban sa lahat ng kanyang kaanak. Ngayon ang mga Ismaelita ay nagkalat na saanman sa mundo. Ang hinulaang hinaharap ay nagaganap na ngayon.

Beër Lachai Roï
Fonte in the rocksFonte in the desert

Beër Lachai Roï
Fonte in the rocksFonte in the desert

Mga talata 13-14 Kinilala ng alilang si Hagar ang Diyos ni Abram. Nakita niya ang kadakilaan ng Diyos sa Anghel ng Panginoon na Siyang nag-utos sa kanyang bumalik at hinulaan ang hinaharap tungkol sa mga inapo ng kanyang anak.
Natagpuan ng Anghel ng Panginoon ang alipin sa isang balon sa disyerto na tinatawag na Beer-lahai-roi na ang ibig sabihin ay “Balon ng Diyos na Buháy at Nakakakita sa Akin.”

Mga talata 15-16 Si Hagar ay naging masunurin sa Anghel ng Panginoon at bumalik kay Abram. Walang alinlangan na sinabi niya kay Abram at Sarai ang nangyari sa disyerto ng Sur at kung ano ang iniutos sa kanya ng Anghel ng Panginoon.
Walang duda, si Abram ay hindi na muling nakipagsiping kay Hagar at limitadong okasyon lang ang kanilang nakaraang pagsasama upang mabuntis ang alipin. Ang kasalanan ay pinatawad ng Diyos ngunit ang mga kahihinatnan ng kasalanang iyon ay nakikita't nararanasan hanggang ngayon. Maging seryosong aral ito para sa mga Kristiyano.
Si Abram ay 86 taong gulang nang ipanganak ni Hagar ang anak niyang si Ismael. Kinailangan pang maghintay nina Abram at Sarai ng 13 taon bago magbuntis si Sarai.

Balik sa menuBalik sa itaas


Genesis 17 - Ang tipan ng Diyos kay Abram

Talata 1 Ang manunulat ng Genesis, na si Propetang Moses, ay walang sinabi tungkol sa buhay nina Abram at Sarai pagkatapos ng kapanganakan ni Ismael. Malamang walang interesante. Nagsimula ang unang talata, 13 taon pagkatapos ng kapanganakan ni Ismael at muling nagpakita ang Diyos kay Abram sa edad na 99. Napakahabang panahon ng paghihintay para sa katuparan ng pangako ng Diyos na magkaroon ng anak kay Sarai. Posibleng sina Sarai at Abram ay tumira kasama ang anak ng aliping si Hagar at Abram.
Ako ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat (El Shaddai) ay nag-utos kay Abram na lumakad sa harapan Niya ng walang kapintasan. Ito'y naaangkop din sa Kristiyano na kailangang lumakad nang matuwid sa harap ng Diyos. Mahigpit na direksyon ng Diyos ang pagsunod nila Abram at ang kanyang mga inapo, kabilang ang mga Kristiyano, at hindi NIYA nais ang anumang paglabag sa Kanyang mga batas at utos. Ako si El Shaddai ay nagpapahiwatig ng omnipoténsiyá, ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu upang magawa ng mananampalataya na lumakad nang walang kapintasan. Sapagkat walang tao ang makakalakad nang matuwid sa harap ng Diyos ng wala ang tulong Niya.

Talata 2 Inulit ng Diyos ang Kanyang pangako kay Abram na lubhang pararamihin ang kanyang lahi. Ito ay tipan at inisyatiba ng Diyos, walang maiaambag si Abram dito. Ang Diyos Ama ang nag-aalok ng kaligtasan sa makasalanang tao sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Jesu-Kristo. Ito ay tipan at inisyatiba din ng Diyos. Dito rin, ang makasalanang tao ay hindi makapag-aambag ng anuman. Tinanggap ni Abram ang tipan ng Diyos ng may pananampalataya. Gayundin, kailangang tanggapin ng tao ang kaligtasan ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Kristo ng may pananampalataya.

Talata 3 Nakasubsub ang mukha ni Abram sa lupa ng yumuko siya sa harapan ng Diyos. Ito ay isang sinaunang kaugalian upang ipakita ang paggalang at pagsamba. Gaya ngayon ang mananampalataya ay lumuluhod kapag nakikipag-usap siya sa Diyos sa panalangin at pagsamba.

Talata 4 Ang pagsalin sa at paggamit ng salitang "Narito" (Behold) ay may kakulangan. Ang isang mas mabuting pagsasalin ay "Ako ay" (I AM); ang Pangalan ng Diyos. Ang pangalang "Ako ay" (I AM) ay ginamit noong ang Diyos ay nagpakita kay Moises sa Exodo 3.
Si Abram ay magiging ama ng maraming bansa. Maiisip natin ang dalawang tribo, ang mga Hudyo, at ang sampung tribo, ang mga Israelita. Ngunit gayundin ang mga inapo ni Ismael, at ang mga Kristiyano na idinagdag sa lahi ni Abram sa pamamagitan ng pananampalataya.

Talata 5 Binago ng Diyos ang pangalan ni Abram sa Abraham, na ang ibig sabihin sa Hebreo ay "ang (banal) na ama ay maawain". Dito idineklara ang pangalan bilang "ama ng maraming bansa".

Mga talata 6-8 Ang mga haring David at Solomon ay nagmula sa tribo ni Juda. Pagkatapos ng kamatayan ni Solomon ay nahati ang kaharian sa dalawa; ang kaharian ng Juda (ang dalawang tribo) at ang kaharian ng mga Israelita (ang sampung tribo), tingnan sa 1 Mga Hari 12:1-24. Pagkatapos ay iba't ibang hari ang namahala noon sa Israel hanggang sa ipatapon sila sa Babilonia.
Ito ay isang walang hanggan tipan na pinangako ng Diyos. Ang mga inapo ni Abraham ay hindi kailanman nalipol sa kabila ng maraming pagtatangka laban sa kanila. Ang pinakamalubha ay noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig na pinatay ang 6 na milyong Hudyo. Ngayon, ang mga Hudyo (ang dalawang tribo) ay bumabalik sa Lupang Pangako ng Israel, ang katuparan ng propesiya sa Ezekiel 36:7-9. Ang Diyos na hindi nagbabago at nananatiling Diyos ni Abraham at ng kanyang mga inapo hanggang ngayon.
Babalik din ang mga Israelita sa Lupang Pangako (Genesis 15:18-20) na mas malaking lugar kaysa sa kasalukuyang Israel, iyon ay magiging isang walang hanggang pag-aari nila. Ang mga inapo ni Ismael, mga naniniwala sa Islam, ay maaaring makipagdigma ng walang humpay upang makuha ang lupang Israel. Ito ay isang walang kabuluhang pakikibaka dahil sila ay nakikipaglaban (hindi sa tao kundi) sa Pinaka-Makapangyarihang Diyos na HINDI pinangako itong lupain sa kanila, kundi sa mga inapo ni Isaac (ang anak na ipinangako ng Panginoon kay Abraham).

Talata 9 Iniutos ng Diyos na tuparin ang Kanyang tipan na lumakad nang walang kapintasan sa harap Niya. Hindi lamang si Abraham at ang kanyang asawa, kundi ang sinumang ipinanganak mula sa kanilang lahi. Kasama dito ang lahat ng mga Hudyo at mga Israelita gayundin ang bawat mananampalataya kay Hesukristo. Kaya hinikayat ni apostol Pablo sa Galacia 5:22 na ang mananampalataya na mamuhay ng banal.

PagtutuliMga talata 10-14 Ang isang tipan na sinabi lamang ay maaaring tanggihan. Samakatuwid, ang tipan ay karaniwang pinapatala sa mga bato, hyeroglipo o rolyo ng papirus. Ngunit pangako kay Abraham ay isang walang hanggang tipan na pinagtibay mula noong unang henerasyon hanggang sa ngayon sa pamamagitan ng pagtutuli. Isang sakramento na hindi mabubura, at ito ay palaging nagpapatibay at nagpapaalala ng Tipan na ginawa ng Diyos sa mga inapo ni Abraham.
Pinagmulan: http://www.christipedia.nl Ang pagtutuli ay ang pag-alis dulong balat (foreskin) sa ari ng lalaki. Sa mga batang Hudyo, ito ay ginagawa kapag sila ay walong araw na gulang. Wala sa Kasulatan ang pagtutuli ng babae. Ang pagtutuli ay hindi isang eksklusibo at partikular na ginagawa ng mga Hudyo. Laganap din ito sa ibang mga lahi noong sinaunang panahon, halimbawa sa mga Ehipsiyo, Midianita, Ammonita at Edomita (na iniwan ang kaugaliang ito noong ika-2 siglo B.C.), at bukod sa kanila, ang mga Moabita, Poeniko at Arabo ay nagtutuli din. Ang mga Arabo ay tiyak na may pagtutuli pagkatapos ang paglitaw ni Mohammed, ang tagapagtatag ng Islam. Tulad ng mga Hudyo, lahat ng mga batang lalaking Muslim ay tinuli. Ang panahon ng pagtutuli sa mga batang Muslim ay nag-iiba mula sa mga 7 hanggang 8 taon at madalas din sa ika-13 taon dahil si Ismael ay tinuli sa edad na iyon. Sa ganitong kaso, ang pagtutuli ay nagaganap sa ilalim ng pangpamanhid (anesthesia) sa ospital. Sa mga komunidad ng mga Hudyo, ang pagtutuli ay isinasagawa ng isang espesyalistang mohel na nagsasagawa ng operasyon nang walang bayad sa publiko, habang napapalibutan ng pamilya at mga kakilala ng kaanak ng sanggol. Napatunayan na ang ikawalong araw ay medikal na napakapaborable para sa pagtutuli. Mula pa noong dekada otsenta ng huling siglo, natuklasan ng siyentipikong pananaliksik na ang pamumuo ng dugo sa walong araw mula kapanganakan, ang dugo ng isang sanggol ay mabilis na namumuo at ang sugat ay dagliang gumagaling. Bago at pagkatapos ng ikawalong araw mula pagsilang, wala nang pagkakataon sa buhay ng isang tao kung saan naroroon ang paborableng mga kondisyon para sa pagtutuli. Dito natin makikita ang karunungan ng Diyos, ang ating Maylikha, na ginawa at inayos ang lahat sa ganitong paraan. Dahil sa pagtutuli, nais nating gumaling ang sugat sa lalong madaling panahon na may kinalaman sa pamumuo ng dugo. Tinitiyak ng mga thrombocyte ng platelet na ang dugo ay magbuo at lalo na ang prothrombin, isang protina, ay naroon upang kapag ang dugo ay nalantad sa hangin ito'y mamumuo. Ang isang bagong panganak ay wala pang protinang prothrombin at bitamina K kundi ang natitira mula sa katawan ng ina. Ang katawan ng sanggol ay nagsimula na sa paggawa ng mga kailangang sangkap ngunit sa mga unang araw ito'y hindi pa sapat. Gayunman, sa ikawalong araw ang antas ng prothrombin ay tumataas nang napakabilis hanggang sa 110% ng sukat ng pang-matanda at makatapos ay bumabalik sa katamtaman. Makalipas nito lamang ay ang pamumuo ng dugo ay kinokontrol ng katawan at nagpapatuloy sa buong buhay sa antas ng pang matatanda. (Katapusan ng pinagmulan)
Tandaan: Ang pagtutuli na ginawa ng mga Ehipsiyo, Midianita, Ammonita at Edomita ay hindi nakakagulat, nakita nila itong ginawa ni Abraham. Nais ng mga tao na makibahagi sa Tipan ng Diyos. Ang bawat isa sa sambahayan ni Abraham maging ang kanyang mga aliping lalaki ay tinuli.
Sa Colosas 2:12-14, sinabi ni Pablo na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesukristo ay natapos na ang pagtutuli. Ang Tipan kay Abraham ay tinatawag na Lumang Tipan; ang tipan ng batas. Tinupad ni Jesu-Kristo ang batas at kasabay nito ay natapos ang Lumang Tipan, at ang Bagong Tipan ay nagsimula, ang kaligtasan sa pamamagitan ni Hesukristo na namatay para sa kasalanan. Ito ay ang bago't walang hanggang tipan. Ang tanong ay bakit ang mga Hudyo at mga Israelita ay nagtutuli pa rin. Ito ay dahil hindi sila naniniwala kay Jesu-Kristo. Tandaan na si Hesukristo ang TANGING DAAN tungo sa Langit. Kung walang pananampalataya kay Jesucristo ay walang daan sa buhay na walang hanggan sa Langit, na siyang inaalok sa lahat kabilang ang Hudyo at ang Israelita. Mula sa kuwento ni Lazaro at ng mayaman, mahihinuha na ang mga tuling Judio ay maaari ding mapunta sa impiyerno kung hindi nila tutupdin ang tipan ng Diyos ng walang kapintasang pamumuhay. Inisip lamang ng mayamang lalaki ang kanyang sarili at binale wala ang Tipan ng Diyos, at sa gayon ay na-echapwera ang kanyang sarili sa mga pangako ng Diyos. Kung ito'y nangangahulugan na ang mga Hudyo at mga Israelita na nakagpapanatili ng Tipan ng Diyos (utos ng Diyos) ay tatanggap ng bagong buhay sa Lupang Pangako (Genesis 15:18-21), hindi ako mangangahas na maghayag ng opinyon dahil walang malinaw na binanggit ang Bibliya tungkol dito.

Talata 15 Ang Sarai na nagtatapos sa "i" ay nangangahulugang "aking prinsesa". Pinalitan ito ng "h" at binabaybay ang Sarah na nangangahulugang "prinsesa ng maraming tao".

Talata 16 Nangako ang Diyos kay Abraham na si Sarah mismo ay manganganak ng isang lalaki. Ang pagtatapos sa kanyang pagkabaog. Mula sa anak na ito, isisilang ang maraming supling ni Abraham.

Talata 17 Muling nagpatirapa si Abraham sa lupa sa pagsamba sa harap ng Diyos. Ipinangako ng Diyos sa kanya ang isang anak mula kay Sarah. Isang bagay na kamangha-mangha para sa isang lalaking 100 taong gulang na't ang kanyang asawa'y 90 taong gulang. Ang pananampalataya at pag-iisip ng tao ay minsa'y magkasalungat. Ang kakitiran ng pag-iisip ng tao at kakulangan ng tiwala sa Diyos ang dahilan kung bakit napatawa si Abraham nang kanyang mapagtanto na siya'y matanda na. Naiintindihan ng Diyos ang iniisip ni Abraham at hindi siya pinarusahan dahil sa pagtawa.

Talata 18 Ipinakita ni Abraham ang makalaman niyang pag-iisip nang ipinahayag niya ang kanyang mungkahi sa Diyos: “Bakit hindi na lang po si Ismael ang magmana ng mga ipinangako ninyo sa akin?”

Mga talata 19-20 Sinaway ng Diyos ang kanyang pag-iisip: HINDI si Ismael, kundi ang anak na ipanganganak ng iyong asawang si Sarah ang magmamana ng mga pangako. Bukod dito, ibinigay ng Diyos ang pangalan ng anak na isisilang ni Sarah: Isaac. Ang tipan na ito na ginawa ko sa iyo ay magpapatuloy kay Isaac at sa kanyang mga inapo, at hindi sa pamamagitan ni Ismael at ng kanyang mga inapo. Ngunit ang kanyang pamilya ay magiging marami. Sa Genesis 25:15-18 mababasa ang mga anak ni Ismael at ang kanilang mga pangalan ayon sa kanilang mga nayon at ayon sa kanilang mga kampamento; labindalawang prinsipe ayon sa kanilang mga lipi. Sila ay nanirahan mula sa Havila hanggang sa Shur na nasa tapat ng Ehipto sa direksyon ng Asiria. Ito ang mga bansa sa Gulpo ng Arabia, Saudi Arabia, Ehipto, Iran at Siria. Ang mga inapo ni Ismael ay ang pinaka-malubhang mga kaaway ng Israel magpahanggang ngayon.

Talata 21 Inulit ng Diyos at pinagtibay ang tipan na angkop sa kanyang anak na si Isaac. Sinabi rin ng Diyos na ang anak na lalaki ay isisilang sa panahong ito sa susunod na taon. Napakaliwanag at malinaw ang Diyos sa Kanyang pananalita.

Talata 22 Sinabi ng Diyos kay Abraham ang hinaharap at nagbigay ng mga tagubilin kung paano pinagtibay ang tipan sa pamamagitan ng pagtutuli. Pagkatapos magsalita ng Diyos, bumalik Siya sa Kanyang tahanan sa langit.

Mga talata 23-27 Si Abraham ay sumunod at tinuli ang kanyang sarili, ang kanyang anak na si Ismael (mula sa kanilang aliping si Hagar), at ang bawat lalaki sa kanyang sambahayan. Alam natin mula sa Bibliya na ito ay napakasakit at nakakapanghina. Medikal na masakit, dapat nga ay nasa ilalim ng pangpamanhid at maaari ding nakamamatay. Sa aking palagay, dahil ito ay isang utos mula sa Diyos at si Abraham ay walang karanasan dito at kumilos nang buong pagsunod, ang unang pagtutuli na ito ay tiyak na walang malubhang sakit at panganib.

Balik sa menuBalik sa itaas


Genesis 18 - Ang pamamagitan ni Abraham para sa Sodoma

Mga talata 1-2 Nabasa na natin ang tungkol sa tahanan ni Abraham sa Genesis 13:18, kung saan tumira sila sa tabi ng mga puno ng encina ng Mamre malapit sa Hebron, kung saan nagtayo rin siya ng altar para sa Panginoon. Dumating ang tatlong lalaki sa kainitan ng araw at samakatuwid ay nangangailangan ng pagkain at magpalamig. Mula sa kanyang tolda, nakita ni Abraham na dumarating ang mga lalaki at lumabas siya sa upang salubungin sila. Sa kanilang pagdating, yumuko siya nang halos sayad sa lupa ang mukha. Kung ito ay isang normal na pagbati, o may kakaiba sa hitsura ng mga lalaking ito, hindi namin alam. Sa anumang kaso, ipinakita ni Abraham ang kanyang paggalang at pagkamapagpatuloy.

Mga talata 3-5 Tiyak na may kakaiba ang hitsura ng mga lalaking ito, dahil hiniling ni Abraham na huwag silang mapadaan lamang sa kanyang tahanan.
Kaugalian noon na hugasan ang paa ng mga dumadaan dahil sa init at paglalakad sa buhangin ng disyerto.
Ang kaunting tinapay ay mabilis na naihanda at hindi nagbigay ng labis na trabaho sa punong-abala. Sa pananaw ni Abraham, sa patnubay ng Diyos, sila ay ipinadala sa kanya upang tumanggap ng tubig at tinapay. Siya ay tumugon nang may pagkamapagpatuloy at nagbigay ng kanilang mga pangangailangan. Magkaroon ng kamalayan ang mananampalataya kapag ang Diyos ay nagpadala ng mga tao sa atin, maaaring kapatid sa pananampalataya o hindi. Maging handa na gumawa ng paraan upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Ito ay puwedeng pagkain, damit o pangangalaga (suporta sa mga gastusing medikal) o ano pa man.

Mga talata 6-8 Tingnan kung gaano kahusay ang sambahayan ni Abraham. Nagmadali siyang bumalik sa kanyang tolda at inutusan si Sarah na ihanda ang tinapay. Si Sarah bilang isang babae ay hindi pinapayagang umalis sa kanyang tolda para makita ng mga lalaki. Kumuha si Abraham ng isang guya at inutos niya sa kanyang mga lingkod na ihanda ito. Pansinin na ang pinahanda niya ay isang guya na malambot at mataba. Hindi lang basta-basta isang guya, ngunit maganda ang kalidad. Malamang hindi ito inihahanda ni Abraham sa bawat taong dumaan sa kanyang tolda kundi mauubusan siya ng baka.
Kumain ang tatlo. Sinasabi ng ilan na ang mga anghel ay hindi kumakain. Una, maaari nating itanong, sino ang tatlong ito? Ang Diyos Ama, ang Panginoong Hesukristo at ang Espiritu Santo? O talagang mga pinadala silang mga anghel? Kaya, bakit ba hindi kapani-paniwalang kumakain ang mga anghel? Kumain si Hesukristo PAGKATAPOS NG KANYANG MULING PAGKABUHAY nang Siya'y nasa Kanyang niluwalhating katawan na (laman at buto) at kumain ng inihurnong isda (Lucas 24:39-43). Sa palagay ko, makakakain ang mga mananampalataya sa kanilang bagong katawan sa Langit. Hindi ba dapat natin tangkilikin ang masarap na pagkain sa Langit?

Mga talata 9-10 Alam ni Sarah ang kanyang lugar, hindi siya umalis sa tolda at nagpakita sa mga lalaki. Tinanong ng tatlong lalaki si Sarah, sumagot si Abraham na siya ay nasa tolda. Ang tolda na nasa likuran niya. Kaya't ang mga lalaki ay wala sa loob ng tolda, kundi nanatili sa harapan nito.
Nagsalita ang isa sa tatlong bisita. Ang Diyos ay isang Trinidad. Ngunit si Hesus ang pumarito sa lupa bilang isang tao (nagkatawang tao). Madalas nating mababasa si Hesus bilang ANGHEL na nagpapakita sa tao sa Lumang Tipan. Siya ang Tagapagsalita. Dito isa ang nagsalita patungkol sa naunang pangako ng Diyos kay Abraham (noong wala si Sarah), na sa loob ng isang taon sa panahong ito ay magkakaroon ng anak si Sarah. Alam ng Tagapagsalita na nakikinig si Sarah mula sa tolda. Ang pagbisita ay mauulit sa isang taon at sa oras na iyon si Sarah ay mayroon nang sariling anak at isa nang ina.

Mga talata 11-14 Hindi na nireregla si Sarah kaya imposible para sa kanya na siya'y mabuntis, gayon hindi nakakagulat na tumawa siya. Walang alinlangan na sila ng kanyang asawa ay nagtatalik pa rin, ngunit gaya ng karaniwang inaasahan sa babaeng hindi na dinadatnan ng regla hindi na siya maaaring magbuntis sa likas na kaparaanan. Ang babaeng si Sarah na dating baog, makalipas ang tatlong buwan mula sa pakikipagtalik ay maglilihi at ipagbubuntis ang kanyang panganay sa loob ng siyam na buwan. Ito ay hindi mapagkakailang himala ng Diyos na Siya lamang ang may kayang gumawa.
Pinuna ng Panginoon ang pagtawa ni Sarah. Hindi natin alam kung tumawa siya ng malakas kaya narinig ito sa labas ng tolda pero sinaway siya ng Panginoon dahil siya'y tumawa. Ang tawa ni Abraham sa 17:17, ayon kay Calvin, ay isang tawa ng kagalakan samantalang ang kay Sarah ay tawa ng walang pagtitiwala. Naisip niya ang pagiging imposible nito at hindi ang Salita na binitawan ng Diyos. HINDI siya naniwala sa pangakong binigkas ng Panginoon. Siya ay tumingin sa kanyang kalagayan bilang tao at hindi sa kapangyarihan ng Maylikha.
Tinanong ng Panginoon si Abraham bilang puno ng pamilya: “Bakit natawa si Sarah, at nagsabing kung kailan pa siya tumanda saka siya magkakaanak?" Si Abraham ang may pananagutan sa kawalan ng tiwala ng kanyang asawa. Sinabi ng Panginoon: Mayroon bang anumang bagay na napakahirap para sa Panginoon? O, napakahina ba ng Aking kapangyarihan upang maisakatuparan ito? Maging aral ito para sa mananampalataya, ang Diyos dito ay seryosong pagsabihan si Sarah. Hindi pa tunay na nakita ni Sarah ang kapangyarihan ng Diyos maliban sa pagliligtas Niya mula kay Paraon. Mababasa ng mananampalataya ang maraming gawa ng Diyos mula sa Luma't Bagong Tipan. Kaya ALAM ng Kristiyano na ang Diyos ay Makapangyarihan. Gayunpaman, makikita natin ang kawalan ng pananampalataya sa saserdoteng si Zacarias (Lucas 1:8-24). Ang maraming pagkabigo ba ay bunga ng kanyang kawalan ng tiwala? Hindi natin ito alam, subalit si Zacarias ay pinarusahan din.

Talata 15 Narinig ni Sarah ang mga salita ng Anghel: Mayroon bang napakahirap para sa Panginoon? Marahil ay napagtanto ni Sarah na itinanggi niya ang kapangyarihan ng Diyos. Sa halip na umamin at pagtanggap ng pagkakamali, itinanggi niya na siya ay tumawa dahil sa takot sa parusa ng Anghel. Mas mabuti pang aminin ang pagkakamali kaysa gumawa ng pangalawang kasalanan tulad ng pagtanggi o pagsisinungaling. Ang tugon ng Anghel: HINDI, “Huwag ka nang magkaila, talagang tumawa ka.” Sa kabutihang palad para kay Sarah ay wala siyang tinanggap na kaagarang parusa, hindi tulad ng pari na si Zacarias na siyam na buwang naging pipi. Si Sarah ay magiging ina ng maraming lipi.
Para sa aral ng mananampalataya, mag-ingat sa iyong mga salita. Ang iyong mga pahayag at saloobin ay maaaring natural na reaksyon, ngunit kung ito'y mali ay magsisi at itama kaagad.

Talata 16 Si Abraham ay sumama sa kanila upang ihatid sila sa kanilang lakad. Hindi alam ang ibig sabihin nito. Isang paglalakad kasama sila sa isang tiyak na distansya?

Talata 17 Ang Diyos ay sumasangguni sa Kanyang sarili. Dito makikita natin na iniisip ng Diyos ang mga bagay na Kanyang gagawin, at hindi sila mga aksyon na hindi isinasaalang-alang. Ibinigay ng Diyos ang masayang mensahe kay Abraham na magkakaroon siya ng sariling anak sa isang taon. Ngayon ay iniisip ng Diyos kung sasabihin Niya sa kanya ang malungkot na mensahe na Kanyang pupuksain ang Sodoma at Gomorra kasama ang lahat ng mga naninirahan dito. Nagpasya ang Diyos na hindi Niya ito itinatago kay Abraham.
Minsan ang mananampalataya o propeta ay nakakatanggap ng mga masasayang mensahe, gayundin mga nakakalungkot na balita tungkol sa hinaharap. Dito'y sinusubukan ng Diyos ang tugon ng mananampalataya. Kung ang Diyos ay nagpasiya na parusahan ang isang bansa dahil sa kanilang matinding kasalanan at paglabag sa Kanyang mga utos. Ano ang reaksyon mo? Ang mga tao ba ay nagpapatuloy sa kanilang kasalanan o nagsisi't nananalangin para sa kapatawaran upang pigilan ng Diyos ang pagpataw ng parusa? Kung ang isang mananampalataya ay nakatanggap ng propesiya na ang kanyang karamdaman ay nakamamatay, dapat ba siyang magpakalubog sa pighati, o tatalikod sa kanyang makasalanang buhay at mananalangin upang siya'y patawarin at paggalingin (Santiago 5:14-16)?

Talata 18 Hindi ito itinatago ng Diyos kay Abraham dahil siya ay magiging isang dakila't makapangyarihang bansa. Ang Simbahan ni Jesucristo ay magiging isang dakilang bansa. Malinaw na sinabi ng Diyos sa apat na Ebanghelyo na dapat magsisi ang tao sa kanyang mga kasalanan at tanggapin ang Panginoong Hesukristo bilang Tagapagligtas upang makapasok sa Langit. Kung hindi, walang hanggang pagkawalay sa Diyos ang nakalaan sa lawa ng apoy. Ang aklat ng Pahayag ay malinaw na naglalarawan sa mga sakuna at mga kaparusahan na ibubuhos ng Diyos sa lupa sa Dakilang Kapighatian, na malapit nang dumating. Tungkulin ng lahat ng mananampalataya na balaan ang mundo dahil sa naghihintay sa mga hindi magsisisi. Trabaho ng bawat Kristiyano na manalangin laban sa mga kapangyarihan ng kadiliman (satanas at mga demonyo), mga kasamaan at ang paglabag sa batas ng Diyos ng mga pamahalaan (pagsasama ng magkaparehong kasarian, pagpapahintulot sa pakikipagtalik sa mga bata at hayop, pakikipagtalik bago magpakasal, pagpapalaglag, euthanasia, atbp.) Malinaw na nakikita natin na ang panahon ng Sodoma at Gomorra ay nauulit, samakatuwid ay nalalapit na ang pagdating ng Dakilang Kapighatian. Gayunpaman, ang mga mananampalataya ay may oras pa upang manalangin laban sa kasamaan. Sa Brazil, ipanalangin na ang partido ng Manggagawa ay hindi makaupo sa kapangyarihan dahil nakipagkasunduan sila sa mga taga-Iran at mga Palestino na nagtataguyod ng karahasan. Ang panalangin na si Hilary ay hindi makaupo sa kapangyarihan ngunit si Donald Trump ay itinatag ng Diyos. Inilipat niya ang embahada sa Jerusalem at kinikilala na ang Jerusalem ang kabisera ng Israel. Iyan ang gawain ng Iglesia ni Kristo!

Talata 19 Ang Diyos ay nagbigay ng tagubilin na ang mga anak ni Abraham (kabilang ang kanyang mga lingkod na kasama sa Tipan sa Diyos) ay dapat tuparin ang utos ng Panginoon sa pamamagitan ng pamumuhay na makatuwiran at makatarungan; upang makalakad nang walang kapintasan, dungis at kulubot. Responsibilidad ni Abraham na turuan ang kanyang sambahayan ang mga kaparaanan ng Diyos. Trabaho ng Kristiyanong magulang na ituro ang Bibliya sa kanilang mga anak. Tungkulin ng bawat pastor na magturo at ipaliwanag ang Salita ng Diyos. Nakakalungkot na ang karamihan ay nagkukulang sa lugar na ito dahil sa kaunting kaalaman. Sabi sa Oseas 4:6 “Napapahamak ang aking mga mamamayan dahil kulang ang kaalaman nila tungkol sa akin." Malinaw na ipinakita ng Diyos kay Abraham ang mga kahihinatnan ng kapabayaan at katigasang-ulo; ang pagkawasak ng Sodoma at Gomorra. Maliwanag ang aral ng limang hangal na birhen, hindi lahat ng nag-aangking naniniwala ay mapupunta sa Langit sa Pagsundo ni Kristo.

Talata 21 Ang kasalanan ng Sodoma at Gomorra ay dumating sa Langit (ang sumbong ay nakarating sa Akin). Dapat ba nating bigyang-kahulugan ito na ipinaalam ng mga anghel ng Diyos ang mga kasalanang nagawa ng mga lungsod sa trono ng Diyos? Dito sa talata 21 sinabi ng Diyos na "Ako ay bababa upang makita". Ang Diyos ay matuwid at alam ang lahat, hindi Siya umaasa sa mga salita ninoman. Ang layunin niya ay magpataw ng makatarungang paghatol sa mga nagkasala.
Ang aral para sa pastor at matatanda; hindi maaaring tanggapin bilang katibayan o katotohanan ang walang basehang usapin. Kailangan nilang mapatunayan kung totoo nga ba ang itinalagang kasalanan (halimbawa ng pangangalunya, tsismis) bago magpatuloy sa pagdidisiplina at pagpaparusa.

Talata 22 Paalis na ang mga bisita upang makauwi na si Abraham. Ngunit gumawa ng isang mapangahas na hakbang si Abraham at sinubukan niyang mamagitan para sa mga lungsod sa harap ng Diyos.
Iniligtas ni Abraham ang pamangking si Lot at ang kanyang pamilya noon (Genesis 14) at pinili nilang manirahan sa Sodoma. Ngayon, wawakasan ba ng Diyos ang kanilang buhay? Ngunit walang alinlangan na naisip niya ang tungkol sa maraming nakatira sa mga lunsod na iyon na tiyak na mamamatay. Paano naaantig ang mananampalataya sa kapalaran ng bilyun-bilyong naninirahan sa mundo ngayon? Nakikita natin ang masasama at lantarang pagpapahayag ng mga tao na nasa ilalim ng kapangyarihan ni satanas at mga demonyo (mga lalaking manamit tulad ng mga babae, mga babaeng hubad sa mga protesta, macumbe, tatu, pagbubutas ng balat, pagsamba sa mga demonyo). Ang mga mananampalataya ba ay namamagitan, tayo ba ay hayagang nagsasalita laban sa kasamaan, ang mga pastor ba ay nangangahas na tawagin ang kasalanan sa pangalan nito sa loob ng simbahan? Nangangahas ba ang mga mananampalataya na tumayo sa harapan ng Diyos upang idulog na kaawaan at iligtas ang mga makasalanan?

Talata 23 Humakbang papalapit si Abraham at sinikap na baguhin ang isip ng Diyos sa pamamagitan ng pagsusumamo: “Lilipulin po ba ninyo ang lahat ng tao, ang mabubuti kasama ng masasama?" Hindi ba gagawa ng tama ang Hukom ng buong daigdig? Maaari bang ang matuwid ay mamatay na kasama ng masama?
Makikita natin ang katarungan ng Diyos sa Pagsundo ni Kristo. Ang mananampalataya na namumuhay nang matuwid sa ilalim ng kontrol ng Banal na Espiritu ay aalisin sa lupa bago magsimula ang Dakilang Kapighatian. Ang mananampalataya na HINDI namumuhay nang matuwid ay mararanasan ang mga paghatol ng Diyos sa masasama. Siya'y makakapamili kung tatanggapin ang tanda na 666 at piliin ang kaaway, o tanggihan ang tanda 666 at magpasakop sa Diyos.

Mga talata 24-25 Iniisip ni Abraham ang maraming naninirahan sa Sodoma at Gomorra, na maaaring mayroong hindi bababa sa 50 matuwid na tao. Kaya't sinubukan niyang magsumamo sa Diyos na kung mayroong 50 matuwid na tao, mangyari'y iligtas ang mga lungsod na iyon. Ikaw O Diyos ay isang matuwid na Hukom. Hindi Kayo maaaring dayain, magkamali, suhulan, at wala Kayong kinikilingan. Kayo po ang Hukom na hahatol sa buong sangkatauhan.

Mga talata 26-32 Si Abraham ay nagpakita ng katapangan at katatagan sa pakikipag-usap sa Diyos. Ako ay alabok at abo lamang, patawarin mo ako sa pagiging matapang na magsalita sa Iyo. Pupuwedeng narinig ni Abraham mula sa kanyang pamangkin na si Lot kung gaano kasama at makasalanan ang mga naninirahan sa Sodoma. Maaaring may alinlangan siya kung may matuwid nga sa mga bayang iyon. Naugumpisa siyang umapila sa Panginoon na huwag wasakin ang Sodoma at Gomorra alang-alang sa limangpung mabubuting tao sa lunsod, ngunit wala. Nagapatuloy tumawad si Abraham kung may apatnapu't lima, apatnapu, tatlumpu, dalawampu, at sa sa huling pagkakataon sampu, ngunit walang ni sampung matuwid. Siya ay nagsalita ng anim na beses at nagsumamo sa Diyos na huwag magalit sa kanya. Anim ang bilang ng tao. Ang ilan ay nagsasabi na kung siya ay humingi ng pitong beses, ang mga lungsod ay maaaring naligtas. Duda ako iyon, dahil ang susunod na numero ay: lima. Si Lot, ang kanyang asawa at dalawang mga anak na babae ay apat lamang. At ang apat ay mas mababa sa lima, kaya ang mga lungsod ay hindi naligtas.
Ang mananampalataya ay maaaring matuto ng aral mula sa habag at katatagan na ito sa harap ng Diyos. Ang mananampalataya ay dapat magtiis sa panalangin at magpakita ng habag hanggang sa makuha niya ang kasagutan sa kanyang hinihiling, at hindi agad tumanggap ng HINDI mula sa Diyos. Pinahintulutan ng Diyos ang mga tanong ni Abraham, nais ng Diyos na makita ang katatagan at habag sa kanya, gayundin sa mga Kristiyano.
Ang Ezekiel 16:48-49 ay isa pang aral. Ang mga Hudyo ay pinalayas at pinarusahan ng mabigat, nakagawa sila ng mas mabigat na kasalanan kaysa sa Sodoma. Paano ito naggagawa ng tao? Dito natin makikita ang sagot. Si Satanas ay tuso, ito ay nagsisimula sa pagmamataas, labis na pagkain, at masaganang buhay pero walang pakialam sa mga mahihirap at nangangailangan. Nagbigay ito ng pagkakataon kay satanas. Nagsimula ito sa maliit na paglabag sa mga utos ng Diyos, na sinundan ng pagiging makasarili. Sa sandaling may paa si satanas sa loob ng pintuan, nagsisimula ang kasalanan ng malayang pakikipagtalik at sa parehong kasarian. Ngayon ay muli nating nakikita ang ganitong mga bagay. Una, hindi na iginagalang ng mga pamahalaan ang mga utos ng Diyos, at pinahihintulutan na ang pag-aasawa ng parehong kasarian at (pinag-uusapan) ang pagpapahintulot sa pakikipagtalik sa mga hayop at mga bata (hindi na mapaparusahan ang pedophilia). Dapat ipahayag ng simbahan ang kanilang pagkasuklam at ipagtanggol ang batas ng Diyos. Mahal ng Diyos ang bawat tao ngunit ipinagbabawal Niya ang pakikipagtalik sa pagitan ng parehong kasarian at ang pangangalunya ng mga heterosexual. Sa Canada at Sweden, ang mga Kristiyano ay hindi na pinapayagang magsalita ng lantaran, kahit sa simbahan, matitinding sentensiya sa bilangguan ang resulta. Dapat tayo'y manalangin na ang Diyos buksan ang ating mga mata sa kasamaan at makita ang katotohanan.

Talata 33 Ipinahayag ni Abraham ang kanyang panawagan sa Diyos. Matapos matiyagang pinakinggan ng Diyos si Abraham hanggang sa matapos siyang magsalita, nagpatuloy ang Diyos sa Kanyang lakad at si Abraham ay bumalik sa kanyang tolda na umaasa sa Diyos na Siya ay kikilos nang makatarungan.

Balik sa menuBalik sa itaas


Genesis 19 - Pagkawasak ng Sodoma at Gomorra

Mga talata 1-2 Nakaupo si Lot sa tarangkahan ng Sodoma, posibleng naghihintay sa pagbabalik ng kaniyang mga pastol na nag-aalaga sa kaniyang kawan. Muli nating makikita na nakilala ni Lot ang kakaibang anyo ng dalawang estranghero, marahil dahil sa kanilang panlabas na anyo kaya nakilala sila ni Lot bilang dalawang anghel. Alam ni Lot kung anong uri ng karumihan ang nabubuhay sa kanyang lungsod tulad ng pakikipagtalik sa parehong kasarian. Tumayo si Lot at sinalubong sila, nagpatirapa at inanyayahan ang dalawa na magpalipas ng gabi sa kanyang tahanan. Ngunit ang sagot nila: “Huwag na, dito na lang kami sa lansangan magpapalipas ng gabi.” Karaniwang ligtas na manatili sa kalye ng gabi dahil ang mga tarangkahan ay sarado laban sa mga mababangis na hayop at magnanakaw. Ang kanilang sagot ay nagpaisip muli kay Lot tungkol sa kaniyang pagpili na manirahan sa isang lunsod na puno ng kasamaan at karumihan, ang paglabag sa utos ng Diyos. Ngunit ito ang sadyang pinili ni Lot, na mamuhay sa ilalim ng mga kondisyong ito. Walang nagpilit sa kanya na manirahan doon.
Aral: Ang mananampalataya ay ganap na may malayang pagpili na manirahan kung saan niya naisin. Halimbawa sa Sweden, ang mga magulang ay puwersadong pag-aralin ang kanilang mga anak sa paaralang nagtuturo ng walang pagkakaiba sa pagitan ng lalaki at babae (kasarian). Kaya nga ang mga Kristiyano ay umalis sa bansang iyon at naninirahan kung saan iginagalang pa rin ang mga batas ng Diyos. Ano ba ang pinapanood ng mananampalataya sa telebisyon? Mga programang puno ng karumihan, dalawang taong magkaparehong kasarian na naghahalikan, mga nobela na puno ng pangangalunya, mga programang may maruming pananalita, mga taong naglalakad na halos kalahating hubad at malinaw na nagpapakita ng kanilang mga katawang puno ng mga tatu? Ito ay hindi nakakagulat kung ang tao ay hindi na puno ng Banal na Espiritu. Sa lahat ng ginagawa ng isang Kristiyano, kailangang magtanong, dito ko ba aanyayahan ang Diyos Ama at ang Panginoong Hesukristo na samahan ako? Papanoorin ba nila ang mga programang ito? Binibigyan ka ng Diyos ng kalayaang pumili ngunit ang pagpili mo ay may kahihinatnan sa iyong relasyon sa Diyos.

Talata 3 Mariing iginiit ni Lot na sa kanila magpalipas ng gabi. Alam niyang delikado matulog sa lansangan. ALAM niya ang kasamaan ng mga naninirahan doon. ALAM niya ang mangyayari (talata 5) kung mananatili sa lansangan ang dalawang estranghero. Malinaw na ang mga anghel ay nasa anyo ng dalawang lalaki at hindi sa anyo ng dalawang babae (talata 5).
Si Lot ay mapagpatuloy at naghanda ng pagkain at kumain sila. Ang mga anghel ay kumain tulad ng mga ordinaryong tao. Tandaan na ang tao ay nilikha ayon sa larawan ng Diyos, kaya kung ang tao ay gayong nilikha, maaari nating ipagpalagay na ang Diyos ay nakakakain, hindi lang natin alam kung ito'y isang pangangailangan.

Mga talata 4-5 Nalaman ng lahat ng nasa lunsod, mula bata hanggang matanda, ang kagandahan ng dalawang lalaking bisita at pinuntahan sila sa bahay ni Lot. Ang kasamaan ng matatanda (ang mga magulang ay nagbibigay ng halimbawa sa kanilang mga anak) ay naipasa sa kanilang mga anak. Nais din ng mga kabataan na makipagtalik sa dalawang estranghero. Ang kanilang budhi ay pawang mahina't ganap na masama. Ang mga magulang ay lubusang tinalikuran ang Diyos at ang kanilang halimbawa ay nailipat sa kanilang mga anak.
Bilang isang Kristiyanong magulang, hindi sapat na ituro ang Salita ng Diyos, ipabasa sa mga bata ang Bibliya, ipadala sila sa Sunday school. Dapat makita ng iyong mga anak ang buhay Kristiyano sa iyong pangaraw-araw mong pamumuhay. Kung paano mo iginagalang ang mga batas ng Diyos. Ang pagbibigay ang iyong ikapu. Paggalang sa iyong kapwa. Pagsunod sa patakarang trapiko. Sa lahat ng iyong ginagawa, dapat makita ng iyong mga anak ang Panginoong Hesus na nasa iyo.
Ang mga Sodomita ay tumanggi na makipagtalik sa dalawang anak na babae ni Lot, ang pakikipagtalik sa ibang kasarian. Nais nilang makipagtalik sa kaparehong kasarian (sodomy). Napakalinaw ang kanilang kagustuhan nang walang kahihiyan: “Nasaan ang mga panauhin mong lalaki? Ilabas mo't makikipagtalik kami sa kanila!” Ito ay pagnanasa na makipagtalik sa kapwa lalaki. Mahal ng Diyos ang mga homosexual, ngunit ang pakikipagtalik sa parehong kasarian (ang homosexualidad) ay kinamumuhian ng Diyos, ito ay kasuklam-suklam sa KANYA. At sa kabanatang ito, maliwanag na makikita natin ang hatol at kaparusahan ng Diyos.
Hayaan itong maging isang malinaw na aral, ito ay isang pangalawang antas ng kasalanan na direktang may kinalaman sa katawan ng tao. Ang Diyos ay mahaba ang pasensya at maaaring pansamantalang magparaya sa kasalanan, tulad ng kaso ng Sodoma at Gomorrah. Ngunit sa huli kung ang tao ay hindi magsisisi sa kanyang kasalanan, ang kaparusahan ng Diyos ay kasunod. Ang mga mananampalataya na iniisip na maaari silang magpatuloy na mamuhay sa kasalanan ay nililinlang ang kanilang sarili. Ang pangangalunya, pornograpiya, pedophilia, tatu, aborsyon, atbp. ay direktang nauugnay sa katawan ng tao, at ang gayong mga tao ay pinagkakaitan na makapasok sa Kaharian ng Diyos. Bakit? Ibinukod nila ang kanilang mga sarili, kinansela nila ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo sa pamamagitan ng kanilang mga kasalanan. Maging babala ito sa mga nagsasagawa ng mabibigat na kasalanang ito!

Mga talata 6-8 Si Lot ay may lakas ng loob at lumabas at matalinong sinara ang pinto sa kanyang likuran upang ang mga Sodomita ay hindi makapasok sa kanyang bahay. Sinubukan niyang kumbinsihin ang mga naninirahan at nakiusap na huwag gawin ang napakasama nilang balak. Alam ni Lot na ang mga Sodomita ay nabubuhay ng labag sa kalooban ng Diyos. Na ang pakikipagtalik sa kaparehong kasarian ay masama sa mata ng Diyos. Nag-alok siya ng alternatibo, ibigay ang kanyang dalawang dalagang anak upang sa kanila makipagtalik. Paano niya ito magagawa bilang isang ama? Alam niya kung gaano kababa ang asal at mararahas ang mga taga-Sodoma, gayunpaman tila hindi siya nagatubiling hayaan ang kanyang sariling mga anak na babae na kakila-kilabot na halayin at magdusa. Gaano kalalim na ba ang inilubog ng kanyang prinsipyo't dignidad dahil sa paninirahan niya sa lungsod? Bakit nasikmura niyang ipagpalit ang isang kasamaan sa isa pang kasamaan kahit na ikapapahamak ng sarili niyang mga anak.
Ang aral para sa mananampalataya; mananatili ka ba sa lugar ng karahasan? Sa distrito ng droga, kung saan maaaring puwersahin ng mga buktot na mga tao ang iyong anak para halayin? Ang gumawa ng droga at magnakaw, magdala ng droga (sa ibang bansa din). O magtitiwala ka ba sa Diyos na tutulungan ka Niya kapag nanirahan ka sa lugar kung saan ang mga tao ay may takot din sa Diyos?

Talata 9 Inutusan siya ng mga Sodomita na umalis, sino ka sa tingin mo. Ikaw na naparito upang manirahan bilang isang estranghero, gusto mo bang tumayong hukom? Kami ang masususnod, wala kang masasabi dito. Gusto mo bang sundin namin ang batas? Ito ay malinaw na nagpapakita na ang kanilang budhi ay ganap na patay, sila ay lubos nang napailalim sa kapangyarihan ni satanas at mga demonyo. Wala nang makapagliligtas sa kanila. Binigyan sila ng Diyos ng panahon na magsisi, ngunit ang sukat ng kasamaan nila ay puno na, wala nang makapagdadala sa kanila sa pagsisisi. Wala silang iniwan na dahilan sa Diyos kundi lipulin sila.
Napakadelikado para sa mga pamahalaan na kumikilos laban sa kalooban ng Diyos at nagpapasa ng mga batas na ipinagbabawal Niya!
Nilagdaan na nila ang kanilang pagkalubog at nakikita natin ang mga kahihinatnan sa kanilang ekonomiya. Ngunit may pag-asa pa rin, pinili ng mga tao si Donald Trump, ang mga Amerikano ay nanalangin at pumili. Nais nilang magsisi, bagaman sa ilang mga estado ay nagpapatuloy sa kanilang kasamaan. Sa Brazil, ang mga tao ay nagsisi at ang mga Kristiyano ay nanalangin at tumawag sa Diyos upang manumbalik ang mga tao. Pumili sila ng bagong pangulo na hayagang nagpaparangal sa Diyos, na laban sa aborsyon, na para sa Israel at laban sa mga pag-atake ng mga Palestino. Binibigyan ng Diyos ng pagkakataon ang mga nilalang at mga bansa na magsisi, kung hindi, nararapat lang na ibigay sa kanila ang mga kahihinatnan.
Kinumpirma ng mga residente ng Sodoma ang kanilang kasamaan, hindi nila nais na makipagtalik sa mga anak na dalaga ni Lot kundi sa mga lalaki. Wala sa kanilang isipan ang mga binigay na pagkakataon ng Diyos para sila ay magsisi. Grabe ang kanilang pagnanasa para sa mga estranghero. Gaano kadalas binibigyan ng Diyos ang tao (mananampalataya man o hindi) ng pagkakataong magsisi sa pamamagitan ng malubhang karamdaman o paghihirap. Binibigyan tayo ng pagkakataong mamili.

Mga talata 10-11 Hinila ng mga lalaki (ang mga anghel) si Lot bago siya mapatay at isinara ang pinto. Ginamit ng mga anghel ang kanilang kapangyarihan at binulag ang mga tao sa labas upang hindi na nila makita ang pintuan ng bahay ni Lot.
May malaking kaugnayan ito sa kasalukuyang lipunan. Ang mga tao ay nagpapatuloy sa kanilang kasalanan, tinatalikuran ang batas ng Diyos kaya Niya binigyan sila ng pagkabulag at hinayaan sa kapangyarihan ni satanas at mga demonyo. Sa kanilang pagkaligaw, posible ang pagsasama (kasal?) ng magkaparehong kasarian, pinapayagan ang aborsyon, inaabsuwelto ang mga kriminal at walang karapatan ang mga biktima. Ang UN ay para sa mga Palestino sa kabila ng mga pag-atake ng mga terorista, at tila walang pakikialam sa digmaan sa Syria na pumatay na ng mas maraming tao kaysa sa digmaan nila ng Israel. Kinondena ng UN ang Israel, ngunit hindi ang mga pag-atake ng mga Palestinong terorista. Bulag at baluktot ba talaga ang mundo.

Mga talata 12-13 Walang iniwan malabo ang Diyos sa Kanyang plano, sinabi ng mga lalaki kay Lot na kanilang sisirain ang lungsod. Tinanong nila si Lot; “Mayroon ka pa ba ritong kasama? Paalisin mo sa lugar na ito ang iyong mga manugang na lalaki at mga anak na lalaki at babae, o sinuman sa mga kasamahan mo sa lunsod." Isang hindi kailangang tanong dahil bilang mga anghel dahil alam nila ang sagot pero tinanong pa rin ito kay Lot. Nakapagtataka na walang sinuman sa kaniyang mga lingkod ang relihiyoso. Iyan ang nagpapatunay kung paanong naimpluwensyahan si Lot ng kasamaan sa kanyang lipunan.
Malinaw na sinabi ng mga lalaki kay Lot na ipinadala sila ng Panginoon sa pagkawasak ng lugar na iyon. Hindi sila mismo ang nagpasya sa kaparusahang iyon, ito'y UTOS mismo ng Panginoong Diyos.
Nakita natin na ang mga anghel ng Diyos ay may dalawang misyon dito: ang kaligtasan ng mga mananampalataya at ang paggagawad ng parusa sa lugar. Mabuti at masama, kapwa itong ayon sa KALOOBAN NG DIYOS.Si Lot ay inalok ng pagkakataong iligtas ang iba. Trabaho ng Kristiyano na ipangaral ang ebanghelyo at bigyan ang mga hindi mananampalataya ng pagkakataong maligtas.

Talata 14 Pumunta si Lot at kinausap ang kanyang mga magiging manugang. Para sa akin ay malabong nakatira sa iisang bubong ang mga mamanugangin niya. Kaya sa ilalim ng proteksyon ng mga anghel at pagkabulag ng mga taga-Sodoma, pumunta si Lot sa mga bahay ng kanyang mga manugang, ang mga lalaking magpapakasal sa kanyang mga anak. Posibleng may pag-asa pa si Lot dahil bagaman hindi iginagalang ng mga Sodomita ang batas ng Diyos, ang dalawang manugang na ito ay isinasabuhay na WALANG pagtatalik bago magpakasal. Maging aral iyan para sa mga mananampalataya na nagawang makipagtalik bago ikasal!
Gaano kahangal ang mga manugang na ito, ngunit gayon din ang mga ateista ngayon. Hindi sila naniniwala na mayroong Diyos at sa buhay makatapos ang kamatayan; sa isang Diyos na humahatol at nagpaparusa, sa katotohanang may impiyerno at lawa ng apoy. Ganap na bulag at nasa kapangyarihan ni satanas at mga demonyo, ang mas masahol pa ay ang pagsamba sa mga demonyo at sadyang paggawa ng masama. Pumapatay sila para lang sa cellphone. Kumukitil ng buhay kahit na nakuha na ng magnanakaw ang kanyang hiniling. Magnanakaw na't mamamatay tao pa bumibiktima ng mga buntis at mga ina sa harap ng kanyang mga anak. Habang lumalapit ang katapusan ng mundo at ang paghatol ng Diyos, mas kasuklam-suklam ang mga kilos ng tao. Si satanas at ang kaniyang mga demonyo ay nagsisikap nang buong lakas na wasakin ang sangkatauhan sa pagkakaalam na ang kanilang panahon ay malapit nang magwakas.
Gaano ka-mali si Lot sa pagpayag na ligawan ang kaniyang mga anak na babae ng mga lalaking hindi naniniwala. Sinabi sa kanila ni Lot na wawasakin ng Diyos ang lungsod. Ito ay isang desperadong pagtatangkang kumbinsihin sila. ALAM ni Lot na ang mga manugang na lalaki ay hindi naniniwala sa Diyos ngunit siya ay nagtangka pa ring iligtas sila. Ang Kristiyano ba ay dapat nagpupursige din na hikayatin ang hindi mananampalataya hanggang sa uli, o susuko na lang ba? Ang aral na ito ay angkop din sa atin. Pagkatapos ng isang may sakit na walang lunas na humindi kay Jesu-Kristo bilang Tagapagligtas at wala nang nais marinig pa ang ebanghelyo, ano ang ating puwede pang gawin?
Akala ng mga manugang na si Lot na nagbibiro, isang hangal na tao. Bakit kaya nagiging hangal ang Kristiyano sa mata ng hindi naniniwala kahit na siya'y nagbibigay babala na ang kamatayan nila ay nalalapit na. Gayunpaman, ang mananampalataya ay may tungkuling balaan sila (Ezekiel 3:17-19). Pagkatapos ng kamatayan, ang hindi mananampalataya ay hindi makapagsabi: Hindi ko alam. Hindi ako nabigyan ng babala. Ang responsibilidad na magbigay babala ay nakasalalay sa bawat indibidwal na mananampalataya.

Mga talata 15-17 Lumipas ang isang gabi. Posibleng mahaba ang usapan ni Lot sa bawat bahay ng kanyang mga manugang dahil naguumaga na. Nakauwi na si Lot sa sarili niyang bahay. Hinimok ng mga anghel si Lot na kunin ang kanyang asawa at dalawang anak na babae. Nang ayaw niyang makinig sa mga salitang ito ng mga anghel, hinawakan nila sila sa kamay at dinala sa labas ng lungsod. At iniutos: tumakas sa mga burol para sa iyong buhay. Nais ng Diyos na iligtas ang buhay ng apat na taong ito. Ngunit may utos: HUWAG TUMALIKOD. Alam ni Lot ang kayamanan na inialok sa kanya ng lunsod sa kabila ng lahat ng kasamaan nito. Ngayon ay kailangan niyang iwanan ang lahat at tumakas nang walang-wala upang manatiling buhay. May nagpapahayag na sila'y mga mananampalataya na tumitingin sa kayamanan na alok sa kanila ng mundo at nabubuhay dito kaya hindi makapamuhay sa ilalim ng pamamahala ng Banal na Espiritu. Ang kanilang kapalaran ay katumbas ng sa limang hangal na birhen o sa mga naligtas ayon sa 1 Corinto 3:15 na idadaan sa apoy ang kanilang mga nagawa sa lupa at walang makamit na gantimpala. HINDI PAPAYAG NG DIYOS NA SIYA AY KUTYAIN.

Mga talata 18-20 Alam ni Lot na hindi sila makakarating sa mga burol para makaligtas at humingi ng awa. Marahil ay masyadong malayo ang distansya sa mga burol at natakot si Lot na hindi nila maabot ang mga burol sa tamang oras. Hiniling niya na sila'y makatakas sa isang kalapit na lungsod. O dili kaya, ayaw ni Lot na manirahan sa mga burol at hangad na manirahan sa isang lunsod na nag-aalok ng mas maraming oportunidad?

Mga talata 21-23 Ipinagkaloob ng anghel ang kanyang kahilingan, hindi dahil ito ay nakalulugod sa kanya, kundi para lamang kay Lot. Sa Talata 30 mababasa natin na natanto ni Lot ang kanyang kahangalang hilingin na sa Zoar lumikas at dahil sa takot umalis sila sa lungsod upang pumunta sa mga burol, na unang inutos sa kanya ng mga anghel para kublihan.
Sumangayon ang anghel sa kahilingan ngunit may utos na magmadali. Si Lot, ang kanyang asawa at dalawang anak na babae ay umalis sa Sodoma ng madaling araw at dumating sa Zoar nang sumikat ang araw.
Dahil ang mga anghel ay hindi lamang may utos ng Diyos na wasakin ang lugar kundi iligtas din si Lot at ang kanyang pamilya, ipinaalam ng anghel na wala silang magagawa hangga't hindi ligtas sila Lot. Pagkatapos nito ay magsisimula ang pagkawasak ng mga lungsod at lambak. Ito ay patunay na ang Diyos ay hindi makakagawa ng anumang pinsala bago iligtas ang mga mananampalataya. Nangangahulugan na ang mga mananampalataya na nabubuhay sa ilalim ng kontrol ng Banal na Espiritu at sa Kalooban ng Diyos ay iingatan bago ang Dakilang Kapighatian. Ang Pagsundo sa simbahan ay magaganap muna upang sila ay maligtas sa hatol ng Diyos.

Asupre at apoy sa Sodoma
Asupre at apoy sa Sodoma

Mga talata 24-25 Ang pagkawasak sa pamamagitan ng asupre at apoy sa Sodoma at Gomorra ay isang paghatol ng Diyos, hindi sa pamamagitan ng anumang aksidenteng kalamidad kundi isang parusa ng Diyos. Walang tao ang nakakaligtas sa asupre. Ang pinaghalong asupre, karbon at alkitran ay lubhang nakasusunog at nakamamatay. Ang sulfur dioxide ay lubhang nakakalason at nakikita natin na marami ang maaaring mamatay sa pagsabog ng bulkan. Kaya naman kinailangan ni Lot at ng kanyang pamilya na tumakas mula sa lungsod upang hindi malason ng asupre. Ang insidente ay hindi dahil sa bulkan dahil walang mga bulkan sa lugar na ito. Malinaw na ito ay ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng dalawang anghel. Walang nakaligtas; tao, hayop at pananim. Ang mga lungsod ay lubusang nawasak. Ito ay maaaring isang larawan ng lawa ng apoy kung saan ang mga hindi mananampalataya ay mananatili magpakailanman na nananaghoy at nagngangalit ang mga ngipin.

Talata 26 Ang pag-ulan ng asupre at apoy ay tiyak na gumawa ng napakalaking ingay. Pansinin ang pagsuway ng asawa ni Lot. Siya ay matigas ang ulo at hindi natakot sa babala ng anghel sa talata 17. Binigyan na siya ng babala pero tumalikod pa rin. Ang manunulat na si Moises ay hindi nagbigay ng dahilan kung bakit siya tumingin.

Mga talata 27-29 Kinaumagahan, bumangon si Abraham at pumunta kung saan siya huling nakipagusap sa Panginoon para mamagitan para sa Sodoma. Maaaring gusto niyang malaman kung mayroong sampung matuwid na tao upang mapigilan sana ang pagkawasak ng lunsod. Nakita ng sarili niyang mga mata ang usok na tumataas mula sa asupre at apoy, sa kasamaang palad ay kulang ang bilang ng mga inosenteng tao na naninirahan doon. Hindi natin maiisip kung ano ang tumatakbo sa isip ni Abraham ngunit alam ito ng Diyos. Sa talata 29 hindi nawaglit sa Kanyang isipan si Abraham kaya iniligtas niya si Lot.

Talata 30 Tumakas si Lot patungo sa maliit na bayan ng Zoar ngunit malamang ang mga naninirahan doon ay mga makasalanan gaya ng sa Sodoma, kaya sa takot ay umalis si Lot at nagtungo sa mga burol at nanirahan kasama ang kanyang pamilya sa isang yungib. Paano pinarusahan si Lot dahil sa pagpili at pamumuhay sa makasalanang lungsod ng Sodoma? Naghangad siya ng makamundong kayamanan ngunit lahat ay inalis sa kanya. Ang kanyang mga ari-arian, mga alipin, mga alagang hayop, ang kanyang bahay, maging ang kanyang asawa na naging posteng asin. Walang naiwan kay Lot, tanging ang kanyang dalawang anak na babae. Kung pumunta man si Lot kay Abraham para humingi ng tulong at ng ilang alagang hayop upang mabuhay, hindi binanggit ng Bibliya. Ngunit sa mga sumusunod na talata, napakalinaw na HINDI natutunan ni Lot ang kanyang leksyon. Saan kaya nagmula ang alak? Hindi sinabi ng Bibliya. Nakapagtanim ba si Lot ng ubasan sa mga burol?

Mga talata 31-32 Ang panganay na anak na babae ang nagplano't nagkusa. Dito makikita natin kung gaano kalakas ang pagnanais ng mga Hebreo na magkaanak at ipagpatuloy ang pangalan ng kanilang lahi. Nasaksihan nila ang parusa ng Diyos sa kasamaan nang wasakin Niya ang Sodoma. Sa kabila nito, hindi sila nangiming gumawa ng insestiya at hinikayat ang nakababatang kapatid na gawin din ito. Ang kanyang tiyuhin na si Abraham ay walang anak na maaari nilang pakasalan. Nakipagtipan sila noon sa mga binatang mula sa Sodoma na maituturing na mabigat na kasalanan na. Natutunan nila ang leksyon, kaya hindi sila naghanap ng magiging asawa mula sa Zoar kung saan sila dati nanirahan. Hindi nila tinanggap na mamatay na walang anak, kaya ginawa nila ang tanging posibilidad: ang binhi ng kanilang ama at gumawa ng insestiya.
Alam ng panganay na babae na mahilig sa alak ang kanyang ama. Ito'y kahinaan ni Lot na hindi pa rin natuto sa dinanas niya sa Sodoma. Umiinom si Lot hanggang malasing kaya nawalan siya ng kamalayan sa kanyang mga aksyon. Ginamit ito ng panganay na babae upang mabuntis sa pakikipagtalik kapag ang kanyang ama ay lasing na't hindi na alam ang kanyang ginagawa.

Mga talata 33-35 May kamalayan at kaalaman ng mga babaeng ito sa sekswalidad. Alam nila kung papaano sila mabubuntis. Noong panahong iyon wala pang modernong kagamitan upang matukoy ang araw ng paglilihi pero tila alam nila kung paano iyon. Sadyang magkasabay ang pagreregla ng dalawa at panahon ng pertílidád. Unang kumilos ang panganay at kinabukasan ay ang nakababatang kapatid.
Malamang talagang manginginom ng alak si Lot at sinadyang tuloy ang pagtagay ng kanyang dalawang dalaga hanggang sa tuluyang malasing at mawalang kamalay-malay ang ama. Alalahanin na pareho silang birhen ayon sa Genesis 19:8. Unang nakipagtalik ang panganay na anak at kinabukasan naman ang nakababatang kapatid. Isang perpektong pagpaplano ngunit isa ring malaking pagkakasala. Walang silang takot sa Diyos. Ang pagnanais nilang magka-anak ay mas malakas kaysa sa galangin ang kalooban ng Diyos.
Makikita natin ang masamang kahihinatnan nito sa mga talata 37 at 38.
Kumusta ka Kristiyano? Ang makamundong pananabik mo ba ay mas malakas kaysa sa pagkamangha't takot sa Diyos kaya ka hindi makaiwas sa kasalanan?

Mga talata 36-38 Ang kanilang kaalaman sa pagkamayabong at pakikipagtalik nila ay matagumpay. Pareho at sabay na nabuntis ang magkapatid. Kung paano tumugon ang kanilang ama at ang kanilang tiyuhin na si Abraham dito ay hindi binanggit sa Bibliya. Walang alinlangan na si Abraham ay labis na mababalisa kapag nalaman niya ito.
Napakahalagang turuan ng mga Kristiyanong magulang ang kanilang mga anak ng Salita ng Diyos. Walang pakikipagtalik bago ikasal. O baka naman walang problema kapag ang dalagang anak ay umuwi na may balitang: "Ako ay buntis." O ang binatang anak ay magsabi: "Nabuntis ko ang aking kasintahan?" Mas masahol pa kung walang kasalang mangyari kahit na malaman ito. Kadalasan ang mga pag-aasawang ganito ay nauuwi sa diborsyo dahil sa kawalan ng paggalang, pagkamakasarili, pagnanasa at kawalan ng pagpipigil sa sarili. At ang nakakalungkot din ay ang hindi pinlanong pagbubuntis (at sanggol) ay siyang nagbabayad ng kinahihinatnan.
Ipinanganak ng panganay na babae si Moab, ang ama ng mga Moabita. Isinilang ng nakababatang kapatid si Ben-ammi, ang ama ng mga Ammonita. Ang dalawang lahing ito at ang mga bansang lalabas sa kanila ang magiging pinakamasamang kaaway ng mga Israelita. Mga lingkod sila ng mga diyus-diyosan na nanlinlang at nagakit sa mga Israelita sa pagsamba sa mga huwad na diyos, na nagresulta sa kaparusahan ng Panginoong Diyos at kalaunan ay pinatalsik Niya sila mula sa Lupang Pangako.
Ang resulta ng hindi pag-iwan ni Abraham sa kanyang pamangkin na si Lot sa Ur at ang pagsama niya sa Lupang Pangako na hindi naman kasama sa utos ng Diyos ay nagdulot ng ganitong kinahinatnan.
Ang sinasadyang pagkakasala ay may malubhang kahihinatnan, ang mga kahihinatnan nito ay hindi maiiwasan. Kahit na natapos na ang kasalanan, HINDI inaalis ng Diyos ang mga kahihinatnan. Nagpapatawad ang Panginoon pagkatapos magsisi ang may sala ngunit nananatili pa rin ang kahihinatnan. Isang halimbawa ay isang babae na nakipagtalik bago kasal ngunit ang relasyon niya ay nasira't naputol, tapos magpakasal siya sa ibang lalaki. Kailangan tanggapin ng lalaking ito na hindi siya ang una - hindi na birhen ang babae. Marami ding mga kwento ng trauma pagkatapos ng pagpapalaglag. Ito ay ilan lamang sa mga halimbawa ng kasalanan. Magkaroon ng kamalayan bago ka gumawa ng labag sa mga utos at kalooban ng Diyos. Tandaan, aanihin mo ang kahihinatnan ng iyong kasalanan!

