Bakit ako nabubuhay? Ano ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay?
Isa kang perlas sa mata ng Diyos |
Isa kang PERLAS sa mata ng Diyos |
Ano ang layunin ng buhay? Bakit ako isinilang ng aking mga magulang sa mundong puno ng problema at karahasan? Digmaan, depresyon, alak, droga, pagpapakamatay, walang kabuluhang buhay, pagkabigo, kawalan ng trabaho, pagnanakaw, pagpatay, pakikipag-away, pagkamatay, pagkawala ng minamahal, nakamamatay na sakit, pangangailangan para sa isang sikayatris, walang pag-asa sa hinaharap na buhay, kawalan ng layunin at pagkawala ng ideolohiya, atbp.
Wala kaming tiyak na sagot para sa iyo dahil iba-iba ang bawat tao. May mga taong malakas, ang iba nama'y nangangailangan ng karagdagang tulong. Ngunit bibigyan ka namin ng ilang sagot kung bakit ka nabubuhay.
Una sa lahat IKAW ay MAHALAGA. Walang sinuman ang makakapagsabi at maaaring magsabi ng "Wala akong kwenta", na "Walang nangangailangan sa akin." Iyon ay kasinungalingan. Ang iyong unang hakbang ay paniwalaan ito; ang bawat tao sa mundo ay may halaga, kung ikaw ay isang ina, kailangan ka ng iyong (mga) anak, mayroon kang napakahalagang papel sa pagpapalaki ng iyong mga anak. Kayo na nag-aaral ay may napakahalagang papel na tumulong sa pag-unlad ng bansa. Halimbawa, ang Brazil ay bangkarota, ang mga gastos ay mas mataas kaysa sa natanggap ng mga buwis. Marami ang walang trabaho, tatlong milyon ang walang pinagkakakitaan. Ang Brazil ay nangangailangan ng mga pinuno at edukadong tao upang tumulong sa paglago ng Brazil. Kung mas maraming tao ang nagtatrabaho at kumikita (buwis) ng pera, ito'y makakabuti para mabayaran ng gobyerno ang mga empleyado sa edukasyon, kalusugan, paggawa ng kalsada, pagreretiro, atbp. Kaya lahat, kasama ka ay MAHALAGA.
Bakit ang daming problema sa mundong ito?
Maaari mong sabihin; Paumanhin, pero wala akong lakas upang ipagpatuloy ang buhay sa lahat ng mga problema ko.
Gayon, kailangan mong maunawaan na ang mga tao ay nagdudulot ng mga problema dahil iniisip lamang nila ang kanilang sarili at saka may mga puwersa ng kasamaan sa mundo natin. Maaari kang tumawa kapag pinag-uusapan ko ang tungkol sa mga puwersa ng kasamaan, ngunit sa palagay ko ay narinig mo na ang mga taong nagsasanay ng macumba, voodoo at sumasangguni sa mga espiritu. Kaya tunay na may mga puwersang ganito ng kasamaan. Pag-uusapan ko ito mamaya. Ang mga taong makasarili ay iniisip lamang ng kanilang sariling mga mapagkukunan. Kunin ang Russia, halimbawa, na isang komunistang bansa. Si Putin ay binigyan ng kapangyarihan pagkatapos ng pagbagsak ng USSR. Ngayon ay isa na siya sa pinakamayamang tao sa mundo. Paano ito posible? Ang buhay sa Russia ay halos hindi nagbago ng positibo. Kailangang itaas ang edad ng pagreretiro (ganun din ang nangyayari sa Netherlands) dahil walang pera ang gobyerno para bayaran ang mga retiro habang si Presidente Putin ay lumaki na mula sa pagiging "mahirap" tungo sa pagiging isa sa pinakamayamang tao sa mundo. Ito ay komunismo na may ideolohiya ng pagbabahagi ng mga ari-arian sa iba? Sa kasamaang palad, ito ay isang malaking kasinungalingan. Tulad ng China, ang mga pinuno ay mayayaman, ngunit ang populasyon ay nagtatrabaho para sa wala. Kailangan nating buksan ang ating mga mata sa realidad. Ikaw at ako ay dapat bumuo ng sama-sama, magtulungan at gawin ang ating bahagi. Kumuha ng magandang trabaho at kumita ng pera para sa iyong sarili at tumulong sa ibang tao. Magmahal, lumaban, magtrabaho.
