Ang Diyos ay kaalaman  

Magandang Balita

Mga Sagot sa mga Madalas Itanong ng (di)Mananampalataya

Madalas Itanong na Katanungan
Madalas Itanong na Katanungan

Namumuhay ako ng mabuti bilang karaniwang tao. Hindi ako makasalanan.

Lahat ng tao ay nakapagsinungaling na para sa "kabutihan", at kadalasan hindi natin masyadong iniisip ang ibang tao. Nakikita ng Diyos ang puso ng tao. Sinasabi ng Bibliya; Dapat mong paglingkuran ang Diyos, na naninirahan sa langit, at ibigin Siya nang buong puso, isip at espiritu. Iyan ang pinakamahalagang utos ng Diyos. Kung nabigo ka sa paggawa nito, ikaw ay awtomátikóng isang makasalanan para sa Diyos. Ibig sabihin, nabubuhay ka nang hiwalay sa Diyos. Hindi lang ngayon, KUNDI maging pagkatapos ng iyong buhay. Dahil ang Bibliya (Ang Salita ng Diyos) ay nagsasabi na pagkatapos ng iyong kamatayan, dalawang bagay ang posibleng kahinatnan mo. Maaaring patuloy na mananatiling hiwalay ka sa Diyos at mararanasan ang kaparusahan sa kasalanan (mapupunta ka sa lawa ng apoy), o ika'y mabubuhay kapiling ang Diyos sa Kanyang kaharian sa langit.
Ang tanging paraan upang mamuhay kasama ang Diyos ay maunawaan at aminin na ikaw ay isang makasalanan na kailangan mong hingan ng tawad sa Diyos, at maniwala (tanggapin) kay Hesukristo - ang Anak ng Diyos - na nagbayad sa kaparusahan ng iyong mga kasalanan sa Kanyang pagkamatay sa Krus ng Kalbaryo.

Nais mong tanggapin si Hesukristo bilang iyong sariling Tagapagligtas. Paano ko ito gagawin?

Maaari kang lumuhod at yumuko. Pagkatapos ay ipanalangin mo:

Panginoong Hesukristo, mangyaring tulungan mo ako. Inaamin ko na ako ay makasalanan at hindi ko kayang makipagkasundo sa Iyo. Tinatanggap ko na Ikaw ay namatay para sa aking mga kasalanan sa Krus ng Kalbaryo, at hinihiling ko sa Iyo na linisin ako sa pamamagitan ng iyong dugo.

Nais kong hilingin sa Iyo, Panginoong Hesukristo, na pumasok sa aking buhay bilang Panginoon at turuan akong mas makilala Ka at maunawaan ang Iyong Banal na Salita. Mangyaring ituro po sa akin ang tamang daan, ihatid ako sa mga taong magaakay at tutulong sa aking maging mabuting alagad Ninyo.

Salamat sa Inyong nais na pumasok sa aking buhay. AMEN.

Dinasal mo ba ang panalanging ito? Ano na ang mangyayari ngayon?

Sa habag at grasya ng Panginoong Diyos, ang Kanyang Banal na Espiritu ay mananahan sa taong ipinanganak-muli bilang Kanyang templo (Roma 8:9). Maraming nakakaranas ng malaking kaligayahan at kaginhawaan. Minsan naman wala.
Sa ibang panahon, maaari mo mapansin na hindi ka sigurado sa mga bagay-bagay. Kaya't mainam na makahanap ka ng isang Kristiyano (ebanghelikal) na simbahan na puwede mong aniban para maging espirituwal mong tahanan kung saan maaaring lumago ka sa iyong pananampalataya kay Hesus. Hingin mo sa Diyos na gabayan ka sa iyong paghahanap upang matagpuan mo ang simbahang nais Niyang samahan mo, kung saan ang Salita ng Diyos ang pamantayan at ipinangangaral, at ang mga tao'y handang samahan at alalayan ka sa iyong paglalakbay Kristiyano.
Kung sakaling hindi mo mahanap ang tamang simbahan para sa iyo, o kung kailangan mo ng tulong sa paghahanap, huwag mag-atubiling magpadala ng email sa EZBB info@ezbb.org.

