Pag-aaral sa Bibliya ng Genesis 1-9
Paglikha Kasalanan Genesis 2 Ang Tao Genesis 3 Ang Pagkahulog Genesis 4 Genesis 5 + 6 Genesis 7 - 9 Genesis 20
Click on to view fullscreen
Paglikha. Tagal: 111 segundo
Paglikha sa Genesis 1
Ano ang ibig sabihin nito?
Ang lupa ngayon ay walang hugis at anyo, at ang kadiliman ay bumabalot sa kalaliman. Ipinakikita nito na mayroon nang lupa sa simula ng Bibliya, at hindi ito nilikha sa sandaling iyon. Sa simula ng Bibliya, malinaw na nakasaad na ang lupa ay walang hugis at anyo at may kadiliman. Kung isasaalang-alang ang mga heolohikal na paghuhukay at pagtuklas ng mga kalansay ng mga dinosaur, hindi kataka-taka na meron nang lupa. Alinsunod sa arkeolohiko, posibleng isang meteorite ay lumagpak at nagwasak sa lahat ng nabubuhay sa mundo. Nagresulta ito sa isang malawak na kadiliman at hindi matirahang klima at isang malaking baha na sumasakop sa buong mundo. Ang langit ay narumihan ng lahat ng uri ng alikabok, na nagpigil sa sikat ng araw at ang hangin ay nadumihan sa paraang imposible ang mabuhay. Iyan ay maaaring isang paliwanag kung bakit nagsimula ang Bibliya sa: Ang lupa ay walang anyo at nasa kadiliman.
Ang isa pang paliwanag ay maaaring ang digmaan sa pagitan ni satanas at ng ikatlong bahagi ng mga anghel laban sa Panginoong Diyos at Kanyang mga anghel. Maaaring nawasak ang lupa sa digmaang ito. At ang Bibliya ay nagsimula sa bagong paglikha ng sansinukob at lupa. Anuman ang kaso, ang Bibliya ay nagsimula sa paglikha ng unang tao, sa kanyang pananagutan at sa kanyang kinabukasan. Sinasabi ang kuwento ng pagkahulog, ang paghihiwalay ng Diyos at ng tao, ang kanyang kasalanan at galit, ang kaparusahan sa kasalanan at ang posibleng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesukristo at ang bagong buhay sa kabila ng kamatayan, maaaring pagkawalay sa Diyos o isang bagong buhay sa Langit.
1 At sinabi ng Diyos: Magkaroon ng liwanag. Ang Diyos ay Makapangyarihan sa lahat, ipinakikita Niya ang Kanyang lakas at kapangyarihan rito. Ginagawa ng Diyos sa isang araw, linisin ang maruming hangin, upang ang araw ay sumikat muli sa ibabaw ng lupa na nasa kadiliman. Sa panig ng araw ay umaga. Pero sa kabilang banda, mayroon ring gabi, upang ang tao na lilikhain, ay makatulog sa gabi. |
2 At sinabi ng Diyos: Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at paghiwalayin ang mga tubig sa mga tubig. Nilikha ng Diyos ang atmospera sa itaas ng lupa, upang iyon ay maging isang paghihiwalay sa pagitan ng baha (tila ang buong mundo ay lubog sa tubig) at ang tubig sa atmospera. Nilikha ng Diyos ang mga ulap, upang umulan, at ang ulan ang magiging bukal ng buhay para sa lahat ng lilikhain sa mundo. Ang ulan ay magdudulot ng buhay. Ang bawat halaman, hayop at tao na lilikhain ng Diyos ay nakasalalay sa (malinis) na tubig. Napakadakila at makapangyarihan ng Diyos. |
3 At sinabi ng Diyos: Ipunin ang tubig sa silong ng langit sa isang lugar upang lumitaw ang tuyong lupa. Siya ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Ang Tagapamahala sa langit at lupa. Ang tubig ay lumisan sa isang banda para magkaroon ng tuyong lugar. Kapag sinuri natin ang mundo at ayon din sa arkeolohiko, ang America at Europa ay malamang nuo'y magkadikit, marahil ganoon din ang Australia at ang New Zealand. Kaya nabuo ang isang malaking karagatan at isang malaking lupain. |
4 At sinabi ng Dios: Magkaroon ng mga liwanag sa kalawakan ng langit. Kung titingnan ang agham ngayon, alam natin na matagal nang may mga bituin sa pasimula ng Bibliya. Kaya mali ba ang Bibliya nang sinabing nilikha ng Diyos ang dalawang dakilang liwanag (ang araw at ang buwan)? |
5 At sinabi ng Diyos: Magsilabasan sa tubig ng mga pulutong ng buhay at hayaang lumipad ang mga ibon sa ibabaw ng lupa sa kalawakan ng langit. |
6 At sinabi ng Diyos: Magkaroon ang lupa ng mga nilalang na may buhay ayon sa kanilang mga uri: mga gumagapang na bagay at mga hayop sa lupa ayon sa kanilang mga uri. |
Ang tao ay binigyan ng komisyon mula sa Diyos. Ang Diyos ang namamahala sa sansinukob at sa tao. Ang tao ay nilalang ayon sa larawan ng Diyos at pinahintulutang mamahala nang may kalayaan sa kanyang buhay at sa buong mundo. Nakakalungkot dahil pagkatapos ng 6000 taon, sinisira ng tao ang mga isda, ibon, hayop at ang kalikasan. Nililimas ng tao ang mga lamang-dagat, dinudumhan ang kapaligiran sa pagtapon ng nakakalason sa hangin, sa tubig at sa lupa. Ang kinalabasan; nalalason ang kalikasan maging ang mga buhay na umaasa dito. Ang mga baka ay pinalalahian sa maliliit na espasyo, at ang kagubatan ay pinuputol, ang kapaligiran ay lubhang madumi, na nagreresulta sa lahat ng uri ng mga allergy kontra sa tao. Ito ay isang nakalulungkot na katotohanan tungkol sa iresponsibilidad ng tao, na may kakayahan ding sirain ang buong daigdig gamit ang kanyang mga sandatang atomiko. Dahilan: ang tao ay higit na lumalayo sa Diyos, hinahanap ang kanyang kaligayahan sa materyal na bagay, droga, okultismo, Islam, huwad na pagpapagaling, at marami pang iba. Napakaganda ng layon ng Diyos: mga isda, mga ibon, mga hayop upang suportahan at maging kagalakan ng tao. Kung saan ang tao ang itinakdang mamahala upang masiyahan ang mga tao! Bakit ang dami ng paghihirap sa mundo? Hinirang ng Diyos ang tao upang mamahala sa mundo. Kapag hindi naging responsable ang tao, aanihin din niya ang mga kahihinatnan nito. Sagarang pangingisda sa karagatan, pagpuputol ng mga kakahuyan at kagubatan. Ang resulta ay ang pagbabaha at maging buong nayon ay natatabunan ng putik, at ang mga sakit ay tumataas dahil sa katotohanan na ang mga mikrobyo ay hindi maaaring umatras sa kagubatan (ito ay napatunayang siyentipiko). At bukod sa mga ito, ang panahon ay hindi maayos na nagreresulta sa mga malalaking sakuna. Kaya ang dapat sisihin ay ang tao, hindi ang Diyos. Ang tao rin ay may pananagutan sa kanyang kapwa, na pangalagaan ang mga nagugutom at may sakit (maging sa mga mahihirap na bansa) at hindi maging masama o mapoot sa kanyang kapwa, lalo pa ang pumatay o kumitil ng buhay. Iyan ang responsibilidad na ibinigay ng Diyos sa tao at HINDI nararapat na sisihin natin ang Diyos ukol dito. |
7 Nang matapos ng Diyos sa ikaanim na araw ng Kanyang gawain, nagpahinga siya sa ikapitong araw ng linggo. |
Tularan natin ang halimbawa ng Diyos at bigyang kahalagahan ang kapahingahan tuwing Linggo. Ang tao ay nangangailangan ng isang araw sa isang linggo upang magpahinga at dapat gamitin ito upang magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa Diyos at sa kapwa-mamamayan. Siyempre, hindi lahat ay may kakayahang gawin ito sa Linggo, ang pag-aalaga ay kinakailangan 24 oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo. Ngunit mayroon din silang isang araw sa isang linggong pahinga na magagamit nila para makasama ang Diyos. Kapag ang mga hindi mananampalataya ay walang paggalang sa araw ng pahinga, tayong mga mananampalataya ay dapat sumunod upang ipakita na tayo ay iba. Huwag pumunta sa mga libangan tuwing Linggo, huwag mamili ng Linggo. Dapat gampanan ng bawat mananampalataya ang kanyang responsibilidad sa Panginoong Diyos at kay Hesukristo. Hayaan ang tao na magkaroon ng paggalang sa Diyos, Siya ay may dahilan kung bakit kailangan ng tao na magpahinga sa Linggo. Ang tao ay hindi nilikha (at hindi rin niya kaya) na magtrabaho nang pitong araw sa isang linggo, bawat linggo ng taon. Kaya nga ang isang araw sa isang linggo ang Diyos mismo ang nagtatag para sa ikabubuti ng tao, upang pasiglahin ang katawan at espiritu. At gamitin natin itong isang araw sa isang linggo upang makasama ang Diyos at ang Kanyang Salita, upang pag-aralan ang Bibliya, upang malaman kung ano ang nais Niyang sabihin sa atin. |
Pagkahulog ng tao (Genesis 3:1-13)
Kopyahin ang Genesis 3:1-13 mula sa iyong Bibliya
Ano ang ibig sabihin nito?
Nakita natin na napakatuso ni satanas, kinuha niya ang katawan ng ahas at kinausap ang babae. Una ay sinimulan niyang baluktutin ang mga salita ng Diyos: "Huwag kang kakain ng alinmang puno sa halamanan?" Tama ang sagot ng babae dito: "Maaari kaming kumain ng mga bunga ng mga punungkahoy sa halamanan; ngunit sabi ng Diyos 'Huwag kayong kakain ng bunga ng punong kahoy na nasa gitna ng halamanan, ni huwag kayong hihipo, baka kayo'y mamatay'."
Ang tao ay hindi nasisiyahan sa kayamanan, gusto niya ang LAHAT, walang eksepsiyon!
Ang ahas ay nagsimulang magsabi ng kalahating katotohanan: "Hindi kayo mamamatay. Sapagkat alam ng Diyos na kapag kumain kayo nito ay mamumukat ang inyong mga mata at kayo ay magiging katulad ng Diyos, na nakakaalam ng mabuti at masama".
HINDI, ang katotohanan ay: ang tao ay hindi namatay kaagad pagkatapos niyang kumain ng bunga, ngunit pagkatapos ng ilang panahon. At ang tao ay HINDI magiging katulad ng Diyos, na may angking kapangyarihan, ang tao ay haharapin ng kanyang budhi na gagamiting batayan ng kalalaman niya ng mabuti at masama. Iyon ay sisira sa kasiyahan ng tao kaya ang kanilang unang anak ay papatayin ang isa pang nilang anak dahil sa selos. At ang tao ay hindi na matatamasa ang piling ng Diyos at magsaya sa buhay na walang hanggan dahil siya ay MAMAMATAY. HINDI iyan ang sinasabi ng ahas (SATANAS, ang diyablo), kalahating katotohanan lamang ang sinabi niya!!!
At ang babae ay naakit, nakikinig siya sa mga salita ng ahas. Ano ang ginagawa ng lalaki? HINDI siya nahikayat, pero hindi niya sinaway ang kanyang misis. Alam niyang hindi sila pinapayagang kumain ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama sa gitna ng hardin. Inalok siya ng kanya misis ng prutas at hindi siya nagatubili. Hindi siya tumanggi! Samakatuwid ang kasalanan ay pumasok sa mundo dahil sa ating mga unang ninuno, sa ganitong kadahilanang ang tao ay likas na makasalanan. (Roma 5:12 Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao sapagkat ang lahat ay nagkasala.).
Ang babae ay naakit, samakatuwid wala siyang makasalanang kalikasan, at ang birheng Maria ay maaaring manganak ng isang lalaki na ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, na walang kasalanan. Iyan ang lihim na ang Panginoong Jesus ay ipinanganak na walang kasalanan, dahil hindi siya bunga ng makasalanang lalaki, kundi ng Diyos Mismo (ang Espiritu Santo) (Roma 5:18-19).
At bigyang pansin, mula sa sandaling kumain sila ng ipinagbawal na prutas, kaagad silang namulat sa kung ano ang mabuti at masama. Dati maaari silang lumakad kasama ng Diyos sa hardin at masayang kasama ang nilikha ng Diyos. Ngayon, bigla silang natakot sa Diyos, ngayon nila napagtanto na ang Diyos ay Banal at Makapangyarihan sa lahat at sila ay mga tao lamang. Sila ay nagtahi ng mga dahon ng igos at ginawa nilang mga tapis upang itinago ang kanilang kahubaran (pagkakasala) mula sa presensya ng Diyos. Takot silang ipakita ang kanilang sarili sa presensya ng Diyos.
At ano ang ginagawa ng lalaki? Siya ay tuso, inilalagay niya ang sisi sa Diyos: "Ang babaeng ibinigay Mo upang makasama ko." Sinisi niya ang Diyos na binigyan siya ng maling asawa. Kahit siya mismo ay tumanggap (nang walang pang-aakit) ng prutas at kumain din.
At nagpatuloy siya: "Binigyan niya ako ng bunga ng puno, at kinain ko". Malinaw na unang sinabi ng babae na ang bunga ay mula sa ipinagbabawal na puno, at sa kabila noon ay kinain pa rin niya. Sinubukan ng lalaki na ilagay ang sisi sa kanyang asawa kahit mayroon siyang layang pumili: kumain o hindi kumain!!! Samakatuwid ang lalaki ang pangunahing responsable, sa pamamagitan niya ay dumating ang kasalanan sa mundo. Nasasa kanya ang makasalanang kalikasan at ang makasalanang kalikasan ay pinalaganap ng lalaki.
Hindi ba makatarungan ang Diyos na parusahan ang mga tao dahil sa kanilang mga kasalanan?
Hindi, ang bawat tao ay kayang sabihin nang paulit-ulit na HINDI sa kasalanan. Hindi pinarurusahan ng Diyos ang tao dahil sa kanyang makasalanang kalikasan. Sapagkat sa pamamagitan ni Hesukristo ay naaalis ang kaparusahan. Nag-aalok ang Diyos ng kabuuan at kumpletong solusyon, nasa tao na ang pagtanggap ng biyayang ito ng Diyos. Hindi lamang ang kaparusahan sa kasalanan (walang hanggan; buhay sa dagat-dagatang apoy, na itinalaga para kay satanas at sa kanyang mga tagasunod) ay ipinagpapatawad, ngunit ang tao ay tumatanggap ng buhay na walang hanggan sa Langit. Gayundin maaari na siyang magsaya muli at manatili sa presensya ng Diyos. Kahit nasa isang makasalanang katawan, sa pamamagitan ng Tagapamagitan na ang Panginoong Hesukristo, siya ay nakakakamit ng daan sa Diyos Ama. At pagkatapos ng kamatayan, pagkatapos ng Pagparito ni Kristo, ang taong kumikilala na siya ay isang makasalanan at hiwalay sa Diyos at tinanggap si Hesukristo bilang kanyang Tagapagligtas, ay tatanggap ng isang bagong katawang hindi nasisira, na walang likas na kasalanan, upang makapasok sa Langit, at upang makalapit at manatili sa presensya ng Diyos. Tunay na kamanghamanghang biyaya at Pag-ibig ng Diyos.
Ngunit ang tao, tulad sa hardin, ay dapat pumili na makinig sa Diyos at hindi kumain mula sa punong ipinagbabawal at hindi magbigay daan sa kasalanan. Ngayon ang pakikinig muli sa Diyos ay nangangahulugan ng pagtanggap na ang tanging daan (pinto Juan 10:9) sa Diyos ay sa pamamagitan ng pagtanggap na si Hesukristo ang namatay para sa iyong mga kasalanan sa Krus ng Golgota.
HINDI ba nakikinig ang tao sa Diyos, kung gayon tulad sa hardin, dapat tanggapin ng tao ang kahihinatnan at ang kaparusahan sanhi ng kasalanan (ang pangalawang kamatayan: lawa ng apoy).
Nasa iyo ang pagpipili; maging ikaw ay para sa Diyos o laban sa Diyos, wala nang ibang pagpipilian!!!
Ito ay nasa iyo. Ano ang gagawin mo? Tatalikod ka ba sa Diyos, tinatanggihan ang Kanyang pag-iral at tanggihan na Siya ang Maylikha, at halip ay maniwala sa teorya ng ebolusyon? O, inaamin mo ba na ikaw ay makasalanan at kinikilala mo ba na mayroong Diyos at tinatanggap mo si Hesukristo bilang iyong sariling Tagapagligtas???
Juan 10:9 Kopyahin ang teksto ng Juan 10:9 mula sa iyong Bibliya
|
Genesis 1:1-2:7 Simula ng Paglikha
Genesis 2: Paglikha ng tao
Talata 1-6 Sa ikapitong araw nagpahinga ang Diyos. Napagod ba ang Diyos sa paglilikha? Mahirap yoong isipin dahil alam natin na ang Diyos ay walang hangganan. Ang Kanyang gawain, o ang Kanilang gawain, ang gawain ng Diyos Ama, ng Diyos Anak na si Hesukristo, at ng Diyos Espiritu Santo ay walang hangganan at ito ay nangyari sa nakaraan at magpapatuloy magpakailanman. Ngunit pagkatapos ng anim na araw ang paglilikha ng bagong buhay sa mundo, ito'y nakumpleto. Ang ikapitong araw ay tinawag sa Sabbath, isang araw ng pahinga.