Gusto mo bang maging bahagi nito?
Ano ang aking karanasan?
Tatlong beses akong nawalan ng pinagkakakitaan sa loob ng 2-3 taon na walang trabaho. Ang aking dalawang kabataang kapitbahay ay nagpakamatay. Ang isa sa kanila ay may kasintahan na nabuhay sa mundo ng krimen at gusto siyang pilitin ng mga kriminal na makipagkalakalan sa droga. Isang tiyuhin din ang nagpakamatay.
Nahirapan akong mag-aral dahil sa may disleksya ako at nahirapan akong magsalita. Kailangan ko ng maraming tulong mula sa aking mga guro. Pero salamat sa Diyos, nakapagtapos ako ng abyasyon at agham sa kompyuter. Nag-iisang anak ako at lumaki na walang kaibigan. Halos hindi naghahalikan ang mga magulang ko, hindi sila nagyayakapan, nagtatalo sila dahil hindi nila magawang makipag-usap sa isa't isa. Noong bata pa ako, madalas akong magkasakit. Kahit may sakit ako, pumapasok ako sa paaralan. Niloko ako ng dati kong asawa at nabuntis sa ibang lalaki. Pero salamat, nakaligtas ako at ngayon ay nagretiro na. Mayroon akong dalawang magagandang anak at isang matiyagang asawa.
Tingnan ang bagong halal na pangulo sa Brazil, pagkatapos ng pagtangkang pagpatay sa kanya, sinabi niya ang dahilan ng pananatili niyang buhay ay ang kanyang walong taong gulang na anak na babae. Sinabi ng bata; "Itay ayoko pong maging ulila."
Maaaring marami kang dapat harapin, ngunit ang tutoo ganyan talaga ang buhay. Habang nagsasalita ang aking anak, may mga sandali ng kaligayahan at mga sandali na para kang natitinik. Maaari kang madismayá. Ngunit gawin mo ang iyong bahagi, mag-aral ka, baka sa hinaharap ay makahanap ka ng tamang kasintahan, kung kanino ka liligaya at magkakaanak. Kaya sulit ang buhay, kahit na kung magkasakit o mawalan ka ng minamahal. Ganito ang buhay, walang ibang paraan kindi isabuhay ito.
Bakit napakaraming kasamaan sa mundo?
Napakaraming kasamaan sa mundo dahil pinipili ng tao na bale-walain at hindi sumunod sa Diyos. Mula sa simula, anim na libong taon na ang nakalilipas, hanggang sa kasalukuyan nais ng Diyos ang pinakamahusay para sa mga tao, maniwala ka man o hindi. Puwede kang mangatwiran; tigilan mo na yang kalokohan na yan. Walang Diyos. Naniniwala ka ba sa BIG BANG, ang malaking pagsabog, ang lumikha ng sansinukob? Ang buong uniberso ay kahanga-hangang binuo at ang lahat ay sumusunod sa mga nakapirmíng patakaran. Ang buwan ay umiikot sa tamang distansya mula sa daigdig. Maaari bang ayusin ng isang malaking pagsabog ng mga materyales tulad ng tubig, hangin, pagkatapos ang mga halaman, mga puno, mga isda at mga hayop sa tamang pagkakasunud-sunod? At sa huli nagkaroon ng pinakamasalimuot sa mundo, ang tao. Bakit hindi lahat ng tao ay nagsasalita ng iisang wika? Bakit pare-pareho ang ulo ng mga hayop ngunit magkaiba ang ulo ng mga tao? Bakit ang tao ay nabubuhay lamang sa daigdig na ito? Sa teorya ng malaking pagsabog ay dapat mayroong tao din sa maraming planeta, ngunit walang matagpuan. Bakit naniniwala ang mga dakilang siyentipiko tulad ni Werner von Braun ng NASA na may Diyos?
Suriin natin ang kasamaan.