Ang Diyos ay pag-ibig, sabi ng mga tao. Gayunpaman, totoo ba iyon?

Oo. Pero sa kasamaang palad ay nabubuhay tayo sa isang mundo ng karahasan at kasamaan. Ang tanging paraan upang malaman at maranasan ang pag-ibig ng Diyos ay sumangguni sa Bibliya. Sa Juan 3:16 ay sinulat; "Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang ANAK, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak [parusahan ng Diyos], kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan [sa piling ng Diyos]."

Iniutos ng Diyos na ibigin Siya nang buong puso, kaluluwa at lakas, at ibigin ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Gayundin mula sa simula (sa paglikha), itinalaga ng Diyos ang tao upang maghari sa mundo. Sa katotohanang ito, ang tao ay may pananagutan para sa lupa at lahat ng nabubuhay sa mundo (relasyon sa mga nilalang, hayop, kagubatan, kapaligiran, atbp.). Minsan ang mga tao ay nagpapatayan, ngunit iyon ay PANANAGUTAN ng tao. Sinabi ng Diyos na mahalin natin ang isa't isa gaya ng ating sarili, alagaan ang isa't isa. Nangangahulugan din iyon na pangalagaan ang mga taong dumaranas ng kahirapan. Ang mga hari, pangulo, gobernador, pulitiko, hukom, lahat sila ay may pananagutan itaguyod ang kapakanan ng kanilang mga nasasakupan, lalo na ang mga maralita. Gayunpaman, ikaw din ay may obligasyon, kailangan mong labanan ang kasamaan, tulungan ang mga nangangailangan, pangalagaan ang kapaligiran, iboto ang mga pulitikong may takot sa Diyos.

Nakikita rin ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng gawain ng mga misyonero.
Kadalasan sinusubukan nilang tulungan ang mga tao na nasa mahihirap na lugar sa pamamagitan ng tulong medikal, edukasyon at pagkain. Sa ganitong paraan, ipinakikita nila ang pag-ibig ng Diyos at sa pamamagitan ng suporta ng simbahan (pananalapi at panalangin), natutugunan ang pangangailangan ng mga misyonero at ng mga taong kanilang inaabot.

Bakit hindi nakikialam ang Diyos?

Sa huli, ang Diyos ay makikialam at iyon ay mangyayari sa panahong Kanyang itinakda, isang senyales dito ay ang pagkakaroon ng estado ng Israel. Sa wakas, isang malaking digmaan ang magaganap sa pagitan ng mga bansa at ng Diyos, na inilarawan sa Bibliya, sa aklat na Pahayag. Bawat tao ay mananagot sa paraan ng kanyang pamumuhay sa harap ng Diyos. Bawat tao ay may kalalagyan pagkatapos ng kamatayan; sa lawa ng apoy o sa langit. Ang lahat, mayaman o mahirap, makapangyarihan o dukha, ang buong sangkatauhan ay haharap sa paghuhukom ng Maylikha. Tanging ang mga tumatanggap kay Hesukristo bilang kanilang Tagapagligtas ang magkakamit ng buhay na walang hanggan kasama ang Diyos, ngunit haharap pa rin sa husgado ni Kristo (2 Corinto 5:10, Roma 14:10).

Ako ay nagdarasal, ngunit hindi ko nararanasan o halos walang anumang katuparan ng panalangin. Makatuwiran pa bang manalangin?

Ang Panginoon ay isang soberanong Diyos. Ang lahat ng natatanggap natin mula sa Diyos ay purong biyaya. Ang Bibliya ay nagbibigay ng ilang patnubay kaugnay sa kung paano manalangin at mga ganap na panalangin (tingnan ang Pag-aaral ng Bibliya Panalangin). Ito ang sinasabi ng Bibliya:

Makatuwiran bang manalangin para sa pagpapagaling?