Talata 7 Sa ikaanim na araw nilikha ng Diyos ang taong si Adan at hinipan ang Kanyang hininga sa ilong ng tao. Dito namumukod tangi ang tao sa iba pang mga nilikha. Ang tao ay naging isang buhay na nilalang, isang trinidad ng katawan, kaluluwa at espiritu na may talino upang gumawa ng mga desisyon at pumili.
Talata 8 Nilikha ng Diyos ang isang Halamanan ng Eden, sa Silangan. Kung saan ang lugar na ito dati ay maraming haka-haka. Sa Silangan ay maaaring nagpapahiwatig sa Silangan ng Ilog Euphrates. Ngunit ito ay haka-haka, dahil sa pagkahulog sa kasalanan ni Adan, sina Adan at Eba ay pinalayas sila sa paraiso, ang hardin ng Eden, at ang daan patungo sa Eden ay binabantayan ng kerubin (3:23-24).
Talata 9 Nilalang ng Diyos ang mga buhay na hayop, gaya ng mga ibon. Ilang pares sa bawat isa ay hindi sinabi ng Bibliya. Bago ang baha, ipinadala ng Diyos ang lahat ng hayop ng pares (isang lalaki at isang babae), maliban sa malinis na hayop na pito sa bawat pares. Hindi ipinaalam ng Bibliya kung iyan ay nangangahulugan na ang Diyos ay lumikha ng isang pares kada hayop upang magpaparami. Ngunit ang sikat na palaisipan kung ano nauna, ang Manok o ang Itlog ay may kasagutan ang Bibliya: ang Manok ang una at pagkatapos ay ang Itlog.
Sa hardin ay maraming iba't ibang mga prutasang puno, gayundin ang puno ng buhay (buhay na walang hanggan) at ang puno ng kaalaman ng mabuti at masama. Pinahintulutan sina Adan at Eba na kumain ng lahat sa prutasang puno. Gayunpaman, nais ng Diyos na kilalanin at sundin ang Kanyang kalooban bilang Maylikha. Siya ang kanilang Panginoon kaya pinagbawalan Niya silang kumain ng bunga ng puno ng mabuti at masama. Katulad din ngayon, ang tao ay may layang mamili; kilalanin ang Diyos na Lumikha at kusang-loob na sumunod sa mga utos Niya at malayang piliin ang Diyos o piliin si satanas. Ang ating pagpili ay may kaakibat na kahihinatnan (Langit o Lawang Apoy).
Talata 10-14 Sa Eden ay may isang ilog patungo sa hardin upang diligan ito. Gayundin sa Bagong Lupa ay magkakaroon ng ilog ng Tubig ng Buhay (Pahayag 22:1-2), sa gayon ay maibabalik ang nawala noong Pagkahulog.
Ang mga ilog ng Pishon at Gihon ay wala tayong alam. Gayundin hindi natin alam kung nasaan ang mga bansang Havila at Cush (talata 13). Ngunit dahil ang mga ilog at bansang ito ay nagmula sa hardin ng Eden at alam natin ang kasalukuyang lokasyon ng Tigris at Euphrates, maaaring tumukoy ang Gihon sa Nilo, dahil ang lupang pangako kay Abraham ay umaabot mula sa Nilo hanggang sa Eufrates.
Talata 15-17 Binibigyan ng Diyos ang tao ng ganap na kalayaan na may isang utos lamang. Ang tao ay dapat maghari sa buong mundo, kabilang ang mga puno, pananim at hayop. Anong pananagutan! Gayunpaman mula sa 1 puno hindi sila pinapayagang kumain. Bakit naman nila kakanin yun kung lubos at sagana ang binigay ng Diyos? Ito ay isang pagsubok kung kikilalanin nila ang Dakilang Maylikha at susunod sa Kanya. Kaya kung kumain sila ng ipinagbabawal na bunga, binalaan sila ng Diyos na tiyak na sila'y mamamatay. Hindi sinabi ng Diyos na sila ay mamamatay kaagad, kahit na pagkatapos kumain ng prutas ay nawalay sila sa Diyos, espirituwal na agad na namatay sila dahil ang espiritu (ang Banal na Espiritu) ay inalis. Ang pisikal na kamatayan nila ay sumunod sa kalaunan.
Talata 18 Gaano katagal nabuhay si Adan na mag-isa, hindi sinasabi ng Bibliya. Maaaring nakita ni Adan ang mga hayop at ibon na dumarami ng dumarami. Posible na nakaramdam siya ng kalungkutan. Nakita ng Diyos na hindi mabuti para kay Adan na mag-isa at lumikha Siya ng katuwang (helper).
Ang pagiging binata or dalaga ay hindi mabuti, maliban na lang kung tinawag ng Diyos ang lalaki o babae na huwag mag-asawa, at ingatan siya mula sa sekswal na pagnanasa. Ang pagkasoltero ay isang panlilinlang ni satanas. Maraming tao ang nag-iisip na ang hindi pag-aasawa (pananatiling walang asawa) ay humahantong sa mga benepisyo sa pag-iwas sa kasal. Ang Simbahang Katoliko at ang pagiging soltero ng kanilang mga pari ay isang maling halimbawa. Ipinagkaloob ng Diyos ang kasal ng isanglalaki at isang babae. Alam ng Diyos ang kalungkutan na maging mag-isa kaya nilikha NIYA ang kasal. Ang hindi pag-aasawa ay isang panlilinlang ni satanas kaya may mga lumalabas bakla, pedophilia, panggagahasa, pornograpiya, atbp. sa mga paring Katoliko. Itinayo ng Diyos ang kasal sa pagitan ng isang lalaki at isang babae upang magparami, upang magkaroon ng mga anak. Kung ang lahat ay mananatiling walang asawa, ang plano ni satanas ay magtatagumpay at hindi ang plano ng Diyos na paramihin ang lahi ng tao. Iyan ang nais ni satanas.
Talata 19-20 Nilikha ng Diyos mula sa lupa ang bawat hayop sa parang at bawat ibon sa himpapawid. Paano, walang ideya. Ngunit ang teorya ng ebolusyon ay imposible, na mula sa isang sangkap ay maaaring mag-umpisa ang iba't ibang mga nilalang. Ang sangkap na iyon ay walang kaalaman upang lumikha ng mga kumplikadong istruktura. Para sa pagdisenyo ng isang eroplano kailangan ng maraming mga inhinyero. Ang isang solong inhinyero ay hindi kayang magdisenyo. Para sa paglikha ng mga isda, hayop, ibon at tao, kailangan ng isang napakatalinong Manlilikha, ito ay ang Diyos.
Ang Diyos mismo ang umakay sa mga hayop at ibon kay Adan, paisa-isa para mabigyan sila ng pangalan ni Adan. Iyon ay maaaring mangahulugan na ito ay tumagal ng mahabang panahon at si Adan ay maaaring mahabang panahon na nag-iisa. Sa pag-aakalang hindi sila nakakausap ni Adan, kung gayon kaunaunawa ang kalungkutan ni Adan.
Talata 21-22 Ang Diyos ay pumunta upang lumikha ng katulong para kay Adan. Nilikha ng Diyos ang lahat mula sa lupa, ngunit ngayon ang katuwang ni Adan ay bubuoin mula sa kanya mismo. Isang mahalagang pagkakaiba! Ang babae ay binuo mula sa lalaki. Kinuha ng Diyos ang isang tadyang mula sa lalaki, isang masakit kayang operasyon? Kung saan kinailangang patulugin siya ng mahimbing. Kung paano nalaman ni Adan na ang babae ay nabuo mula sa kanyang tadyang, hindi sinasabi ng Bibliya. Posibleng sinabi ito ng Diyos kay Adan, o dati ay binilang ni Adan ang kanyang mga tadyang at ngayon ay kulang ng isang tadyang sa parte na sinarhan ng laman. Ginagawa nitong ISA ang lalaki at babae. Ang babae ay bahagi ng lalaki. Ngunit una ay ang Diyos at pagkatapos si Adan, na may utang na loob sa Diyos. Sa tao, nauna si Adan at pagkatapos si Eba na may pagkautang na pagsunod kay Adan dahil siya ay ibinigay ng Diyos kay Adan bilang kanyang katuwang. Obserbahan ang relasyon ng isa-sa-isa. Isang lalaki na may isang babae, halatang hindi isang lalaki na may maraming babae. Posible rin ang Diyos na lumikha ng ilang babae para kay Adan ngunit alam ng Diyos na ang isa sa isang relasyon lamang ang pinakamahusay at tugma. Ang mga epekto ng maraming asawa ang isang lalaki ay makikita sa buhay nina Jacob, Haring David at Haring Solomon. Ito ay humantong sa pagkamatay ng parehong mga hari. Nangalunya si David at labis siyang pinag-usig. Pagkamatay naman ni Solomon, nahati ang kaharian ng Israel.
Talata 23 Ang Diyos ay ang Trinidad. Ang Ama, ang Anak at ang Espiritu Santo ay Iisa. Ang lalaki at babae ay isang imahe ng pagkakaisa na ito. Ang Trinidad ay iisa sa Kanilang pag-iisip ngunit tatlong Persona. Ang mag-asawa ay dapat na isa sa pag-iisip. Ito ay makikita sa susunod na talata.
Talata 24 Napakababa ng kaisipan ng marami tungkol sa pag-aasawa. Gayunpaman, napakalinaw ng Bibliya sa talatang ito. Ngunit napakababaw ng unawa sa talatang ito at ang simbahan ay halos hindi nagbibigay ng paliwanag kung ano ang ibig sabihin ng nito. Mula sa nabanggit na, malinaw ang pagkakaisa ng lalaki at babae. Upang makapasok sa kasal, kailangan ang kasarinlan ng KAPWA, lalaki at babae,. Sinasabi ng talatang ito na pareho nilang iiwan ang kanilang mga ama at mga ina na nangangahulugan ng ganap na pagpaparaya ng mga magulang:
- May kakayahang gumawa ng mga independiyenteng desisyon
- Magkaisa sa pag-iisip at pagplano sa hinaharap
- Manalangin nang sabay, nagkakaisa sa espirituwal na pag-iisip at pagpapaliwanag sa Bibliya
- Nagkakaisa kung paano maglingkod sa Panginoon
- Paglisan sa tahanan ng magulang at mamuhay nang nakapag-iisa
- May kakayahang mag-isa sa pananalapi upang mapangalagaan ang iyong sariling pamilya
- Nagagawa ang gawaing sa tahanan nang nakapag-iisa: pagkain, paglalaba, pagluluto at paglilinis ng bahay, atbp.
- May kakayahang na pangalagaan ang iyong mga anak
Tingnan din Ang pagpili ng iyong magiging partner.
Kapag ang lahat ng mga kundisyong ito ay natugunan at mayroong espirituwal na pagkakaisa, saka lamang dapat isunod ang kasal. At pagkatapos ay ang unang pakikipagtalik (nakakapit sa kanyang asawa at sila ay naging isang laman), HINDI bago ng kasal. Pag-isipang mabuti ang sinabi ni Apostol Pablo sa 1 Corinto 6:16:
Hindi ba ninyo alam na nagiging isa ang katawan ng bayarang babae at ng nakikipagtalik sa kanya? Sapagkat sinasabi sa kasulatan, “Ang dalawa'y magiging isa.”
Sa madaling salita, nangangahulugan ito na kapag ang isang lalaki at isang babae ay nagtalik, SIMULA sa sandaling iyon sila ay MAG-ASAWA na!
Talata 25 Si Adan at Eba ay hubad noon ng walang kahihiyan. Dahil lamang sa Pagkahulog ang seksuwal na pagnanasa ay dumating sa mundo, maging ang sekswal na pagnanais at ang kahihiyang makita ng hubad.
Genesis 3: Ang Pagkahulog
Talata 1 Ang ahas ay ang pinaka tusong hayop sa lahat ng mga hayop. Kung ito ang dahilan kung bakit pinili ni satanas ang hayop na ito para akitin si Eba, ang babae, wala akong ideya. Sino si satanas (Lucifer)? Ayon sa Ezekiel 28:5-9 isang kerubin (anghel) na nagnasa na maging kapantay ng Diyos. Sa Isaias 14:9-15 tinawag siyang ang Bituing Araw, anak ni bukang-liwayway, na naghangad ng kanyang trono sa itaas ng mga bituin ng Diyos, katumbas ng Kataas-taasan. Siya ang tinukoy na umaawit ng mga papuri sa Diyos, ngunit naghimagsik laban sa Kanya kasama ng ikatlong bahagi ng mga anghel. Ang mga anghel na ito ngayon ay ang mga nahulog na anghel (mga demonyo). Si satanas (na tinatawag din na diyablo) ay nagnais na maging kapantay o higit pa sa Diyos na Lumikha sa kanya. Matapos ang kanyang pagbagsak, si satanas ay pinalayas sa Langit, ngunit sa Job 2 mababasa natin na mayroon pa rin siyang daan sa Langit at nag-aakusa sa mga tao. Ang kanyang kasalukuyang layunin ay ang pagkawasak ng nilikha ng Diyos lalong-lalo na ang tao.
Kailangan ni satanas ng katawan (hayop o tao) para magawang magpakita siya sa mga tao. Sa likas na katangian, ang tao ay hindi nakakakita ng mga anghel maliban kung pahintulutan ito ng Diyos. Dito ang katawan ng ahas ang pinili ni satanas upang ihayag ang kanyang sarili sa babaeng si Eba. Sa mga imahe ay madalas nating makita ang ahas sa isang puno dahil iniisip natin ang ahas pagkatapos ng talata 14, kung saan sinumpa siya ng Diyos at mula noon ay pagapang siya kikilos. Maaaring may magtanong, nangangahulugan ba ito na ang ahas ay hindi dati pagapang kumilos at nakakapaglakad (mag-isip ng isang satyr)? Nahanap mo ba ang salaysay ng pag-uusap ni Eba at satanas na tila naglalakad sila sa hardin ng Eden? Hindi malinaw ang Bibliya dito, pero tingnan ang aking huling konklusyon sa dulo ng kabanatang ito.
Hindi lamang ang ahas ang tuso, si satanas ay mas tuso. Nagtanong siya kay Eba: kung hindi siya maaaring kumain ng anumang bunga ng puno sa hardin? Isa itong bukas na patibong. Alam na alam ng dalawa na ang tao ay pinahihintulutang kumain ng lahat ng puno, maliban sa 1. Sina Adan at Eba ay kumakain araw-araw ng kahit anong bunga sa hardin, maliban lang doon. Ngunit ito ay isang paraan upang simulang makipag-usap at dalhin ito sa isang direksyon. Gaano kadalas nahuhulog sa ganitong bitag ang hindi mananampalataya?
Talata 2-3 Ang babae ay nagbibigay ng 100% na tamang sagot. Sinasabi niya nang eksakto kung ano ang sinabi ng Diyos sa kanya. Makikita natin ang kaparehong mga tukso na ginamit ng tatlong beses kay Hesus, gayunpaman may malaking pagkakaiba. Ang tiyan ni Eba ay busog ng ani ng hardin pero si Hesus walang laman ang tiyan makatapos ang 40 araw at gabing pag-aayuno, natural na Siya ay gutom. Tama rin ang pagsipi ni satanas sa Bibliya kay Jesus, ngunit hindi nahulog si Hesus sa tukso dahil alam Niyang ginamit na patibong. Gaano kadalas ang mga hindi mananampalataya ay nalilinlang ni satanas (at mga huwad na iskolar ng Bibliya at mga siyentipiko) dahil sa kanilang kakulangan ng kaalaman at pag-aasa nila sa mga paliwanag ng iba?
.Maging 100% na tunay sa iyong sagot dahil kung ikaw ay medyo nalilihis, nagbibigay ka ng bukas na pinto kay satanas kung saan puwede siyang agarang makapanlinlang.
Talata 4 Sumagot si satanas ng isang siguradong kasinungalingan: tiyak na hindi ka mamamatay. Isang 100% kasinungalingan. Alam na alam ni satanas na ang tao ay mamamatay. Isang agarang pagwawalay ng tao sa Diyos. Isang agarang pag-alis ng espiritu (Banal na Espiritu) ng tao kung saan siya maaaring makipag-usap sa Diyos. Gayunpaman, hindi alam ni satanas na ang Diyos sa Kanyang kaalaman ng lahat ng bagay, ay mayroon nang planong pagliligtas. Inakala ni satanas na pisikal na mamamatay ang tao, iyon ang layunin niya, ang pagkawasak ng ganap ng nilikha ng Diyos!
Talata 5 Narito ang tukso at ang karugtong ng kasinungalingan: kayo ay magiging katulad ng Diyos. Iyon ang gusto ni satanas, gusto niyang maging Diyos.
Oo, ang tao ay magiging katulad ng Diyos, alam ang pagkakaiba ng tama at mali. Kailangang magpasya araw-araw upang gawin ang tama at iwasan ang kasamaan. Sa Paraiso ang tao ay nagkaroon ng madaling buhay hanggang sa punto nang kinain nila ang ipinagbabawal na prutas. Ngayon ang tao ay araw-araw na nakalantad sa kasamaan, kahirapan, sakit at paghihirap, at patuloy na piliing labanan ang kasamaan.
Hindi, ang tao ay hindi naging kapantay ng Diyos. Ang Diyos ay Diyos, Siya'y nag-iisa. Hindi kailanman magiging kapantay ng isang tao o isang anghel ang Diyos na Lumikha ng lahat. Ang Diyos lamang ang Pinaka-makapangyarihan. Isang pagmamalaki na isipin na maging kapantay ng Diyos.
Talata 6 Bakit pinili ni satanas ang babae at hindi ang lalaki, walang nabanggit dito ang Bibliya. Posible kayang dahil ang babae ay hinirang bilang katulong ng lalaking si Adam at hindi siya kuntento sa kanyang posisyon?