Ang kasamaan ay nagmula kay satanas at mga demonyo. Hindi natin ito mapagkakaila dahil sa macumba at voodoo. Ang mga taong gumagawa nito ay nakikipag-ugnayan sa mga kampon ng kadiliman at nagsasanay ng mga kakila-kilabot na gawi tulad ng paghahain ng mga bata at umiinom ng dugo ng tao. Kaugalián nilang sumpain ang tao para magka-sakit at mamatay.
Kaya kailangan nating labanan ang kasamaang ito. Ngunit sila ay makapangyarihang mga nilalang. Ikaw at ako ay walang ganitong kapangyarihan. Sa pamamagitan lamang ng pagdarasal at paghiling sa Diyos na ipadala ang kanyang mga anghel upang labanan ang mga nilalang na ito, posible na masugpo't magapos sila. Ngunit ano ang kinalaman nito sa akin? Dahil gusto ng kasamaan na sirain ang lahat ng kaligayahan sa iyong buhay.
Matutulungan ka ba namin? Maaari pong basahin ang lahat sa ibaba at huwag tumigil bago mo mabasa ang lahat kahit na hindi ka sumasang-ayon. Kung sa palagay mo hindi ka namin matutulungan, payo nami'y humingi ka pa rin ng tulong sa ibang lugar. Nasa iyo ang kapasyahan ngunit bigyan mo sana kami ng pagkakataon.
Upang maunawaan kung paano pumasok ang kasamaan sa mundo, dapat nating buksan ang Bibliya. Nagsisimula ang Bibliya sa pagkakaroon ng isang madilim at walang hugis o anyong mundo. Par bang nawasak ang lupa (sa tingin ko ay kagagawan ni satanas, ngunit hindi ito ang lugar upang pagtalunan ito). Si satanas ay naghimagsik sa Diyos dahil gusto niyang maging kapantay. Sa simula, lumikha ang Diyos ng liwanag sa dilim (nasa kadiliman ba ang iyong buhay?), mga halaman at puno, isda, hayop at baka. At sa panghuli, ang lalaking si Adan at ang kanyang asawang si Eba, ang daigdig ay maganda at perpekto. Sinabi ng Diyos na makakain nina Adan at Eba ang lahat ng punong namumunga, ngunit HUWAG mula sa iisang puno na may babala na kung ito'y kakainin, sila ay mamamatay.
Ginamit ni satanas ang katawan ng ahas (sa palagay ko, sa pamamagitan lamang ng katawan - hayop man o tao - makikita si satanas at mga demonyo) para kausapin si Eba. Sa madaling salita; nagsalita si satanas ng kalahating katotohanan kay Eba, naniwala siya sa kanya at kumain ng ipinagbabawal na prutas. Siya ay nalinlang. Inabot niya kay Adan upang aluking kainin din ang ipinagbabawal na prutas sa kanyang asawa. Naharap siya na pumili; kumain o hindi. Piliing sundin si Eba kahit na laban sa utos ng Diyos, o tanggihan siya't manatiling masunurin sa Diyos. Nagkamali si Adan ng pagpili at kinain ang prutas, pinili nilang pareho ang lumabag sa kautusan ng Diyos. Dahil sa kasalanang ito, dumating ang kamatayan sa mundo. Inalis sila ng Diyos sa paraisong hardin at ang nakasanayang pakikipag-ugnayan nila sa Diyos (ang espirituwal na kamatayan). Sa kasalanang ito, dumating sa mundo ang lahat ng uri ng sumpa, sakit, paghihirap, pagpatay, digmaan at kamatayan. Ngayon ito ay lumalala lamang dahil ang mga tao ay lalong pinipili ang laban sa Diyos at pabor kay satanas at mga demonyo. Ito ay ang malayang kagustuhan ng tao. Hindi pinipilit ng Diyos na piliin Siya. Kaya nga ang mga tao ay magdurusa sa mga kahihinatnan ng ating kasamaan.
Ang mga kahihinatnan ay nakikita araw-araw, alam ng mga tao kung ano ang masama at mabuti, ang digmaan, pagnanakaw at pagpatay. Ang ibang tao ay tuluyan nang pinatay ang kanilang konsensiya, waláng-habas na pumatay ng kapwa para lang nakawan ng hindi niya pag-aari. Ang pagnanais na ipataw ang KANILANG kagustuhan sa iba - kung hindi nila makuha ang kanilang gusto - ay naninira o nagsusunog ng pag-aari't paninda ng ibang tao. At pagkatapos, ang mga taong ito'y may lakas-loob pa ring magsalita tungkol sa demokrasya, habang ang minorya ay nais na igiit ang kanilang kalooban (na may karahasan) sa karamihan. Iniisip nilang walang Diyos, kayat maaari silang magpatuloy nang walang parusa. Ang kanilang pag-iisip ay ganap na nasa ilalim ng impluwensya ni satanas at mga demonyo nang hindi nalalaman ito. Ito ay panlilinlang ng mga kapangyarihan ng kadiliman.
Maaari mong sabihin na ang lahat ng ito ay walang kapararakan. Ngunit ang katotohanan ay nandiyan at mapagmamasdan ang napakalawak na uniberso; ang araw at buwan ay nagbibigay ng kanilang liwanag sa tamang panahon, ang iba't ibang kapanahunan ay ginagawang posible ang siklo ng buhay; "Hanggang naririto't buo ang daigdig, tagtanim, tag-ani, palaging sasapit; tag-araw, tag-ulan, tag-init, taglamig, ang araw at gabi'y hindi mapapatid." (Genesis 8:22). Maraming mga inhinyero ang kailangan upang makabuo ng isang sasakyang panghimpapawid tulad ng Airbus 340, pero hindi lahat ng mga inhinyero ay may kaalaman sa paggawa nito. Ang katawan ng tao ay napakasalimuot na maraming mga espesyalista ang kailangan, bawat isa sa kanilang sariling larangan ng katawan, ngunit walang sinuman - kahit na gaano pa kadalubhasa o katalino - ang may kayang lumikha ng buhay. Hindi kayang likhain ng tao ang buhay, kaya mayroong Diyos! Maaari mong isipin na "marahil mayroon ngang mas Mataas na Kapangyarihan, ngunit ano ang kinalaman ko doon?" Ang tanong ay; kapag namatay ba ay talagang wala nang kasunod, o nagpapatuloy ang buhay sa ibang lugar? Ang sagot ay nagpapatuloy ang buhay pagkatapos ng kamatayan. Kung gayon ang bawat tao ay kailangang managot sa Diyos para sa kanyang mga aksyon sa lupa.
Ipagpalagay na nating tama ka, pero ayaw ko nang mabuhay, sawang-sawa na ako sa buhay sa mundo. Wala akong layunin na mabuhay, ang hapdi ng aking karamdaman ay hindi ko na kaya, hindi ko mapangalagaan ang aking pamilya, hindi ako masaya. Kaya mas mabuting mamatay nalang ako. Sa kasamaang palad, mayroon akong masamang balita para sa iyo. Kung hindi ka makikipagkasundo sa Diyos, mananatili kang hiwalay sa Kanya magpakailanman (magpa-walang hanggan). Pagkatapos nitong buhay sa lupa ay susunod ang isang buhay na hindi nagwawakas. Kung paanong ang singsing ay walang katapusan at simula, gayon din ang buhay pagkatapos ng kamatayan; walang katapusan. Ang mas masahol pa sa buhay na hiwalay sa Diyos ay ang mas masaklap na pasakit at pagdurusa kumpara sa iyong buhay sa lupa!
Ngunit mayroon din akong MABUTING BALITA para sa iyo!
Ang Diyos ay pag-ibig at ninanais ang kabutihan ng tao. Siyempre ang sakit at pagdurusa, kasiyahan at kaligayahan ay maaaring bahagi ng maikling buhay sa lupa na karaniwang umaabot ng 70-80 taon. Iyan ay bale-wala kung ikukumpara sa buhay na walang katapusan. Ang buhay sa lupa ay isang pagsubok kung pipiliin mo ang kadiliman laban sa Diyos, o pipiliin mo ang Diyos.
Nais ng Diyos na bigyan ka ng kapangyarihan sa lupa upang mabuhay kahit sa mahirap na kalagayan. Minsan pinalalaya ka Niya sa gulo, minsan binibigyan ka Niya ng lakas para malampasan ang mga paghihirap.
Iniisip mong ayos lang ang lahat, pero ang Diyos ay Diyos, hindi Niya alam kung gaano kahirap ang buhay ko. Hayaan mo akong ihayag sa iyo ang isang bagay tungkol sa Diyos, pagkatapos ay ipapaliwanag ko sa iyo kung paano MO maaaring matanggap ang kapangyarihan para sa iyong buhay.
Ang Diyos ay isang Trinidad. Siya ay ang Diyos Ama, ang Panginoong Hesukristo at ang Espiritu Santo. Maaaring narinig mo na ang tungkol kay Hesus, na ang kapanganakan ay ipinagdiriwang ng mga Kristiyano tuwing Pasko. Si Hesus bago pa ang paglikha ng sansinukob ay nasa langit kasama ang Kanyang Ama. Magkasama Nilang Tatlo pinlano ang solusyon sa pagkakahiwalay ng tao sanhi ng kasalan. Bagama't ang Diyos ay pag-ibig, Siya rin ay makatarungan. Walang magulang na pinatay ang kanyang anak ang nais na lumaya ang kriminal nang walang hustisya. Ang kawalan ng parusa ay kawalan ng katarungan. Dapat parusahan ang pumatay, ipataw ang hustisya. Marahil ay narinig mo na ang Sampung Utos tulad ng; huwag kang magnakaw, huwag kang papatay, huwag pagnasahan ang hindi iyo, huwag kang mangangalunya, atbp.
Hayaan akong magbigay ng isang halimbawa. Ang isang malaking may-ari ng lupa ay nagmamay-ari ng maraming lupain na may maraming baka, pananim at mga taong nasa kanyang paglilingkod na nag-aalaga ng mga baka at mga taniman. Ang mga taong ito ay tumatanggap ng sahod at kaya nilang pangalagaan ang kanilang mga pamilya. Nagbabayad ng buwis ang may-ari ng lupa para matulungan din ang ibang tao. Nagbabayad siya ng mga gastusin sa pagpapagamot upang ang mga taong nasa kanyang serbisyo ay magkaroon ng magandang probisyon sa kalusugan. Isang araw, ang mga taong walang lupa ay dumating nang may puwersa at kinuha ang kanyang lupain, sinira ang lahat ng mga pananim at makina. Nanirahan sa lupa, nahinto ang kalakaran, pinapatay ang mga baka (nawala ang gatasan), nawalan ng ani ngunit nabuhay sila sa gastos ng gobyerno. Dahil dito, nawala ang trabaho ang mga tauhan ng may-ari ng lupa, at naging pabigat sa gobyerno para tustusan ang kanilang ikabubuhay. Mas mababa ang kanilang sahod kaya mas mababa ang kanilang gastusin, na masama sa ekonomiya ng bansa. Ang mga tao sa bansa ay naghihirap dahil mas kumaunting prodúksiyón sa ekonomiya. Si satanas at mga demonyo ay nagsasaya kasi ang kanilang layunin ay sirain ang tao.
Isa pang halimbawa. Sa loob ng maraming taon, ang partido ng mga manggagawa ay nasa kapangyarihan sa Netherlands, na gumagastos ng mas maraming pera kaysa sa natanggap nito sa pamamagitan ng buwis. Lumaki ang utang at interes hanggang sa hindi na mabayaran. Ang sumunod na partido ay kailangang dagdagan ang mga buwis at dahil walang reserbang naitabi, ang mga utang ay nabayaran pagkatapos ng dalawampung taon. Ngunit ngayon ang populasyon ng Dutch ay nagdurusa sa kahihinatnan; ang edad ng pagreretiro ay tataas mula 65 hanggang 67 (maaaring hanggang sa 70 pa) sa kapwa mga lalaki't babae. Ang Netherlands ay lumabas sa krisis sa mundo nang medyo mabilis dahil ang mga Dutch ay nagtipid. Sa gitna ng mga krisis, may mga taong nawalan ng trabaho, subalit salamat sa kanilang mga ipon ay nabuhay silang halos sa parehong antas na nakatulong sa ekonomiya ng bansa. Ang matalinong pamamahala ng mapagkukunan (resources) ay nangangahulugang pagplano sa hinaharap at ang hindi paggastos ng lahat ng iyong pera ngayon.
Kaya't binuo ng Diyos ang solusyon para makaligtas sa kaparusahan sa pagsuway at kasalanan ng tao. Inako ni Hesus na kunin ang parusang iyon. Isinangtabi Niya ang lahat ng kaluwalhatian at kapangyarihan na mayroon Siya sa Langit at isinilang sa lupa na may katawan at kahinaan ng tao. Nagawang tuksuhin Siya ni satanas sa lupa ngunit hindi Siya nabitag. Sa edad na 33, Siya ay inosenteng hinatulan ng kamatayan sa krus ng Golgota. Si Hesus ay ipinako sa krus para sa ating kasalanan, isang napakasakit na kamatayan. Tinuya Siya ng mga tao at hinamon Siya na bumaba sa krus at ipakita ang Kanyang kapangyarihan; isang pagtatangka ni satanas upang hindi mamatay si Hesus sa krus at dalhin ang ating kasalanan. Gayunpaman, nagpatuloy si Hesukristo at namatay.
Katapusan ng istorya? HINDI, si Hesus ay bumangon mula sa mga patay at pagkaraan ng ilang (40) araw bumalik Siya sa langit (Ascension to Heaven). Para sa sinumang naniniwala na si Hesus ay namatay para sa kanyang kasalanan, ang pinto ay bukas upang mabuhay sa Kanyang kaharian sa langit nang walang hanggang kapiling ang Diyos. Doon ay walang kalungkutan, karamdaman o kamatayan, pawang buhay ng kagalakan at payapang kasama ng Panginoon magpakailanman.
Mabuti kung ganoon, pero hindi pa rin iyon nakakatulong sa aking miserableng buhay sa lupa.
Sampung araw pagkatapos ng Pag-akyat sa Langit ni Hesus, may magandang nangyari. Ang Banal na Espiritu ay bumaba at pinuspos ang mga tagasunod ni Hesus. Ngunit ito ay hindi limitado sa kanyang mga alagad noon, sinasabi ng Bibliya na sinumang kilalanin ang kanyang pagiging makasalanan at naniwala na si Hesukristo ay namatay at nabuhay namag-uli para sa kanya ay ipagkakaloob na pusposin ng Banal na Espiritu. Ang Espiritu Santo ay isang Espiritu. Paano mo malalaman kung nasa sa iyo ang Banal na Espiritu? Sa pamamagitan lamang ng mga gawa ng Banal na Espiritu! Halimbawa: May hangin, paano mo malalaman? Dahil umiihip ang hangin, nararamdaman mo ang hangin. Ang lakas ng hangin ay nagpapabagsak sa mga puno, nagtutulak sa mga alon ng dagat. Nararanasan ng Kristiyano (ang taong kumikilala at naniniwala kay Hesukristo) ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu sa kanyang buhay, BASTA bukas siya dito.
Maging bukas sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu sa iyong buhay
Mayroon bang anumang kondisyon para dito? Oo, tiyak, kung gusto mong maranasan ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu sa iyong buhay, dapat kang mamuhay sa pagsunod sa at kapayapaan ng Diyos. Ito ay ang iyong malayang pagpiling magpasakop sa Diyos araw-araw. Kinamumuhian ni satanas ito at sisikapin niyang hilahin ka palayo sa pananampalataya at suwayin ang Panginoon. Dapat kang mag-ingat laban kay satanas at mga demonyo. Paano?
Kabilang diyan ang ARAW-ARAW na pagsusuri ng sarili't pagsisisi kung nagkasala, pagbabasa ng Salita ng Diyos (sa Bibliya nangungusap ang Diyos sa iyo at papayuhan ka paano mamuhay) at pananalangin (ang pakikipag-usap sa Diyos).
Maghanap ng isang simbahan kung saan ang pananampalatayang Kristiyano ay isinasagawa, na may pag-aaral ng Bibliya at mga kurso upang lumago sa pananampalataya.
Kaya paano mo mararanasan ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu? Depende ito sa iyong pang-araw-araw na buhay kasama ang Diyos. Isang halimbawa, sa isang mabuting pagsasama ay may araw-araw na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mag-asawa, ang mga bagay-bagay ay pinag-uusapan kasama ang pagpaplano sa kinabukasan, oras para sa isa't isa at sa mga anak, samakatuwid maganda't maayos na komunikasyon ng mag-asawa. Maaari itong ihalintulad sa iyong buhay kasama ang Diyos. Pang-araw-araw na pakikipag-usap at konsultasyon sa Kanya. Pagbubukas ng iyong sarili sa kalooban ng Diyos. Ang Diyos ay nagsasalita sa iyo sa pamamagitan ng Bibliya. Itinuturo ng Bibliya kung ano ang nararapat ng kaugalian ng tao, ito ay isang mayamang sosyolohikal na libro na maraming matalinong aral at nagbibigay ng maayos na pananaw. Sa pamamagitan ng iyong panalangin, inihahain mo sa Diyos ang iyong mga problema at kahirapan, humihingi ka ng tulong sa Diyos.
Nabibigay ba agad ang aking pangangailangan? Minsan ang mga adik sa droga at alak ay agad-agad na nakakalaya sa kanilang pagkagumon habang ang iba ay patuloy na nahihirapan. Sa tingin ko ito ay may kinalaman sa ganap na pagsuko kay Hesus at sa Espiritu Santo. Ang iba ay agad na gumaling sa kanilang karamdaman, ngunit ang Diyos ay hindi nagpapagaling sa lahat ng pagkakataon, Siya ang Soberano, Siya ang nagpapasya. Alam niya kung ano ang pinakamabuti para sa tao. Minsan ang kamatayan ay mas mahusay kaysa sa pakikipaglaban sa kanser sa loob ng maraming taon. Sinusubukan ng Diyos ang tao kung siya ay tunay na nagtitiwala sa Kanya. Hindi lahat ng taong walang trabaho ay mabilis na nakakatanggap ng trabaho. Sa aking kaso, umabot ng 2-3 taon, ngunit noong panahong iyon ay pinahintulutan akong lumago sa espirituwal dahil libre ang aking oras.
Naranasan ko na bang magutom? Oo, ngunit hindi seryoso, nakaligtas ako at nakatanggap ng pagkain. Ito ay nagturo sa akin na pangalagaan ang mga mahihirap na kapos sa kanilang mga pangangailangan.
Oo, mahalaga ang iyong buhay. Ang mga mahihirap na panahon ay nagtuturo sa mga tao ng mga aral para sa hinaharap. Sa mahihirap na panahon mararanasan mo ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu upang malagpasan ang mga paghihirap na iyon kung tunay kang aasa sa Kanya. Ang pagpapakamatay, ang pag-aalsa, ang pagsira ng mga bagay at ang protesta ay mga pagpapahayag ng kapangyarihan ng kadiliman at kahinaan. Nais ng Diyos na iwasan mo ang mga bagay na ito at sundin Siya sa paglaban sa kasamaan.
Kaya bakit ka nabubuhay?
Nilikha ng Diyos ang tao upang pamamahalaan ang daigdig at iba pang mga nilalang Niya, mababasa natin ito sa Ang Aklat ng Genesis sa Bibliya, ang unang aklat sa Banal na Kasulatan. Ngayon ay nakikita natin ang napakalaking pagkamakasarili ng tao na may mga kahihinatnan ng pagkalbo ng gubat at polusyon ng kapaligiran. Nabigo ang tao. Sa Pasko ay ipinagdiriwang natin ang kapanganakan ni Hesus, na Siyang ipinadala ng Diyos Ama upang mamatay sa Krus sa halip na ang tao upang mapatawad ang kasalanan. Dinaig ni Hesus ang kamatayan nang pagkaraan ng tatlong araw ay binuhay Siya mula sa mga patay ng Diyos. Tinapos ni Hesus ang Kanyang gawain sa lupa upang ang sinumang maniniwala sa Kanya ay hindi mawala (iyon ay, ang kaparusahan para sa kasalanan) sa halip magkaroon ng buhay na walang hanggan sa langit.
Kaya sa tanong kung para saan ka nabubuhay? Tayo ay binigyang layang makapili. Kapag ang indibidwal ay piliing manalig kay Hesukristo, siya ay tatanggap ng buhay na walang hanggan at mamamahala bilang hari sa Milenyong Kaharian kasama ni Kristo sa Kanyang paghahari sa lupa bilang "Hari ng mga Hari". Matapos ang pagpili na magtiwala sa Panginoong Hesukristo SIMULAN ANG BAGONG MISYON:
- Mabuhay para sa kaluwalhatian ng Diyos at sambahin Siya lamang.
- Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu (na Siyang nananahan sa bawat tunay na Kristiyano, o silang mga ipinanganak na muli) huwag bumigay sa mga patibong ng kasalanan.
- Ang Banal na Espiritu ay tumutulong sa mananampalataya na maunawaan ang Bibliya, ngunit nasa mananampalataya na ang respónsibilidád na magbasa ng Salita ng Diyos ARAW-ARAW. Ito ay isang kaugalián na makakabuti't sana makasanayan mo.
- Ang Espiritu Santo ay tumutulong sa ating pagdarasal para sa iyong sarili, para sa ibang tao at mga bagay sa mundo.
- ANG LAYUNIN NG BUHAY KRISTIYANO SA LUPA AY ANG PAGHANDAAN NA MAGING ANGKOP NA MAMAHALA SA ILALIM NI HARING KRISTO HESUS.
Ikaw ay may layang pumili
Mayroon kang ganap na malayang magpasiyá; para sa Diyos o laban sa Diyos. Isaalang-alang maigi ang iyong desisyong ito sapagkat ito'y magtatakda ng iyong buhay sa lupa at sa kawalang-hanggan. Nag-aalok ang Diyos sa iyo ng pagkakataong mamuhay kasama Siya. Ngayon ay maaari kang magdesisyon na wakasan ang iyong desperasyon. Ipanalangin mo na tulungan ka ng Diyos sa kahinaan mo, buksan ang iyong mga mata, ituro ang tamang daan patungo sa Kanya sa pamamagitan ni Hesus.
Kung gusto mo ng tulong, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa help-me@ezbb.org o sa pamamagitan ng link sa ibaba. Hindi ka nag-iisa, may mga taong gustong tumulong sa iyo. Anuman ang nararamdaman mo sa mga bagay-bagay. Kahit na hindi ka sumasang-ayon sa mga nakasulat sa itaas.
Mga Depinisyon
Ang Macumba ay isang demonyong ritwal kung saan ang pagkain, inumin at karne ay iniaalay sa mga espiritu (demonyo) upang sumpain (minsa'y sa kamatayan) ng isang tao. Ang pag-aari ng biktima (halimbawa: pananamit) o larawan ay naroroon sa ritwal. Kung minsan ay umaabot pa na ang dugo ng tao ang inialay; maaaring isang bata ang pinapatay at isinakripisyo.
Macumba sakripisyo at larawan ng taong sinumpa
Si Hitler, isang diktador na may kapangyarihan sa Alemanya mula 1939-1945. Gusto niyang bumuo ng mataas-na-lahi, maraming Mongol at Hudyo (humigit-kumulang 6 na milyon) ang napatay sa mga gas chamber ng mga kampong konsentrasyon.
Nazist, isang tagasuporta ni Hitler. Inaresto ng mga Nazi ang mga tao, dinala sila sa mga kampong piitan, pinahirapan ang mga bilanggo at nagsagawa ng kakila-kilabot na mga eksperimento upang magparami ng isang mataas-na-lahi.
Ang pasismo ay isang matinding anyo ng nasyonalismo, laban sa parlyamentaryo na pamumuno, anti-demokratiko na likhâng-isip ni Benito Mussolini sa Italya noong 1922 hanggang 1943. Ito ay sistema kung saan ipinapataw ng pinuno ang kanyang kalooban sa lahat ng kanyang nasasakupan.
Swastika, ang simbolo ng mga Nazi.