Oo, palagi. Kalooban ng Diyos sa mananampalataya na hanapin Siya sa panalangin upang hingin ang kagalingan. Gayunpaman, kayang pagalingin ng Diyos ang bawat indibidwal sa Kanyang sariling paraan, sa pamamagitan ng mga doktor o ng himala. Pinagagaling ba ng Diyos ang lahat? HINDI.
Habang si Hesus ay nasa lupa, hindi Niya pinagaling ang lahat. Minsan sinusubokan ng Diyos ang ating pananampalataya sa Kanya. Alam din ng Diyos kung ano ang pinakamabuti para sa taong may karamdaman. Palaging may dahilan ang Diyos sa pagkakaroon ng sakit. Ang sakit ay maaaring resulta ng kasalanan. Kung ganoon, ang layunin ay iwasto ang mananampalataya, magsisi aminin ang kasalanan at manumbalik sa Ama.
May mga kaso kung saan ang Diyos ay gumagamit ng karamdaman o kapansanan upang luwalhatiin ang Kanyang Pangalan (Juan 9:3), isipin sina Lazaro at Joni Eareckson Tada.
Oo, sa ganitong mga kaso, mahirap matukoy kung paano manalangin. Tayong mga tao, ay ayaw mawalan ng minamahal. Sa lahat ng oras, kapaki-pakinabang ang manalangin ngunit sa pagkilala ng kapangyarihan ng Diyos, maging mapagkumbabang idagdag sa dasal ang "Ang Iyong Kalooban ang Siya nawa mangyayari". Sa aking palagay, laging ipagdasal ang kagalingan at HINDI para lang magpatuloy ang buhay. Sa kasamaang-palad nangyayari na ang isa'y mapilit na nagdarasal na ang tao ay patuloy na mabuhay, nang hindi nagdaragdag ng "maganap ang Iyong kalooban". Minsan hinahayaan ng Diyos at ang taong may malubhang sakit ay patuloy na nabubuhay ngunit hindi gumagaling, pagkatapos ay nagsisisi na ang ipinagdasal na maysakit ay nanatiling buhay. Alam ng Diyos kung kailan mas mabuting mamatay ang maysakit.
Huwag kalimutan na ang sakit at kamatayan ay bunga ng pagkahulog (kasalanan) ng sangkatauhan. Ang bawat tao ay mamamatay at iiwan ang katawan sa lupa. Sa isang mananampalataya na tinuturing na panandalian lamang ang buhay sa mundo at nakatuon siya sa buhay na walang hanggan kasama si Hesus kung saan walang karamdaman at pagdurusa, para sa kanya ang dumaan sa karamdaman ay isang paalala na ang ngayon ay saglit lamang at ang mas mahalaga ay ang nagaabang sa kanya pagkatawid ng kamatayan. Ngunit sa mga taong walang Diyos, ang kanyang pagdurusa ay mas malala na hahantong sa impiyerno.

Ang pagbibigay ng ikapu ay isang obligasyon?

Hindi. Ngunit para na sa institusyon ng Torah, ang mga mananampalataya sa Lumang Tipan, tulad ni Abraham, ay nagbigay ng kanilang ikasampu. Gayunpaman, ang ikapu ay higit sa ikasampung bahagi. Mayroong iba't ibang bagay (kabilang ang kapanganakan ng unang anak) na pinapatawan ng singil sa Torah, kaya ayon sa ilang mga kalkulasyon ang kabuuang ay lumabas na 33%.
Iniibig ng Diyos ang nagbibigay nang may kagalakan (2 Corinto 9:7). Ang ikasampu at mga handog ay lubhang kailangan mula sa kontemporaryong Kristiyano. Bakit?

Gusto mo bang malaman ang higit pa tungkol sa ikapu, Tignan ang ang Pag-aaral ng Bibliya tungkol sa pagbibigay ng Ikapu.

Sigurado ka ba sa iyong kaligtasan?

Ang sarili kong palagay ay may mga nakasulat sa Bibliya na tila sumasalungat sa isa't isa, subalit maraming mga teologo ang nagsasabi na ang Bibliya ay hindi maaaring sumalungat sa sarili nito. Kaya't dito ay ihahain ang mga teksto sa Bibliya na patungkol sa kaligtasan at hayaan kang gumawa ng sarili mong konklusyon kung tama o hindi ang komentong ito.