Nagkamali ang babae. Malinaw na sinabi ng Diyos na sila ay mamamatay pagkatapos kumain ng ipinagbabawal na prutas. Lumalabas na mas binigyang halaga ang salita ng isang hayop (ahas) kaysa sa salita ng Diyos. Pag-isipang mabuti na sina Adan at Eba ay hinirang na mamahala sa mga puno, halaman, hayop at ibon. Mas nakatataas sila sa lahat ng mga ito, sila ang tagpamahala at panginoon na sumasakop sa kanila. Umalis si Eba sa posisyong ito at ngayon ay nakikinig sa isang nilalang na siyang dapat pinamamahalaan niya. Kailangang alertuhan si Eba, dahil narito ang isang pambihirang hayop, isang hayop na nakikipag-usap sa kanya. Hindi naman nabanggit sa mga nakaraang kabanata na may kakayahang makipag-usap sina Adan at Eba sa mga hayop. Ngayon ay may dumating na isang hayop (serpiyente) na nakikipag-usap sa kanya, isang pambihirang sitwasyon!
Sa mga pambihirang sitwasyon, gumamit ang Diyos ng hayop para makipag-usap sa tao, mayroong asno na nakikipag-usap sa suwail na propetang si Balaam. Huwag hayaan ng isang Kristiyano na malinlang na gumagamit ang Diyos ng hayop upang makipag-usap sa mananampalataya. Sa mananampalataya ay ipinagkaloob ay ang Banal na Espiritu. Ang propesiya na sinasalita ng isang mananampalataya ay kailangang 100% alinsunod sa Bibliya. At kinumpirma ng Banal na Espiritu at lahat ng mga propesiya ng mga propeta na ang lahat ng ito ay dapat matupad 100%. Hindi puwedeng bahagya lamang kundi ito ay magiging maling propesiya! Dapat suriin ng tao ang Bibliya mismo at huwag magtiwala sa paliwanag ng iba (mga mangangaral, propeta, internet, komento). Ito ay iyong responsibilidad!
Binigyan ng babae ng oportunidad ang hindi kilalang hayop na nagsasalita. Dumating sila na naglalakad sa puno ng mabuti at ng masama? Siya'y nakatayo sa tabi ng puno at ang kanyang mga pagnanasa ay nagsimula nang maramdaman. Nais niyang magkaroon ng kaalaman. Hindi sapat na nilikha siya ayon sa larawan ng Diyos, gusto niyang maging kapantay ng Diyos. Nakakalungkot makitang naglaho ang pananalig niya sa kanyang Diyos, ang kanyang Maylikha. Mas may tiwala siya sa isang hindi kilalang nilalang kaysa sa kanyang Diyos na kasama niya araw-araw. Ang pinagmulan ng lahat ng kasamaan ay hindi paniniwala at walang pagtitiwala sa Diyos.
Gaano kadalas natin gustong magkaroon ng mas maraming kaalaman na di makakabuti sa tao. Kabilang sa iba pang mga bagay, ang pag-eksperimento sa droga kahit na ang droga ay nakalululong. Naglalaan ng mga proyekto ng bilyun-bilyong dolyares upang matuklasan ang buhay sa ibang mga planeta habang ang kalawakan ay bilyun-bilyong light years ang laki. Nais ng tao na tanggihan ang pagkakaroon ng Diyos at ipaliwanag ang paglitaw ng buhay mismo. Katawa-tawa ang paniwalang ang isang solong selula ay nakagawa ng isang kumplikadong nagsasalitang tao. Walang doktor o espesyalista ang may kaalaman sa kumpletong katawan ng tao. Kaya nga para sa bawat partikular na bahagi ng katawan ay iba't ibang espesyalista ang kailangan dahil ang tao ay masyadong kumplikado.
Pumunta ba si Eba kay Adan, o hinahanap ba ni Adan si Eba? Dito ay direktang nakikita na natin ang panganib kung ang yunit ng lalaki't babae ay nadiskonekta. Nag-iisa ba si Adan na nagtatrabaho sa bukid? Hindi na ginagampanan ni Eba ang kanyang tungkulin bilang katulong ng kanyang asawa? Mag-isa siyang naging biktima ng tukso.
Ibinigay niya ang ipinagbabawal na prutas sa kanyang asawa at kinain niya ito. Oo, kumain siya. Siya ay HINDI natukso. Siya ay mayroong KAMALAYAN sa pagpili: kumain o hindi, piliin na makiisa sa kanyang asawa o manatiling tapat sa Diyos at manatiling masunurin sa kanyang Maylalang na Diyos. Ngunit may kamalayan siyang pumili, MALI ang kanyang pinili laban sa Diyos at pumanig sa kanyang asawa. Ginawa ba niya ito upang gampanan ang isang tungkulin para makapag-usap sa kanyang asawa 24 oras isang araw sapagkat hindi na niya nais na mag-isa? Dahil ba binibisita lang siya ng Diyos (isang beses) bawat araw para makipag-usap sa kanya? Hindi natin alam ang motibo ni Adan, ngunit maging aral ito sa tao. Sa pamamagitan nitong KAMALAYANG pagpili ng tao, SA PAMAMAGITAN DIN NG TAO ang kasalanan ay dumating sa mundo. Dahil sa binhi ng sinaunang tao, ang kasalanan ay nagpapatuloy sa kanyang mga anak. Ito ang dahilan kung bakit ang birheng Maria (nang walang pakikipagtalik sa isang lalaki) ay pinabunga ng Banal na Espiritu (binhi na walang kasalanan) at si Hesus ay ipinanganak na walang kasalanan. Ang babae ang naligaw, ang lalaki ay hindi.
Talata 7 Nang nabuksan ang kanilang mga mata, agad nilang nalaman ang pagkakaiba ng tama at mali. Batid nila ang kanilang kahubaran. At ngayon ang mga unang tao ay kaagad kumilos, pilit nilang itinatago ang kanilang kahubaran. Paano? Kinailangan nilang gawan ng paraan gamit ang SARILI nilang kakayahan. Gumamit sila ng mga dahon. Ang mga dahon na pagkatapos tahiin ay nalalanta't namamatay kaya't sumalaon nawawala ang kanilang saplot. Kaya walang hinto ang paggawa ng paraan para patuloy na takpan ang kanilang kahubaran. HINDI kaya ng tao gumawa ng panghabang-panahong solusyon sa pagkawalay ng Diyos at ng tao. Ang SOLUSYON ay naganap sa unang pagkakataon sa talata 21 ngunit ang pangwakasang solusyon ay sa pamamagitan ng kamatayan at muling pagkabuhay ng Anak ng Diyos na si Hesukristo.
Ang tao ay hindi naging kapantay ng Diyos. Sa kanyang kahangalan ay gumagawa siya ng panakip ng mga dahong nalalanta. Hindi nakuha ng tao ang Omniscient na kaalaman ng Diyos!
Talata 8 Alam ng Diyos ang oras kung kailan kumain sina Adan at Eba ng prutas. Ngunit hindi kaagad kumilos ang Diyos, hindi agad pinuntahan at pinarusahan sila. Naghintay siya hanggang gabi. Sa ngayon naghihintay din ang Diyos na parusahan ang tao para sa kanyang kasalanan. Ang tao ay maaaring may maikli o mahabang buhay, ang oras upang matuto tungkol sa Diyos, upang bumili ng Bibliya, makilala ang Diyos, maintindihan na siya ay isang makasalanan at ang tanging paraan tungo sa kaligtasan at pakikipagkasundo sa Diyos ay sa pamamagitan ng Anak Niyang si Hesukristo. Hinahayaan ng Diyos na makilala Siya sa pamamagitan ng kalikasan. Ang sansinukob at ang buhay ay masyadong kumplikado upang tanggihan na mayroong Diyos. Sa pagiging madali ng pagkakasulat sa Genesis 1 hanggang 3, puwedeng malaman ng bawat tao na ang Diyos ay Siyang Maylalang at tayo'y mga makasalanan at hindi natin kayang iligtas ang ating mga sarili. Ang kamatayan ay ANG EBIDENSYA ng kasaysayan ng paglikha at kasalanan. Kung walang nilikha, wala ring kasalanan. Ang pagtanggi sa paglikha, ay pagtanggi ang tao'y makasalanan!
Nangako si satanas na maging kapantay ng Diyos, ngunit salungat, ang tao ay naging takot at itinago ang kanyang sarili sa Diyos na Maylikha. Kahit ang tunog ng Diyos sa hardin ay nagdala sa kanila ng takot. Noong dati ay lumakad sila kasama ng Diyos sa hardin at nakipag-usap sa Kanya. Ngayon takot na sila. Kaya sa ating panahon, ayaw na ng tao makipag-ugnayan sa Diyos dahil sa takot kung ano ang puwedeng gawin ng Diyos sa kanya. Isang hangal ang pagtanggi at magtago sa katotohanan.
Ang tao noon ay namuhay sa isang marangyang hardin kung saan siya ay makakain nang sagana kahit hindi nagpapagal. Ngayong nahulog, ginamit ng tao ang parehong mga puno (mga dahon nito) upang magtago. Tama ngang tawaging Pagkahulog!
Talata 9 Tinatawag ng Diyos ang tao: Nasaan ka? Para bang hindi alam ng Diyos ang nangyari at kung nasaan sila. Ngunit binigyan ng Diyos sina Adan at Eba (lalaki at babae) ng pagkakataon na lumapit Kanya. Binuksan niya ang pinto para sa kanila. Kaya ang pintuan ng Diyos ay bukas sa bawat tao. Ang bawat tao, gaano man dami ng pagkakasala, ay maaaring lumapit sa Diyos. Kaya hinihikayat ng Diyos ang taong LUMAPIT SA KANYA! Ito ang dapat tugon ng tao!
Talata 10 Pumunta ang lalaki sa Diyos at sumagot, Natakot ako nang marinig ko ang iyong tunog sa hardin. Ang tao ay natakot sa kanyang Maylikha na noong una (mga araw, buwan, marahil taon) ay malayang niyang nakakaulayaw. Hindi sinasabi ng Bibliya kung gaano katagal pinag-handaan ni satanas ang kanyang planong pang-aakit. Ikaw ba, bilang tao, ay may lakas ng loob na aminin na ikaw ay makasalanan at humingi ng tulong sa Diyos upang makalapit sa Kanya?
Talata 11 Nagtatanong ang Diyos bagama't alam Niya ang sagot, ang tao ay may pananagutan sa kanyang Maylalang. Ang unang tanong ay: Sino ang nagsabi sa iyo na ikaw ay hubad? Ang ikalawang tanong ay: Kumain ka ba ng bunga ng punong iniutos kong huwag mong kainin?
Talata 12 Tingnan kung gaano ka-arogante at kaduwagan ang tao at nagdaragdag ito sa kanyang sala: Ang Diyos ay naghintay hanggang gabi, si Adan ay binigyan ng panahon upang bumalangkas ng kanyang sagot at aminin ang kanyang pagkakasala. Kaya, ang tao ay binigyan ng panahon upang isipin ang kanyang buhay at magkaroon ng kamalayan na siya'y makasalanan.
Ibinaling ng lalaki ang sisi sa Diyos. Ngunit MALINAW na binalaan ng Diyos si Adan nang maaga, kapag kumain ka ng prutas na iyon, ika'y mamamatay. Siya ay binigyan layang pumili sa pagitan ng Diyos at ng kanyang asawa. Si Adan ay maaaring pumanig sa Diyos, sundin Siya at HINDI kumain ng bunga. Hindi sana siya nakinig sa kanyang asawa at kumakain ng prutas. Ang Diyos ay hindi dapat sisihin dito. Nakita Niya ang kalungkutan ni Adan at tinugunan ang pagnanais niyang magkaroon ng isang kasama.
Ang kanyang pagamin sa kasalanan ay dalawa: Sa Diyos na nagbigay sa kanya ng asawa, at sa kanyang asawa: ang kanyang asawa ang nagbigay sa kanya ng bunga. Oo, maaaring makipagtalo kung paano malalaman ni Adan na iyon ang ipinagbabawal na prutas? Sa tingin ko maaari nating ipagpalagay na ang prutas na ito ay natatangi ang hugis mula sa lahat ng mga prutas at malinaw ang pagkakaiba. Ang mga mansanas, dalandan, pinya, peras, atbp. ay may sariling amoy at hugis! Kaya't si Adan ay malinaw na nagpasya ng may kamalayan.
Talata 13 Pakitandaan! Ang Diyos ay hindi nakipagtalo kay Adan. Ang Diyos ay matiyaga at kinausap ang babae at tinanong. Itinuro ng babae ang ahas at umamin na bahagyang kasalanan niya; natukso ako. Sa aking padalos-dalos ako'y nalinlang kaya ako kumain. Ngunit huwag nating kalimutan ang sitwasyon. Ang ahas ay nilalang din ng Diyos, ngunit hindi karaniwan na ang ahas ay nagsasalita. Dapat pinanindigan ni Eba na siya'y binigyang pamamahala sa mundo at nabigyan din sila ng babala. Maaari mong sabihin na si Eba ay walang pag-unawa ng mabuti at masama, gayunpaman, binigyan ng Diyos ang mga tao ng kakayahang pumili.
Talata 14 Ang Diyos ngayon ay nakatuon sa ahas, alam Niya na sa likod ng lahat ng ito ay si satanas. Ang ahas ay tinanggal ng kakayahang lumakad (2 o 4 na talampakan) at mula noon ay gagapang gamit ang tiyan. Ang tanong ay bakit? May kakayahan bang tumanggi ang isang hayop na magpagamit kay satanas? Sa tingin ko, nakasaad na ang ahas ang pinaka-tuso sa mga hayop. Nagpapahiwatig iyan ng katalinuhan!
Talata 15 Ang Diyos ay humahatol at nangangako. Poot sa pagitan mo at ng babae, sa pagitan ng iyong binhi at ng kanyang binhi. Ang binhi ng babae ay ang lahat ng mga anak na ipinanganak mula sa kanya, ang buong sangkatauhan. Ang iyong (satanas) binhi: ang mga nahulog na anghel ngunit pati na rin ang sinumang pumili kumalaban sa Diyos. Ang sinumang AYAW na kilalanin na siya ay isang makasalanan, ang bawat isa na tumatanggi mayroong Diyos na lumikha, ang kanyang Tagapaglikha. Ito ang dudurog ng iyong ulo: mula sa binhi ni Eba ay ipanganganak ang Anak ng Diyos, si Hesukristo. Tutuklawin mo ang kanyang sakong: si Hesukristo ay ipinagkanulo ni Hudas pagkatapos na pumasok si satanas sa kanya na humantong sa pagkamatay ni Hesus sa krus. Gayunpaman ay dinurog ni Kristo ang ulo (ng ahas) at nabuhay Siya mula sa mga patay at umakyat sa Langit, kung saan Siya ngayon ay nakaupo sa kanang kamay ng Diyos.
Talata 16 Pinarusahan ang manlilinlang at ang siyang dahilan ng pagkahulog. Gayunpaman ang mga tao ay hindi ligtas sa kahihinatnan, gumawa sila ng sala ng kusang-loob. Ngayon tinuon ng Diyos sa babae ang hatol. Siya ay nagpaakit at ang kanyang kaparusahan ay:
- Ang kasamang kirot sa panganganak.
- Ang kanyang pagnanais ay para sa kanyang asawa.
- Ang lalaki ang mamamahala sa kanya.
Ang babaeng hindi nagpapasakop sa parusang ito ng may katapatan ay maaaring umasa lamang ng kaunting pagpapala sa kanyang buhay at kasal. Ito ay, pagkatapos ng lahat, isang pagpapasakop sa paghatol ng Diyos. Itinuturing ng lalaki, gayunpaman, na si Hesukristo ang kanyang pinuno at ayon kay Pedro ay nakasaad na dapat ibigin ng lalaki ang kanyang asawa.
Talata 17-18 Ngayon ang Diyos ay tumuon sa lalaki, ang nagkasala, na siyang may laya sa pagpili. Pinagalitan siya ng Diyos dahil nakinig siya sa kanyang asawa. Maging aral ito. Sa pangangasiwa ng katarungan ng Diyos (pagkatapos ng kamatayan) ang tao ay mananagot sa kung kanino siya nakinig. Hindi puwedeng gamiting palusot na nilinlang o inakit ka ng iba. Nakaatang sa bawat tao ang kanyang sariling responsibilidad. Tiyak na sa ating panahon, may iba't ibang mga mapagkukunan impormasyon, ngunit nandyan ang Banal na Espiritu upang tanungin at akayin tayo sa katotohanan!
Ang buong nilikha ay nasangkot sa sumpa, ang paraiso ng hardin ay wala na. Ang kamatayan ay ipinatupad: ang sakit at kapinsalaan ay pumapasok sa mundo. Pumapasok din sa mundo ang mga tinik, dawag, damo, lamok, peste. Kung walang pagpapagal, ang lupa ay hindi maghahatid ng ani. Ang taggutom at kawalan ng ulan ay nangyayari. Ang lahat ng ito ay hindi kasalanan ng Diyos. Nagbabala ang Diyos: kung kakain ka ng bunga ay mamamatay ka. Ngunit bakit hindi kaagad pinatay ng Diyos noon sina Adan at Eba? Wala tayong kaalaman sa lahat ng bagay. Tulad nila Adan at Eba, bawat tao ay mayroong pagkakataong makamit ang buhay na walang hanggan sa Langit habang nabubuhay pa siya sa lupa.
Talata 19 Sa ilalim ng pagpapagal sa paghahasik, pag-aararo at pag-aani, aanihin ng tao ang kanyang pagkain. Ang tao ay mula sa alabok ng lupa, at sa alabok din ay babalik ang tao. Ang mga nilibing sa lupa o pagsusunog ng bangkay, alinman dito magiging alabok. Ngunit sa palagay ko ang pagsusunog ng bangkay ay ipinagbabawal. Ang pagsusunog ng bangkay (o cremation) kasi ay pagsusunog sa apoy na puwedeng ihalintulad sa kaparusahan mula sa Diyos; gaya ng apoy mula sa langit sa Ehipto (Exodo 9:23), Sodoma at Gomorra (Genesis 19:21), Nadab at Abihu (Lev. 10:2), ang paghihimagsik ni Korah (Bil. 16:35), ang nagrereklamong mga Israelita (Bilang 11:1), at iba pang mga halimbawa (Oseas 8:14; Jeremias 17:27; Amos 7:4).
Talata 20 Tinawag ng lalaki ang kanyang asawa sa pangalang Eba.
Talata 21 Marami ang nagbabasa ng mababaw sa tekstong ito, ngunit isa ito sa dalawang pinakamahalagang pangyayari sa Bibliya. Ang batayan para sa pangalawa.
Sa talata 7 ang mag-asawa ay kumuha ng mga dahon upang takpan ang kanilang kahubaran, ehemplo ito ng kaparaanan ng tao upang panakpan ang kanyang kahihiyan! Ang pagiisip ng tao ay kaya niyang solusyonan ito, ngunit ang kalutasan niya'y nauuwi sa bulok.
Malinaw sa talatang ito na hindi katanggap-tanggap sa Diyos ang solusyong ito. Ang mga dahon ay nalalanta at hindi magtatagal. Ang Diyos Mismo ang pumatay ng hayop, pumapatay ng inosenteng hayop sa halip na si Adan at Eba. Halintulad nito ay si Hesus na inosenteng ipinako sa krus at pinatay para sa mga kasalanan ng tao. Ang hayop ay walang sala, si Hesus ay walang sala. Ang kasalanan ng mag-asawa ay inilipat sa hayop, ang kasalanan ng isang mananampalataya ay inilipat kay Hesus sa krus. Kinailangang isuot nina Adan at Eba ang balat ng hayop sa natitirang bahagi ng kanilang buhay. Malamang para sa isa tao, isa ding hayop ang kinatay dahil binabanggit sa Bibliya ay mga damit na gawa sa mga balat ng hayop. Ang balat ng hayop ay tatagal habang buhay, hindi tulad ng isang pansamantalang panakip ng mga dahon na nalalanta. Ang pag-sakripisyo ni Hesus ng Kanyang buhay ay pangisahang alay hindi lamang para sa buhay dito sa mundo kundi para makamit ang buhay na walang hanggan.
Sa natitirang bahagi ng kanilang buhay, laging mababatid nina Adan at Eba ang kanilang malaking pagkakamali (kasalanan) dahil sa inosenteng hayop na kinatay para damitan sila. Kung walang pagbubuhos ng dugo walang kapatawaran ng mga kasalanan, ang Hebreo 9:22 ay natupad dito.
Walang silbi ang paraan ng tao sa pagtatakip ng mga dahon. Kaawa-awa ang sinomang nag-iisip na makakamit niya ang kanyang pagtubos sa pamamagitan ng sariling gawa. Ang kanyang kapalaran sa pagtanggi sa solusyon ng Diyos ay isang walang hanggang pagkawalay sa Diyos sa kabila ng kamatayan.
Talata 22 Ang tao ay naging tulad na ng Diyos (ang Trinidad: Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo). Ngunit hindi talaga katumbas ng Diyos kundi, tulad ng sumpa ng pagkain ng ipinagbabawal na bunga, sila'y meron nang kaalaman ng mabuti at masama. Ang tao ay may simula at namamatay, ang Diyos ay walang hanggan, walang Siyang simula at walang katapusan.
Pinaalis ng Diyos ang tao mula sa hardin ng Eden upang maging imposibleng makakain sila mula sa puno ng buhay. Dahil ang pagkain ng bunga nito ay magiging imposibleng pisikal na mamatay ang tao at sa gayon ay mabubuhay ng walang hanggan sa kasalanan. Dahil ang tao ay hindi nakakain ng prutas na ito, HINDI IBIG SABIHIN na siya walang hanggan (o eternal) bilang isang nilalang. Ang bawat tao ay mananatiling nilalang (exisitng) magpasawalang hanggan kahit PAGKAMATAY. Ang tanong ay saan siya paroroon? Walang hanggang pagkawalay sa Diyos (sa impiyerno), o walang hanggang kasama ng Diyos (sa Langit). Iyan ay nakasalalay sa pagpili ng tao habang nabubuhay siya sa lupa. Ang malayang pagpipili nina Adan at Eba ay pribilehiyo pinagkaloob sa bawat indibidwal, at ito ay kanyang SARILING responsibilidad!
Talata 23-24 Ang tao ay pinalayas sa hardin ng Eden at pinabantayan ito sa kerubin (anghel) at espadang nagniningas upang wala ninumang makapasok.
Panghuling konklusyon ng Genesis 1, 2 at 3
Sinabi ng teologong Pranses at repormador na si John Calvin sa kanyang komentaryo sa aklat ng Genesis na si Moises, na siyang sumulat, ay gumamit ng isang wikang naiintindihan ng kanyang sariling mga tao. Iyan ay hindi nakakagulat. Ang isang guro sa elementarya ay ibang magpapaliwanag sa kanyang mga estudyante kaysa sa isang guro sa mataas na paaralan. Ang isang tekniko ay gagamit ng simpleng wika, nang walang mga teknikal na termino, sa isang pulong ng mga karaniwang tao. Pero sa pagpupulong ng mga kapwa tekniko ay gagamit siya ng mga teknikal na mga salita sa pagtalakay.
Ang tanong ay kung paano natanggap ni Moses ang ganitong impormasyon, hindi natin alam. Ito ay maaaring mula sa maraming taon ng tradisyon mula kay Adan. Si Moises ay lumaki't nakapag-aral sa hukuman ni Faraon, samakatuwid siya'y bihasa sa mga kasulatan. Noong panahong iyon, ang tradisyong pasalita ay napaka-metikuloso na ginagawa ng tumpak na pag-uulit (tulad ng mga eskriba noong panahon ni Hesus). Sa kabilang banda, ang kasaysayan ng paglikha at ang pagkahulog ng tao ay mas malamang natutunan ni Moises (40 araw sa bundok) nang direkta mula sa bibig ng Diyos.
Para sa tao, ang detalye at oras (ang bilang ng mga oras, araw, buwan o anu pa man) ng paglikha ay hindi mahalaga. Ang Genesis 1-3 ay nagtuturo sa atin ng paglikha ng Diyos at ang pagsuway ng tao laban sa Diyos. Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay na perpekto, ngunit pinili ng taong sumalungat sa kalooban ng Diyos at naging makasalanan. Sinasabi rin dito kung paano dumating sa mundo ang paghihirap, sakit at pagpapagal. Malamang na aabutin ng milyun-milyong pahina kung ang paglikha ay isasalarawan nang detalyado. Walang katuturang impormasyon upang alamin kung gaano katagal si Adan nabuhay na mag-isa, o kung gaano katagal ang mag-asawa nanirahan sa paraiso bago ang tinukso ng ahas. Ang mahalagang impormasyon ay naroon na at binunyag na si satanas ay kaaway ng Diyos, at higit dito ang katuruang; kung walang pagdanak ng dugo, walang kapatawaran.
Sa kasalukuyan ay may trilyong dolyar na nasasayang sa paghahanap ng buhay sa kalawakan. Nais ng mundo na tanggihan na mayroong Diyos at patunayan na may mga pagkakataon sa ibang lugar sa ating sandaigdigang makahanap ng buhay. May mga higanteng teleskopyo na sumusuri sa uniberso, bilyun-bilyong light years ang laki at layo, na naghahanap ng buhay sa ibang planeta. Maaaring mas mahusay gamitin ang pera para lutasin ang kaguluhan sa mundo, ang polusyon sa kapaligiran (masamang pamamahala ng tao sa kabila na hinirang ng Diyos bilang katiwala) at taggutom.
Bilang karagdagan, bakit pa naghahanap ng buhay sa ibang lugar, pinipigilan ng Diyos ang patunay nito. Sinasamba ng mga satanista si satanas at mga demonyo, kaya talagang may ibang buhay bukod sa nakikita natin, may mga nahulog na anghel (mga demonyo) at mga (banal na) anghel ng Diyos. Mababasa natin sa Pahayag ang tungkol sa iba pang mga anyo ng buhay (kabilang ang mga kabayong may mga tibo).
Ang Genesis, Lumang Tipan, Bagong Tipan at Pahayag ay ibinigay ng Diyos sa tao, DAHIL kagustuhan ng Diyos na malaman ng tao ang kanyang pinagmulan bilang nilalang at ang kanyang kinabukasan. Ang tao ay makasalanan at kung hindi niya pipiliin ang Diyos sa buhay na ito, pagkatapos ng kanyang kamatayan ang kasunod ay walang hanggang pagkawalay sa Diyos at walang katapusang pagdurusa. Ang pagpili ay nasa tao, maraming makukuhanang impormasyon, mga mali at totoo, na mayroon sa mga tindahan ng libro at sa internet. Maging ang Bibliya at mga komentaryo nito ay libreng makukuha sa internet. Gumagastos ang tao ng daan-daang dolyar para bumili ng telepono (mobile) at suskripsyon; ang telepono ay tumatagal ng 2-3 taon, ang suskripsyon ay kada buwan. Ngunit bakit ang tao ay hindi handang bumili ng Bibliya at mga komentaryo, na mas mura pero ang halagang nakapaloob dito ay walang hanggan. Sana'y mamulat ka dito!
Huwag sana maging hambog at hangal ang tao. Sa Genesis ay inihayag kung ano ang kayang mauunawaan ng tao base sa pinagkaloob sa kanyang kaalaman. Ang magnasa ng higit pa sa pinagkaloob ng Diyos ay hindi kinakailangan, maliban na lang kung nais ng tao tanggihan ang Diyos at ang katotohanan na tayo'y makasalanan.
Genesis 4: Cain at Abel
Talata 1 Si Adan ay nakipagtalik sa kanyang asawang si Eva, at ipinanganak niya si Cain. Ang kabanatang ito ay nagpapakita na si Eba ay dating nang nakipagtalik sa kanyang asawa dahil mula sa talata 14 ay tila ilang tao na ang nabubuhay sa lupa at mula sa talata 17 ay lumalabas na si Cain ay may asawa, kaya't si Eba ay nakapagsilang na ng mga anak na babae. Ang talatang ito ay patungkol sa angkan ni Cain.
Talata 2-5 Kung gaano katagal ipinanganak ang kapatid na si Abel ay hindi na mahalaga. Si Abel ay naging pastol at si Cain ay magsasaka. Pareho silang nag-alay ng handog sa Panginoong Diyos. Walang alinlangan na sa 2:21 naunawaan ni Adan ang kahulugan ng pag-aalay ng inosenteng hayop at kung walang pagdanak ng dugo ay walang kapatawaran ng kasalanan. Tiyak na ipinaliwanag ito ni Adam sa kanyang mga anak. Gayundin, tayo bilang Kristiyanong mga magulang ay nararapat ipaliwanag ang kasalanan at ang kahalagahan ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesukristo sa ating mga anak.
Si Cain ay nagdadala ng isang sakripisyo ng kanyang SARILING gawa! Ang bunga ng lupa. Mula sa sinabi sa kanya ng kanyang mga magulang, tinanggihan ng Diyos ang mga dahon bilang panakip ng kanilang kahubaran - ang kanilang sariling gawa - alam ni Cain noon pa na ito ay hindi nakalulugod sa Diyos. Ang katigasan ng ulo at pagiging kakaiba ni Cain na isipin na ang kanyang sakripisyo ay magiging kalugud-lugod sa Diyos. Ganito rin ang kalagayan ng modernong tao, na iniisip na mapapalugod niya ang Diyos sa kanilang sariling mga gawa. Malinaw na sinabi ng Diyos na kung walang pagdanak ng dugo - ang sakripisyo sa pamamagitan ng kamatayan ng Kanyang Anak na si Hesukristo - WALANG kapatawaran ang maaaring mangyari. Kung ito ay tatanggihan, tulad ni Cain, kailangang akuin ang mga kahihinatnan.
Si Abel, sa kabilang banda, ay masasabing nagdala rin ng hain mula sa kanyang sariling mga gawa: ang mga panganay ng kanyang mga tupa. At dito nagpapatuloy ang pagtuturo mula 2:21: ang pagpatay sa isang inosenteng hayop. Ang pagkilala na ang sarili ay hindi kayang makamit ang kaligtasan at pakikipagkasundo sa Diyos, isang bagay na ipinawalang bahala ni Cain. Ang kinalabasan, ang sakripisyo ni Abel ay tinanggap ng Diyos at ang sakripisyo ni Cain ay tinanggihan. Kaya naman, bakas sa mukha ni Cain ang hindi makatuwirang at labis niyang galit sa Diyos.
Talata 6-7 Ang Panginoong Diyos ay nagsalita kay Cain tungkol sa kanyang pag-uugali: Tama bang madismaya ka't magalit? Hindi ba itinuro sa iyo ng iyong mga magulang ang tungkol sa tamang pag-aalay, hindi ba sinabi sa iyo kung paano ko isakripisyo ang isang inosenteng hayop bilang pagbabayad-sala sa kanilang kasalanan at pinalitan ang kanilang mga dahong panaplot? Nakagawa ka ba ng mabuti sa pagaalay ng bunga ng lupa? Pero kung mali ang ginawa mo, hindi ba ikaw ang may sala kaya tinangihan ko ang alay mo? Alam na alam mo kung bakit ko tinanggihan ang iyong sakripisyo, malinaw na iyon ay hindi katanggap-tanggap! Wala ka talagang dahilan para magalit.
Maging aral ito sa tao. Itinuturo ng Bibliya mula Genesis hanggang Pahayag kung ano ang turing ng Diyos sa kasalanan, HINDI kinukunsinti ng Diyos ang kasalanan. Ang tanging kapatawaran ng kasalanan ay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesukristo bilang Tagapagligtas lamang. Ang pagtanggi ay nangangahulugan ng kaparusahan: halimbawa ay noong ipinatapon ang mga Hudyo mula Israel sa Babilonia, ang mga Hentil na makakaranas ng mga kahihinatnan sa Malaking Kapighatian. At ang bawat isa na nagpapatuloy sa pagtanggi sa kalutasan ng Diyos, ang kaparusahan ay ang Lawang Apoy magpakailanman. Ang Diyos ay Pag-ibig na inihayag ang solusyon ay sa pamamagitan ni Hesukristo. Ngunit ang Diyos ay isang tumutupok na apoy din para doon sa mga tumatanggi sa solusyon Niya! Hindi pinahihintulutan ng Diyos ang kasalanan!
Talata 8 Si Cain ay binalaan ng Diyos at malinaw na sinabi ng Diyos sa kanya kung BAKIT Kanyang tinanggihan ang alay ni Cain. Paano tumugon si Cain; hindi siya man lang nagsisi. Malinaw na ipinaliwanag sa kanya ang dahilan! Di nagbago si Cain at nagpapatuloy sa mas malalang kasalanan; ang walang habag at pinaghandaan sadyang pagpatay sa tao. Inanyayahan niya ang kanyang kapatid na si Abel na pumunta sa bukid upang walang habas na patayin siya; pagpatay na pinaghandaan.
Kapag ang isang tao ay sinasadyang magkasala at nagpapatuloy sa pagkakasala, puwde siyang lumala mula sa masama tungo sa mas masahol pa. Ang mga kriminal na hindi nagsisisi sa bilangguan ay nasasadlak sa mas malaking krimen. Ang pagnanakaw gamit ang armas ay kadalasan nagbigay daan sa pagpatay. Ang pagtanggi sa itinuturo ng Bibliya ay humahantong sa pagdedeklara na 'hindi naman iyon nakasulat sa Bibliya', ay humahantong sa pangangalunya, pakikipagtalik bago kasal, pag-aasawa ng bakla, pedophilia, pagnanakaw, pagpatay, at iba pa.
Talata 9-10 Matapos ang pagpatay sa kanyang kapatid, hinarap ng Diyos si Cain at tinanong siya: Nasaan ang iyong kapatid? Walang duda na tinuro ni Adan sa kanyang mga anak ang tungkol sa kanyang pagkahulog. Kung paano niya tinakpan ang kanyang kahihiyan at itinago ang kanyang pagkakasala. Hindi natutunan ni Cain ang aral na iyon: sa pagnanais na itago ang kanyang kasalanan, ang sagot niya'y: Hindi ko alam. Nagsinungaling siya.
Ang tinig ng dugo ng iyong kapatid ay umiiyak sa akin mula sa lupa. Walang ideya kung paano ipaliwanag ito. Ang buong nilikha ay isinumpa dahil sa kasalanan ni Adan. Posible bang ang sangnilalang ay umiiyak sa Diyos dahil sa isa pang malubhang kasalanan sa sinadyang pagpatay?
Talata 11-12 Ngayon ay isinumpa si Cain. Si Adan ay pinarusahan na magpagal para makakain ng mga bunga ng lupa. Napakahangal ni Cain na inakala niyang mananatili siyang hindi mapaparusahan. Napakatanga ng taong nag-iisip na walang Diyos, na hindi nakikita ng Diyos ang kanyang mga kilos, na maaari siyang gumawa ng mali nang walang parusa at tanggihan ang Bibliya.
Sa unang pagkakataon, maaaring tanggihan ng isang abogado ang krimen ng kanyang kliyente. Ngunit kung may malinaw na ebidensya, isusulong niya ang kalagayan ng kriminal. Ang mga hukom ay maaaring humatol nang hindi makatarungan. Gayunpaman, ang bawat tao ay haharap sa luklukan ng Paghuhukom ng Diyos pagkatapos ng kamatayan. Ang paghatol ay ibibigay at ang bawat tao, mananampalataya man o hindi, ay mananagot sa Diyos sa pamamagitan ni Hesukristo dahil sa kanyang mga aksyon sa lupa.
Ang parusa na natanggap ni Cain sa kabila ng pagpapagal ay ang lupa ay hindi nagbigay ng masaganang ani. Ang ani ay tumutubong may kasamang mga dawag at mga damo. Posibleng si Adan at ang kaniyang mga anak ay tumira sa mga tolda at nagkaroon ng permanenteng tahanan. Pero si Cain ay sinentensiyahan na maging gala sa pagiwas sa kanyang mga kapatid, at posibleng mula rin sa kanyang mga magulang.
Talata 13-14 Naunawaan ni Cain at napagtanto niya na gusto siyang patayin ng mga tao upang ipaghiganti ang pagpatay niya kay Abel. Pero tingnan mo ang ugali niya, wala pa rin siyang pagsisisi, tanging awa sa sarili. Pagkatapos ay umangal siya sa Diyos: Itataboy mo ako sa iyo at ako ay magiging isang palaboy; isang lagalag. Isipin ang isang kriminal: maaaring aminin niya ang kanyang pagkakasala at tanggapin ang parusa, o sisihin ang kanyang kalagayan at tanggihan ang parusa? Maluwag bang tinatanggap ng tao na siya ang makasalanan, o likas na inaayawan ba niya ang mga utos at parusa ng Diyos?
Talata 15 Gayunpaman, ang Diyos ay hindi nauubusan ng biyaya. Malinaw na sinabi ng Diyos na ang pagpatay ay isang mabigat na krimen. Ang sinumang HINDI gumalang sa Diyos at sa KANYANG paghahatol, Siya'y maghihiganti ng pitong beses. Ang sinumang pumatay kay Cain ay hindi iginagalang ang parusa ng Diyos at mararanasan ang paghihiganti ng Niya. Kung paano ito ipinaalam ng Diyos sa mga tao sa mundo noong panahong iyon, hindi sinasabi ng Bibliya. Ni kung anong marka ang ibinigay ng Diyos kay Cain.
Sinasabi sa Exodo 20:5 na binibisita ng Diyos ang kasalanan ng tao na napopoot sa Diyos hanggang sa ikatlo at ikaapat na henerasyon. Kaya't ang Diyos ay hindi lalampas sa pagbisita sa ikaapat na henerasyon. Sa kadahilanang ito, itinuturing kong malamang ang markang ibinigay kay Cain ay hindi ang kulay ng kanyang balat.
Talata 16 Umalis si Cain sa bansang tinitirhan ng kanyang mga magulang at pamilya. Ang ibig sabihin ng salitang Nod ay paggala.
Talata 17 Malamang na ikinasal si Cain bago niya pinatay si Abel. Malamang na hindi siya pakakasalan ng isang babae pagkatapos niyang pumatay at hatulan ng Diyos na maging isang palaboy. Kung mayroon na siyang mga anak ay hindi mahalaga, ngunit may espesyal na angkan na ipinanganak mula sa unyong ito.
Nagtayo siya ng isang lungsod para sa kanyang sarili, hindi sineseryoso ni Cain ang sumpa ng Diyos na siya'y magiging palaboy. Nagtayo ba siya ng isang lungsod na may kuta na pader dahil sa takot na mapatay? Sino ang nagtayo ng lungsod na ito? Sa tulong ba ng mga kapatid niya? Malaki ang posibilidad na hindi nila tinulungan ang pumatay sa kanilang kapatid na si Abel. Kaya si Cain mismo ay nagkaroon ng maraming desendyente?
Talata 18-19 Ang tao ay matigas ang puso at nagpapatuloy sa kasalanan. Ganap na walang paggalang sa Diyos. Sa 2:24 maliwanag na ibinigay ng Diyos ang Kanyang utos: ang isang lalaki ay makikiisa sa kanyang (isang) asawa. Ito'y isa-sa-isang relasyon sa pagitan ng lalaki at babae. HINDI isang lalaki na may maraming babae (ni isang babae na may maraming lalaki), ni isang lalaki sa kapwa lalaki o isang babae sa kapwa babae. Si Lamech ay nakagawa ng matinding kasalanan, binale-wala ang utos ng Diyos at kumuha ng DALAWANG asawang babae.
Talata 20-22 nagsasalita para sa kanilang sarili.
Talata 23-24 Napakapalalo ni Lamec. Siya ay pumatay ng isang tao sa kabila ng halimbawa ng parusa ng Diyos kay Cain at nangahas pang ihayag na siya ay ipaghihiganti ng 77 beses kung meron mang gagantihan siya. Grabe ang kanyang pagmamataas, nag-astang Diyos siya dito sa pag-aakalang siya ay higit pa sa Maylikha!
Talata 25-26 Puwede nating ipagpalagay na sina Adan at Eba ay madalas na nagtalik at nagsilang ng maraming anak, kung saan isang maikling talaangkanan ang isinulat sa Genesis 5. Nakita ni Eba na ang anak nilang si Set ang ipinalit ng Diyos sa pagkawala ni Abel. Mula kay Set, isinilang si Enos, kung saan ang angkan niya ay nagsimulang tumawag sa pangalan ng Panginoon. Iniisip ko kung nangangahulugan ba ito na ang ibang mga anak nila Adan at Eba ay nabuhay sa kasalanan at napalayo sa Diyos.
Genesis 5: Mga unang henerasyon
Talata 1-2 Malinaw na ang kumpletong talaangkanan nina Adan at Eva ay hindi ibinigay dito. Maaari lamang magpakasal si Cain kung nagkaanak na sina Adan at Eva ng mga babae. Dito isinulat ang limitadong talaan mula sa paglikha kina Adan at Eva hanggang sa Baha. Kung saan ang sangkatauhan ay muling nagumpisa at nangaling sa mag-asawang Noah at ang kanyang misis.
Talata 3-32 Si Adan ay 130 taong gulang nang ipanganak si Set. At base sa 4:25 mababasa natin na siya ang anak na ipinalit ng Diyos kay Abel. Kaya malamang naganap ang pagpatay kay Abel noong mga panahong iyon.
Adan hanggang kay Set | 130 taon |
Set hanggang kay Enos | 105 taon |
Enos hanggang Kenan | 90 taon |
Kenan hanggang Mahalalel | 70 taon |
Mahalalel kay Jared | 65 taon |
Jared kay Enoc | 162 taon |
Enoc hanggang Matusalem | 65 taon |
Matusalem kay Lamec | 187 taon |
Lamec kay Noe | 182 taon |
Kabuuang Adan hanggang Noe | 1056 na taon |
Ang tanong ay kung silang lahat ay mga panganay. Kung gayon, ang panahon mula kay Adan hanggang sa baha ay: 1056 taon at 600 taon (si Noe hanggang sa baha) mga 1650 taon.
Talata 24 Namuhay si Enoc na kasama ng (malapit sa) Diyos. Samakatuwid, ang kanyang pamumuhay ay katangi-tangi. Isang buhay na walang kasalanan, perpektong debosyon at pagsunod sa Diyos? Dahil hindi na siya nakita pa, ay nangangahulugan na kinuha siya ng Diyos. HINDI dinanas ni Enoc ang kamatayan. Ang parusa ng kasalanan na kamatayan ay hindi ipinataw sa kanya. Direkta siyang dinala sa paraiso. Sina Adan, Eva, at lahat ng iba pa nilang mga anak ay nakaranas ng kaparusahan ng kasalanan at lahat sila'y namatay. Si Moises at Elias lamang ang dalawa, na hindi nakaranas ng kamatayan at direktang dinala sa paraiso. Si Moises at Elias ay babalik sa lupa sa pagtatapos ng Malaking Kapighatian at pagkatapos ay mamamatay (Pahayag 11).
Genesis 6: Ang Baha at si Noe
Talata 1-2 Ang mga anak ng Diyos. Sino sila? Si John Calvin, ang Pranses na repormador, ay itinanggi na sila ay mga nahulog (rebelde) na anghel. Ang aking personal na palagay, sa tingin ko sila ay ilan sa mga nahulog (rebelde) na anghel. Ang isang mahusay na pagpapatunay ay matatagpuan sa sons of God and zonen van god (Dutch) ang nagsabi bukod sa iba pang mga bagay:
Ang salungat sa puntong ito ay ang nakasulat sa Mateo 22:30, "Sa muling pagkabuhay, ang mga tao'y hindi na mag-aasawa; sila ay magiging tulad ng mga anghel sa langit." Ngunit puwedeng sabihin na ang kahinaan ng argumentong ito ay hindi naman nakasaad na "ang mga anghel ay hindi maaaring magpakasal", sa halip ang teksto ay nagsasabi na ang mga anghel ay hindi nag-aasawa. Pangalawa, ang Mateo 22:30 ay tumutukoy sa "mga anghel sa langit", kaya hindi ito tungkol sa mga nahulog na anghel na walang pakialam sa kaayusan ng nilikha ng Diyos at aktibong nagsisikap na hadlangan ang plano Niya. Ang katotohanan na ang mga banal na anghel ng Diyos ay hindi nag-aasawa at walang seksuwal na relasyon ay hindi nangangahulugan na ganoon din ang ninanais at ginagawa ni satanas at ng kanyang mga demonyo.
Kapani-paniwala na ang mga anghel ay maaaring magkaroon ng anyong tao, at maaari nilang gayahin ang sekswalidad ng tao at posibleng makapagparami pa. Bakit hindi ito ginagawa ng mga anghel nang mas madalas? Tila ipinakulong ng Diyos ang mga anghel na gumawa ng kasamaang ito upang hindi tularan ng iba pang mga nahulog na anghel (tulad ng inilarawan sa Judas 1:6). Ang mga sinaunang tagapagsalin na Hudyo at mga tekstong apokripal at pseudopigrapiko ay nagkakaisang naniniwala na ang "mga anak ng Diyos" mula sa Genesis 6:1-4 ay mga makasalanang anghel. Nangangahulugang ang debateng ito ay malayo sa sarado, ngunit ang posisyon na nauugnay sa Genesis 6:1-4 sa mga nahulog na anghel at mga babaeng tao ay may matibay na batayan sa konteksto, gramatika at historial (wakas ng pinagmulan).
Bumaba ang Banal na Espiritu sa birheng Maria, kaya sa aking pananaw posible na ang mga anghel ay maaaring makipagtalik. Mula sa mga aklat ni Rebecca Brown ay malinaw na si satanas ay nakakapagpabuntis sa mga babae at ang kanilang mga ipinanganak na sanggol ay isinasakripisyo kay satanas. Maraming mga satanistang simbahan sa halos bawat bansa sa mundo. Ang kanilang mga anak ay isinakripisyo at maraming kababaihan ang inabuso. Ang pang-aabusong ito ay lubhang marahas at mala-demonyo, kung saan ang mga babae ay nabubuntis ng mga demonyo? Kaya naman itinutukoy na ang "mga anak ng Diyos" ay ang ilan sa mga nahulog na demonyo na (napaagang) itinapon ng Diyos sa impiyerno dahil sa gawaing ito.
Talata 3 Ang mga anak na babae (ng mga tao) ay kusang-loob na nagbigay ng kanilang sarili sa mga nahulog na anghel, at ito ay nangyayari pa rin ngayon sa mga simbahan ni satanas. Dito makikita natin ang malinaw na pag-uulit ng panahon ng baha. Tayo ay nabubuhay sa huling panahon, muli ang poot ng Diyos ay nalalapit. Gayunpaman, ang Diyos ay gumawa ng isang tipan (ang bahaghari) na hindi na muling sisirain ang mundo sa pamamagitan ng isang baha. Pero ang Malaking Kapighatian na may mga salot ng pitong tatak (Pahayag 6 at 8) at anim na trumpeta (Pahayag 8 at 9) ay malapit nang maganap at ang sangkatauhan ay muling mararanasan ang galit ng Diyos dahil sa kasamaan ng tao. Kasalan ng mga bakla at mga tomboy, pedopilya, pangangalunya at pakawalang pakikipagtalik, pakikipagtalik sa mga demonyo at satanas, pakikipagtalik sa mga hayop, at iba pa. Mukhang naulit na naman ang mga makasalanang gawi bago naganap ang Baha.
Talata 4 Ang mga batang isinilang sa unyon na ito ay hindi normal, sila ay mga higante. Ang mga taong nakakita ng mga anghel ng Diyos ay nagsasabi na sila ay mga 3 metro ang taas. Kaya hindi nakakagulat na ang mga batang ipinanganak mula sa mga fallen angel ay mga higante.
Ang mga nilalang na ito ay kilala. Ang pagiging kilala ay hindi lamang nangangahulugan dahil sa kanilang hitsura kundi pati na rin ang kanilang marahas (demonyo) na karakter.
Talata 5 Iniwan ng tao ang kanyang Lumikha at Diyos. Ngayon ito'y nangyayari ulit. Hindi na iginagalang ng mga pamahalaan ang batas ng Diyos, ang mga tao ay nakukulong kung hindi nila susundin ang baluktot na batas ng pamahalaan (walang puwedeng magsalita ng laban sa homosekswalidad at pedopilya). Ang Salita ng Diyos - ang Bibliya - ay hindi binibigyan ng kahalagahan. Malinaw na ang mga iniisip ng tao ay kasamaan lamang. Sinusubukan ng tao na lubusang tanggihan ang pagkakaroon ng Diyos at bigyan ang tao ng ganap na kalayaan. Kaya noong panahon ni Noe ang tao ay binigyan ng babala sa pamamagitan ng pagtatayo ng arka at sa mga pangaral ni Noe. Sa Mateo 24:37-38, sinabi ni Hesus na mauulit ang mga araw tulad ng kay Noe.
Talata 6 Ikinalungkot ng Diyos na ginawa Niya ang tao at nalumbay Siya dahil dito. Ito ay kakaiba sapagkat ang Diyos ay alam ang lahat ng bagay (Omniscient) at may paunang kaalaman sa kung ano ang mangyayari. Hindi natin ito maiintindihan at maipaliwanag bilang tao. Ang tao ay limitado sa kanyang pag-iisip at hindi natin maintindihan ang mga Banal na bagay. Ang magbigay ng paliwanag dito ay walang kabuluhan.
Responsibilidad ng tao na pumili para sa mabuti o para sa masama. Kaya noong natapos ang paglikha, tiyak na napaka-ganda ang hitsura ng mundo. Nabuhay si Adan ng 930 taon, ang lahat ng kanyang mga anak at buong angkan ay malamang personal mismong narinig sa kanya kung paano ginawa ng Diyos ang daigdig at lahat ng naririto. Tungkol sa mga maling pagpili na ginawa niya sa mga kinahinatnan nito. Walang puwedeng ipalusot ang tao. Ngunit ang mga pipili sa Diyos ay tatanggap ng buhay na walang hanggan sa Kanyang kaharian. Hindi masisisi ng tao ang Diyos kapag HINDI siya mapapunta sa Langit, ito ay personal niyang pinili. Ang bawat tao ay may malayang pagpili na mamuhay para sa karangalan at kaluwalhatian ng Diyos, sundin ang Kanyang mga utos at mamuhay sa ilalim ng pamamahala ng Banal na Espiritu. O maaari siyang patuloy na mabuhay sa mundo, hindi nagpapasakop sa kalooban ng Diyos at magdusa sa kahihinatnan na maiwan sa lupa sa pagsundo ni Kristo sa Kanyang simbahan at dumaan sa Malaking Kapighatian. O maging ang mabuhay para kay satanas, para sa Anti-Kristo at tanggapin ang markang 666 na hahantong sa walang hanggang kapahamakan sa lawa ng apoy. May kalayaan ang taong pumili ngunit ang maling pagpili - laban sa Diyos - ay nagdudulot ng dalamhati sa puso Niya.
Talata 7 Ang Diyos ay Siyang maghahatol. Ang buong nilikha ay mawawasak. Bakit hindi ang tao na lang? Walang paliwanag diyan. Ngunit ang masamang pagpili ng tao ay may direktang epekto sa buong sangnilikha. Ngayon ang daigdig ay naghihirap mula sa mga epekto ng polusyon sa kapaligiran, ang tao ay may pananagutan din dito.
Talata 8-9 Bagama't nabuhay si Noe sa gitna ng masamang henerasyon (600 taon), nagpatuloy siyang mabuhay sa pagsunod sa Diyos.
Kumusta ang kalagayan ng mga Israelita pagkatapos ng exodo mula sa Ehipto? Puno ng paghihimagsik laban sa kanilang Diyos, nagrereklamo dahil sa kakapusan sa tubig, walang karneng makain, walang tiwala sa kapangyarihan ng Diyos at dahil sa takot ay ayaw nilang sakupin at angkinin ang lupang ipinangako sa kanila. Ang parusa ng Diyos: 40 taon sa disyerto. Hindi katanggap-tanggap sa Diyos ang kasalanan. Ang pagsasabi ngayon na "Ang Diyos ay Pag-ibig, hindi Siya nagpaparusa" ay mapanlinlang. Ang baha at ang parusa sa disyerto ay malinaw na patunay na hindi kasiya-siya sa Diyos ang kasalanan. Ang paggawa ng kasalanan ay laging may kahihinatnan. Namuhay si Noe nang matuwid at walang kapintasan. Gayundin, ang mananampalataya ay kailangang mamuhay sa katuwiran ni Kristo kung nais niyang makapasok sa Langit. Mateo 24 at Mateo 25 ay halata!
Talata 10 Malamang na tinuruan ng mabuti at nagsilbing magandang halimbawa si Noe sa kanyang tatlong anak.
Talata 11-12 Napakasama ng sangkatauhan noon: puno ng pagkawasak at karahasan. Ngunit ang panahon natin ngayon ay hindi naiiba. Ang mundo ay puno ng kahirapan, droga, karahasan, pagpatay, digmaan, pagnanakaw, pangangalunya, polusyon sa kapaligiran. Ayaw ng mga tao na magkaroon ng anumang kaugnayan sa Diyos. Pinipili nila ang yoga, satanismo, lahat na lang ng bagay laban sa Diyos. Nais ng tao na maging sariling amo, walang respeto sa kapwa tao, lalo na sa Diyos. Oo, nakikita natin sa mundo ngayon ang pagsasabuhay tulad ng panahon ni Noe.
Talata 13 Ipinahayag ng Diyos kay Noe kung ano ang Kanyang gagawin sa mundo noon. Ang taong gustong makilala ang Diyos, maaaring malaman sa Bibliya kung ano ang kalooban ng Diyos at kung ano ang mangyayari sa daigdig. Ang mananampalataya ay hindi iniiwan nang walang babala tulad ng nakasulat sa aklat ni Daniel at Pahayag. Ang Magandang Balita ay isinulat gamit ang malinaw na wika. Ang tao ay hindi iniiwan sa kamangmangan. Ang tao ay nagkasala, ang tao ay ganap na may pananagutan sa kung ano ang mangyayari sa mundo. Sinabi ng Diyos kay Noe na ang lupa ay mawawasak. Malinaw ang Pahayag: Wawasakin muli ng Diyos ang daigdig kasama ang mga tao sa panahon ng Malaking Kapighatian. Gayunpaman, sa pagkakataong ito ay tiyak na ang katapusan. Walang pagliligtas tulad ng kay Noe at kanyang pamilya sa arka. Sa hinaharap ang kaligtasang magaganap ay sa pamamagitan ng kaban: ang Simbahan ni Hesukristo. Ang Iglesia ni Kristo ay makakamtan ang kaligtasang pangako sa Langit. Tanging ang mga pangalang nakasulat sa Aklat ng Buhay lamang ang mabibigyan ng bagong buhay sa Bagong Lupa.
Talata 14-16 Binigyan ng Diyos si Noe ng atas: gumawa ng ark na gawa sa kahoy na gopher. Ito ang tanging lugar sa Bibliya kung saan binanggit ang gopher. Ang alamin kung anong uri ng kahoy ito, ay hula lamang dahil walang pang nakakaalam. Ang matigas na kahoy na cypress na itinuturing na napakagaan ngunit matibay ay matatagpuan sa Asia at Persia at kadalasang ginagamit sa paggawa ng mga barko.
Malinaw ang mga tagubilin mula sa Diyos, eksakto kung paano dapat itayo ang arka kung gaano karaming mga palapag, kompartamento, haba, lapad at taas nito.
Wikipedia: Hindi tiyak kung gaano kahaba ang kubit na binanggit sa Bibliya at sa mga aklat ng hadith (ziraa). Halimbawa sa mga sukat ng arka ni Noe, ayon sa inskripsiyon ng Siloam, ang lagusan (Tunnel) ng Siloam na hinukay ni haring Hezekias upang bigyan ng tubig ang Jerusalem ay 1200 kubit ang haba. Mayroong ilang mga kamakailang sukat ng lagusang ito na nag-iiba sa pagitan ng 512.5 at 533 metro. Nangangahulugan na ang isang kubit ay nasa pagitan ng 42.6 at 44.4 na sentimetro. Mayroon ding mga iskolar na nagmumungkahi na ang kubit na ginamit sa Bibliya ay 49.5 o 52.5 sentimetro.
300 kubit sa 44 cm ay 132 metro ang haba. Ang 50 kubit sa 44 cm ay 22 metro ang lapad. 30 metro sa 44 cm ay 13 metro ang taas.
Sinasabi ng ilan na si Moses ay nagkamali sa mga sukat ngunit ito ay malamang hindi tutoo. Si Moses ay isang matalinong tao, pinalaki sa korte ni Paraon, walang alinlangang pamilyar sa pagtatayo ng mga piramide, higit sa lahat ang kanyang mga sinulat ay kinasihan ng Diyos. Ayon sa ilan, ang mga sukat na ito ay hindi sapat upang mapaunlakan ang lahat ng mga hayop na ikukulong (sa loob ng labintatlong buwan) sa maliliit na espasyo. Ang problema ay walang tiyak na kaalaman kung gaano kahaba ang kubit gaya ng inilarawan ni Moises. Sa kabilang banda, hindi rin ito mahalaga. Ang impormasyon binigay sa atin ay nagsasabi na ang Diyos ay may plano para sa kaligtasan ng tao at Kanyang sangnilikha. Si Noe at ang kanyang pamilya, na namuhay nang tuwid at walang kapintasan, ay naligtas kasama ng mga hayop. Naligtas si Noe at ang kanyang pamilya batay sa PANANAMPALATAYA. Naniwala sila sa gagawin ng Diyos. Ang taong tumatanggap sa plano ng kaligtasan ng Diyos ay maliligtas. Ang sinumang tao na hindi maniniwala sa kung ano ang gagawin ng Diyos, ay hindi tumatanggap sa plano Niya ng kaligtasan sa pamamagitan ni Hesukristo, siya ay mawawasak at hindi makakapasok sa Langit.
Talata 17 Ang Diyos ay determinado. Ang mga tao sa lupa sa kabila ng lahat ng turo at halimbawa nina Adan at Eba, ay nananatiling masama. Wala silang gustong gawin na may kinalaman sa Diyos, hindi nila binibigyan ng karangalan ang Diyos na Siyang may likha ng lahat, at maging ang lahat ng pagkain ay nagmumula sa Kanya. Mas malamang na sumuko sila kay satanas at mga demonyo. Ito ay hindi pangkaraniwan kahit ngayon, ang lahat ay naniniwala sa kakayahan ng tao, karamihan ay sumusuko sa kasamaan, kay satanas at mga demonyo. Hindi na isinasaalang-alang ng mga pamahalaan ang Diyos at binibigyan ang tao ng lubos ng kalayaan. Ang resulta, mayroong krisis pang-ekonomiya, karahasan, pagkalulong sa droga, alkoholismo, kawalang-katarungan at katiwalian. Ang desisyon ng Diyos ay tiyak kung ikaw man ay tatanggap kay Hesukristo bilang Tagapagligtas at mamumuhay sa ilalim ng kontrol ng Banal na Espiritu, o pipiliin ang makamundong buhay. May pag-asa pa rin kahit na sa panahon ng Malaking Kapighatian ngunit kung pipiliin ng tao ang Anti-Kristo at ang marka ng halimaw, siya ay isusumpa magpakailanman.
Talata 18 Hindi paparusahan ng Diyos ang matuwid. Iniligtas ng Diyos si Lot at ang kanyang pamilya mula sa Sodoma. Sa mahabang kasaysayan ng Israel, iniligtas ng Diyos ang mga Hudyo mula sa pagkaalipin at pagkatapon (exile). Ang kondisyon: magbalik-loob sa Diyos. Nakipagtipan ang Diyos kay Noe para sa kaligtasan. Ngayon ang Diyos ay nakipagtipan sa bawat tao na tumatanggap sa Kanyang Anak na si Kristo Hesus bilang Tagapagligtas mula sa kanyang kasalanan at gustong mamuhay sa ilalim ng pangunguna ng Banal na Espiritu upang makapamuhay ng banal sa harap ng Diyos.
Nais ng Diyos na mabuhay ang tao sa ikararangal ng kanyang lumikha, sambahin Siya lamang at ibigay sa Kanya ang lahat ng kaluwalhatian. Dahil dito malinaw na ipinapakita na ang tao ay umaayaw sa Diyos, makikita natin sa Pentateuch na ang Diyos ay nagbukod para sa Kanyang sarili ng isang bansa, ang mga Israelita. Si Jesus ay nagturo noon mula sa Lumang Tipan sapagkat ang Bagong Tipan ay hindi pa nasusulat noon. Samakatuwid, ang mga tuntunin na ibinigay ng Diyos sa mga Israelita ay angkop din sa mga Kristiyano. Sa Kanyang mga tao, nagbigay Siya ng mga tagubilin na mamuhay sa ikararangal ng Diyos ng may kabanalan.
Ang unang utos na nakita natin sa Genesis 2:24:
Kaya't iiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina, nagsasama sila ng kanyang asawa, at sila'y nagiging isa.
Pagkatapos sa Exodo 20, ibinigay ng Diyos ang sampung utos:
- Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin.
- Huwag mong yuyukuran ni sasambahin ang mga imahe at santo.
- Huwag mong gagamitin sa walang kabuluhan ang pangalan ni Yahweh na iyong Diyos.
- Lagi mong tandaan at ilaan para sa akin ang Araw ng Pamamahinga. Anim na araw kang magtatrabaho, at tapusin mo ang dapat gawin.
- Igalang mo ang iyong ama at ina.
- Huwag kang papatay.
- Huwag kang mangangalunya.
- Huwag kang magnanakaw.
- Huwag kang sasaksi nang walang katotohanan laban sa iyong kapwa.
- Huwag mong pagnanasaang maangkin ang sambahayan ng iyong kapwa: ang kanyang asawa, mga alilang lalaki o babae, mga baka, asno o ang anumang pag-aari niya.
Ang bayan ng Diyos (ang mga Israelita at Kristiyano) ay ibinukod ng Diyos at tinawag upang mamuhay ng banal at ipakita sa mga hindi mananampalataya na sila ay isang bayan na nabubuhay para sa karangalan at kaluwalhatian ng Diyos. Ang mga espesyal na utos ay ibinigay dito at sa Levitico.
- Kabanata 1-5 Makakalapit ka lamang sa Diyos kung ikaw ay malaya sa kasalanan. Kailangan munang ipagtapat ang kasalanan bago makalapit sa Diyos sa panalangin.
- 3:17, 7:26-27, 17:10-11, 14 Ito ay magiging isang palatuntunang walang hanggan sa lahat ng inyong mga salinlahi, sa lahat ng inyong mga tahanan, na huwag kayong kakain ng taba o dugo man. Sinumang kumain ng anumang dugo, ang taong iyon ay ihihiwalay sa kanyang bayan.
- 5:16, 6:5 Kung ang isa ay nagnakaw, ang ninakaw ay dapat bayaran na may dagdag na 20% ng halaga nito.
- 10:1-7 Ang Kristiyano ay isang pari. Hindi sineryoso nina Nadab at Abihu ang mga utos ng Diyos na nagresulta sa kanilang pagkamatay. Ang Kristiyanong hindi sineseryoso ang kanyang pagkasaserdote, ay hindi makakasama sa pagsundo ni Kristo ngunit mananatili sa lupa at dadaan sa Dakilang Kapighatian (Mateo 24:39-41).
- 10:8-11 Huwag kang uminom ng alak o ng matapang na inumin, ikaw o ang iyong mga anak na kasama mo kapag ikaw ay pumapasok sa tolda ng kapisanan. Dapat mong ituro sa mga tao ng Israel ang lahat ng mga batas na sinalita sa kanila ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.
Ang Kristiyano ay dapat maging matino kapag siya ay nananalangin (pumasok sa tolda ng pagpupulong) at matino kapag ang isa ay nagtuturo sa kongregasyon. - Kabanata 18 HINDI ka magpapakasal sa isang tao na kadugo mo't kapamilya mula sa una o pangalawang digri. Hindi ka magkakaroon ng sekswal na relasyon sa isang hayop. Ang mga gumagawa nito ay ititiwalag (talata 29).
- 19:9-10 Aalagaan mo ang dukha: huwag mong aanihin ang iyong bukid hanggang sa hangganan nito at huwag mong sisimutin ang iyong ubasan.
- 19:11 Huwag kang magnanakaw, makitungo ng mali, ni magsinungaling sa isa't isa.
- 19:13 Ang sahod ng isang upahan ay hindi mananatili sa iyo buong gabi hanggang sa umaga. Ang sahod ng manggagawa ay dapat bayaran nang patas at sa tamang panahon at hindi dapat maantala.
- 19:14 Huwag ninyong mumurahin ang mga bingi at lalagyan ng katitisuran ang daraanan ng mga bulag.
- 19:15 Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang mahihirap o kaya'y katatakutan ang mayayaman.
- 19:17-18 Huwag kayong magtatanim ng galit sa iyong kapwa. Sa halip, makipagkasundo ka sa kanya. Sa gayon, hindi ka magkakasala dahil sa kanya. Huwag kang maghihiganti o magtatanim ng galit sa iyong mga kababayan. Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.
- 19:19 Huwag ninyong palalahian ang hayop na inyong alaga sa hayop na di nito kauri. Huwag din kayong maghahasik ng dalawang uri ng binhi sa isang bukid. Huwag kayong magsusuot ng damit na yari sa dalawang uri ng sinulid.
- 19:26, 31; 20:6 Huwag kang magsasanay ng panghuhula at pangkukulam. Huwag mong alamin ang hinaharap sa pamamagitan ng mga oroskopyo, pagbabasa ng baraha, bolang kristal o iba pang paraan. Inihayag ng Diyos ang hinaharap sa Bibliya at nagsasalita Siya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.
- 19:28 Huwag kayong maghihiwa sa katawan o maglalagay ng tatú.
Walang tatu at walang butas. Ang iyong katawan ay nilikha sa larawan ng Diyos. Kapag nilagyan mo ng tatu at butas ang katawan mo, sinasabi mo talaga, Hindi ko gusto ang katawan na ibinigay sa akin ng Diyos. Tinatanggihan mo ang Diyos, hindi mo tinatanggap ang katawang nilikha ng Diyos para sa iyo.
Pero paano kapag mayroon ka na ng tatu bago mo nakilala si Hesus. Posibleng tanggalin ang maliliit na tattoo. HUWAG ipakita ang iyong mga tatu, takpan ang mga ito upang hindi makita ng mga tao. Alisin ang anumang butas. - 19:29 Huwag mong lapastanganin ang iyong anak na babae sa pagpilit sa kanya na maging patutot. Kaya walang incest, walang pornograpiya ng bata, walang pedophilia. Ngayon, ang pedophilia ay pinahihintulutan sa ilang mga bansa dahil ang pedophilia ay isang sakit na hindi mapapagaling sabi nila. Tingnan ang malaking kasinungalingan ni satanas dito. Ang krimen ay pinapayagan sa kapinsalaan ng biktima. Walang halaga ang inaabusong bata at biktima. Kahit na ang bata ay ma-trauma sa buong buhay niya. Ang taong nagsasabing walang lunas ito ay isang tagapagtanggol ni satanas. Ang pagsasabi na walang lunas ay isang kasinungalingan dahil ang taong iyon ay kailangang maputulan para hindi na makapahamak ng mga bagong biktima. Tingnan ninyo ang malaking kabulokan na nangyayari. Tayo nga ay nabubuhay sa mga araw ni Noe. Malapit na ang poot ng Diyos, malapit na ang Malaking Kapighatian. Ngayon ay mayroong pang kongregasyon ang Panginoong Hesus na DAPAT tumutol laban sa mga kasinungalingang ito ni satanas, tulad ng homoseksuwalidad, pedophilia, pakikipagtalik bago ang kasal, pakikipagtalik sa mga hayop (tingnan ang 20:15-16). Ang Banal na Espiritu ay maaari pa ring kumilos ngayon, ngunit dapat tuparin ng mga Kristiyano ang kanyang tungkulin sa pagprotesta.
- 19:35 Huwag kayong mandaraya sa pagsukat, pagtitimbang o pagbilang ng anuman. Dapat kang gumamit ng mga tamang balanse at timbangan. Dapat walang katiwalian, walang pagkukunwari at panunuhol.
- 20:1-5 Hindi dapat isakripisyo ang mga bata kay satanas. Ang nagbibigay ng kanyang mga anak kay satanas (Molech) ay dapat patayin.
- 20:10 Ang lalaking mangangalunya sa asawa ng iba ay dapat patayin, gayundin ang babae.
- 20:13 Ang lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki ay gumagawa ng karumal-dumal na gawain at pareho silang dapat patayin. Nalalapat din ito sa isang babae na nakikipagtalik sa kapwa babae.
- Ang lalaking mangangalunya sa asawa ng iba ay dapat patayin, gayundin ang babae.
- 20:15-16 Ang lalaking nakipagtalik sa hayop ay dapat patayin, gayundin ang hayop. Ang babaing nakipagtalik sa hayop ay dapat patayin, gayundin ang hayop.
- 20:18 Bawal makipagtalik ang isang lalaki sa babaing may regla.
- 21:13-14 Isang birhen ang dapat mapangasawa ng pinakapunong pari (ang mananampalataya ay pari din). Hindi siya dapat mag-aasawa ng balo, hiwalay sa asawa, dalagang nadungisan na ang puri o babaing nagbebenta ng aliw. Ang dapat niyang mapangasawa'y isang kalahi at wala pang nakakasiping.
Sinasabi ng Genesis 2:24 na huwag makipagtalik bago magpakasal. Inulit ito ni Jesus sa Mateo 19:5 at Marcos 10:7-9. Itinuro ni Maria sa anghel na siya ay isang birhen kahit na siya ay mayroon nang katipan (mayroon nang mapapangasawa sa ilalim ng kontrata).
Binigyang-diin ni apostol Pablo sa 1 Corinto 6:16 ang mga salitang: "Hindi ba ninyo alam na nagiging isa ang katawan ng bayarang babae at ng nakikipagtalik sa kanya? Sapagkat sinasabi sa kasulatan, “Ang dalawa'y magiging isa.” Kaya ang nakikipagtalik bago kasal ay kasal na sa taong iyon!
Ang pagpili ng asawa mula sa sariling lahi (kapwa Israelita) ay tulad ng utos sa 2 Corinto 6:14 na nakasulati: "Huwag kayong makisama sa mga di-sumasampalataya na para bang kapareho ninyo sila. Maaari bang magsama ang katuwiran at ang kalikuan? O kaya'y ang liwanag at ang kadiliman?" Bawal ang panliligaw, lalo na ang mag-asawa, ng hindi naniniwala. Pero nangyayari pa rin ang hindi pagkakatugma tulad ng sa pagitan ng isang Ebandyeliko at isang Katoliko. Tingnan ang Ang pagpili ng iyong magiging kabiyak.
21:9 Kung ang babaing anak ng pari ay mamuhay nang may kahalayan, nilapastangan niya ang kanyang ama, kaya dapat siyang sunugin. - 24:13-14 At sinabi ni Yahweh kay Moises, “Ilabas ninyo sa kampo ang nagmura. Ipatong sa ulo niya ang kamay ng lahat ng nakarinig sa kanya, at pagkatapos ay batuhin siya hanggang mamatay.
- 25:35-36 Kung ang isang kababayan ninyo ay naghirap at hindi na niya kayang buhayin ang sarili, kupkupin ninyo siya tulad ng isang dayuhang nakikipamayan sa inyo. Huwag ninyo siyang patutubuan kung siya'y mangutang sa inyo. Matakot kayo sa Diyos, at hayaan ninyo itong mabuhay na kasama ninyo.
Ang nasa itaas ay buod ng mga mahalagang pamantayan ng kabanalan para sa Kristiyano na turo ni Hesus mula sa Lumang Tipan. Sa Bagong Tipan, matatagpuan ng Kristiyano ang mga katuruan ni Hesus at ng Kanyang mga apostoles. Galacia 5:16-22:
Sinasabi ko sa inyo, mamuhay kayo ayon sa Espiritu at hindi ninyo pagbibigyan ang mga pagnanasa ng laman. Sapagkat ang mga pagnanasa ng laman ay laban sa kagustuhan ng Espiritu, at ang kagustuhan ng Espiritu ay laban sa mga pagnanasa ng laman. Magkalaban ang dalawang ito kaya napipigilan kayo sa paggawa ng nais ninyong gawin. Kung pinapatnubayan kayo ng Espiritu, wala na kayo sa ilalim ng Kautusan. Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan; pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi, pagkainggit, [pagpatay] paglalasing, walang habas na pagsasaya, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos. Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan..
Genesis 6 talata 19-20 Tanging sa pagitan ng lalaki at babae lamang maaaring maganap ang pagpaparami, samakatuwid ang isang pares ng lahat ng mga hayop ay tinawag sa arka. Ang Diyos ang pumipili sa kanila. Siya ang nagpasiya kung aling pares at ipinadala Niya sila sa arka. Hindi kinalangan ni Noe na hulihin ang mga ibon, o bitbitin ang mga gumagapang na hayop, o dakpin ang mga pares ng bawat hayop sa arka. Ang mga mag-asawang hayop ang kusang lumapit kay Noe ayon sa utos ng Maylikha.
Si Hesukristo na darating sa mga ulap sa Kanyang pagsundo upang kunin ang Simbahan at dalhin sa Langit, walang makakasamang hindi mananampalataya. Ang mananampalataya ay alisin sa lupa at dadalhin sa kaligtasan, malaya sa lahat ng pagdurusa bago magsimula ang Malaking Kapighatian.
Talata 21 Nakuha ni Noe ang tagubilin tungkol sa dami ng pagkain na kailangan niyang dalhin sa arka. Alam ng Diyos kung gaano katagal ang pananatili sa arka; labintatlong buwan (7:11 at 8:14).
Talata 22 Si Noe ay hindi matigas ang ulo, siya ay nagtiwala at lubos na naniniwala sa Diyos. Sinusunod niya ang lahat ng utos na ibinigay ng Diyos. Kumusta ang tao ngayon? Naniniwala ba siya kay Hesus? At pagkatapos na sumampalataya, nabubuhay ba siya sa mundo o sumusunod sa pangunguna ng Banal na Espiritu at namumuhay ng banal?
Genesis 7: Ang arka ni Noe
Talata 1 Dahil sa nakita ng Diyos na si Noe ay matuwid, siya lamang ang naligtas kasama ang kanyang asawa, 3 anak nilang lalaki at ang kanilang mga asawa. Tanging ang mga taong nanampalataya kay Kristo bilang Panginoon at Tagapagligtas ang ituturing na matuwid ng Diyos at tatanggap ng kaligtasan. Saka lamang makakatakas ang isang tao sa paghatol ng Diyos.
Inutusan ng Diyos si Noe na pumasok sa arka kasama ang kanyang pamilya. Isang hakbang ng pananampalataya dahil imposibleng isipin ang dami ng ulan (tubig) na kailangan para lunurin ang buong mundo at sirain ang lahat. Sa ngayon ang tao ay WALANG nakikitang dapat ipagalala, tila umuulit ang mga araw ni Noe. Tinutuya ng tao ang Diyos, nilalabag ang Kanyang mga utos at iniisip na walang Diyos at kung mayroon man, hindi Niya sila parurusahan. Sa pagdating ng Panginoong Hesukristo upang kunin ang Kanyang Simbahan, tiyak na mapapansin ng buong mundo na maraming tao ang biglang nawala. Pero kahit na nasaksihan ang pangyayaring iyon, marami pa rin ang hindi lalapit sa Diyos at mananatili sa kanilang kawalan ng pananampalataya. Kaya sa kabila ng lahat ng mga sakuna na mangyayari, tatanggapin nila ang marka ng halimaw at ang kanilang kapalaran sa ilalim ng poot ng Diyos.
Talata 2-3 Kailangang kumuha si Noe ng 7 pares ng lahat ng malinis na hayop at ibon. Magkakapares para makapagparami sila pagkatapos ng Baha. Bakit pitong pares? Dahil paglaon ang malinis na mga hayop ay magsisilbing handog para sa kasalanan. Ang maruruming hayop ay hindi maaaring magsilbing handog para sa kasalanan. Kailangan lang niyang kumuha ng isang pares mula sa mga maruruming hayop.
Talata 4 Kailangang pumasok si Noe sa arka at maghintay ng pitong araw bago matabunan ng ulan ang buong mundo. Pananampalataya at pasensya ang kailangan. Gayundin ang mananampalataya ay dapat magtiyaga sa pananampalataya sa iba't ibang panahon sa kanyang buhay. Ang sinumang nagpapatuloy sa ilalim ng patnubay ng Banal na Espiritu ay tatanggap ng buhay na walang hanggan sa Langit.
Hinayaan ng Diyos na umulan sa loob ng apatnapung araw at gabi. Hindi agad namatay ang mga tao, ang iba'y tatakas sa kabundukan habang tumataas ang tubig. Malalaman nila na ang pangangaral at babala ni Noe ay tutoo. Sa kalaunan ay matatakpan ng tubig ang buong lupa, susubukan ng iba ang na lumangoy, ngunit mamamatay din sa pagkalunod at pagkahapo.
Talata 5 Si Noe ay ganap na masunurin at ginagawa ang LAHAT ng iniutos sa kanya ng Diyos. Dapat sundin ng tao ang Diyos:
- Kilalanin ang pagiging makasalanan at kilalanin na hindi mo kayang tubusin ang iyong sarili
- Pagtanggap kay Hesukristo bilang Panginoon at Tagapagligtas
- Bitawan ang makamundong buhay at ilagay ang kanyang sarili sa ilalim ng pamamahala ng Banal na Espiritu
- Upang mabuhay sa kaluwalhatian ng Diyos, at pagsunod sa mga utos ng Diyos at pagpapatotoo ng Kanyang kabutihan
Talata 6 Gaano katagal ginawa ni Noe ang arka? Walang tumpak na numero para sagutin ito. Sinasabi ng Genesis 11:10 na si Shem ay 100 taong gulang, 2 taon pagkatapos ng baha. Kaya ipinanganak si Shem 98 taon bago ang baha. Si Noe ay 600 taon nang dumating ang baha. Mula sa 6:10-13 maaaring mahihinuha na ang pagtatayo ng arka ay nagsimula 98 taon bago ang baha o posibleng mas kaunti at nagsimula pagkatapos ng kapanganakan ng tatlong anak.
Ang konstruksyon ay maaaring tumagal. Noong panahong iyon ay wala pang lagaring metal, kung aling mga kagamitan ang mayroon si Noe sa kanyang pagtatayo, hindi natin alam. Ang mga likhang larawan ng arka ni Noe ay nagpapakita na ito'y gawa sa mga tablang kahoy. Malabong mangyari iyon. Marahil ay gumamit si Noah ng mga buong puno ng kahoy na pinagtahi. Sa anumang kaso, isang masining na istraktura sa ilalim ng pamumuno ng Diyos disenyo ng arka.
Ang tamang petsa kung kailan dumating ang baha, ay ibinigay sa talata 11.
Talata 7-9 Ang Diyos ang nagpadala ng mga hayop at ibon sa arka at pinapasok sila. Walang kailangang gawin si Noe para dito, kundi ang pumasok sa arka kasama ang kanyang pamilya bilang pagsunod at maghintay.
Talata 10 Ay ang katuparan ng talatang 4. Tinutupad ng Diyos ang Kanyang Salita. Ang mananampalataya ay kailangang maghintay upang makamit ang buhay na walang hanggan at kaligtasan sa Langit.
Talata 11 Ang petsa kung kailan nagsimula ang baha ay tiyak na ibinigay: noong ika-600 taon ng buhay ni Noe, noong ika-17 araw ng ika-2 buwan.
Genesis 8:13-16 Ang lupa ay natuyo na noong ika-601 taon ng buhay ni Noe, noong ika-27 araw ng ika-2 buwan. Konklusyon: Si Noe at ang kaniyang pamilya ay nanirahan sa arka nang mahigit 13 buwan.
Ang lahat ng bukal ng malaking kalaliman ay bumubulusok, at ang mga dungawan ng langit ay nangabuksan. Ang lupa ay bumalik sa kalagayan nito noong Genesis 1:6 kung saan ang lupa ay natatakpan ng tubig at sa talata 1:7 bago ang tubig ay nahiwalay.
Talata 12-15 pansariling paliwanag.
Talata 16 Ang Diyos Mismo ang nagsara ng pinto ng arka. Nang ang pintuan ng arka ay sinarhan, wala nang ibang hayop o tao ang puwede pang makapasok. Ihambing ito sa Mateo 25:11-12 nang isinara ni Hesus ang pinto at HINDI na makapasok ang mga hangal na birhen. Ang aral ay magka-halintulad: "Magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw o ang oras".
Ngayon ay maaaring kutyain ng isang tao ang mga utos at batas ng Diyos. Itanggi ang pagkakaroon ng Diyos at iwaksi ito bilang hangal. Kapag ang pinto ay isinara ng Diyos, wala nang daan patungo sa buhay na walang hanggan at ang tao ay maghihintay lamang ng paghatol ng Diyos sa makasalanang niyang buhay. Ang tao ay may buong buhay upang magsisi at tumanggap ng kaligtasan.
Talata 17-22 Ang tubig ay tumataas sa 15 kubit (mga 7 metro) sa ibabaw ng pinakamataas na bundok sa mundo. Walang sinuman ang puwedeng makaligtas. Namamatay ang lahat. Ang lahat ay nakalubog, kasama ang lahat ng mga pananim at kagubatan, kaya wala nang pagkain. Kaya't ang mga ibon, bagaman nakakalipad, ay namatay din dahil sa basang-basa, patang-pata at wala na ding mahanap na pagkain.
Talata 23 Tanging ang mga nasa loob ng arka ang nanatiling buhay. Matapos isara ng Diyos ang pinto, ang mga pinili Niya para kay Hesus ang sila lamag na maliligtas mula sa hatol ng Diyos. Ang mga nasa labas ay tatanggap ng kaparusahan at poot ng Diyos. Ang pagpili ay ganap na libre. Sa panahon ng pagtatayo ng arka, may pagkakataon ang mga tao na maniwala at magsisi. Sa buhay, may pagkakataon kang lumapit kay Kristo bilang Tagapagligtas at Panginoon. Ang pagpili ay responsibilidad mo. Halos bawat tao ay abot-kamay ang Bibliya. Ang Bibliya at pag-aaral ng Bibliya ay libre sa internet. Hindi maaaring ikatuwiran ninoman; ngunit ipinaliwanag ito ng mangangaral sa ganitong o ganoong paraan. Ang bawat isa ay may pananagutan para sa kanyang sariling buhay. Maaaring humingi ka ng kalinawan sa Banal na Espiritu. Oo, kailangang magsikap at minsa'y maghirap, ngunit ang buhay na walang hanggan ay hindi masusukat ang sulit. Kaya't mamuhay para sa karangalan ng Diyos at iwanan ang makamundong pamumuhay.
Talata 24 Ang tubig ay nasa ibabaw ng lupa sa loob ng 150 araw. Walang nakaligtas, lahat ay namamatay. TIYAK ang paghatol ng Diyos. Pagkatapos ng 1000-taong paghahari ni Kristo (Pahayag 20: 1-6), ang huling paghatol (Pahayag 20: 7-15) ay gagawin. Walang makakatakas!
Genesis 8: Ang pagtatapos ng baha
Talata 1 Ang kuwento ng paglikha ay tila umulit, sa kabanatang ito ginamit ng Diyos ang hangin para umpisahang palubugin ang tubig. Ang Diyos ang may kontrol sa kalikasan. Si Jesus din ang may kontrol sa bagyo at inutusan ang bagyo na tumahimik. Ang Diyos ang namamahala at nagpapasiya, hindi ang tao. Walang kontrol ang tao sa ulan, bagyo at hangin. Dahil sa polusyon sa kapaligiran, tumataas ang tindi at dalas ng mga bagyo. At dahil sa lahat ng pagkasira na dulot ng tao, siya mismo ay negatibong naapektuhan ng mga kalamidad sa mundo.
Talata 2-3 Ang tubig ay patuloy na bumaba sa loob ng 150 araw. Pansinin ang pagkakaiba noong 6 na araw ng paglikha (Genesis 1), nangyari ang mga paglalang kada araw. Si Noe at ang kanyang pamilya ay sinubok para magtiis at manalig sa Diyos. Hindi nagmamadali ang Diyos. Ngunit posibleng may paliwanag dito, ang lahat ng labi ng mga nawalan ng buhay (tao, hayop at halaman) ay kailangang maagnas nang tuluyan bago palabasin ang mga pasahero ng arka. Hindi pinahintulutang alalahanin ni Noe ang mga patay na nilalang. Pinagsimula muli ng Diyos ang tao. Isang bagong pagkakataon para sa sangkatauhan.
Talata 4 Ang arka ay dumaong sa mga bundok ng Ararat. Karaniwang ipinapalagay na ang bundok na ito ay nasa bukal ng Tigris. Bukod sa pinakamataas na taluktok na 16850 talampakan, ang bundok ay mayroon ding mas mababang tuktok na 12782 talampakan sa Timog-Silangan. Ang arka ay hindi pa nababawi. Ang kahoy ng gopher ay nabulok na sa haba ng panahon.
Talata 5 Tatagal ng sampung buwan bago makita ang tuktok ng mga bundok. Ang 150 araw (talata 3) 150 na hinati sa 30 ay limang buwan. Noong ika-7 buwan, ang arka ay dumaong sa Bundok Ararat. Sa oras na ito ay makikita na ang mga tuktok ng iba pang mga bundok.
Talata 6 Pagkaraan ng 40 araw, binuksan ni Noe ang bintana ng arka. Bakit naghintay si Noe ng 40 araw? Walang binigay na paliwanag. Ang arka ay tiyak na umuuga nang pabalik-balik habang nakalutang sa tubig. Kaya sa talatang 4 ang mga pagugoy ay tiyak na nawala at malamang na alam ni Noe na ang tubig ay bumaba na. Hindi alam ni Noe kung sila ay nasa bundok o nasa mababang lupain. Ang Diyos ba ang nagsalita kay Noe na maghintay? Si Hesus ay nagayuno sa loob ng 40 araw sa disyerto. Ang mga Hudyo ay pinarusahan ng 40 taon sa disyerto. Ang pasensya at pananampalataya ni Noe ay nasubok dito sa loob ng 40 araw.
Talata 7 Bakit uwak? Ang isang uwak ay naka-aamoy mula sa malayo ng amoy ng mga bangkay. Gayunpaman, ang uwak ay lumilipad pabalik-balik. Mula sa arka at pabalik. Bumalik ito sa arka dahil wala itong nakitang mga bangkay. Walang nakaligtas sa baha, at lahat ng mga katawan ay nalibing o natunaw sa loob ng 10 buwan at 40 araw.
Talata 8-12 Pagkatapos ng uwak, pinakawalan naman ni Noe ang isang kalapati. Gayunpaman, hindi ito nakahanap ng pagkain. Pagkatapos ng pitong araw, ang kalapati ay nagdadala ng sariwang dahon ng olibo. Anong pagkakaiba sa paglikha. Sa panahon ng paglikha, ang lahat ay nabuo sa loob ng isang araw. Ngayon ang lahat ay bumabawi at dahan-dahang lumalaki. Ang mga puno at mga pananim ay bumabawi pagkatapos na matabunan ng tubig. Sumikat ang araw sa lupa at nagsimula muli tumubo ang mga bagong pananim at puno. Gayunman, tumagal ng pitong araw at hindi na bumalik ang kalapati. Ngayon, siguradong may sapat na pagkain na para sa kalapati at hindi na nito kailangan ng pagkain mula sa arka. Ang pagliligtas sa mga piling nilalang ay natapos na. Gayundin, ang kaligtasan sa pamamagitan ni Kristo ay tiyak para sa isang sumasampalataya. Ang pagkain ay ang Salita ng Diyos: ang Bibliya. Ang mananampalataya ay unang nakatanggap ng Lumang Tipan (ang mga Hudyo) at ngayon ang mga mananampalataya ay may karagdagang Bagong Tipan. Kumpleto na ang Bibliya.
Talata 13-14 Binuksan ni Noe ang pasukan, na siyang labasan din ng arka. May isang daan lamang papasok o palabas. May pagkain na muli sa labas, kaya lahat ng hayop sa arka ay maaaring nang palabasin at simulan ang kanilang bagong buhay sa tuyong lupa. Ang simula ng bagong buhay. Binibigyan ng Diyos ng bagong pagkakataon ang makasalanang tao.
Talata 15-17 Nakipag-usap ang Diyos kay Noah gaya ng pakikipag-usap ng Diyos kina Adan at Eva at nang maglaon ay nakipag-usap din Siya sa mga patriach at Moises. Pambihira na ang Diyos ay aktuwal na nakikipag-usap sa tao. Ito'y isinulat para maliwanag na mabasa na ito'y utos ng Diyos. HINDI nagkusa si Noe na lisanin ang arka, o pakawalan ang mga hayop. Naghintay si Noe sa utos ng Diyos. Gayundin, ang mananampalataya ay dapat maghintay sa Panginoon hanggang sa makatanggap siya ng utos ng Diyos na simulan ang iniatas na gawain.
Ibinigay ng Diyos ang utos na lumabas sa arka at inulit ang utos na makikita sa 1:28 na maging mabunga at dumami; ang tagubilin upang punan ang buong daigdig. Walang pagpapalaglag, ngunit manganak ng mga supling. Ang Diyos ay muling nagpabunga ng mga halaman sa lupa. Gaano kadiri ito sa kasalukuyang tao. Paggalugad sa lupa, pagkasira sanhi ng kasakiman, pagkalbo ng kagubatan na nagreresulta sa hindi sapat na pagkain at oksiheno. Namamatay ang mga tao sa gutom at pinapatay ang kanilang anak sa sinapupunan ng ina.
Talata 19 Ang mga hayop ay umaalis sa arka ayon sa magkapares upang magparami at manahan muli sa lupa.
Talata 20 Nagpapasalamat si Noe sa Diyos na iniligtas Niya siya at ang kanyang pamilya. Nagpapasalamat siya sa Diyos sa pamamagitan ng pagalay ng malinis na baka at ibon. Ito ay nagpapatunay na alam ni Noe kung anong handog ang pinaka nakalulugod sa Panginoon. Naghain si Cain mula sa bunga ng lupa. Hinamak ang utos ng Diyos na magdala ng hain ng isang inosenteng hayop. Hindi nagkamali si Noah, naghandog siya ng sakripisyo ng MALINIS sa paningin ng Diyos. Oo, alam niya na ang mga ito ay pitong pares at walang masamang epekto sa pagpaparami.
Kumusta ka bilang isang mananampalataya? Ikaw ba ay nagpapasalamat sa Diyos at masayang ibinibigay ang iyong ikapu sa Kanya. Nalulugod ang Diyos sa masayang nagbibigay. Ang ikapu ay hindi obligasyon. Dapat itong gawin bilang isang boluntaryong regalo. Si Noe ay hindi inatasang magsakripisyo, ito ay sarili niyang inisyatiba upang ipakita ang kanyang pasasalamat sa kanyang Tagapagligtas.
Talata 21 Naamoy ng Diyos ang nakakalugod na amoy ng mga alay. Ang Diyos ay hindi malayo. Siya ay naririto din sa lupa. Maaaring isipin ng tao ngayon, wala ang Diyos. Hindi nakikita ng Diyos ang aking mga kasalanan, malaya tayong lumabag sa mga utos ng Diyos at lumayo sa Kanya. Ngunit sa talatang ito ay malinaw, na ang Diyos ay naririto SA LUPA.
Ngunit bigyang-pansin din ang paunang-kaalaman ng Diyos: Alam Niya na ang tao ay masama. Ang puso ng tao ay masama mula sa kanyang kabataan. Ipinangako ng Diyos sa Kanyang sarili na hindi na Niya muling sisirain ang lupa sa pamamagitan ng baha (tingnan ang 9:11-17). Pero sa maikling panahon ang kasamaan ng tao ay lumitaw ulit sa pagtatayo ng tore ng Babel sa Genesis 11. Ang tore ng Babel, ayon kay Flavius Josephus, ay ipinangunahan ni Haring Nimrod, apo sa tuhod ni Noe. Sa kasamaang palad, tatlong henerasyon lamang pagkatapos ng baha ay HINDI pa rin natututo ang tao ng kanyang aral.
Talata 22 Ang Diyos ay gumawa ng isa pang pangako: Ang mga panahon ay magpapatuloy, upang ang lupa ay magbibigay ng kanyang bunga. Hanggang sa kasalukuyan, ang mga panahon ng tag-araw at taglamig, malamig at init, araw at gabi ay patuloy na tinatamasa. Ang tao ay may gabi upang magpahinga. Ang lamig at init, tag-araw at taglamig ay nagbibigay ng pagkain. Dapat tayong lubos na magpasalamat sa Diyos sa Kanyang pagtitiis sa ating mga makasalanang tao. Bilang isang mananampalataya, ihiwalay natin ang ating mga sarili sa mundo at huwag lumakad sa likod ni satanas at sa makamundong kasiyahan (talaga bang natutuwa tayo sa droga at malayang pakikipagtalik?). Ipagdasal natin na dumating ang tao sa pagsisisi. Sumampalataya sa tanging daan patungo sa Diyos, sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesukristo bilang tanging Tagapagligtas at daan patungo sa Diyos at buhay na walang hanggan sa Langit. Tingnan ang larawan Tulay sa Diyos.
Genesis 9: Ang tipan ng Diyos
Talata 1 Ang sangkatauhan ay ganap na nawasak maliban kay Noe at kanyang pamilya. Walong tao lang ang natira. Sa Genesis 2, sina Adan at Eba ay inutusan sa talata 28 na maging lumago at magpadami. Dito inulit ng Diyos ang utos kay Noe at sa kanyang pamilya: Maging mabunga at dumami at dinagdagan Niya ng punan ang lupa. Pinagpala ng Diyos si Noe at ang kanyang pamilya, ngunit masasabi nating pinagpapala ng Diyos ang tao. Galit na galit Siya sa kasalanan, pero ngayon ay pinagpapala ng Diyos ang taong nagbigay sa Kanya ng lahat ng karangalan at namuhay ayon sa Kanyang mga utos. Pinagpapala ng Diyos ang taong namumuhay ayon sa mga batas at kalooban Niya. Ngunit ang taong tumatanggi sa Diyos ay naghihintay sa kanyang kaparusahan.
Talata 2 Ngunit may babala: Magkakaroon ng takot at pangamba ang mga tao sa hayop. Nangangahulugan ito na ang tao ay magkakaroon ng takot para sa mga ligaw na hayop at ibon, tulad ng mga tigre, leon, oso, buwaya, buwitre, agila, ahas, pating, atbp. Sa prinsipyo, isinara ng Diyos ang bibig ng mga mababangis na hayop na ito upang sila ay hindi atakihin ang tao. Ngunit paminsan-minsan nagbabala kasi inaatake nila ang minsan ang tao. Maaaring gamitin ng Diyos ang mga hayop na upang magparusa at pumatay (Daniel 6:25). Ito ay para hindi basta-basta lang iisipin ng tao ang Diyos.
Talata 3-4 Mayroong pagkakaiba ng opinyon tungkol sa talatang ito, ngunit ang pagpapaliwanag ay walang kahalagahan. Ipinaliwanag ng ilan na bago ang Pagkahulog, ang tao ay hindi pinahintulutang kumain ng karne. Ang iba ay hindi nagbibigay ng ganitong interpretasyon. Malinaw sa talatang ito na ang tao ay binigyan ng pahintulot ng Diyos na pumatay ng malinis na hayop at kainin ang kanilang laman, ngunit WALA ANG KASAMANG DUGO. Ito ay pinlano na noon pa ng Panginoon na ipinadala Niya ang lahat ng malinis na hayop ng pitong pares upang mabuhay sa arka. Ang mga ito ay inilaan para sa paghahain sa Panginoong Diyos at bilang pagkain din sa hinaharap ng tao.
One is not allowed to drink the blood of the killed animal. Which later the idol servants did. The explanation is simple: the soul is in the blood. But also blood cleanses from sin. The blood of the sacrifices is later sprinkled on the altar of the tabernacle and of the temple. The shed blood of Jesus at the cross cleanses the believer from sin. A human being is unable to redeem himself, the blood of an animal or human being cannot free man from the punishment of sin by God. When sacrificing or drinking animal blood and even yes human blood (which happens in the satan's church), one tries to please the idol or satan. God has not for nothing forbidden this.
Talata 5-6 Ang Diyos ay nagbigay ng napakahigpit na babala, sinumang lumabag sa utos na ito ay kukunin Niya ang kanyang buhay. Ang taong pumatay sa iba ay tatanggap ng parusa ng Diyos. Ang taong umiinom ng dugo ay ipinagbili ang sarili sa mga demonyo at satanas. Dito pa lang sa lupa ay makatanggap na ng mala-demonyong buhay at pagkamatay ay walang hanggan sa Lawa ng Apoy.
Ang isang tao ay hindi dapat pumatay ng ibang tao, dahil ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos. Ang sinumang pumatay ng isang tao, pumapatay ng isang nilalang ng Diyos. Nalalapat din ito sa pagpapalaglag. Ang buhay ng tao ay nagsisimula sa pagpapabunga ng itlog na galing sa babae at ng esperma mula sa lalaki. Sa sandaling iyon, nangyayari ang paghahati ng selula at kung gayon ang buhay ay nagaganap! Ang taong nagpalaglag ay nahawaan ng demonyo, na nasaksihan ng marami. Para sa nagpalaglag, ang tunay na pagsisisi at pagbabalik loob kay Hesus ay kailangan upang maging malaya. Dakila ang habag at awa ng Diyos para hilingin ang kapatawaran.
Talata 7 Ang utos sa talata 1 ay inulit, magbunga nang sagana sa lupa at magparami. Pansinin ang lakas ng binhi mula sa mga anak ni Noe. Sa napakaikling panahon ay isinilang ang mga anak na lalaki at babae, tingnan ang Genesis 10 at 11.
Talata 8-11 Nakipagtipan ang Diyos sa tao AT hayop. Ito ay hindi lamang isang tipan sa tao, kabilang dito ang lahat ng nabubuhay na nilalang sa lupa. Hindi na sisirain ng Diyos ang buhay sa mundo sa pamamagitan ng baha. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang tao ay malaya sa paghatol ng Diyos at maaaring nang mamuhay ayon sa gusto niya. Kung gaano kasama ang tao ay makikita rin sa gawa ng anak ni Noe na si Ham sa talata 22, ang pagtatayo ng tore ng Babel, at ang kasalukuyang panahon ng paghamak sa Diyos. Ang kakila-kilabot na mga kasalanan noong panahon bago ang Baha ay nauulit ngayon. Para bang hinihimok ng tao ang paghahatol ng Diyos, hindi natin isinasaalang-alang ang Diyos na may kakayahang magpaparusa. Ang galit Niya ay tunay na makikita kapag ang mga salot sa nalalapit na Dakilang Kapighatian (Pahayag 6, 8-10) ay ibuhos sa sangkatauhan. Pagkatapos ay darating ang huling paghatol ng Maylika sa Kanyang mga nilalang.
Talata 13-17 Kung mayroon nang bahaghari bago ang baha ay hindi mahalaga. Ito ay at nananatiling nilikha ng Diyos. Ang buong sansinukob ay nilikha ng Diyos. Ang mundo ay nasa tamang distansya mula sa araw, ang maliit na paglihis ay magreresulta sa sobrang init o lamig para sa tao upang mabuhay. Ang buwan ay nasa tamang distansya upang magbigay ng mababa at mataas na tubig. Ang buhay ng tao ay hindi posible sa ibang planeta. Sa lupa lamang maaaring tumubo ang mga puno at halaman, at mga katubigan para sa mga isda. Ang bahaghari ay tanda ng tipan ng Diyos. Ito ay nilikha ng Diyos sa kalikasan.
Oo, bahaghari lang ang nakikita ng karamihan. Gayunpaman, ang mananampalataya ay pinapaalalahanan ng Tipan ng Diyos na hindi na Niya muling sisirain ang lupa sa pamamagitan ng baha. Ang pag-ulan ay maaaring marahas, magdudulot ng bahagyang pagkawasak, ngunit hindi sa buong mundo. Ito ay ang pag-alala sa Diyos. Ang bahaghari ay hindi lamang para sa tao, ito ay isang paalala din para sa Kanya. Napakabuti Niya! Nararapat tayong magpasalamat sa Panginoon, sa tuwing nakikita natin ang bahaghari: Salamat sa Diyos sa Kanyang pagtitiis sa ating mga makasalanan.
Talata 18-19 Mula sa mga anak ni Noe, isinilang ang buong populasyon ng mundo. Tila si Noah (na nabuhay 350 taon pagkatapos ng baha, talata 28) at ang kanyang asawa ay hindi na nagkaanak.
Talata 20-21 Kung si Noe ay naging isang magsasaka pagkatapos ng baha o bago pa man ang baha, ay hindi nabanggit. Mahalaga na nagtanim siya ng ubasan. Ang bunga ng ubasan ay ubas. At hindi ka nalalasing sa katas ng ubas. Umiinom kami ng katas ng ubas kasama ng banal na hapunan. Ang pangunahing teksto sa Bagong Tipan ay walang indikasyon kung ito ay ang katas ng ubas o alak na ginamit ni Jesus sa Banal na Hapunan. Mabilis na natutunaw ang katas ng ubas kung wala sa panahon ng pag-aani ng ubasan, kaya ang katas ng ubas ay umaasim. Ang alkohol ay ginagamit bilang isang preserbatibo. Hindi maitatanggi na si Noe ay naparami ng uminom ng alak. Isang tao ng Diyos na lumakad nang matuwid ngunit ngayon ay nawala ang kamalayan sanhi ng kalasingan. Nahayaan niyang makitaan siyang hubad sa kanyang tolda. Ang tanong nasaan ang asawa niya? Naganap na ba ang kalasingan na ito noon dati at hiniwalayan siya? Ang kanyang asawa ay wala sa talatang 23, nang pumasok si Ham sa tolda.
Talata 22 Bakit pumasok ang anak niyang si Ham sa tolda ng kanyang ama? Wala naman siyang hahanapin doon, alam niyang lasing ang kanyang ama. Gayundin sa mananampalataya, huwag pumunta sa mga lugar kung saan hindi mo naman kailangang pumaroon, panatilihing malinis ang iyong sarili at huwag hayaan ang iyong sarili na mahuli sa kasalanan ng mundo. Mamuhay ng banal!
Si Ham ay walang paggalang sa kanyang ama, dahil tinitigan lang niya ang kahubaran ng kanyang ama at HINDI man lang tinakpan ito, sa halip ay pinagsabi pa niya ito sa kanyang dalawang kapatid.
Kumusta ikaw bilang mananampalataya? Ipinagsasabi mo ba ang kasalanan ng kapwa mo mananampalataya? O, hinahanap mo at kinakausap ang may sala nang sarilinan at hindi sa publiko? Ang sinumang walang kasalanan ang siyang unang bumato. Ang ating tungkulin ay kausapin ang nagkasalang kapatiran. Kung ang may kasalanan ay ayaw makinig, ay ipagalam sa mga nakatatandang (elders) pinuno ng simbahan upang siya'y makausap din. Tingnan kung ano ang sinabi ni Jesus sa Mateo 18:15-17.
Talata 23 Ang dalawang magkapatid ay lumalakad nang paurong sa tolda upang hindi nila makita ang kahihiyan ng kanilang hubad na ama.
At tinakpan ang kanilang ama ng damit. Maging mahalagang aral ito sa mga Kristiyanong magulang. HINDI dapat makita ng mga bata ang kahubaran ng kanilang mga magulang (ari, suso ng ina). Kapag naliligo kasama ang mga bata, dapat gumamit ang mga magulang ng mga kasuotang panligo!
Talata 24 Nakatulog si Noe ng hubad sa kanyang kalasingan at natuklasan na niya may damit siya sa ibabaw. Saan nagmula ang kasuotang ito? Napagalaman niya ang ginawa ng kanyang anak na si Ham. Sinasabi ng Bibliya na ang mananampalataya ay dapat umiwas sa paglalasing. Pinakamabuting huwag gumamit ng mga inuming may alkohol. Upang hindi matukso ang iyong kapatid o masaktan ang kanyang pananampalataya. Sa kalasingan ay maaaring maging marahas, masiraan ng bait at hindi na alam kung ano ang ginagawa. Iyan ay tiyak na hindi magandang Kristiyanong patotoo.
Talata 25 Sinumpa ni Noe ang kanyang anak na si Ham at ang kanyang mga inapo, ang mga Cananeo. Isang napakabigat na parusa. Ang mga Canaanita ay magiging mga alipin sa kanilang dalawang kapatid. Hindi dapat mag-isip lang nang basta-basta ukol sa matinding kasalanan. Ang parusang ito ay hindi limitado sa pansariling kasalan ni Ham, ang sumpa ay pinalawig sa kanyang pamilya at mga supling!
Talata 26-27 Pinagpala ni Noe ang kanyang dalawang anak na sina Sem at Japhet. Si Sem ang maghahari sa isinumpang anak na si Ham. Pinagpala din ng Diyos si Japhet at mamamahala rin kay Ham. Pinagpapala ng Diyos ang mananampalataya na tumutupad sa mga utos Niya.
Talata 28-29 Nakita ni Noe na tinutupad ng Diyos ang Kanyang salita at ang kanyang mga anak ay naging mabunga at dumami. Nabuhay siya 350 taon pagkatapos ng baha upang makita ang maraming henerasyon pagkatapos niya. Napakalaking pagpapala para sa isang taong matuwid. Malamang ang isang aral dito ay huwag magpakalasing.