Balik sa menuBalik sa itaas


Genesis 20 - Abraham sa Negeb

Talata 1 Walang dahilan ang Bibliya kung bakit pumunta si Abraham sa Negeb, posibleng dahil sa amoy ng asupre na kumakalat sa lugar sa palibot ng Sodoma at Gomorra. Tulad ng mga kaso pagkatapos ng pagsabog ng bulkan, ang kapaligiran ay kadalasang hindi matirahan ng mahabang panahon. Si Abraham at ang kanyang asawa kasama ang kanyang mga lingkod, ay pumunta sa isang bagong lugar na Gerar, kung saan siya ay maninirahan sa ilalim ng haring si Abimelec. Itong paglipat nila ay posibleng nagpahiwalay sa pagitan niya at ni Lot na nanirahan sa mga burol.

Talata 2 Katulad ng sa Ehipto, ang mata ng hari ay nabighani sa kagandahan ni Sarah. Pambihira siguro talaga ang kanyang alindog dahil 90 taon na si Sarah. Tingnan kung gaano kaliit ang tiwala at pananampalataya ni Abraham dito. Ipinaalam na ng Diyos kay Abraham na sa isang taon isisilang ni Sarah ang kanilang sariling anak. Bakit pa rin niya sinabihan ang kanyang asawa na sabihin: "Ako ay kapatid na babae ni Abraham", batid na ang intensyon ni Abimelek ay makipagtalik sa kanyang asawa? Ito ay hindi makalalaking-asal, malinaw na pangangalunya at ganap na hindi nagpapakita ng pagtitiwala sa Kanyang Diyos. Hindi niya ba natutunan ang mga aral mula sa Ehipto kung saan pinarusahan ng Diyos ang haring Paraon? Ano ang dahilan ni Abraham na ipagsapalaran ang kanyang asawa na mabuntis ng ibang lalaki samantalang siya ay ipinangakuan ng Diyos Mismo na si Sarah ay ipagbubuntis ang anak nila. Ito ay isang napakabigat na kasalanan.
Si Sarah ay nanirahan kay Abimelek sa mahabang panahon dahil sa talata 18 ay mababasa natin na ang sambahayan ni Abimelek ay naging baog. Sinarhan ng Diyos ang mga sinapupunan ng bawat babae sa kanyang tahanan.

Mga talata 3-4 Nalaman ni Abimelek na ang mga babae sa kanyang sabahayan ay hindi nagbubuntis. Tumawag ba siya sa kanyang mga diyus-diyosan para ito'y ipaliwanag? Ang Diyos ay matuwid. Hindi Niya sinasangayunan ang pangangalunya. Subalit ang talata 4 ay nakasaad na si Abimelek ay hindi nakipagtalik kay Sarah. Kaya sinabi ng Diyos sa isang panaginip: Ikaw ay isang patay na tao dahil ang kanyang sambahayan ay naging baog. Kinuha mo ang babaeng asawa na ng iba. Ang pagnanais ng mga bagay na hindi iyo na paglabag sa ikasampung utos ay sapat na para parusahan siya ng Diyos. Maliwanag na ang Diyos ay hindi iniisip na walang kabuluhan ang pangangalunya.
Tinanggihan ni Abimelek ang akusasyon at nagsumamo sa Diyos, parurusahan mo ba ang isang bayan dahil sa aking sariling kasalanan? Malamang na narinig niya ang tungkol sa pagkawasak ng Sodoma at Gomorra. Ngunit umapela din siya sa kanyang kawalang-kasalanan sa talata 5. Nagbanta ang Diyos nang ideklara Niya na ang hari ay isang patay na tao. Ang Diyos ay nagbibigay ng babala. Hindi pinahihintulutan ng Diyos ang sekswal na pagnanasa. Malinaw itong sinasabi ni Hesus sa Mateo 5:27-28; "Narinig ninyong sinabi nila noong unang panahon: Huwag kang mangalunya. Ngunit sinasabi ko sa inyo: Ang sinu­mang tumingin sa isang babae na may masamang pagnanasa sa kaniya ay nagkakasala na ng pangangalunya sa kaniyang puso." Ang pagnanasa ay kasalanan na sa Diyos pero ang pagnanais ay maaaring pang humantong sa pagkilos. Kaya't sa punto ng pagnanasa pa lang, ipagtapat at pagsisihan na ang kasalanan at hilingin na alisin at ika'y patawarin. Bilang mananampalataya, huwag nating maliitin ang ating mga ninanais, lalo na ang pagnanais ng mga bagay ng ating kapwa. Puwedeng umabot din yan sa selos sa kung anong meron ang iba tulad ng yaman, kalusugan, magandang trabaho, atbp.
Nilinlang ni satanas si Eva ng kalahating katotohanan. Dito naman ay nalinlang si Abimelek ng kalahating katotohanan nina Abraham at Sarah. Bilang isang mananampalataya, iwasan ang mga hindi kompletong katotohanan na mapanlinlang na gamit ng kaaway.

Talata 5 Tinanggihan ni Abimelek ang akusasyon. Siya ay umaasa sa sinabi mismo ni Abraham: "Siya ay aking kapatid." Si Abraham, bilang ulo ng pamilya, ay nagsinungaling. Tingnan kung paano sa talata 12 sinubukan niyang bigyang-katwiran ang kanyang pagsisinungaling. Pero hindi rin inosente si Sarah, sinunod niya't kinumpirma ang kasinungalingan ng asawa. Umapila si Abimelek na ito'y kanyang sala batay sa dalawang pahayag na ito. Pag-isipan ang sinasabi ng Bibliya: Salig sa dalawang pahayag, malulutas ang usapin. Naging hindi ba makatuwiran ang Diyos sa Kanyang paratang? Hindi. Ang sagot ay nasa sumusunod na talata 6 dahil ang magnasa pa lang ay kasalanan na.

Talata 6 Bigyang-pansin ang mga Salita ng Diyos: Oo, alam ko. Alam ko na kumilos ka sa integridad ng iyong puso. Siya ay kumilos gamit ang sinabi nina Abraham at Sarah bilang basehan. Tandaan na si satanas ay tuso. Masdan ang Bibliya sa lugar hintayan sa acupuncture, mga magnetizer at yoga kung saan maaaring malinlang ang mananampalataya. Ngunit para sa Kristiyanong nabubuhay sa ilalim ng pangunguna ng Banal na Espiritu, Siya ang magbibigay babala. Nasa mananampalataya na ang makinig at sumunod sa tinig ng Espiritu.
Sinabi ng Diyos sa panaginip: Iningatan kita mula sa pagkakasala. Si Abimelek ay hindi pa nagkasala ng pakikipagtalik kay Sarah. Pinigilan siya ng Panginoon na mangalunya. Bigyang-pansin ang kahalagahan nito dahil hindi puwedeng sabihin na nabuntis si Sarah ni Abimelek.
Bagaman ang sagot ni Abimelek ay totoo sa insidenteng ito, hindi siya makakalusot sa paningin ng Diyos. Maaaring mapapawalang-sala siya ng mundo pero itinuro ng Diyos ang kanyang kasakiman at sa talata 14 ang pagbabayad ng parusa.

Talata 7 Inutusan ng Diyos si Abimelek: "Ibalik mo siya agad sa kanyang asawa. Propeta ang asawa niya, at ipapanalangin ka niya upang hindi ka mamatay. Kapag hindi mo siya ibinalik, hindi lamang ikaw ang mamamatay, kundi pati ang buong nasasakupan mo.”
Santiago 5:14-16; "May sakit ba ang sinuman sa inyo? Ipatawag ninyo ang matatandang pinuno ng iglesya upang ipanalangin siya at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon. 15 Pagagalingin ng Diyos ang maysakit dahil sa panalanging may pananampalataya; palalakasin siyang muli ng Panginoon. At kung siya'y nagkasala, patatawarin siya sa kanyang mga kasalanan. 16 Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid."
Ephesians 4:30; "At huwag ninyong saktan ang kalooban ng Espiritu Santo." Labanan ang babala ng Diyos, magpatuloy sa kasalanan, pagkatapos ay kasunod na ang kamatayan, gaya ng babala ng Diyos kay Abimelek. Hindi lamang isang natural na kamatayan kundi isang espirituwal na kamatayan. Kung nangangahulugan ito na ika'y magiging tulad ng limang hangal na birhen, Diyos ang may alam. Kung ganoon, itong mananampalataya ay mananatili sa lupa sa Pagsundo ni Kristo. Dapat seryosohin natin ang mga babala ng Diyos dahil kasuklam-suklam sa Kanya ang kasalanan. Ang bawat kasalanang hindi inaamin lalo na ang sinasadyang kasalanan ay may malubhang kahihinatnan. Sa kasamaang-palad, wala akong gaanong naririnig tungkol dito sa simbahan, marahil iniisip na ang pagpigil sa mensaheng ito ay mag-aani ng mas maraming kaluluwa. Kung paano mamuhay bilang isang Kristiyano ay bihirang marinig. Kadalasan ang isang malinaw na sermon tungkol sa buhay sa ilalim ng kontrol ng Banal na Espiritu ay kulang, mga pangangaral para mamuhay ng banal sa karangalan ng Diyos.

Talata 8 Sineseryoso ni Abimelek ang babala ng Diyos. Pagkagising mula sa panaginip niya noong gabi, agad siyang kumilos sa umaga. Hindi siya nagpaliban o naghintay. Tingnan ang ugali niya. Walang lihim sa kanyang pagkilos. Hindi niya binalik si Sarah kay Abraham ng sekreto. Sa halip, tinawag niya ang lahat ng kanyang mga lingkod at sinabi ang lahat ng kanyang napanaginipan. Ang resulta, maging ang mga lingkod niya'y natakot nang husto, marahil sumagi sa isip nila ang nangyari sa Sodoma at Gomorra. Ang Diyos ay nagbibigay babala at nagbabanta ng kamatayan. Ang Nineve ay pinagbantaan ng kamatayan ng Diyos at sineseryoso ng mga taga-Nineve ang mensahe, nagsisi at tumanggap ng kaligtasan. Ang kasalanan ng Sodoma at Gomorra, ang kasalanan ng tao, ay malinaw. Nasa tao na kung seseryosohin ang mga babalang ito at magsisisi. Kung tatanggihan ang babala ng Diyos, ang walang hanggang kamatayan ay nagaantay sa lawa ng apoy.
Hindi tinago ni Abimelek ang babala sa kanyang sarili lamang. Gayundin ang mga mananampalataya at ang simbahan ay hindi dapat panatilihin ang babala ng Diyos sa kani-kanilang sarili lang. Ang Kristiyano ay maaaring magpahayag ng ebanghelyo at magbigay ng kanyang patotoo kung paano siya binago ni Kristo. Kung sa tingin mo ay wala ka pang kakayahang magsalita, maaari kang mag-ambag sa pamamagitan ng pamimigay ng mga polyeto tungkol sa Salita ng Diyos at mga Bibliya. Maaari mo ring suportahan ang mga kampanya at misyon ng ebanghelyo sa pananalapi, o magbigay ng tulong sa mga tahanan o bahay-ampunan ng mga bata at iba pang mga proyektong panlipunan.
Gayundin, ang mga simbahan at lahat ng mananampalataya ay may tungkulin na magbigay babala sa kanilang pamahalaan kapag hindi na nila iginagalang ang mga batas ng Diyos. Tungkulin nilang hayaang marinig ang tinig ng Diyos. Magagawa ito sa pamamagitan ng mapayapang protesta at sama-samang panalangin (prayer rallies), sa pamamagitan ng pagpapahayag ng ebanghelyo sa telebisyon at sa internet, at pagtuturo sa mga miyembro ng simbahan.

Talata 9 Tinawag ni Abimelek si Abraham para panagutin. Anong ginawa mo sa amin? Dinala mo sa akin at sa aking kaharian ang isang MALAKING kasalanan. Hindi binaling ni Abimelek ang pagkakasala niya ngunit itinukoy ang mga aksyon ni Abraham at ang mga naging kinahinatnan nito.
Pagkatapos ng kamatayan, sa langit ang bawat mananampalataya ay tatawagin para sa kanyang mga ginawa sa lupa. 1 Corinto 3:11-17; ang kabayaran para sa mga gawa ng mananampalataya. 2 Corinto 5:10; sapagka't tayong (mga mananampalataya) ay haharap LAHAT sa hukuman ni Kristo. Pahayag 20:11-15; at nakita ko ang mga patay (hindi mananampalataya) na nakatayo sa harap ng trono ng Diyos... at kung ang pangalan ng sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa Aklat ng Buhay ay itinapon siya sa dagatdagatang apoy.
Ang Diyos ay maliwanag, nagbibigay Siya ng babala. Karamihan sa mga tao ay may internet at telebisyon. Maraming impormasyon ang makukuha mo nang libre sa internet, mga libreng Bibliya at mga komentaryo sa Bibliya. Bagama't ang ilan ay nagbibigay ng mga maling paliwanag, kaya't maging maingat. Ang Ebanghelyo ay ipinapahayag din sa telebisyon kaya hindi na natin masasabi; "Hindi ko alam." Ang pag-access sa Salita ng Diyos ay libre.

Talata 10 Tinanong ni Abimelek si Abraham: Ano ang iniisip mo nang sabihin mo sa akin ang kalahati ng katotohanan? Binigyan niya si Abraham ng makatarungang pagkakataon na ipaliwanag at ipagtanggol ang sarili.
Handa ba tayong makinig sa paliwanag ng isang kapatid sa Panginoon? O agad-agad ba tayong nagkokondena at nagbibigay parusa? Mag-ingat kapag nakakita ka ng tao na nagkakasala at simulang kaagad akusahan siya. Bigyan ng patas na pagkakataon na marinig ang tao kung ano ang kanyang sasabihin para ipagtanggol ang sarili.

Mga talata 11-12 Ipinagtanggol ni Abraham ang kanyang sarili sa pag-aakalang walang takot sa Diyos ang mga taga-Gerar. Patunay ito na wala siyang alam tungkol sa mga naninirahan doon. Nagmaling akala siya na baka ipapatay siya para makuha ang kanyang asawa. Wala siyang matibay na batayan ng para sa kanyang palusot.
Ngunit ipinakita rin nito na hindi siya nagtiwala sa kanyang Diyos para sa proteksyon laban sa mga posibleng banta mula sa mga naninirahan sa Gerar sa kabila ng pangako ng Diyos na magkakaroon sila ng sariling anak sa loob ng isang taon. Maging seryosong aral ito para sa mananampalataya. Ikaw ay tinawag upang ipahayag ang Salita ng Diyos. Sa kasamaang palad, sa Canada, maaaring mauwi ito sa pagkakulong ngunit maaari ka pa ring mangaral sa loob ng bilangguan. Ang Kristiyano ay DAPAT MAGSASALITA NG KATOTOHANAN! Huwag magpadala sa takot na udyok ni satanas.
Nilinaw ni Abraham ang kanyang unang pahayag; kapatid ko talaga siya, kapatid niya sa ama pero hindi sa ina. Ngunit hindi iyon nagbibigay-katwiran sa kanyang pagsisinungaling. Alam ni Abraham ang intensyon ng hari kaya kinuha niyang maging asawa si Sarah. Alam niya na ang kakulangan ng impormasyong sinabi niya ay hahantong sa pangangalunya ng hari. ALAM niya na hindi ito kukunsintihin ng Diyos, dahil sa karanasan niya sa Ehipto noong kay Paraon. Isa itong makasalanang dahilan. Siya ay nagkasala ng sinasadyang pagsasabi na; si Sarah ay kanyang kapatid ngunit itinatago ang isa pang kalahating katotohanan na siya ay kanyang asawa.

Talata 13 Tingnan dito kung gaano kasadya ang kasalanan (pagsisinungaling) ni Abraham. Sa pag-alis nila mula sa Ur, inutos na ni Abraham kay Sarah na sabihin sa bawat lugar na kanilang mapupuntahan na; "Siya ay aking kapatid." Ito ay direktang pagtanggi at kawalang-dangal sa kanilang kasal. Hindi ba ang kasal ay isang pampublikong paghayag ng inyong pag-iisang dibdib at hindi dapat ilihim? Hindi dapat tinatago na kayo'y mag-asawa. Lubos na walang tiwala sa Diyos na umakay sa kanya mula sa Ur ang pinamalas ni Abraham. Walang tiwala sa proteksyon ng kanyang Diyos. Parehong sa Ehipto at dito sa Gerar. Kinailangan ng Diyos na makialam upang maiwasan ang pangangalunya. Isang kasalanan na maaaring humantong sa pagkawasak ng plano ng Diyos para sa pangakong lahing magmumula kay Abraham na siyang panggagalingan ng lipi ng Mesiyas. Ang Diyos Mismo ang kailangang mamagitan para maisakatuparan ang Kanyang planong kaligtasan para sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagsilang sa Kanyang bugtong na Anak na si Hesus makalipas ang 2,000 taon mula dito.
Ano ang kalagayan mo bilang mananampalataya? Ang iyong takot ba sa anumang puwedeng kahinatnan mo sa lupa ay higit sa tiwala mo sa Diyos? Tulad ng takot sa parusa ng gobyerno, takot sa karahasan ng mga hindi mananampalataya na posibleng humantong sa kamatayan. Ang ilang kapatiran ay labis na inuusig sa kanilang lugar. Maaari kang pahirapan, saktan o patayin, ngunit ang kamatayan ng tunay na Kristiyano ay humahantong sa sa Paraiso at sa Pagsundo ni Kristo, sa buhay sa Langit. Hindi tinago ni Hesus ang puwedeng mangyari sa atin dito sa mundo pero sinabi rin Niya kung ano ang naghihintay sa atin sa Kanyang piling.
Nagbigay din si Abraham ng isa pang paliwanag; Ang Diyos ang Siyang tumawag sa akin upang humayo. Mula sa pag-alis mula sa Ur, walang permanenteng tirahan sa Lupang Pangako, nagtungo din sa Ehipto, at ngayon dito sa Gerar. Palaging may takot sa kung ano ang maaaring gawin ng mga ibang tao sa akin, sa aking asawa't ari-arian, kaya nagawang magimbento ng kasinungalingan para hindi ako ipapatay. Ang mananampalataya ay nabubuhay din sa mundo na may satanas at mga demonyo. Hindi pa nakatira sa Langit. Ang mga pastor at mga misyonero ay ipinapadala sa iba't ibang lugar. Ngunit ang katapatan at kabutihan ng Diyos ay dapat laging panghawakan. Ang Panginoong Hesukristo ay nagtagumpay kay satanas at mga demonyo, Siya ay higit na makapangyarihan!

Mga talata 14-15 Inutusan ng hari ng Ehipto si Abraham na lisanin ang kanyang lupain kasama ang kayamanan na bigay sa kanya ni Paraon. Pinagkalooban ni Abimelek si Abraham ng mga alagang hayop at mga alipin, at binigyan ng layang tumira kahit saan niya magustuhan sa lupain ng hari. Bagama't si Abimelek ang dapat sisihin sa pagnanasa, ngunit hindi siya nangalunya. Ibinalik niya si Sarah kay Abraham. Naawa si Abimelek kay Abraham sa kanyang maraming pagala-gala at hinayaan siyang manirahan sa kanyang bansa. Narinig ni Abimelek ang Salita ng Diyos sa talata 7 na isa siyang propeta. Si Paraon ay natakot sa Diyos at pinalayas si Abraham sa Ehipto. Narinig ni Abimelek ang babala mula sa Diyos, marahil natakot din pero nakausap niyang bahagya ang Panginoon. Bilang pasasalamat ay magpabuya siya ng maraming regalo at hinayaan si Abraham na manirahan sa kanyang lupain.

Talata 16 Ang talatang ito ay mahirap ipaliwanag. Ano ang dahilan kung bakit nagbigay si Abimeleek ng isang libong pirasong pilak. Isang pagkilala ba ito at penitensiya para sa kanyang pagnanasa?
Walang paliwanag kung ano ang ibig sabihin ng manunulat na si Moises sa "ito ang iyong pagpapatunay sa mata ng lahat." Bakit siya nagbigay ng mga regalo kay Abraham, si Sarah ang tumira kay Abimelec na may takot na makipagtalik sa kanya? Siya ang nagdusa at tinanggihan na siya'y asawa ni Abraham.

Talata 17 Inatasan si Abraham na mamagitan para sa sambahayan ni Abimelek. Ang pagpapagaling ay ibinibigay ng Panginoon sa pamamagitan ng kanyang panalangin.
Nakikita natin ito sa milyun-milyong panalangin ng mga mananampalataya sa America at Brazil. Sumagot ang Diyos sa bagluklok ng mga pangulong may paggalang sa Kanya. Ang embahada ay inilipat sa Jerusalem at sa gayon ay ipinapahayag sa mundo: Ang Israel ay bayan ng Diyos. Israel ang kanilang estado kung saan ang Jerusalem ang kabisera nito. Panahon na para hayagang ipahayag ng mga mananampalataya ang Panginoong Hesukristo. Ang pangangailangan na iangat ang batas ng Diyos. Ang pangangailangan na mamuhay sa ilalim ng kontrol ng Banal na Espiritu.

Talata 18 Isang huling paliwanag ang ibinigay: Isinara ng Panginoon ang lahat ng sinapupunan ng bahay (sa buong kaharian?) ni Abimelek. Nagbabala ang Diyos tungkol sa mga kasalanang walang malay. Pinarurusahan ng Diyos ang mga kasalanang may kamalayan. Ang isang bansang sinasadyang lumalabag sa mga batas ng Diyos at nagpapatibay ng mga alituntunin na ipinagbawal ng Diyos ay makakaranas ng mga kahihinatnan. Ang mga bansang sadyang tumatanggi sa estado ng Israel ay mananatiling walang pagpapala ng Diyos tulad ng kahirapan o krisis sa ekonomiya. Ngunit ito ay maaari ring pansariling iugnay sa buhay ng Kristiyano.

Balik sa menuBalik sa itaas