OO

  1. Juan 3:18; "Hindi hinahatulan ng parusa ang sumasampalataya sa Anak [Hesukristo]."
  2. Pagkatapos tanggapin ng tao si Kristo bilang kanyang Tagapagligtas, ang Espiritu Santo ay agad na naninirahan sa kanya (1 Corinto 6:19), na Siyang ibinigay bilang garantiya sa kanya (Efeso 1:13-14).
  3. Basahin ang 1 Corinto 3:11-15. Sinasabi ng talata 15; "Ngunit kung masunog naman, mawawalan siya ng gantimpala. Gayunman, maliligtas siya, kaya lang ay para siyang nagdaan sa apoy."

Ang mga talatang ito ay nagpapatunay na ang iyong kaligtasan ay garantisado, di-nawawala at walang-hanggan.

HINDI

  1. Juan 3:36; "Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan. Ngunit ang hindi sumusunod sa Anak ay hindi magkakaroon ng buhay. Sa halip, mananatili sa kanya ang poot ng Diyos."
  2. Mateo 25:1-13; Ang kuwento ng mga birhen na pupunta sa kasalan. Ang mga hangal na dalaga na ang mga lampara ay nauubusan ng langis (hindi na sila puspos ng Banal na Espiritu?), PINAGSARADUHAN sila ng pintuan sa kasalan.
  3. Lucas 13:26-28; Ang mga taong nagsabing; "Kumain po kami at uminom na kasalo ninyo, at nagturo pa kayo sa aming mga lansangan." ay sinagot ng Panginoon ng; "Hindi ko kayo kilala! Lumayo kayo sa akin, kayong lahat na gumagawa ng kasamaan!"
  4. Mateo 7:21-23; Marami ang magsasabi kay Hesus sa Araw ng Paghuhukom na; "sa ngalan nʼyo ay nagpahayag kami ng inyong salita, nagpalayas ng masasamang espiritu at gumawa ng maraming himala". Ngunit ang tugon ng Panginoon sa kanila ay tulad ng sa Lucas 13; "Hindi ko kayo kilala! Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng masama!"

Ito'y tila salungat sa mga talata ng "Oo". O kaya'y ang mga talatang ito ay patungkol sa mga taong sa bibig lamang Kristiyano pero walang mapakitang katibayan (bunga) na sila nga ay mga tunay na alagad ni Kristo. Hindi nakita si Hesus sa kanilang pamumuhay. Maaari ding ito ang mga taong naniwala kay Hesukristo pero mga walang tunay sa relasyon sa Kanya, kaya sinabihan silang hindi ko kayo kilala. Tignan ang mga halimbawa sa Juan 2:23-25, 6:15,26,66 ng mga disipulong hindi tutoo ang kanilang pagsunod sa Panginoong Hesus.
Basahin din ang Mateo 13:18-23. Ang isa ay tinanggap nang may kagalakan ang mensahe at sa pagdating ng mga kapighatian at pagsubok dahil sa mensahe, agad siyang tumatalikod. Bakit kaya? Dahil kaya ang tunay na kaligtasan ay ang pagtanggap sa mensahe ng ebanghelyo nang may "pananampalataya", at hindi tanggapin lamang ito nang may kagalakan (emosyonal).
Ito ay nangangahulugan na bukod sa iyong pananalig kay Hesukristo, dapat kang mamuhay nang masunurin sa Kanya (kaya nga Panginoon Siya) bilang katibayan na tunay ka ngang ipinanganak-muli at tagapagmana ng langit (Juan 3:36).
Sa anumang kaso, hayaan itong maging seryosong babala! Seryosohin ang iyong pananampalataya sa Panginoong Hesukristo at iwanan ang makamundong buhay at magpatuloy sa paglakbay bilang isang alagad ni Hesus na ginagabayan ng Banal na Espiritu.

Kung mayroon kang tanong, ipadala ang iyong katanungan sa question@ezbb.org.

Mga sagot na may video: